Share

Chapter 18: Site Visit

Gabi na nang magising ako. Bukas na rin ang dim light ng silid ko na sure akong gawa ito ng maid. Matapos na maghilamos ay piniling lumabas na. Umaalboroto na naman ang patay-gutom kong mga bituka. Wala talaga silang kabusugan, aba!

“Pahanda na ng dinner.” anunsyo ko pagkapasok ng kusina, hindi pa naman iyon late pero hindi kasi sila naghahain kapag walang kakain nito.

Agad na sumunod ang maid na nakarinig sa akin.

“Wala si Chaeus?” pormal na tanong ko habang kumukuha ng pagkain upang ilagay na sa plato.

“Umalis after lunch. Ang sabi sa amin ay sabihin sa'yo na may lalakarin siya kapag hinanap mo.”

Tumango lang ako. Ano pa bang comment ko? Alangan namang itanong ko kung nasaan na ito?

“Okay.”

Matapos kumain ay saglit akong tumambay sa sala. Panay ang sulyap ko sa main door. Hindi ko man aminin pero hinihintay ko si Chaeus umuwi. Nang mapansing lumalalim na ang gabi ay tumayo na ako upang magtungo na sa silid. Dahil siguro sa pagod ako at kulang din sa tulog ay hindi naglaon at muli a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status