“Si Daddy at ako ay nagkasundo na sasamahan namin sa dalampasigan si Tita Regina bukas. Kung sakaling biglang na lamang dumating si Mommy at sumama sa amin, magiging nakakahiya ito para sa amin.” nagsusumigaw pa ng munting bata.
“Bukod pa rito, laging masungit si Mommy, hindi maganda ang kanyang pakikitungo kay Tita Regina.” dagdag pa nito. “Binibini, siya ay ang iyong Ina. Hindi ka dapat magsalita ng ganyan. Masasaktan ang damdamin ng iyong Ina maayos ba?” mahinahong tugon ng mayordoma. “Alam ko, pero mas gusto namin ni Daddy si Tita Regina. Hindi ba pwedeng siya na lang ang maging Ina ko?” sagot ng supling. Hindi na narinig pa ni Luna ang mga salitang binitawan ng mayordoma. Siya na ang nag-alaga at nagpalaki sa kanyang anak ng mag-isa. Sa nakalipas na dalawang taon, mas marami silang oras na magkasama. Sa halip, si Aria ay mas malapit sa kanyang ama. Noong nakaraang taon, pumunta si Eduardo sa Villa Esperanza upang paunlarin ang merkado, at ang kanyang anak na babae ay kinakailangang sumama sa kanya. Dahil sa hindi niya kayang umalis ang kanyang anak, kaya natural lang na umaasa siyang makakasama niya ito. Ngunit hindi niya masikmura na makita ang kanyang anak na malungkot, kaya't kahit labag ito sa kanyang kalooban ay pumayag siya. Hindi niya inaasahan ang lahat… Nakaramdam ng lamig si Luna habang nakatayo roon, maputla ang mukha at hindi makagalaw nang ilang sandali. Isinantabi niya ang kanyang mga tungkulin at nagtungo sa Villa Esperanza. Sa pagkakataong ito, nais din niyang makasama ang kanyang Anak ng mas matagal. Ngunit nararamdaman niyang, hindi na pala mahalaga iyon. Bumalik si Luna sa silid at ibinalik sa maleta ang mga regalong dala niya mula sa Valley Heights. Ilang sandali pa, nagbalik ng tawag ang mayordoma at sinabi na dinala niya ang mga bata upang maglaro, at hiniling sa kanya na makipag-ugnayan kung mayroon siyang anumang kailangan. Umupo na lamang si Luna sa kama, nararamdaman ang kawalan at halo-halong pagkalito. Iniwan niya ang kanyang mga tungkulin at nagmamadaling lumipad papunta sa Villa, ngunit walang sinuman ang nangangailangan sa kanya. Ang kanyang pagdating ay nagmistulang parang isang biro lamang. Matapos ang mahabang oras, lumabas siya. Naglalakad na tila walang patutunguhan sa kakaiba ngunit ang lugar ay parang pamilyar sa kanya. Malapit nang mag tanghalian, naalala niya ang napagkasunduan pagkikita ni Eduardo para sana kumain sa labas. Nang maisip niya ang mga narinig kaninang umaga, habang nag-aalinlangan kung uuwi ba siya para kunin ang anak, bigla siya nakatanggap ng isang mensahe mula sa lalaki. [May mahalagang gagawin ako sa tanghalian, kaya kanselado muna ang lakad.] Aniya. Tiningnan ito ni Luna nang walang bakas na sorpresa sa kanyang mukha, dahil narin sa ito'y nasanay na. Sa puso ni Eduardo, kahit pa ito'y isang importanteng negosyo, o pagtitipon kasama ang mga kaibigan… lahat ay mas pinahahalagahan niya kaysa sa kanyang asawa. Palagi nitong hinahamak ang mga napagkasunduan nila nang walang pag-aalinlangan. Hindi nito kailanman pinapansin ang kayang nararamdaman. Nawala? Marahil noon pa man. Bulong niya sa kanyang sarili. Ngayon ay manhid na siya, at hindi na niya nararamdaman ang anumang sakit. Lalo pa ngang naguluhan si Luna. Masiglang dumating siya rito, ngunit sinalubong siya ng kanyang asawa at anak ng malamig na pagtanggap. Walang malay, nagmaneho siya patungo sa restawran kung saan sila madalas kumain ni Eduardo noon. Sa paghakbang niya patungo sa pintuan ng restawran, nahagip ng kanyang paningin ang mga pigura nina Eduardo, kasama ang anak na babae, at ang babaeng si Regina Saison. Silang tatlo ay naroon at masayang nakaupo sa isang mesa. Si Regina ay nakaupo sa isang gilid kasama ang kanyang anak na babae, nag sasabi ng mga bulong at tawa, tila masaya silang nagkukwentuhan, habang kinukulit ni Regina ang kanyang anak. Ang munting supling na si Aria ay masayang nag-uugoy ng kanyang mga paa, nagsasaya sa paglalaro kasama si Regina. Hindi niya alintana ang kalat na nagawa niya habang nagkukwentuhan sila. Nang makita ang mga pastry na kinagat ni Regina, lumapit din si Aria at kinagat din ito. Isang malambing na ngiti ang sumilay sa labi ni Eduardo habang kinukuha niya ang pagkain para sa dalawa. Ngunit kahit nakatingin siya sa kanyang anak, tila ang mga mata niya ay hindi maalis kay Regina, na para bang siya lang ang tunay na nakikita sa kanyang paningin. Ito ang kamalian na makikita sa sinasabi ng lalaki. Ito rin ang anak na kanyang ipinagbubuntis sa loob ng siyam na buwan, halos kalahati ng kanyang buhay ang kinalakihan nito. Ngumiti si Luna, habang nakatayo roon at nanood. Pagkaraan ng ilang sandali, binawi niya ang kanyang tingin, at tumalikod upang umalis. Pabalik sa Villa, binuo ni Luna ang kasunduan para sa diborsyo. Siya ang lalaking nagpatibok sa kanyang puso noong kabataan niya, ngunit parang isang bituin sa kalangitan, hindi niya maabot. Kung hindi dahil sa trahedyang naganap noong gabing iyon at sa walang-tigil na pagtulak ng matanda, hindi siya mag sasang-ayon na pakasalan si Luna. Noong nakaraan, nagbabakasakali siyang paniwalaan na kung magpapakabuti lang siya, masisilayan din siya ng kanyang lalaking minamahal. Ngunit ang katotohanan ay tumama sa kanyang mukha. Halos pitong taon na ang nakalipas. Panahon na para magising si Luna sa kanyang panaginip. Matapos ilagay ang kasunduan tungkol sa diborsyo sa isang sobre, ipinagkatiwala niya ito sa mayordoma upang maibigay ito kay Eduardo, hinila niya ang kanyang maleta patungo sa kotse. Sa driver, malinaw niyang inutos, “Papunta sa airport.” Aniya.Tinitigan ni Eduardo ang munting musmos, bahagyang napatigil bago marahang winika, “Maging ang tawag ni Daddy mo'y hindi sinagot ng Inyong Ina.”Napakunot ang noo ni Aria saka marahang umiling, “Marahil abala si mommy, at hindi pa nababatid ang tawag.”“At kung hindi man siya abala,” dagdaga pa niya, “hindi kailanman mangyayari na hindi niya sagutin ang tawag mo, lalo na ikaw, dad!.”“Marahil nga,” tugon ni Eduardo habang isinusuot ang kanyang amerikanang pormal at inaabot ang itim na balabal.“Maya-maya’y aalis na si daddy. Kung ibig mong magliwaliw, maaari mong iatas sa iyong tagapagbantay na samahan ka.”Ngunit mariing tugon ni Aria, “Ngunit nais kong si mommy ang kasama ko…”Bagaman hindi gusto ni Aria ang pagiging mahigpit na Ina, ninanais pa rin niyang maramdaman paminsan-minsan ang kanyang pagkalinga at presensya.Habang binibigkas ang mga salitang iyon, marahang hinawakan ni Aria ang sariling pisngi at nagtanong, “Dad, kayo po ba’y patungo sa ospital upang dalawin si Tita Regi
Ang totoo’y alam naman talaga ni Ricardo kung saan ang kinaroroonan ng cake shop.Pagkaalis ni Luna, hindi man lang siya nagtangkang dumiretso roon. Sa halip, nanatili siya saglit sa kinatatayuan, waring pinag-iisipan ang naging pag-uusap nila, tahimik, ngunit puno ng hindi mabigkas na kahulugan.Sumakay siya sa sasakyan, nag-aatubiling sandali, bago tumawag: “Apollo, nandito na ako. Kailangan kong sumakay ng eroplano mamaya. Tanungin mo si Eduardo kung libre siya. Kung hindi, maaari mo ba akong samahan sa ospital para dalawin si Regina mamaya?” aniya.Gulat na gulat si Apollo: “Nakapagbalik ka na? Kailan ka dumating?” Hindi na sinagot ni Ricardo ang tanong: “Tawagan mo muna si Regina, batiin mo, at tanungin kung maaari siyang mabisita mamaya.”Akma na sanang magtanong si Apollo kung bakit hindi na lang siya mismo ang tumawag kina Eduardo at Regina.Ngunit sa ikalawang pag-iisip, naunawaan ni Apollo na marahil ay may iba pang kailangang asikasuhin si Ricardo at nagmamadali ito. Hindi
Bahagyang nalito ang katulong ni Atty. Quirante habang pinagmamasdan ang tahimik na palitan ng usapan sa pagitan nina Jeriko at Luna. Samantala, si Quirante ay masinsinang ipinapakita kay Luna ang nilalaman ng kasunduan, bawat detalye'y kaniyang sinuri nang buong ingat.Makalipas ang mahigit isang oras, tumingala si Quirante at mahinahong winika, “Paulit-ulit ko na itong sinuri, wala akong nakitang anumang butas o pagkukulang sa kasunduan.” aniya.“Masasabi ngang ang kasunduang ito ay pabor na pabor sa'yo,” mariing dagdag ni Quirante.Napahinto si Luna. “Anong ibig mong sabihin?”Ipinaliwanag sa kanya ni Quirante, “Bukod pa sa pera, malinaw na nakasaad na ang lahat ng mga ari-arian ay walang anumang kaakibat na alitan o kaso.”Nagpatuloy siya, “Tungkol naman sa mga sapi sa kompanya ni Mr. Eduardo na ibinigay sa’yo, malinaw na nakatala na hindi mo kailangang makialam sa pamamalakad. Taun-taon ka lamang makatatanggap ng dibidendo.”“Kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan sa kompa
Gayunpaman, ang guro niya ay labis na natuwa sa kanyang bagong ideya, at ilang araw na ang nakalipas buhat nang pinadalahan siya ng mensahi ni Mateo Lim upang hilinging ayusin ito. Kapag maayos na raw ang lahat, rerepasuhin ito ni Mateo at isusumite sa isang kilalang journal.Ngunit sa dalawang araw na sunod-sunod na abala sa mga usaping may kinalaman sa Novaley at Annex, halos walang naging galaw sa sariling gawain ni Luna.Ngayon na mayroon na siyang kaunting laya, nais na niyang tapusin ito sa lalong madaling panahon.Sa pag-iisip nito, inilapag ni Luna ang kanyang cellphone at binuksan ang kanyang kompyuter.Samantala, matapos ibaba ang tawag, agad muling tumawag si Ricardo kay Apollo at nagtanong, “Nais ni Eduardo ng diborsyo at nais din niya ang kustodiya kay Aria. Tiyak na hindi siya papayag, hindi ba? Balak ba nilang magsampa ng kaso?” Sa katunayan, tumawag lamang si Apollo kay Ricardo upang ibalita lamang ito.Aniya, “Hindi! Pumayag siya! Wala siyang pagtutol, maging sa dibo
Hindi rin nakawala sa paningin ng Matandang Ginang ang pagbabago kay Luna, na hindi na nga ito kasing aktibo kay Eduardo tulad ng dati.Dahil dito, hindi niya napigilang mapabuntong-hininga, saka tumingin kay Eduardo at sinabing: "Kasalanan mo 'yan, Eduardo!"Matagal nang si Luna ang nagpapakita ng pagsisikap, ngunit hindi pa rin tumugon ang lalaki. Hindi ba’t nararapat lamang siyang panghinaan at umurong?Pagkarinig nito, bahagyang ngumiti lamang si Eduardo at hindi nagsalita.Ngayon naman, si Luna ay pinipiling manahimik hangga’t maaari.Pagkarinig niya, tahimik lamang niyang inabot ang mga putahe at nagsimulang kumain, waring walang balak magsalita.Bago pa man niya matapos ang pagkain, nakatanggap ng tawag si Eduardo. Minsan niya pa itong sinulyapan, saka tumayo upang sagutin ang tawag.Ngunit agad din siyang bumalik.Pagkatapos maghapunan, sinabi niya kay Ginang, “May kailangan pa akong asikasuhin, mauna na ako.” magalang niyang tugon.Matalino rin itong si Aria, at wari’y nahinu
"Ipapasuri ko muna sa abogado ko ang kasunduang ito bukas. Kapag sigurado na akong ayos ang lahat, pipirmahan ko ito sa makalawa at ipapaabot ng abogado ko sa inyo." mariing tugon ni Luna.Nakalista roon ang napakaraming ari-arian na ibinibigay nito sa kanya, at habang mabilis niya itong binubuklat kanina, tila may nakita siyang ilang bahagi ng pagmamay-ari ng kumpanya nito.Sa kasunduan ng diborsyo na ibinigay niya noon, ni hindi siya humingi ng kahit ano mula rito. At ngayong siya na mismo ang nag-alok, hindi na rin niya ito tinanggihan.Matagal na silang mag-asawa. Bagamat hindi siya minahal ni Eduardo, hindi rin siya kailanman pinagkaisahan kahit pinagtaksilan siya nito. Kaya nang makita niyang handa itong ipasa sa kanya ang mga ari-arian, ang unang impulsong naramdaman niya ay pumirma agad. Ngunit sa huling sandali, napahinto siya. Nagdalawang-isip.Nabahala siya na baka may butas sa kasunduan. Kung sakaling malagay sa alanganin ang kompanya ni Eduardo, natakot siyang baka ang mg