Sa mga sandaling iyon, nakatanggap ng tawag si Regina.Pagkababa ng telepono, sinabi niya, "Parating na si Eduardo, sasabay na ako sa inyo." Pagsapit nila sa ibaba, nandoon na nga si Eduardo, naghihintay sa tabi ng kanyang sasakyan.Pagkakita sa kanila, agad siyang bumaba at magalang na binati sina Enrico at Jeriko.Saglit niya pang nilingon si Luna, isang panandaliang tingin lamang, ngunit hindi siya kinausap, at tuluyang nagbaling muli ng atensyon sa iba.Pagbaba ni Regina ng sasakyan, agad siyang tumayo sa tabi ni Eduardo. Sa unang tingin, para silang tunay na magkasintahan magkatabi, magkatugma, at tila komportable sa presensya ng isa't isa.Habang abala si Enrico sa pagbati kay Eduardo, tumingin si Jeriko sa kanila, bahagyang umirap at malamig ang boses nang sabihing,"Mr. Eduardo may hapunan kaming pupuntahan. Mauna na kami."Si Eduardo ay maikli lamang ang tugon, "Mr. Galang, ingat ka."Agad na umalis sina Jeriko at Luna.Ilang sandali pa, matapos ang hapunan kasama sina Mr. A
"Kilala mo ba nang mabuti ang babaeng 'yon?" tanong ni EnricoPagkarinig ni Regina na si Luna ang tinutukoy, bahagyang humigpit ang hawak niya sa gilid ng mesa.Totoo namang maganda si Luna.Nang marinig ni Regina ang tanong ni Enrico, hindi niya naiwasang maisip na baka interesado ito kay Luna.Pero nang maalala niya ang mga narinig niya noong araw ng subasta, at ang malamig at magalang na pakikitungo nito sa kanya ngayon, napagtanto niyang mali ang akala niya.Walang ipinakitang emosyon sa mukha ni Regina nang sumagot siya, "Hindi kami magkakilala nang husto. Bakit mo natanong?"Sumulyap si Enrico kina Luna at Jeriko saka nagsabi, "Sa paraan ng pakikipag-usap niya kay Jeriko mukhang may kakayahan din siya?"Magaan ang tono ni Regina nang sumagot, "Hindi ko alam, pero ang sabi-sabi, bachelor's degree lang ang natapos niya.""Degree lang sa kolehiyo?" ani Enrico."Oo." sagot ni Regina."Ah, kaya pala." muling wika ni Enrico.Normal lang na kabahan siya na baka maagaw si Jeriko, lalo n
Minsan lang sumulyap si Luna kay Enrico, at hindi na siya muling tumingin pa sa may pintuan, kaya hindi rin niya talaga napansin na naroon din pala si Regina.Kaya't nang marinig ni Luna na binanggit ni Jeriko ang salitang "Miss Saison," agad niyang nahulaan na si Regina ang tinutukoy nito.Gayunpaman, hindi siya tumingin pataas at nagpatuloy lang sa pakikipag-usap sa mga teknikal na tauhan ng Novaley.Ngumiti muli si Mr. Nel: "Naku! Magkakakilala na pala kayo?" may halong pagkagulat ng sabihin niya.Tumango si Jeriko: "Oo naman."Sa katunayan, pare-pareho silang kabilang sa ikalawa at ikatlong henerasyon ng mga kilalang pamilya sa upper-class circle ng kabisera, kaya imposibleng hindi sila magkakakilala.Ang totoo, magkaiba lang talaga sila ng tinatahak na landas, kaya hindi sila ganoon kapamilyar sa isa’t isa.Matapos bumati sina Enrico kay Jeriko sumama na sila kay Mr. Nel papunta sa kabilang bahagi ng opisina upang pag-usapan ang mga usaping may kinalaman sa trabaho.Nanatili si R
Marahil ay napansin ni Mateo ang labis na pagod ng dalawa kaya pinayagan na niya ang mga ito na umuwi bandang alas-nwebe ng gabi.Pagkauwi ni Luna, dumiretso siya sa banyo upang maligo, at pagkatapos ay agad siyang nahiga at nakatulog dala ng pagod sa buong maghapon.Kinabukasan.May ilang kailangang asikasuhin sa Novaley, kaya si Luna at Jeriko ay nagpunta roon bandang hapon upang personal na harapin ang mga ito.Pagkadating nila roon, kakaumpisa pa lamang nilang talakayin ang ilang teknikal na isyu nang pumasok sina Enrico, Muad at Drake Montaño, kasamang inihatid ng mga tauhan sa Novaley.Pagkakita kay Luna, bahagyang nagulat ang dalawa.Medyo nakangising tinaas ni Drake ang kanyang kilay at nagsabing, "Empleyado pala siya ng Novaley? Ang galing naman ng pagkakatagpo."Bahagyang kumindat si Enrico at saka nagkibit-balikat, waring sinasabi na hindi na siya nagugulat sa mga ganitong pangyayari.Hindi nga sila magkakilala, kaya paano niya malalaman kung empleyado si Luna sa Novaley?N
Pagkatapos magsalita ni Mateo, bumalik na si Eduardo.Bago pa man ito makapagsalita, nauna nang nagsalita si Mateo: "Ginawa ko na ang dapat kong gawin. Ako na ang makikipag-ugnayan sa inyo sa mga susunod o mga ilang araw."Diretso, walang paligoy-ligoy, tila ba tapos na ang usapan para sa kanya. Tumango lamang siya nang bahagya, saka tuluyang lumakad palabas ng silid, iniwan sina Regina at Eduardo na tahimik na nagkatinginan."Maliwanag po Mr. Lim." ani Eduardo.Tiningnan ni Eduardo si Regina at napansin ang lungkot sa mukha nito. Kaya’t mahinahon siyang nagtanong, "Hindi ba maganda ang kinalabasan?"Tumango si Regina. "Hindi niya ako tinanggap." halata ang pagkadismaya sa boses niya.Tahimik lang si Eduardo sandali, bago muling nagtanong, "Ano'ng sinabi ni Mr. Lim? Ikwento mo nga." Ikinuwento ni Regina ang buong proseso, mula sa presentasyon niya ng proyekto, hanggang sa malamig na pagtatasa at payo ni Mateo. Hindi niya tinago ang alinman sa mga sinabi nito.Tahimik na nakinig si Ed
Pagdating nina Eduardo at Regina sa hotel, dumiretso sila sa nakareserbang pribadong silid. Ilang minuto pa lamang ang lumipas nang dumating na rin si Mateo, Lim.Pagpasok ni Mateo sa loob ng silid, agad na tumayo sina Eduardo at Regina bilang pagbati.Hindi nagpakita ng kahit anong pagtataka si Mateo nang makita si Regina. Sa halip, nanatili ang malamig ngunit maayos niyang ekspresyon.Maayos namang muling nagpakilala si Regina, may bahid ng paggalang sa boses: "Magandang gabi, Mr. Lim. Ako po si Regina, Saison nagkita na po tayo noon sa technology exhibition." aniya.Tahimik na tumango si Mateo, ngunit hindi nagpakita ng anumang dagdag na interes."Alam ko," malamig na tugon ni Mateo habang walang bahid ng emosyon ang kanyang mukha. Iniabot niya ang kamay kay Regina bilang tugon sa kanyang pagbati.Pagkaupo ni Mateo, agad namang naupo si Regina sa tabi niya. Sa tono niyang magaan ngunit may halatang paghanga, sinabi niya,"Matagal na po kitang hinahangaan. Matagal ko na ring pinapan