แชร์

Chapter 2: P.1

ผู้เขียน: Marifer
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-03-03 15:02:19

Pagsapit ng alas siyete ng gabi, nagbalik sina Eduardo kasama ang anak niyang babae sa kanilang tahanan.

Mahigpit na nakahawak ang bata sa laylayan ng damit kanyang Ama habang dahan-dahang bumaba ng sasakyan.

Halos ayaw umuwi ng bata ng gabing iyon, dahil naroon ang kanyang Ina.

Ngunit sinabihan ito ng Tita Regina niya na ang kanyang Ina ay pumarito upang makasama siya at ang kanyang Ama, at kung hindi sila uuwi, tiyak malulungkot ito.

Walang magawa ang munting supling kundi sumang-ayon na umuwi.

Ngunit may bahid pa rin ng pag-aalala sa kanyang mga mata, at sinabi ng may mapait na boses. “Dad, paano kung ipilit ni Mommy na lumabas tayo bukas?” anito sa kanyang Ama.

“Hindi.” Mariin na sagot ni Eduardo.

Sa mga taon ng kanilang pagsasama, laging si Luna ang naghahanap ng mga pagkakataon upang gumugol ng mas maraming oras sa kanya.

Ngunit ang lalaki ay makatwiran.

Hangga’t ipinapakita ng lalaki ang kanyang paninindigan, hindi siya nagnanais na magdulot ng hindi kasiyahan sa kanya.

Sa pagkakaalam ni Aria, ang kanyang ina ay laging sumusunod sa utos ng kanyang ama.

Dahil sa sinabi ng kanyang Ama, panatag na ang puso ni Aria na hindi mangyayari iyon. Sa wakas ay nakadama ng kapanatagan ang batang babae.

Gumaan ang pakiramdam nito at nawala ang dating pagkabagot. Habang tumatalon sa tuwa papasok ng kanilang tahanan, pinaalam niya ka agad sa matandang mayordoma na nais niyang maligo.

“Sige, sige.” Paulit-ulit na sagot ng mayordoma.

Naalala ng mayordoma ang mga utos ni Luna, at inabot ang sobre sa boss nyang si Eduardo. “Boss, ito ang nais ipaabot ni Madam sa iyo.” aniya ng may mahinahong boses.

Agad na kinuha ni Eduardo ang sobre, at walang pakialam na nagtanong, “Nasaan siya?”

“A-ano… Umalis na si Madam pabalik ng kanilang bansa sa Valley Heights kaninang tanghali, hindi ba ninyo alam?” pagtatakang tanong ng mayordoma.

Natigilan si Eduardo habang ito'y paakyat ng hagdan, lumingon siya at bumalik: “B-bumalik?” aniya.

“Oo.” Sagot ng mayordoma.

Hindi man lang binigyan ni Eduardo ng pagkakataong magsalita si Luna kung bakit ito biglang dumating sa Villa Esperanza.

Wala siyang pakialam. Hindi rin nagbago ang emosyon sa mukha nito nang malaman ang pag-alis niya.

Si Aria naman ay nagulat ng marinig niya ang sinabi ng mayordoma. Sa sandaling iyon, nararamdaman niya ang kaunting pagkadismaya.

Iniisip din niya na kung hindi sasama ang kanyang ina sa paglalakbay nila ng kanyang ama bukas, maging maganda sana kung makakasama niya ito sa gabi.

Bukod pa rito, madali siyang masaktan sa kamay kapag nagpo-polish siya ng mga kabibe, kaya't nais niyang tulungan siya ng kanyang ina at matapos nila ito ng sabay.

Ilang buwan na rin mula nang huli silang magkita ni Luna. Ngunit sa pagdating niya, ay hindi man lang sila nagkita ni Eduardo.

Nang maisip ang mukha ni Luna nang umalis siya, malungkot at parang hindi masaya. Kaya't hindi mapigilang paalalahanan siya ng mayordoma: “Boss, parang hindi maganda ang mukha ni madam nang umalis siya, parang galit.” Anito.

Inakala ng mayordoma na may importanteng gagawin si Luna kaya nagmamadali itong umalis pabalik ng Valley Heights. Ngunit ng makita niya ang reaksyon ng lalaki at walang alam sa pag-alis niya, napagtanto niyang parang may mali.

Galit? Pagtataka ng Lalaki.

Sa harapan niya, si Luna ay lagi namang maganda ang asal at mapagpasensya.

Bakit naman siya magagalit? Parang kakaiba, naninibago ang Lalaki.

Walang pakialam na ngumiti si Eduardo, sinagot nang walang pakialam ang mayordoma at umakyat sa hagdan.

Nang makabalik ito sa silid ng kanyang kwarto, bubuksan na sana niya ang liham na ipinadala ni Luna sa kanya, nang biglang tumunog ang kanyang Cellphone. Isang tawag mula kay Regina, matapos niyang masagot ang tawag nito, itinapon niya ang sobreng hawak niya at nagmamadaling lumabas sa pintuan.

Ilang sandali, nahulog ang sobre sa sahig mula sa gilid ng kama.

At si Eduardo ay hindi na nakabalik noong gabing iyon.

Kinabukasan, nang umakyat ang mayordoma upang maglinis, napansin niya ang sobre na nakalatag sa sahig. Agad niyang nakilala ang sobre bilang ang ipinagbilin ni Luna na ibigay ito kay Eduardo.

Naisip ng mayordoma na tapos na itong basahin ng Lalaki, kaya't inilagay niya ito sa gilid ng kabinet.

Gayunpaman, pagbaba niya mula sa eroplanong sinakyan, agad na umakyat si Luna sa kanyang dating silid upang simulan ang pag-aayos ng kanyang mga gamit.

Anim na taon na ang lumipas, at marami pa ring mga bagay ang naghihintay sa kanya mula sa tahanang iyon.

Iilang hanay lamang ng damit ang kanyang isinilid sa maleta, kasama ang dalawang set ng pang araw-araw na pangangailangan at ilang propesyonal na aklat na nagsilbing mga bagay sa kanyang karera.

Matapos ang kanilang pag-iisang dibdib, buwan-buwan ay nagbibigay si Eduardo ng sapat na pondo para sa kanilang sapat na pang araw-araw at pangangailangan, isang patunay ng kanyang pag-aalaga at pagmamahal.

Ang mga pondo ay maingat na inilagay sa dalawang magkahiwalay na credit card. Ang isa ay para sa anak niyang babae, at ang isa naman ay para sa kanya.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 46: P.1

    Sa susunod na buwan ay ipagdiriwang na ang ika-pitumpung kaarawan ni Matandang Ginang Santos.Kaya maagang nag-uusap sina Luna at Federico upang pagplanuhan kung ano ang maaaring ihanda upang mapasaya at maparamdam sa matanda ang kanilang pagmamahal sa kanyang espesyal na araw.Narinig iyon ng matanda ngunit tila wala siyang ganang pag-usapan ito. Sabi niya, "Huwag na 'yang mga pa-show-show. Ang mahalaga, kumpleto tayo at masaya sa isang hapunan."Pero sagot naman ni Brenda, "Eh pitumpung kaarawan mo na, kahit papaano, kailangan pa ring gawing espesyal…" aniya.Ganoon din ang iniisip nina Luna at Federico. At dahil iyon ay mula sa puso ng mga anak at apo niya, hindi na rin tumutol pa ang Matandang Ginang.Kailangan pang pumasok ni Aria sa paaralan kinabukasan, kaya matapos ang hapunan, umalis na rin sina Luna kasama ang anak niya pabalik sa kanilang bahay.Pagbalik nila sa villa, masayang bumaba ng sasakyan si Aria at tumakbong papasok ng bahay.Nanatiling nakaupo si Luna sa loob ng s

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 45: P.2

    Walang bakas ng gulat sa mukha ni Luna habang pinakikinggan si Eduardo.Matagal narin niya iyong inasahan. Hindi kailanman magkakaroon ng oras si Eduardo para sa kanya. Malinaw sa kanya na kapag si Regina ang may kailangan, kahit gaano pa ito ka abala sa mga gawain palagi itong naglaan ng oras para sa kanya.Napakunot-noo ang matandang ginang. "Ano bang napakaimportante niyan? Matagal na ring hindi ka umuuwi kasama si Luna!" "Grandma." Mahinahong putol ni Luna sa sasabihin pa ng matanda. Kalma ang tono niya, ngunit malinaw ang hangarin: "Ayos lang po. Kung may gagawin si Eduardo kami na lang ni Aria ang uuwi.""Naku, ikaw talaga!" napabuntong-hininga ang matandang ginang, halatang may sasabihin pa sana.Ngunit sinabi na iyon ni Luna hindi para makipagtalo, kundi dahil ayaw na niyang pilitin pa ang isang bagay na matagal na niyang binitiwan.Pero ang inakala ng matandang ginang, sinabi iyon ni Luna upang hindi mapahiya si Eduardo sa harap nila.Nang makita niyang nanatiling mahinahon

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 45: P.1

    Isang halik sa noo bilang pagbati ng umaga? Imposible.Hindi siya kailanman ginising ni Eduardo nang may ganitong lambing. Hindi kailanman siya niyakap ng ganito kainit, kahigpit, na tila ayaw pakawalan.Kaya’t nang maramdaman niyang muling hinigpitan nito ang yakap at may mariing halik na dumapo sa kanyang noo, isa lang ang pumasok sa isip niya, akala niya si Regina ang kaharap niya.Napakuyom ang kamao ni Luna, habang ang puso’y tila pinipilas nang dahan-dahan. Tahimik siyang nakahiga, nilunok ang pait, at habang nakayakap sa kanya ang lalaking asawa niya sa papel pero hindi sa puso, unti-unting namasa ang kanyang mga mata.Gayunpaman, masarap pa rin ang tulog ni Eduardo, sarap na sarap sa maling yakap.Tinitigan ni Luna si Eduardo ng tahimik, payapa, at walang kamalay-malay sa sakit na unti-unting bumabalot sa kanya.Pinigilan niya ang hapdi sa dibdib, pilit nilunok ang kirot na gumagapang sa lalamunan. Dahan-dahan siyang huminga nang malalim, saka unti-unting inilayo ang sarili. M

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 44: P.2

    Napansin ni Luna ang malalim na tingin ni Aria sa kanya at tahimik na pagkamasid.Bahagyang kumunot ang noo niya. "May problema ba?" tanong ni Luna, malamig pero mahinahon ang boses.Tahimik si Aria saglit, bago umiling. "Wala… wala naman," sagot nito, pero may halong pag-aalinlangan sa tono.Siguro nag-iisip lang siya ng sobra. O baka rin, nararamdaman niyang may bumabagabag sa kanyang Ina, kaya ayaw na lang niyang ungkatin.Pagkatuyo ng buhok niya, gumulong si Aria sa kama at nagtanong, "Mom, dito ka ba matutulog sa tabi ko ngayong gabi?"Saglit na natigilan si Luna. "Bakit anak, gusto mo bang si mommy ang matulog sa tabi mo?""Pwede naman kahit alin," sagot ni Aria, sabay lingon sa kanya. "Pero parang ang tagal nang hindi ka natutulog kasama si dad. Ayaw mo ba siyang tabihan?"Tahimik si Luna sandali bago sumagot, mahinahon, "Babalik din ako mamaya."Hindi pa man naayos ang papeles ng dibursyo nila ni Eduardo, kaya kung siya ang kusang magpapasya na manatili sa kwarto ni Aria nang

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 44: P.1

    Agad na sinagot ang tawag. Hindi pa man siya nakakapagsalita, nauna nang magsalita ang nasa kabilang linya."Nandiyan ako sa loob ng dalawampung minuto." boses ni Eduardo.Ngunit bago pa siya makapagsalita, sumingit din ang boses ni Aria."Paalam, Tita Regina." malambing nitong tugon.Nanigas ang katawan ni Luna sa kanyang narinig. Tama nga kanyang hinala, kasama nga nila si Regina.At parang lalong pinagtibay pa ang sunod niyang narinig. Malambing ang boses ni Lin Wu habang sinasabi: "Hmm, paalam din sa'yo Aria."Kasunod nito, narinig ni Luna ang malumanay na tinig ni Regina na tila sadyang ipinaparamdam ang presensya niya: "Sige, aakyat na ako." anito.Ilang sandali pa'y narinig niya muli ang malamig na boses ni Eduardo sa kabilang linya: "May kailangan ka pa ba?"Napabalikwas sa ulirat si Luna. "A-ah... Wala na," sagot niya, mahinahon ngunit mariin.Pagkasabi niyon, agad niyang pinatay ang tawag, wala nang balak pang marinig ang sagot niya.Sa katahimikan, bigla na lang nagsalita a

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 43: P.2

    Namula si Luna sa matinding kahihiyan habang marahang inalis ang pagkakahawak ni Samantha sa kanyang kwelyo.Samantala, dumilim ang tingin ni Ricardo; matapos mapagtanto ang nangyari, tahimik siyang tumalikod at iniwas ang tingin.Nakaramdam rin ng kaunting kahihiyan ang yaya ng bata na nasa gilid. Iniisip na lamang niyang, mabuti nalang at sila lang ang naroon, dahil kung may ibang tao pa, mas lalong nakakahiya.Agad tinulungan ng yaya si Luna na ayusin ang damit nito.Karaniwan nang konserbatibo si Luna at hindi pa kailanman naipakita ang katawan niya sa kahit sinong lalaki, maliban kay Eduardo.Lalo na’t ang lalaking ito ay malapit na kaibigan ng kanyang asawa, kaya't mas lalo siyang hindi mapakali.Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang damit, bakas pa rin ang hindi niya pagiging kumportable habang nagsabi, "May gagawin pa ako. Aalis na muna ako." pagmamadali niyang tugon.Humarap muli si Ricardo at nagsabing, "Pasensya na."Alam din ni Samantha na may mali siyang nagawa at inakala

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status