Share

Kabanata 007

Penulis: twinkle star
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-22 19:55:25

ANNE POV

Gulat na gulat ako sa bilis ng pangyayari. Sa isang iglap tila nagbago ang aking kapalaran . Kahapon lang ay nag-aalala ako kung saan ako titira pagkatapos ng lahat ng kaguluhang ito, wala na akong balak na bumalik pa sa unit ng mga magulang ko, pero ngayon?..., kapit ko sa kamay ko ang titulo ng unit at lupa na nakapangalan sa akin. Kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Hindi ko inaasahang ang tiyuhin pa ni Vince ang makakapagbigay sa akin ng ganitong klaseng pakiramdam na ligtas ako. Naiinis ako dahil dun , bilang pasasalamat ay malumanay kong sinabi “Huwag kang mag-alala Hector, aalagan kita ng maayos.”

“Okay” gumuhit ang nakakabighaning ngiti sa labi ni Hector. Itinulak ko ang wheelchair ni Hector papasok sa loob ng munisipyo. At sa tulong ni Renz mabilis naming nakuha ang aming marriage certificate. Medyo nahihilo pa ako kaya hindi ko na pinansin ang kakaibang pag ngiti ng lalaking kumukuha ng picture namin ni Hector bilang katibayan sa aming kasal. Pagkakuha namin ng Marriage certificate ay agad itong hinablot ni Hector sa kamay ko, hindi ko man lang niya nakita ang anumang detalye tungkol sa aming kasal.

“Si Renz na ang bahalang magtabi ng Certificate natin, kakailanganin din iyan para sa pag-papabago ng mga dokumento mo. Kailangan ma update ang status mo sa system. Sasamahan na muna kitang bumalik sa unit niyo para kuhain ang mga importanteng gamit na kailangan mo.” Seryosong sabi ni Hector, pero alam ni Hector sa puso niya na hindi totoo ang sinasabi niya. Pinatabi niya lang  kay Renz ang dokumento dahil ayaw niyang maisipan ni Anne ang magpa-annul sa kaniya. Sa isip niya ay hindi siya papayag na mangyari yun.

Tumango lang ako sa kaniya “okay”.

Mabilis lang kaming nakarating sa unit nila Mama. Pagdating namin sa tapat ng pintuan ay hindi ko na pinasama ni Anne si Hector sa akin.

“Babalik din ako kagaad, saglit lang ako.” sabi ko sa kaniya

“Okay walang problema.” sagot ni Hectir sa akin ng buong galang.

Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko sila Mama na nakaupo sa sofa at naghihintay sakin. “Ma, Pa. Kukuhain ko lang po ang ilang gamit ko.” Pagkasabi ko ay agad akong tumalikod.

“Huminto ka Anne!” malakas na sigaw ni Papa. Mabilis itong tumayo at pinigilan ako sa pag-akyat. Huminto naman ako kaagad ngunit bago ako nakapag react ay walang habas na sumugod si Mama sa akin at malakas niya akong sinampal. Sa isang iglap umalingawngaw ang malakas na pagsigaw nito sa buong unit “Napakalandi mo! Talagang ginapang mo ang tiyuhin ni Vince? Napawalanghiya mo! Ngayon pano pa makakasal si Elaine kay Vince?”

“Pakshit” bulong ko sa sarili ko. All this time. Hindi ako makapaniwalang gusto nilang sirain ang buhay na mayroon ako para sa interes ng kapatid ko. Kahit na alam kong gustong ipakasal nila Mama si Elaine kay Vince ay di ko pa rin maiwasang hindi masaktan. Habang iniisip ko iyon , lalo kong nararamdaman ang pagka-argabyado ko sa mga nangyari kaya alam kong kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko.

“Hindi ko ginapang ang tiyuhin ni Vince. Ma, Pa…biktima din ako sa nangyari!”

“Biktima? Anong biktima?”

Galit na galit sa akin si Mama “kahit ang manok pag ang palay na ang lumapit, hindi maaring hindi tutuka. Hindi pa nga kayo kasal ni Hector pero titira ka na sa unit niya? Pano ka igagalang ng iba kung ang sarili mo hindi mo kayang igalang?”

“Hanggang ngayon hindi niyo pa rin alam ang totoong dahilan kung bakit ako titira sa ibang unit?” tumingin ako kay Mama ng mas matalim, nararamdaman ko na ang pagbagsak ng aking luha, ang tono ko ay mas matatag. Pilit kong tinignan ang mukha ni Mama dahil gusto kong makita kung kahit papano ay na-gu-guilty sila sa pagiging unfair nila pero sa kasamaang palad ay mukhang wala silang pakielam sa akin. Sa puntong ito ay umabot na ako ng hangganan! Tapos na ang oras ng walang katapusang pagpapahiya sa nila sa akin! Wala na ang dating Anne na anak nila na basta na lang hahayaan ang kung anong gusto nilang sabihin , subalita ang matatalim kong tingin ang lalong nakapag painit ng ulo ni Mama.

“Ano yang tingin mong yan? Bakit sa tingin mo ba tama ang ginawa mo? Nagmamayabang ka? Sinira mo ang magandang samahan ng pamilya natin sa pamilya Valderama at ngayon kailangan namin linisin ang kalat na ginawa mo!”

Muling itinaas ni Mama ang kaniyang kamay pero sa pagkakataong ito ay agad kong hinawakan ang kamay ni Mama at matapang kong sinabi “Nandiyan si Hector sa labas, sigurado ka bang gusto mo kong sampalin ulit ng hindi napapansin ang bakat nito sa mukha ko?” Nang marinig ni Mama ang pangalan ni Hector ay galit niyang binawi ang kaniyang kamay sa akin, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Agad na akong umakyat sa aking kwarto at kinuha ang mangilan ngilang kong gamit. Walang lingon akong nag-impake sa aking maleta. Iniwan ko ang lahat ng mga pinaglumaang gamit na binigay sakin ni Elain. Tanging mga importanteng dokumento at mga prioriting gamit lang ang aking kinuha.

Pagkababang-pagkababa ko ay narinig ko ang galit na sigaw ni Papa

“P*****a kang bata ka! Sige sabihin na nating nagpakasal ka. Pero napakatanga mo talaga at nagpakasal ka sa isang imbalid. Anong silbi niyan sa buhay mo? Tatanungin kita. Nasaan na ang niregalo sayo ng lalaking iyon?”

Sa pagkakasabing iyon ni Papa ay biglang pumasok sa loob ng unit si Hector habang tulak tulak ni Renz.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
andrea mae
Ang ganda nito ang sarap subaybayan
goodnovel comment avatar
Roxxy Nakpil
Parang maganda to aah
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 522

    Napabuntong-hininga si Don Antonio, hindi siya makasagot. Kaya isinama na ni Hector si Rachel at kinontak si Drew. Samantala, sa hotel room. Pinupunasan ni Drew ang luha niya gamit ang tissue, gamit ang namumula at matabang mga daliri. "Wow, ang galing niya..." "Wow, ilang taon siyang naghukay ng ligaw na gulay..." Anne: ... "Pero ngayon, trending ang meme tungkol sa paghuhukay ng ligaw na gulay. Gusto mo ba malaman pa?" Kinuha ni Drew ang cellphone niya gamit ang pulang kamay, pinindot ang isang button, at sabay sigaw: "Aahh!" Anne: ... Pagkatapos basahin ang paliwanag tungkol sa meme, tumingin si Drew kay Anne na parang lutang: "Ano ang ibig sabihin ng ‘love brain’?" **"Love brain ay yung iniisip mo na ang pag-ibig ang pinakamahalagang bagay sa lahat. Pero sa totoo lang, marami pa tayong puwedeng maranasan sa mundo. Tulad ng pagbibiyahe, pagpupursige sa career, pakikipagkuwentuhan at pag-inom ng tsaa kasama ang mga kaibigan... Kapag sobra ang foc

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 521

    "Kung gano’n, wala ka nang pera. Paano mo planong dalhin si Rachel sa abroad?" "Iniwanan ako ni Papa ng insurance money." "Ah." Tumango si Anne. "Kaya pala may pera ka para planuhin ‘tong lahat. Sa totoo lang, matalino ka rin—nagawa mo akong dukutin kahit nasa ilalim ng ilong ni Hector." "Talaga?" Napangiti si Drew, tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Eh paano mo naman nakilala ang pangalawang kuya ko?" tanong ni Anne. "Hindi ko kilala ang pangalawang kuya mo. Pero may nakilala akong importanteng tao! Nang mawala si Papa, sobrang lungkot ko, kaya nagpunta ako sa bar para uminom. Hindi ko inaasahan, narinig ko si Euleen at ang mga kaibigan niya—pinag-uusapan nila na kasal ka na raw kay Hector at buntis na ang babae nito!" "Noong araw din na ‘yon, may mga nakilala akong kaibigan. Kinuwento ko sa kanila ang love story namin ni Rachel, lalo na ‘yung dalawang taon na sinundan ko siya abroad—naiyak sila sa kilig!" Anne: ... Sigurado ka bang hindi sila naiyak dahi

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 520

    Tumaas ang kilay ni Anne nang marinig ang pamilyar na boses. Nahanap na agad nila ang kidnapper niya? Ayos ah. Ang galing ng asawa ko~ Medyo na-excite si Drew nang marinig ang boses ni Hector. "Ano'ng gusto kong gawin? Gusto kong ilayo si Rachel! Gusto ko siyang ilabas mula sa dagat ng paghihirap! Gusto ko siyang isama palayo! Gusto kong protektahan ang dakila naming pag-ibig!" Nanindig ang balahibo ni Anne sa narinig. Hindi niya inakala na sobrang busilak ang pagmamahal niyo para kay Rachel. "Dakilang pag-ibig? Sinong nagsabi sa’yo niyan?" Yung mapanuyang tono ay agad nagpabalik ng alaala kay Drew—ganoon din ang tono ni Hector noong mga nakaraang taon, noong tinanong siya kung bakit niya inakalang kaya niyang protektahan si Rachel, o kaya niyang pasayahin ito. Biglang sumabog si Drew "Ang babae mo ang nagsabi! Mabait siya, hindi tulad mo na ubod ng sama. Hector, ang babaeng kagaya niya na napunta sa’yo? Para lang bulaklak na itinanim sa tae!" Na

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 519

    Naglakad-lakad si Hector, seryoso at tahimik. “Renz, ilang tao na ba ang may apelyidong Yang na nakaalitan ko?” Binuksan ni Renz ang notepad ng cellphone at tumingin. Nag-scroll siya nang ilang beses. “Hector, hindi ko pa natatapos. Medyo mahirap pong bilangin lahat.” Hector: … Grabe. Ganun kadami? Napakaraming apelyido sa mundo, bakit Yang pa?! Napahawak sa sentido si Hector, saka biglang may naisip: “Bilis! I-review n’yo lahat ng CCTV sa labas ng hotel. Tingnan kung may malalaking maleta—‘yung kasya ang tao!" Sa loob ng hotel room. Lumapit si Drew habang hawak ang isang matalim na patalim sa kanyang pulang, namamagang mga daliri. Dahil masakit ang kanyang daliri, napapahiyaw siya habang nagsasalita: "Ah~ Kahit ano pang sabihin mo ngayon, ah~ hiss~ hindi na ako maniniwala! Ako... ah~ hiss~ Kapag naniwala pa ulit ako sa’yo, sobrang tanga ko na talaga!” Nakangiti si Anne, kalmado habang nakaupo sa sofa, at may hitsura ng pagiging mapagkakatiwalaan.

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 518

    Nagkunwaring walang narinig si Anne at agad binago ang usapan: "Durugin mo lang ang mga halamang ‘yan at ipahid sa sugat." "Hmm," tugon ni Drew. Kumuha siya ng kalahati ng damo, dinurog ito, at ipinahid sa kanyang sugat. Makaraan ang isang oras, lalo pang namaga ang kanyang daliri. Para na itong martilyo, at bawat daliri ay parang pulang lobo na hinipan. "Aray~ Ang sakit~" Tinitigan niya si Anne ng masama. "Niloko mo ba ako?!" “Naku! Kumalat na ang lason—pero huli na ang lahat!” Nakaseryoso si Anne, pilit pinipigil ang pagtawa sa mga pulang daliring parang mga minartilyo ni Drew. Hindi pa rin siya makapaniwala. Nagawang lokohin ni Rachel ang isang lalaki ng ilang taon. Hindi siya papayag na hindi rin niya magawa iyon. “Anne, akala mo ba gano’n ako kadaling lokohin, ha?” Nagngangalit ang ngipin ni Drew habang bumunot ng patalim at dahan-dahang lumapit. “Ngayon, hindi na kita paniniwalaan! Kapag naniwala pa ulit ako sa’yo, aso na ako!” Samantala, sa kabilan

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 517

    Nag-isip sandali si Drew: "Mas tama siguro kung sabihing hubad mula baywang pataas si Hector at may suot na pantalon. Importante rin 'to! Magulo ang buhok ni Rachel at halatang... may nangyari." Napabuntong-hininga si Anne: "Pero hindi 'yan sapat para patunayang natulog sa kanya ang mahal mo." "Natulog nga! May ebidensya ako! Hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan ni Rachel sa ibang bansa nitong mga taon na 'to. Kasama niya ako sa lahat ng ‘yon. At saka..." Naputol si Drew, hindi itinuloy ang sasabihin. "Basta, natulog na rin kami. Privacy ‘yon ni Rachel kaya hindi ko pwedeng ikwento nang buo. Pero nasabi niya, pinapahalagahan niya ang pananatili ko sa tabi niya—pero sinasabi rin niyang hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal ko. Ipinahiwatig niyang may nangyari sa kanila ni Hector, kaya hindi raw siya karapat-dapat mahalin." Anne: (palihim na napailing) Ang tanga mo, alam ba ‘yan ng nanay mo?! Biglang tumindig si Drew, itinuro ang ilong ni A

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status