Share

Chapter 2: P.2

Author: Marifer
last update Last Updated: 2025-03-03 15:03:55

Karaniwan nang ginagamit ni Luna ang kanyang sariling card sa mga pangangailangan niya.

Mula sa simula hanggang wakas, hindi niya kailanman hinawakan ang card ng kanyang anak.

Higit pa rito, ang pagmamahal niya kay Eduardo ay umaapaw. Sa tuwing namimili siya, hindi niya mapigilang bumili ng mga damit, sapatos, kapeng iniinom, kurbata, at iba pang mga bagay na angkop sa panlasa ng kanyang minamahal.

Para sa kanyang sarili, dahil sa trabaho, hindi mataas ang kanyang pang araw-araw na gastusin. Ang kanyang puso at paningin ay puno ng pagmamahal para sa kanyang anak at asawa, at nais niyang ibigay sa kanila ang pinakamabuti sa lahat ng bagay. Kaya naman, karaniwan sa pamumuhay na ibinigay ni Eduardo ay ginagastos niya para sa kanila.

Sa ganitong kalagayan, hindi na dapat magkaroon pa ng natitirang pondo sa kanyang credit card.

Ngunit sa nagdaang mga taon, dahil sa paglipat ng kanilang anak sa Villa Esperanza upang makasama ang kanyang ama, naging limitado ang mga pagkakataon ni Luna na magbigay ng mga materyal na bagay para sa kanila.

Sa kasalukuyan, higit tatlumpung milyong piso ang natitira sa kanyang credit card.

Hindi naman iyon malaking halaga para kay Eduardo, isang taong sanay sa luho at kaginhawaan, ngunit para kay Luna, ito ay isang makabuluhang halaga.

Dahil ang pondo ay orihinal na nagmula sa kanyang sarili, hindi na nag aksaya pa ng panahon si Luna sa mga walang makabuluhang argumento. Sa halip, mabilis at mahinahon niyang inilipat ang pera.

Iniwan niya ang dalawang card, hinila niya ang kanyang maleta at umalis nang hindi lumilingon.

Mayroon siyang maliit na tahanan na hindi kalayuan sa kanyang pinagtatrabahuhan. Isang simpleng tirahan na may sukat na mahigit isang daang metro kuwadrado lamang na nagsisilbing kanyang kanlungan at tahanan.

Apat na taon na ang nakalilipas, binili niya ang nasabing tirahan upang maging pansamantalang kanlungan ng isang kaibigang tumatakas sa kanilang tahanan. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa niya ito natitirhan.

Ngayon, naging kapaki-pakinabang na ang kanyang pagbili ng tahanang iyon.

Dahil sa regular na paglilinis ng inuupahan niyang tagapaglinis, ay napanatili ang kalinisan ng bahay, handa ng tirahan pagkatapos ng magaan lamang na paglilinis.

Matapos ang isang nakakapagod na araw, bandang alas-diyes ng gabi, bumalik si Luna sa kanyang silid upang magpahinga matapos maligo.

“Ding ding, ding ding–”

Ang malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sa kanya mula sa kanyang panaginip.

Dahil sa biglaang pagkagising, sandaling nawala sa isip si Luna.

Sa pagbalik ng kanyang kamalayan, naalala niya bigla na ala-una na ng madaling araw, na katumbas ng alas-siyete na ng umaga sa Villa Esperanza, kung saan kasalukuyang naninirahan ang kanyang anak at ang ama nito.

Sa mga oras na iyon, karaniwang nagsisimula na ng agahan ang mag ama sa kanila. Mula nang sumunod ang kanyang anak kay Eduardo sa ibang bansa, naging isang tradisyon na ang pagtawag ni Luna sa kanyang anak sa mga oras na iyon.

Ngunit dahil sa pagkapagod mula sa matrabahong araw, madalas nakakatulog siya ng maaga. Upang hindi mamiss ang pag-uusap nila na kanyang anak sa cellphone, nagtatakda siya ng alarm sa kanyang relo.

Sa pagsunod ng kanyang anak sa kanyang ama sa Villa Esperanza, hindi agad nakapag-ayon si Luna sa biglaang pagbabago ng kanilang pamumuhay. Ang pagkawala ay nagdulot ng isang malalim na pagdurusa, at ang pagmamahal niya sa kanyang anak ay naging isang patuloy na paghahangad na makarinig ng kanyang boses sa tuwing siya ay nagigising.

Ngunit habang tumatagal ang pananatili nito sa ibang bansa, ang dating pagmamahal at pananabik ng kanyang anak sa kanya ay naging balewala at hindi matiyaga sa tuwing nag-uusap sila sa telepono.

Sa katunayan, matagal na niyang hindi kailangang itakda ang alarm clock na ito. Ang tunog ng pag alarm ay naging isang lumang tradisyon, isang paalala ng mga panahong ang kanyang anak ay naghahangad pa ng kanyang presensya.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Luna habang iniisip iyon.

Pagkatapos mag-alinlangan ng ilang sandali, tinanggal ni Luna ang alarm clock, pinatay ang cellphone, at bumalik sa pagtulog.

Sa kabilang banda.

Kakatapos lang mag-agahan nina Eduardo kasama ang anak na babae.

Bagama't alam ni Eduardo na halos araw-raw tumatawag si Luna sa kanyang anak sa mga oras na ito, hindi naman siya laging nasa bahay at hindi niya rin ito pinapakialaman.

Hindi tumawag si Luna ngayong araw, at napansin iyon ni Eduardo. Matapos mag-almusal, umakyat siya sa itaas upang magpalit ng damit.

Napansin ni Aria ang unti-unting pagbabago sa tono ng kanilang pag-uusap ng kanyang ina. Ang dating masiglang pag-uusap ay tila naging maikli at hindi na ganoon kadalas.

Nang mapansin niyang hindi tumawag ang kanyang ina, naisip niyang marahil ay naantala lamang ito sa isang bagay.

Ang kanyang mga matingkad na mata ay nag-ikot sa paligid, naparoon at naparito, na parang mga ibon na naghahanap ng daan sa gitna ng kaguluhan. Kinuha ng munting bata ang kanyang schoolbag at tumakbo pababa ng hagdan.

Nang makita siya ng Mayordoma dali-dali niya itong sinundan, ang kanyang mga salita ay nagdadala ng pag-aalala, “Aria, maaga pa ngayon, maari ka pang lumabas mamaya!” anito sa supling.

Hindi nakinig si Aria, at masayang tumakbo patungo sa kotse.

Parang isang biro ang hindi pagtawag ng aking ina sa mga oras na ito, dahil sa isang bagay. Wika pa ng batang babae sa sarili.

Naisip niyang kung hindi siya lalabas ngayon araw, tatawagan siya ng kanyang ina mamaya at kailangan niyang makipag-usap muli sa kanya at ayaw nga niyang mangyari iyon!

Pagkatapos ng kasal, si Luna ay nagtrabaho sa Monteverde Group.

Orihinal niyang sinamang ang Monteverde Group para kay Eduardo, isang taong naging sandigan ng kanyang mga pangarap at pag-ibig.

Ngayon na maghihiwalay na sila, wala na siyang dahilan para manatili pa sa Grupo ng mga Monteverde.

Kinaumagahan, sa pagdating ni Luna sa kumpanya, inabot niya ang kanyang liham na pagbibitiw kay Miguel Diaz.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 3: P.1

    Si Miguel Diaz, ay isang taong naging sanay sa mga galaw ng kapangyarihan at mga pagsasabwatan ng negosyo, isang personal na sekretarya ni Eduardo.Ang kanyang mga mata na sanay sa pagbabasa ng mga emosyon at intensyon, ay nabigla ng makita ang liham ng pagbibitiw ni Luna.Si Miguel ay isa sa ilang tao sa kumpanya na nakakaalam ng lihim na kwento ng pag-iibigan nila Luna at Eduardo. Lahat ng mga nakakakilala kay Eduardo ay alam na hindi nasa kanya ang puso ni Luna.Pagkatapos ng kasal, naging isang malamig na hangin ang pakikitungo ni Eduardo kay Luna, at bihira lamang itong umuwi sa kanilang tahanan.Para mapalapit at makuha ang puso ni Eduardo, pinili ni Luna na magtrabaho sa Grupo ng mga Monteverde.Ang kanyang orihinal na layunin ay maging isang personal na sekretarya ng lalaki.Ngunit ang kanyang mga pangarap ay nabuwal sa isang pader ng pagtutol Hindi sumang-ayon si Eduardo.Kahit na ang matandang lalaki, ang taong naging sandigan ng kanyang mga pangarap, ang nagpakita at nag-a

    Last Updated : 2025-03-03
  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 3: P.2

    “Hindi na kailangan.” ang matipid na tugon ni Luna.Karaniwan nang dalawang beses na lamang sa isang araw ang pagtawag ni Luna sa kanyang anak.Minsan alas-singko ng madaling araw, at minsan naman ay umabot na ng bandang tanghali. Lahat ng mga kasamahan ni Luna, ay alam ang tungkol sa kanya na may anak na siya.Ngunit isang lihim ang itinatago niya, isang lihim na hindi pa niya naibubunyag sa mga kasamahan niya. Ang ama ng kanyang anak ay walang iba kundi ang pinakamakapangyarihang tao o nagmamay-ari sa kanilang kompanya. Sa paglubog ng araw, matapos ang mahabang araw ng kanyang pagtatrabaho, nagtungo si Luna sa isang pamilihang bayan at naghahanap ng mga sariwang prutas at gulay at dinala niya ito pauwi ng kanyang tahanan. Pagkatapos ng hapunan, nagtungo si Luna sa kanyang silid upang buksan ang kanyang laptop. Sa liwanag kanyang screen, hinanap niya ang mga balita patungkol sa eksibisyon ng teknolohiya.Matapos mabasa ang mga balita, agad siyang nag dial ng numero at may tinawaga

    Last Updated : 2025-03-04
  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 4: P.1

    Biglang napabangon si Aria mula sa kama, "Talaga?" masiglang tanong niya sa kanyang ama."Kung ganon, bakit hindi sinabi sa akin ni Tita Regina kanina?" dagdag pa niya.Mahinahong sinagot ni Eduardo ang kanyang anak, "Oo, ngayon palang naging malinaw ang sitwasyon at hindi ko pa ito nababanggit sa kanya." Labis ang pagkatuwa ng batang si Aria dahil sa sinabi ng kanyang ama, "Sige po Daddy, wag niyo nalang po munang ipagsabi kay Tita Gina, sosopresahin nalang natin siya pag-uwi natin, okay po ba?" masiglang wika ng bata.Maayos namang tumango si Eduardo sa munting kahilingan ng kanyang anak."Ang galing-galing mo talaga Daddy, mahal na mahal po kita." dagdag pa niyang sinabi.Matapos ang pag-uusap sa telepono, ang batang si Aria ay halos mapatalon sa tuwa, kumakanta at sumasayaw pa sa ibabaw ng kanyang kama.Ilang sandali, bigla na lamang niyang naisip ang kanyang ina. Dahil sa hindi pagtawag sa kanya nitong mga nakaraang araw, ay mas gumaan ang pakiramdam niya. Sa katunayan, sinasad

    Last Updated : 2025-03-08
  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 4: P.2

    Tila ba isang malalim na katahimikan ang bumabalot sa puso ni Luna. Wala siyang kaalam-alam sa pagbabalik nina Eduardo sa Valley Heights kung saan kasama ang mga kaibigan niya. Ni isa ay walang nagsabi sa kanya.Kalahati na ng isang buwan mula ng lumipat siya sa Villa. At sa loob ng kalahating buwan na iyon, ay unti-unti na siyang nasanay na mamuhay ng tahimik at maginhawang pamumuhay ng mag-isa.Sabado ng araw, medyo nahuli ng gumising si Luna. Pagkatapos niyang maligo, binuksan niya ang mga kurtina at nakita ang maliwanag na sikat ng araw mula sa labas ng bintana. Nag unat-unat siya, dinidiligan ang mga halamang inaalagaan niya, at akmang magluluto na sana siya ng isang simpleng almusal ay bigla tumunog pindutan ng pinto.Si Mrs. Teresa pala, ang kapitbahay niya na nakatira malapit sa tapat niya."Miss Luna, naabala ba kita?" nahihiyang tanong nito."Ah...hindi naman gising na ako" mahinahong sabi ni Luna. "Mabuti naman, ito ang mga pansit at dumpling na inihurno ng pamilya namin

    Last Updated : 2025-03-08
  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 5: P.1

    Matagal na panahon na ring pala noong huling nagkita sina Eloisa at Luna. Pero sa isang beses na muling nagkita sila, napansin ni Eloisa ang pagiging kakaiba nito, kumpara sa babaeng masigla na nakilala niya noon.Nang maisip niya ang isang Luna noon, hindi niya inakala na darating ang araw mararananasan pala ng babaeng ito ang pakiramdam ng pagiging hindi karapt-dapat.Wala ring kaalam-alam si Eloisa patungkol sa kasal nila ng lalaking si Eduardo.Ngunit may kaunting kaalaman siya sa katotohanan. Bagama't may mga hinala siya, pinili niyang huwag na lamang itong ipahayag. Sa halip, sinabi niya kay Luna nang may pagkaseryoso: "Hindi hadlang ang pagiging huli, ang iyong kakayahan ay natatangi. Luna, hanggat may pagnanais ka pang magpatuloy, hindi pa huli ang lahat." mahinahong wika ni Eloisa."Tandaan mong ikaw ang pinakanagpasaya sa akin bilang guro sa lahat ng taon kong pagtuturo." dagdag pa nito.Nakinig si Luna at bahagyang ngumiti, "Kung maririnig ito ng guro, natatakot ako na tata

    Last Updated : 2025-03-10
  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 5: P.2

    Kahit na gustong-gusto ng anak ni Clara ang luto ni Luna, sa kanyang puso, minumukha siya nitong isang katulong. Halos utusan lamang siya ng bata, na parang isang yaya.Noon, dahil kay Eduardo, mabuti ang pakikitungo ni Luna sa anak ni Clara. Hindi niya nga pinapansin ang kawalang galang ng bata. Ngunit dahil sa nakapaghanda na si Luna sa diborsyo nila ni Eduardo, ayaw na niyang magkompromiso para sa kanya.Kaya diretsyong tumanggi si Luna at sinabi, "Pasensya na Clara, ngunit wala akong bakanteng oras bukas." Isang malinaw at matatag ang kanyang mga salita.Dahil babalik na siya sa kanyang propesyon, mas ilalaan niya ang lahat ng kanyang oras para sa hinaharap na negosyo.Kahit na si Eduardo man o si Clara, ay wala na siyang pakialam sa kanila pagkatapos ng diborsyo. Wala na siyang balak pang sayangin ang kanyang oras para sa kanila.Gayunpaman, hindi inaasahan ni Clara sa unang pagkakataon ay tatanggihan siya ni Luna.Sapagkat noon, pinilit ni Luna na ibaba ang kanyang sarili para

    Last Updated : 2025-03-12
  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 6: P.1

    Kinabukasan.Nang makarating si Eduardo sa kompanya, nakasalubong niya si Luna. Hindi pa alam ni Luna na nagbalik na pala sa Valley Heights ang lalaki kasama ang anak niyang babae.Biglang napatigil si Luna nang makasalubong niya ang lalaking sa loob ng kumpanya, at ganoon din si Eduardo, ang inakala nga niya'y kakabalik lang ni Luna galing sa isang business trip kaya't hindi na ito nag-isip pa ng kung ano-ano.Walang anumang makikitang ekspresyon sa mukha ni Eduardo, sa halip ay agad siyang dumiretso sa silid ng kanyang opisina, parang isang estranghero lamang ang tingin niya kay Luna.Kung nuon, talaga namang magugulat at magugulat pa si Luna sa biglaang pagbalik nito sa Valley Heights. Sa sitwasyong kung saan kahit hindi niya magawang yakapin ang lalaki, tititigan pa rin niya ito ng masaya at masigla, habang ang mga mata'y puno ng pagmamahal sa kanya. Kahit malamig ang pakikitungo ni Eduardo sa kanya, ngingitian pa rin niya ito at babatiin niyang "Magandang Umaga." Ngunit ngayon,

    Last Updated : 2025-03-14
  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 6: P.2

    Kung noon, talagang gagawin niya, pero ngayon na malapit na siyang makipaghiwalay sa lalaki, paano pa kaya niya nagagawa ang ganoong bagay? Ngunit hindi man lang nila binigyan ng pagkakataon si Luna na magpaliwanag."Pakiusap, umalis kana kaagad!" malamig na sigaw ng sekretarya.Namumugto ang mga mata ni Luna, bahagyang nanginginig ang mga kamay habang buhat ang tray. Ang mainit na kape ay halos natatapon na dahilan ng pagkapaso ng kanyang mga daliri, sa kabila ng matinding hapdi, hindi siya umimik at tahimik na tumalikod. Ngunit bago paman siya makalayo, muling umaalingawngaw ang boses ni Eduardo mula sa loob ng opisina: "Kung may susunod pang pagkakataon, huwag ka nang magpapakita pa rito sa kompanya." matigas na usal ng lalaki.Isinuko na ni Luna ang kanyang trabaho. Kahit hindi paman iyon nangyari, matagal na rin naman niyang pinagplanohan ang pag-alis ng kompanya agad-agad kapag nakahanap siya ng ipapalit niya.Lubos niyang naunawaan na wala siyang halaga sa mga taong naroon, an

    Last Updated : 2025-03-14

Latest chapter

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 22: P.2

    Hindi pa man nakapagsalita si Jeriko, narinig na ni Luna ang isang tinig na lumapit upang batiin ito. Bahagya siyang lumingon, tila likas lamang na reaksyon, at sa kanyang paglingon, tumama ang kanyang paningin sa isang pares ng mata. Nagtagpo ang kanilang mga mata ni Regina. Si Regina ay may magalang na ngiti sa mga labi nang lumapit, subalit sa mismong sandaling tumama ang kanyang paningin kay Luna, bigla itong nawala.Ang dating mainit na anyo ay napalitan ng malamig at matalim na tingin, tila ba ang init ng kanyang ngiti ay nagyelo sa isang iglap. Isang sulyap lang ang ibinigay ni Regina kay Luna bago agad inalis ang tingin, na tila ba walang taong naroroon. Muling bumalik ang magalang nitong ngiti na parang walang nangyari, at muling hinarap si Jeriko.Ngunit bago pa man siya makapagsalita, nauna na si Jeriko. Nakangiti niyang nilingon si Luna at marahan nagsalita, "Siya si binibining Regina Saison. Luna, nais mo ba siyang makilala?" anito.Ang mga salitang binitawan ni Jeriko

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 22: P.1

    Sapagkat para kay Luna, ang tanging paraan upang matiyak kung may kubuluhan ang isang bagay ay ang pagdanas nito. Gaya rin ito ng pag-ibig hindi mo malalaman ang katotohanan hangga't hindi mo sinusubukang maramdaman.Mahal ni Luna si Eduardo. Kaya't naglakas loob siyang ipagsapalaran ang kanyang kinabukasan, iniwan niya ang pagkakataong makapagpatuloy sa pag-aaral at buong puso siyang nagdesisyong italaga ang sarili sa kaniyang pamilya.Ngayon na nasubukan na niya, alam niyang napakaataas na halagang kanyang ibinayad. Ngunit kahit kailan, hindi nakita ni Jeriko ang kahit katiting na pagsisi sa kanyang mga mata.Kaya nang sinabi ni Luna na ayos lang siya at nais na lamang kalimutan ang lahat, pinili ni Jeriko na maniwala.Ngumiti siya at marahang nagsalita, "Hanap na muna tayo ng maiinom?" ani ni Jeriko.Ngumiti si Luna at sinabi, "Okay sige." Habang karamihan ay patungo sa ibang direksyon, sabay silang lumihis ng landas at nagtungo sa lugar kainan."Gusto mong uminom?" tanong ni Jeri

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 21: P.2

    Noong labing pitong taong gulang pa lamang si Luna, binuo na niya ang Technopath kasama ang kanyang koponan. Marami noon ang nagpapawalang-halaga rito, at itinuturing na ordinaryo lamang. Ngunit sa paglipas ng panahon, napatunayan nitong ito ang pinakamatibay na sandata ng kanilang kompanya, isang hindi matitinag na pundasyon ng kanilang tagumpay. Ngayon, kinilala na ng buong industriya ang kahanga-hangang kakayahan ng Technopath. Kaya naman tiyak na ang pagdating ni Regina ay dahil dito."Sa nakalipas na dalawa o tatlong taon, talagang napakaraming mahuhusay na indibidwal mula sa iba't-ibang larangan ang nagtungo sa aming kompanya, dahil sa wikang programming na ito." muling paliwanag ni Jeriko.Laking gulat ni Luna sa kanyang mga narinig.Mariing tumingin si Jeriko kay Luna, hinaplos ang kanyang ulo, at ngumiti habang sinasabi, "Kaya naman hindi ako nagkakamali kapag sinabi kong wala siyang halaga sa harap mo." Dagdag pa ng lalaki.Talagang napakagaling ni Luna sa larangang ito. Paa

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 21: P.1

    Kinabukasan. Nakauwi lamang si Luna sa kanyang bahay matapos tuluyang humupa ang lagnat ni Eleanor.Pagkauwi niya, naalala niyang hindi pa pala niya nasisimulan ang paghahanda ng kanyang damit para sa gaganaping salu-salo bukas ng gabi.Kinahapunan, umalis si Luna.Pagdating niya sa isang mamahaling tindahan ng mga damit, abala pa ang tagapamahala at ilang mga empleyado sa isang damit. Dahil sa abala, napansin lamang nila ang presensya ni Luna nang lapitan niya ang mga ito."Paumanhin mis, ano po ang kailangan niyo?" boses ng babaeng tauhan."Ahh, titingin na muna ako." ani Luna."Sige po." malumanay na tumango ang tauhang babae.Bagama't ikinasal siya sa pamilya Monteverde, halos si Luna ay hindi nakakadalo sa anumang mga salu-salo sa nakalipas na mga taon.Kung tutuusin, hindi siya isinasama nina Eduardo at Marcela kahit pa kinakailangan nilang dumalo sa mga pormal na okasyon.Kung tungkol naman sa matandang ginang, matagal na siyang nanatili sa likod ng mga eksena at hindi na nag

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 20: P.2

    Ilang sandali lamang matapos ang pagpupulong, lumapit kay Luna ang sekretaryang si Miguel. Ang mga salita niya ay banayad, halos bulong ngunit sapat na upang marinig iyon ni Luna."Halos tapos na ang iyong paglilipat sa trabaho, mukhang hindi mo na kailangang bumalik bukas." boses ni Miguel, habang ang mga mata'y naglalaman ng isang hindi mabatid na emosyon.Isang simpleng "Alam ko." Lamang ang isinagot ni Luna rito. Walang anumang emosyon ang naririnig sa kanyang titig, isang patunay ng kanyang mahinahong pagtanggap sa balita.Nakapagdesisyon na si Luna na siya na mismo ang magpapaalam kay Miguel sa pagkompleto ng kanyang mga gawain, kahit hindi pa man ito binabanggit sa kanya.Dahil sa personal siyang pinuntahan ng sekretarya, nakaiwas si Luna sa pagod ng paglalakbay. Ngunit hindi inaasahan ni Miguel ang gaan ng pagpayag nito. "Ahh saka nga pala..." usal ni Luna, saka inunat ang kanyang kamay, "Salamat sa pag-aalalaga mo sa mga nakaraang taon." aniya.Hindi pa rin nakakabawi si Mig

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 20: P.1

    Dahil sa kulit ng kanyang anak, wala nang nagawa si Luna kundi ang sumamahan na ito sa hapag-kainan at naupo sa tapat ni Eduardo.Marahan namang inabutan ng mayordoma si Luna ng isang basong tubig. Habang iniinom ito ni Luna, tahimik niyang pinakinggan ang kuwento ni Aria sa mga nangyari sa kanyang paaralan nitong mga nakaraang araw. Si Eduardo naman ay parang wala siyang nakikitang iba kundi ang kanyang anak. Sinasadya niya ba iyon? O sadyang wala lang siyang pakialam? Hindi masasabi, ngunit ang pagwawalang-bahala niya kay Eduardo ay hindi nakaligtas sa paningin nito. Napansin ni Eduardo ang pagbabago sa pakikitungo sa kanya ni Luna. Naalala ng lalaki ang huling pagbisita nila sa lumang bahay. Ganoon rin ang pakikitungo ni Luna sa kanya noon. Ang pag-aalala na iyon ay nagdulot ng isang madilim na anino sa kanyang mukha. Napakunot ang noo niya, ang galaw ng kanyang mga kamay ay huminto sa pagkain.Sa sandaling iyon, biglang tumunog ang cellphone ni Eduardo. Saktong napatingin si L

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 19: P.2

    "Opo." mahinang bulong ni Aria, ang pag-puot ng kanyang mga labi ay bahagyang humupa, napalitan ng isang manipis na ngiti. Isang maliit na tagumpay laban sa lungkot. Ibinaba niya ang telepono at bumaba sa hagdan, ang mga hakbang ay mas magaan na ngayon, patungo sa hapagkainan, dala ang isang bagong pag-asa para sa nalalapit na katapusan ng linggo.Matapos ibaba ang telepono, bumalik na rin kaagad si Eduardo sa kanyang pribadong silid. Pagkapasok pa lang niya, isang mapang-asar na boses ang sumalubong sa kanya, "Ang dami naman yatang tawag si Mr. President." biro pa ng isang bisita.Dahan-dahang inangat ni Eduardo ang baso ng alak sa kanyang labi, ang pulang likido ay sumasalamin sa malamlam na ilaw ng pribadong silid. Isang mahinang pagsimsim para sa sandaling katahimikan bago siya nagsalit, at halos walang emosyon."Nagtatampo kasi ang anak kong babae at ayaw kumain. Kinulit ko lang saglit." aniya, isang simpleng sagot.Nang marinig iyon, iba't-ibang ekspresyon ang sumilay sa mga muk

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 19: P.1

    Sa pagkakataong iyon, ang sekretaryang si Miguel ay nakarating na sa silid ng tsaa. Nang marinig niya ang balita, natigilan siya.Si Miguel at ang isa pa nitong sekretarya na si Troy ay palaging naniniwala na si Luna ay hindi kailanman magiging handang talikuran ang kompanya. Matibay din ang paniniwala nilang makakahanap si Luna ng paraan para manatili. Kahapon, nang magsimula na si Melinda sa trabaho ni Luna, inaasahan nilang kikilos ito.Bukod pa rito, si Melinda ay mahusay at maganda. Paano nga ba magiging panatag si Luna na hahayaan ang dalaga na makasama si Eduardo?Ngunit ang mga pangyayari sa nakalipas na dalawang araw ay lubos na sumalungat sa kanilang inaasahan. Hindi lamang tinanggap ni Luna ang presensya ni Melinda, kundi isang hindi inaasahang pagiging malapit nito sa isat-isa. At tinuturuan pa niya ito kung paano gumawa ng kape?Ang kanilang nakikita ay tila hindi maipaliwanag na dahilan.Hindi alam ni Luna kung ano ang nasa isip ng sekretaryang si Miguel. Seryuso niyang

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 18: P.2

    Isang mahabang, matinis na tili ang pumutol sa hangin, ang boses ni Aria. "Ahhh! Hindi pa pala ako nakapag hilamos at sipilyo, mom, mamaya nalang muna tayo mag-uusap muli!" anito, ang mga salita ay nagmistulang paro-paro, nagmamadaling lumipad.Pagkatapos noon, bago pa man makasagot si Luna, padabog na ibinaba ng bata ang telepono. Ibiniba na rin ni Luna ang kanyang cellphone at nag-almusal, at pagkatapos ay umalis patungo sa kompanya ng Monteverde para magtrabaho.May pagpupulong na gaganapin ngayong umaga, at si Eduardo ay dadalo rin.Pagdating nila sa silid, mahigit sampung minuto ng nakaupo si Luna at ang iba pa bago dumating si Eduardo.Isang iglap lamang at sa wakas ay naroon na rin si Eduardo. At sa sandaling iyon, tila huminto ang mundo para kay Melinda. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan, isang pag-amin sa matagal ng pagpipigil. Ang mga mata niyang nagniningning ay tila nakatuon lamang kay Eduardo.Maya-maya, nang opisyal ng magsimula ang pagpupulong,

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status