"Hector, totoo ang sinabi ko sayo. Gusto kong magka-in love-an tayo, at magkasama nang seryoso, tulad ng magkasintahan, mula sa pagiging estranghero hanggang sa magkaintindihan tayo. Gusto kong maranasan yung pakiramdam na pantay tayo. Ikaw si Hector, bilang si Hector na asawa ko at hindi tiyuhin ng ibang tao, at ako si Anne bilang si Anne na asawa mo at hindi kasintahan ng ibang tao. Mag-ipon tayo ng mga alaala, isang taon, dalawang taon, tatlong taon, sampung taon, kung okay lang sayo?" Inabot ako ni Hector at hinila para umupo sa kanyang kandungan, at sinabi nang mahinahon "Okay, pero, love, wala akong karanasan, kailangan mo akong turuan pa. Pero..." Hindi ko alam kung sinasadya ni Hector na biglang huminto at hinaplos ang kaniyang maiinit na labi sa gilid ng aking mukha "Pero... Pagdating sa pagkahulog, dapat ang lalaki ang mag-initiate. Maghintay ka lang, susuyuin kita."
View More7 YEARS AGO
ON THE WAY SA UNIVERSITYANNE POV“HOY! Herodes kang dimonyo ka!, bumaba ka sa sasakyan mo! Naku talaga makikita mo ang hinahanap mo” hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsigaw kasabay ng malakas na paghampas sa aking manibela dahilan para walang tigil na tumunog ang aking busina sa sasakyang nakagitgitan ko. Pero kahit anong lakas ng sigaw ko ay hindi niya ako sinasagot tila nabingi na ito sa lakas ng aking busina.“Nakakainis talaga Mary ! Parang minamalas ako ngayong araw…Nakakainit ng ulo! Gusto ko ng sakalin ang lalaking ito gamit ang sarili niyang kurbata! Napaka bastos at ang yabang!. Aba sinabihan niya akong tanga at parang bata kanina! Sabi pa niya paano daw ako naka pasa sa pagkuha ng drivers license ee hindi naman daw ako marunong mag-maneho? Hay ang sarap niyang murahin. Naghahabol pa naman ako ng oras. Paniguradong mala-late ako nito sa entrance exam! Girl ayokong magkahiwalay tayo ng Unversity na papasukan” hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko sa manibela pero malakas akong sumisigaw sa harapan ng aking cellphone habang kausap ko ang aking matalik na kaibigang si Mary na akala mo naman ay may magagawang tulong para sa akin.
Muli na naman akong bumaling ng tingin sa sasakyan nito at sumigaw .“HOY!… lumabas ka diyan… pag ako talaga na late ng dahil sayo… isusumpa talaga kita…”
”hahahha Grabe sis… chill!… naaawa ako sayo! para ka nang tanga. Meron ka ba ngayon? Haha paano ka naman sasagutin nung tao ee naka-sarado yung bintana mo! Kahit anong sigaw mo diyan hindi ka talaga maririnig nun!.Labasin mo kaya? teka lang, Gwapo ba?!”“Ang alin?… sino ba?? Itong halimaw na ‘to?”
“Ewan… hindi ko pa nakikita…wala akong pakielam… hindi ako pwedeng ma-late. Alam mo namang gustong gusto kong maging teacher din kasama ka. Ayokong magkahiwalay tayo! Hindi naman mag-aantay ang examiner. Kapag namiss ko ito wala na talaga akong chance.”
“Kaya nga—bilisan mo na. Pakiusapan mo na lang yung nakagitgitan mo“
Hindi ko na siya pinatapos pa sa kaniyang sasabihin.
“Sige na Mary. Mamaya na lang. Nandito na siya.. tatawagan na lang kita ulit mamaya. Okay?!”Narinig ko ang malakas na pagtawa ng aking kaibigan na may kasamang pang-aasar dahil bigla akong nataranta dahil papalapit na ang lalaking naka-gitgitan ko kanina.
“Ayan.. ang tapang tapang mo kanina .. binaba ka tuloy.”
“bahala ka diyan! Tatawagan kita mamaya!” dali-dali kong binaba ang aking cellphone, Inayos ko ang aking sarili, sinimulan kong ibaba ang bintana ng aking sasakyan. Magalang at malaking ngiti ang binigay ko sa lalaking naka-gitgitan ko, mas lalo ko pang pinapungay ang aking mga mata na animo’y maamong tupa. Isang mapang inis na ngiti naman ang naging tugon sa akin.“Good Morning Sir! Ano pong maitutulong ko sa inyo?” tanong ko na parang walang nangyaring sigawan kanina sa loob ng aking sasakyan.
“Miss baka naman puwede kang bumaba at harapin ako? Siguro mag-sorry na din at asikasuhin ang aberyang ginawa mo sakin?” naiinis na sabi niya sa akin. “Tumawag na din ako ng pulis pero hindi ako mag-aaksaya ng oras kakahintay ng pulis lalo na at traffic sa dadaanan nila papunta dito.”
Hindi ko lubos maisip na kung bakit naman sa kinadami-dami ng araw ay ngayon pa magkakaruon ng ganitong aberya ang lakad ko. Haist! Tsh Anne, anong kamalasang meron ka? May balat ka ba sa pwet? Hindi pa man ako nakakalayo sa aming bahay ay ito na kaagad ang bumungad sa akin. Siguro ay nasa sampung minuto pa lang akong nagmamaneho. Siguro masyado din akong na excite ng malaman kong lumuwas ang best friend kong si Mary para makasama akong mag-aral sa iisang university. Kaya hindi ko na namalayang napabilis na pala ang apak ko sa silinyador. Ang masaklap pa nito, hindi sa akin ang sasakyang ito. Nakiusap lang ako sa pinsan ko na gagamitin ko muna ito kahit saglit lang para mapabilis akong makarating. Hindi naman kasi ako pinapagamit nila Papa ng kahit na anong gamit nila. Haist patay talaga ako! At dala ng pagiging teenager, aaminin ko sobrang pasaway ako. Eh! Ano namang magagawa ko. Masyadong tahimik ang sasakyang ito. Kahit na napapabilis na pala ako ay hindi ko namamalayan ang bilis ng takbo ko. Yari pa ako sa pinsan ko dahil nalagyan ko ng damage ang sasakyan niya.Konti na lang sana. Malapit na ako ee. Ilang minuto na lang makakarating na ako sa Univerysity. Natatanaw ko na nga ang round about.
Ilang minuto na lang at malalampasan na ako ng entrance exam. Ito na lang ang huling alas ko. Nangako akong mag-aaral akong mabuti at magbabago na basta makapasa ako dito. Magfo-focus na ako at mas magiging seryoso sa buhay ko lalo at wala akong nakukuhang suporta sa pamilya ko.Hindi ako pamilyar sa mga sasakyan, Pero isa lang ang nasisiguro ko. Mahal ang sasakyang ito dahil sa tatak niyang Porche“Oh God! I’m in trouble” Kahit na alam kong problema ito ay hindi ko naman ito pwedeng takasan. Parang nag flash back ang lahat ng nangyari sa isip ko at lutang akong nakatitig sa lalaking nakatayo sa tapat ng bintana ko. Pakiramdam niya ay lalabas na ang puso ko mula sa dibdib dahil sa sobrang stress. Bumaba ako agad ng kotse at nag-panic habang tinitignan ang pinsala sa sasakyan sa harapan ko. Mukhang malala nga ang nangyari.Nailang ako habang tahimik akong pinagmamasdan ng lalaking nakasuot ng itim na suit, shirt, at manipis na kurbata. Ang madilim na kayumangging buhok nito ay nakakahangang ayos na ayos. Ang mga dimples sa pisngi nito na parang pambata ay hindi akma sa seryoso nitong ekspresyon at malamlam na tingin.
Sa tingin ko ay matanda ito sa akin ng mga sampung taon. Hinaplos nito ang nakaayos niyang buhok.“Miss , marunong ka bang mag-drive?!” galit nitong tanong sa akin habang tinuturo ang kaniyang sasakyan.
Napanganga ako at hindi nakapagsalita agad. Kahit naman sumagot ako ay wala din namang kwenta dahil kagaya din sa bahay namin na walang halaga para sa kanila ang boses ko. Kay Mary lang ako nakakapag-labas ng sama ng loob.
Kaya tumitig na lang ako sa kaniya nang nanlalaki ang mga mata at nagdasal na huwag naman sana akong maiyak. Sa totoo lang sa harapan lang ni Mary ako matapang. “Nalito kaba sa cluth at preno. Na imbes preno ay clutch ang naapakan mo?” tanong ng lalaki na halatang iritado sa akin. “Alam mo ba kung magkano ang aabutin ng pagpapagawa nito?” napasaplo siya sa kaniyang ulo at hindi pa rin tumitignin sa akin. “Hish… hay, kailangan ng palitan ang buong pinto nito! Pati pintura. Alam mo ba kung magkano ang halaga ng mga rim ng Porsche Panamera? Aabutin ako ng milyon!” Hindi maitago ng lalaking ito ang kanyang inis. Takot na takot ako. Kahit na gwapo siya hindi ko iyon ma-appreciate sa ngayon dahil ang utak ko ay nasa sirang sasakyan niya. Plus ang hinahabol kong oras para sa entrance exam ko.“A… A…”
Na-i-stress na talaga ako dahil kapag tumawag siya ng pulis ay malalaman nila Papa ang nangyari sa akin. Ang dami na ding tao Mukha naman siyang mayaman. Matangkad, maganda ang pangangatawan, halatang naggi-gym, bakit kaya hindi na lang siya gumastos. Haist Anne.
Hindi pa rin ako nagsasalita. Nakayuko pa rin ako. HECTOR POVUnti-unti ko siyang tinitigan ng humarap ako sa kaniya matapos kong manermon ng makita ko ang damage sa aking sasakyan . At ‘boom’ . Ang tanga mo Hector bakit hindi mo muna tinignan ang nakagitgitan mo. Ang bata pa pala niya, maganda at sexy. Sa totoo lang, walang kulang sa babaeng ito. Napangiti ako ng palihim. Sa tingin ko ay mga 5’2 ang height niya, tuwid na madilim na kayumangging buhok, at makinis na balat, maputi at maninipis ang pula niyang labi na bumagay lalo na sa kanyang hugis-matulis na ilong. Balingkinitan din ang kaniyang katawan na humubog sa simpleng jeans at tshirt.Kanina sobrang galit ko na talaga. At balak ko ng tawagan si Renz para siya na ang mag-asikaso ng lahat, lalo na ng makita ko ang damag sa sasakyan ko. Pero para akong pinitik ng malapitan ko siya. Totoo, nasira niya ang pinaka paborito kong sasakyan, pero ang ganda niya! At nang iangat na niya ang kaniyang kumikislap at malungkot na mata na napapalibutan ng natural na maitim at makapal na pilikmata, parang biglang umikot ang mundo ko. Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng pagkailang. Hindi ko alam kung paano ako kikilos. Nanakbo siya sa loob ng kaniyang sasakyan, siguro ay para itago ang kaniyang pag-iyak. Na-guilty naman ako. Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya. Kaya hindi ko na hinintay ang mga pulis. Inabot ko ang ID na binigay niya sa akin at humingi ng pasensya. “Sorry natakot ata kita!” mahinahon kong sabiMaluha-luha siyang tumugon sa akin “sorry din sir. Pahingi na lang po ako ng calling card niyo para alam ko kung saan ko kayo babayaran kapag nakapag-tapos na po ako at naging ganap ng teacher babalikan ko po kayo! Pramis po.” ngumiti lang ako sa kaniya. At hinayaan na siyang umalis. Pagkaalis niya ay biglang dumating si Renz.“Boss.. anong nangyari? Sinong may gawa nito? Gusto mo bang pasundan ko sa mga tauhan natin?” nag-aalalang tanong ni Renz ngunit imbes na singhalan siya ay ngumiti lang ako. Tinapik ko ang kaniyang balikat at saka magiliw na nagsalita “dalhin mo na lang ito sa repair shop! Tara na!” nagulat siya sa naging sagot ko. “Huh? Pero ito ang paborito mong sasakyan?!” tanong niya na puno ng pagtataka.“Kuhain mo ang lahat ng impormasyon sa kaniya.” Sinend ko ang picture ng ID nito kay Renz at saka muling na namang ngumiti. At doon ay naintindihan na ni Renz ang lahat.Iyon na ang una at sinisigurado kong hindi huling pagkikita namin ni Anne Mendoza…Sa kabilang banda, dumating si Charles sa bahay nila Anne pero wala na ito sa kanilang bahay. Galit na galit niyang pinaghampas ang manibela, dahilan upang mag-ingay ang busina at matakot ang mga taong dumaraan. Samantala, nakasakay na si Anne sa kotse papunta sa ospital at tumawag kay Hector. Pagka-connect ng tawag, isang matamis at medyo inosenteng boses ni Rachel ang sumagot. “Hello~ Sino po ang naghahanap sa kuya ko? Naliligo po siya ngayon~” Bumigat ang dibdib ni Anne at nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkailang. Pilit niyang pinakalma ang kanyang boses: “Rachel, pakitawag mo si kuya mo sa telepono.” “Hindi puwede, naliligo si kuya, hindi pwedeng pumasok si Rachel, nakakahiya, nakakahiya~” sagot ng inosente at cute na boses mula sa kabilang linya. Lalong lumalim ang pagkailang ni Anne, pero pinilit pa rin niyang maging mahinahon: “Ganito na lang Rachel, pakiusap, sumigaw ka na lang mula sa labas ng salamin. May emergency ako.” “Hindi pwede. Hindi puwedeng is
“Ano ang nangyari?” Kumunot ang noo ni Anne at may masamang kutob siyang naramdaman. “Si Papa nasa ICU, baka hindi na siya magtagal. Nasaan ka ngayon? Susunduin na kita agad.” Mula sa kabilang linya, maririnig ang pagkataranta sa boses ng pangalawang kapatid ni Anne. Biglang sumama ang pakiramdam ni Anne. Hindi niya alam kung bakit, pero bigla niyang naalala ang huling pagkikita nila ni Rolando tatlong oras lang ang nakalipas. Sa ilalim ng madilim na ilaw ng kalye, nakita niya ang isang uri ng pagkilala, papuri, at kabaitan sa mukha ng kanyang ama na hindi niya kailanman nakita noon. Hindi—! Kanina okay pa siya? Bakit bigla atang lumala ang pakieramdam niya? Bahagyang nanginig ang kamay ni Anne habang hawak ang telepono at pilit pinapakalma ang sarili: “Kuya, huwag mo na akong sunduin. Mas malapit ako sa People’s Hospital. Magpapalit lang ako ng damit at magkikita na lang tayo sa ospital.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, mabilis niyang binaba ang tawag. Samantala, si
Mabilis ang tibok ng puso ni Joshua, nilamon siya ng takot sa sinabi ng kaniyang ina na kamatayan.Hinawakan niya ang kanyang buhok sa takot at paulit-ulit na binangga ang salamin: “Pa, mag-isip ka ng paraan, iligtas mo ako.”Tumingin sa kanya ang kaniyang ina na may pagduduwal: “Hanggang ngayon, matigas pa rin ang ulo mo. Walang sinuman ang isinilang na mababa, walang isinilang para lang paglaruan mo. Ang sinapit mo ngayon, kasalanan mo yan!”Nang paalis na sana ang ina ni Joshua bigla itong sumigaw mula sa , likod ng salamin.“Oo, kasalanan ko nga!Pero kailan niyo ba ako tiningala? Lagi niyo lang akong pinapalo at minumura. Kahit anong gawin ko, hindi ko kailanman naabot ang mga inaasahan ninyo. Sa mga mata ninyo, isa lang akong basura!”Natigilan ang kaniyang ina at biglang naalala ang mga panahon na pinaghubad niya si Joshua at pinatayo sa gitna ng bakuran sa gitna ng taglamig.Mula pagkabata, mahigpit siya kay Joshua. Mali ba siya?Tumawa ng nakakatakot si Joshua.“Bakit ako g
Sa opisina ng Care for Women FoundationPalakad-lakad si Mrs. Jema sa loob ng opisina at halatang balisa siya.“Euleen, anong gagawin natin? Yung mga dati nating donors, ayaw na raw mag-donate ulit. Kapag nagpatuloy ito, magiging kalansay na lang ang foundation natin!”“Kumalma ka lang, gagawa ako ng paraan.” Napakamot si Euleen, halatang stress na stress na din sa nangyayari.Naka-sick leave si President Dave nitong mga nakaraang araw kaya’t sa kanya, bilang vice chairman, napunta ang lahat ng problema.Mula umaga hanggang ngayon, sunod-sunod ang tawag na gustong umatras ng mga donors—nakakabaliw!Dati nang may kinurakot na pondo si Mrs. Jema, kaya kung maubos pa ang natitirang pera sa foundation, siguradong patay siya.Kaya nag-suggest ito: “Euleen, bakit hindi mo subukang hingan ng donation ang tatay mo?”“Huwag.” Diretsong tumanggi si Euleen.Marami nang ginastos ang tatay niya kamakailan para mapababa ang sentensya ng kapatid niyang lalaki.Karamihan ng perang iyon, napunta lang
Grabe naman sa personal na banat ng kanyang amo. “Kapag totoong nagmamahalan ang dalawang tao, gusto nilang magkasama araw-araw.” Renz: ... Aba, ito na yata ang tinatawag na kinain na ng pagmamahal! “Isa lang ang dahilan kung bakit ayaw ng asawa kong pumunta sa Valderama’s Building—kulang pa ang pagmamahal niya sa akin. Bakit kayang kaya niyang makasama ang baby namin araw-araw, pero ako, hindi niya kayang makita araw-araw? Sa tingin mo ba, may mali sa sinabi ko?” Renz: ... “Ikaw bahala boss Hector, kung ganun ang tingin mo, ibig sabihin kulang pa nga ang pagmamahal niya sa’yo.” Pagkasabi nito, biglang dumilim ang mukha ni Hector. “Renz, gusto mo na bang mamatay? May project sa Africa ngayon, mukhang gusto mo yatang ma-assign doon?” Hindi na alam ni Renz kung matatawa ba siya o maiiyak: “Hector, kayo po ang nagsabi niyan, hindi ako.” “Tumahimik ka na lang pwede ba!” Halos mapaiyak na si Renz sa takot: ... Grabe naman, pati ba naman pag-ibig, hindi na i
Pagbaba ni Anne, nakita niya si Rachel na nakaupo pa rin sa dining table, parang tulala, kaya siya na ang unang lumapit dito at bumati. “Rachel, mas bata ako sa’yo, kaya wag mo akong tawaging ate! Naiintindihan mo ba?” nakangusong sabi ni Anne habang tinititigan ang mukha ni Rachel. Naguluhan si Rachel at nakasimangot na nagtanong “Eh anong dapat kong itawag sa’yo? Hindi ba dapat naman talagang ate?” “Hindi. Dapat tawagin mo akong hipag.” Pagkasabi noon, marahang hinaplos ni Anne ang ulo ni Rachel, saka tumalikod at lumakad papunta sa pinto. Habang naglalakad, hindi na niya tinignan pa ang salamin sa gilid para obserbahan ang reaksyon ni Rachel. “Goodbye, Hipag!” masiglang sigaw ni Rachel. Lumingon si Anne at ngumiti: “Goodbye, Rachel.” Renz: !!! Nagkakabugan ang mga bida, parang nag-aalab na fireworks sa ere! Kalmado lang si Hector habang hinihintay si Anne palabas, at maginoong binuksan ang pinto ng sasakyan para sa kanya. Sumakay si Anne sa kotse, saka ng
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments