Naalimpungatan ako nang maramdaman na parang may mga matang nakatitig sa akin. Kinailangan ko pang ilang beses na ibukas-sara ang mga mata para lang luminaw iyon pero muling bumagsak dala ng sobra kong antok. Tuluyan akong nahimasmasan ng maramdaman ang banayad na haplos sa aking inaantok na mukha ng mainit, malambot at malapad palad. “B-Bakit?” parang mapupunit ang lalamunan sa sakit na tanong ko, dama ko ang panunuyo nito. Ang Tukmol ang tumambad ng idilat ko ang mata.Sinabi ko bang pumunta siya dito sa kwarto ko? Ganunpaman ay hindi na ako nag-react. Nakaupo ito sa gilid ng kama ko, matamang nakatunghay. Mapungay na ang mga mata na halatang pagod. Sa hula ko ay ilang beses niyang sinalat ang noo ko. Tinitingnan yata kung mayroong lagnat. Inirapan ko siya. Iyon ang initial na reaction ko. Gumalaw ako at bumaling na sa kabilang pwesto.“Kumusta na ang pakiramdam mo? Kinakabag ka pa rin ba? Ininom mo ba ang gamot kanina?” sunod-sunod niyang tanong, puno ng pag-aalala.“Hmmn...”“An
Bagama't nagulat ay hindi ako nagpakita ng kahit na anong reaction. Iisipin niya lang na okay lamang sa akin ang lahat kahit na hindi. Walang imik na lumulan ako sa front seat na parang normal na araw lang iyon. Ni hindi ako bumati ng good morning pabalik, hindi rin ako nagtanong kung nasaan ang driver. Higit sa lahat ay bakit siya ngayon ang maghahatid? Niknik niya, hinding-hindi ko siya kakausapin. Akala niya okay kami? Manigas siya diyan kakaisip kung bakit malamig na naman ako.Dama ko ang mainit na paninitig niya habang tinitingnan akong nagkakabit ng seatbelt. Sa asta niya ay halatang marami pa sana siyang sabihin ngunit dahil sa pananahimik ko kaya pinili na lamang niyang huwag na ‘ring magsalita pa.“Ingat ka, Hilary.” usal niya matapos na iparada ang sasakyan sa harap ng gate, nagawa kong hindi siya kausapin buong biyahe.Nagawa ko ng makababa ng kotse at papasok na sana ng gate nang buksan niya ang bintana at magpahabol pa sa akin ng mahabang litanya. “See you later, Hilar
Tumawa lang ang dalawa sa ginawa ko. Ini-scroll ko iyon pababa. Umaasa na may makikita akong tag pictures or post man lang sa fiancee niya. Halata na hindi sila sweet online ah. Wala man lang akong makita kahit na isa. Iyong tipong kahit sweet greetings man lang kapag may importanteng okasyon sa relasyon nila o mga holiday greetings. As in wala ni isa. Sabi nga nila kapag ganun daw ang guy na sobrang showy at clingy sa timeline mo ay sobrang mahal na mahal ka, meaning hindi siya mahal ni Tukmol? Eh bakit siya pakakasalan kung hindi siya nito mahal?“Ano? Nakita mo na?” bahagyang silip ni Josefa sa ginagawa ko, umiling ako. Puzzled pa rin kung bakit wala akong mahanap ni isang post niya.“Hindi pa. Wait lang. Maghintay kayo!” iritable na ang tono ng boses ko, lalabas pa yata akong sinungaling dahil lang hindi ko mapatunayan.“Baka naman wala talaga siyang fiancee, Hilary? Gino-good time mo lang kami ni Josefa para maasar or magselos or tantanan namin siya?” lantarang akusasyon ni Shanae
Bagay na hindi ko dapat sinabi sa dalawang gaga dahil hanggang uwian ay kung anu-anong basura ang nabubuo sa kanilang isipan. Nauulol sila sa kakaisip ng mga posibleng gawin kay Lailani. Nandiyan ang ipapa-kidnap daw nila si Lailani at pakakawalan kapag na-fall na sa isa sa kanila si Chaeus para safe na raw ang maganda nitong genes. Nang tahasang sabihin nila iyon sa amin ay halos mautas kami ni Glyzel sa kakatawa. Baliw na baliw na talaga ang dalawang gaga.“Bakit? Pwede naman iyon. Lahat ay posible sa taong nagmamahal, Hilary.” si Shanael na proud na proud pang sabihin iyon sa akin, shunga lang!“Ang tanong ay mamahalin ba kayo ni Chaeus? Baka mamaya si Lailani pa rin ang gusto noon hanggang dulo. Sayang naman ang effort niyo.” patol ko sa kanila, isa rin yata akong baliw eh. “Huwag ka ngang nega Hilary! Panira ka naman sa imagination namin ni Shanael.” si Josefa na halatang dalang-dala na rin sa kalokohan nila.“Hindi ako nega. Sinasabi ko lang ang possibility para hindi naman kayo
Nadala hanggang dinner ang pagka-badtrip ko. After kasi ni Shanael, si Josefa naman ang tumawag. Nakwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Ultimong ang sagutan namin ni Lailani at ang pag-iinarte niyang ipinakita sa akin. Sa kanilang tatlo ni Glyzel at Shanael, kay Josefa lang ako kampanteng mag-open ng lahat. Siguro ay dahil bestfriend ko siya, matagal na kilala kaya mas tiwala ako. Hindi naman sa wala akong tiwala sa dalawa, safe kung sasabihin kong mas comfortable akong sabihin lahat kay Josefa.“Nakakawala talaga siya ng mood, Josefa. As in. Kung pwede lang manakit. Baka nasaktan ko na. Gutom pala siya tapos sasama-sama. Sana iyong binuntot niya ikinain na lang niya nabusog pa siya hindi ba? Paladesisyon ang dalawang iyon!”“Hoy gagi, pabayaan mo na siya. Baka mamaya ay iniisip mo siya nang iniisip. Wag Girl. Masyado tayong maganda para lang e-stress ni Lailani. Tanggalin mo na siya sa isip mo. Sige ka, baka mamaya hanggang panaginip buwisitin ka niya.”“Subukan lang niya. Isusum
Hindi ko namamalayan ay nasanay na rin ako sa presensiya ni Chaeus. Hindi na iyon big deal sa akin. At magmula ng panay ang tambay namin sa bahay ay nabawasan na rin ang pagiging mainitin ko ng ulo. Minsan din kapag umuuwi si Tukmol ng Sunday galing sa kung saan ay may pasalubong pa siyang pagkain sa amin. Kaya naman ang mga haliparot na kaibigan ay tuwang-tuwa at wiling-wili na gawing hideout ang bahay namin.“Sana palagi na lang ganito.” hiling ni Shanael na akala mo ay napanalunan na ang puso ni Chaeus. “Di mo sure, baka sa una lang iyan.” basag ko sa kasiyahan niya, pabiro niya akong binato ng buto ng manok na naubos na niyang papakin.“Panira ka talaga ng moment, Hilary!”Mula rin noon ay napansin ko ang naging ugali ni Tukmol na sunduin ako sa school at ihatid kapag may pagkakataon and I don't mind that. Ni hindi ako nagtatanong sa kanya kung nasaan ang driver namin. Kahit hindi ko kasama ang mga kaibigan ay ayos lang. Pakiramdam ko nga ay bumabawi siya sa akin dahil sa mga naka
Maaga pa lang ay umalis na kami ng bahay ni Chaeus. Nanunuot pa ang lamig sa aming buto ng mga sandaling iyon kahit balot kami ng jacket. Hindi maitago ang excitement sa mga mata ko. First time kong makakarating sa pupuntahan namin. Feeling ko tuloy ay para akong bumalik sa pagkabata at ang trip na ito ay bahagi ng field trip ng school. Buong biyahe ay na-enjoy ko ang tanawin bagama't madilim pa iyon at wala akong gaanong makita. Sapat na sa akin ang malabong langit na nagbabadya na ang panibagong umaga. Sabayan pa ng mga iba't-ibang kulay ng ilaw. May iilang mga tao na rin kaming nadadaanan. Hindi traffic kung kaya mabilis kaming nakarating.“Isuot mo ito, Hilary. Masyadong malamig pa at mahamog ang dadaanan natin at baka kapitan ka ng sakit.” abot sa akin ni Chaeus ng earmuffs na yari sa malambot na tela, panlaban sa lamig.Malapad ang ngiting tinanggap ko iyon. Isinunod niyang ibigay sa akin ay ang walking stick. Sa halip na magreklamo ay tinanggap ko na lang ito. Hindi siya magdada
Panay ang hugot ko ng buntong-hininga at ikot ng mga mata habang naghihintay kami sa may gate ng arrival. Ilang minuto na kami dito pero ni anino ni Lailani ay hindi pa lumalabas. Gutom na gutom na rin ako. Paano ba naman ay inuna pa naming sunduin siya bago kami mag-almusal. “Mamaya na lang tayo kumain. Baka kanina pa siya sa atin naghihintay.” ani Chaeus sa akin. Gusto kong umapela at magreklamo. Kahit sana burger lang, pantapal sa malapit ng mabutas kong bituka. Pero mas inuna pa niyang bilhan ang Lailani na iyon ng bouquet keysa sa pagkain ko. Sa sunod ay hindi na talaga ako sasama sa kanya! Pakatatandaan ko ang araw na ito.“Ano pa bang ginagawa ng babaeng iyon sa loob? Sabi niya kanina pa siya nakalapag? Bakit hindi pa siya lumabas? Masyadong pa-importante!” himutok kong hindi na mapakali sa inuupuan ko.Naaalibadbaran ang mukhang napahilamos na rin ako ng palad sa mukha. Nasa backseat na ako. Kanina ay nasa shotgun seat ako pero pinalipat na ako ni Chaeus dito bago pa ito luma