共有

Chapter 27: P.1

作者: Marifer
last update 最終更新日: 2025-05-19 22:20:32

Si Luna nga ay umalis, pero malaki ang posibilidad na pansamantala lang ito. Tinatayang babalik rin siya sa kumpanya sa mga susunod na araw.

Samantala si Troy ay maingat na nagtanong, "Eh 'yung kape po..."

"Kunin mo nalang 'yan, at painumin mo nalang ako ng maligamgam na tubig." tugon ni Eduardo.

Maayos namang tumango ang sekretaryang si Troy, "Opo."

Sa kabilang banda.

Tanghali na nang lumabas si Jeriko para sa isang sosyal na pagtitipon.

Samantala, mag-isa namang kumakain si Luna sa kantina ng kumpanya.

Nang makita siya ng mga kasamahan sa parehong departamento, magalang ang kanilang pakikitungo, ngunit halatang may distansya.

Ngunit hindi iyon pinansin ni Luna. Pagkatapos ng kanyang pananghalian, nagpatuloy siya sa pagtatrabaho sa kanyang gawain.

Bandang alas-singko na ng hapon, lumapit siya kay Manuel Quezon at mahinahon niyang sinabi, "Halos tapos na ako, maaari mo ba itong silipin?" aniya.

"Ano?" laking gulat ni Manuel.

Hindi agad naka-react si Manuel. Tiningnan niya ang ipinasa
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 27: P.1

    Si Luna nga ay umalis, pero malaki ang posibilidad na pansamantala lang ito. Tinatayang babalik rin siya sa kumpanya sa mga susunod na araw.Samantala si Troy ay maingat na nagtanong, "Eh 'yung kape po...""Kunin mo nalang 'yan, at painumin mo nalang ako ng maligamgam na tubig." tugon ni Eduardo.Maayos namang tumango ang sekretaryang si Troy, "Opo."Sa kabilang banda.Tanghali na nang lumabas si Jeriko para sa isang sosyal na pagtitipon.Samantala, mag-isa namang kumakain si Luna sa kantina ng kumpanya.Nang makita siya ng mga kasamahan sa parehong departamento, magalang ang kanilang pakikitungo, ngunit halatang may distansya.Ngunit hindi iyon pinansin ni Luna. Pagkatapos ng kanyang pananghalian, nagpatuloy siya sa pagtatrabaho sa kanyang gawain.Bandang alas-singko na ng hapon, lumapit siya kay Manuel Quezon at mahinahon niyang sinabi, "Halos tapos na ako, maaari mo ba itong silipin?" aniya."Ano?" laking gulat ni Manuel.Hindi agad naka-react si Manuel. Tiningnan niya ang ipinasa

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 26: P.2

    Sa puntong iyon, iniisip ni Regina na baka hindi siya tinanggap ni Jeriko dahil lang gusto nitong ipangtanggol si Luna.Kung lumipat na si Luna sa Annex, ibig sabihin ba nito'y iniwan na niya ang kumpanya ng Monteverde? Samantala si Rafael ay patuloy pa ring natutulala: "Eh 'yung sinasabi mong personal na dahilan dati?" tanong niya muli kay Regina.Mabilis namang nakasagot si Regina, malamig ang tono ng pananalita, "May kaunting alitan lang sa personal na bagay." "Pero..." pagpigil na sagot."Anong meron?" pagtataka ni Rafael.Doon lang niya napagtanto na ang pagbitiw ni Luna ay wala palang kinalaman kay Regina. Mali ang pagkakaintindi niya.Sa pag-iisip nito, hindi napigilan ni Rafael ang magtanong, "Gaano ba talaga kagaling si Luna? Narinig ko, hindi pa nga raw siya nakakapasa sa pagsusulit para sa doktorado, tapos---" "Hindi pa nga siya nakakapasa sa pagsusulit para sa doktorado, tapos bachelor's degree lamang ang natapos niya at hindi na nga raw kumuha ng master's degree." kalm

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 26: P.1

    Si Rafael ay isang taong may kakayahan, at ayaw ni Jeriko na masayang ang ganitong talento.Ngunit noong una pa lamang niyang makilala si Regina, napansin na niyang may espesyal na pagtingin si Rafael rito.Personal na bagay ito ni Rafael, kaya noong una ay hindi na niya ito pinansin ayaw rin niyang makialam.Ngunit ngayon, dahil kay Regina, masyado na itong nadala ng kanyang emosyon, hanggang sa basta-basta na lang humusga sa pagdating ni Luna nang hindi man lang alam ang totoo. Talaga namang sumusobra na ito.Ang pangunahing teknolohiya ng Technopath ay may kasunduan sa gobyerno at sakop ng kasunduan sa pagiging kompidensyal, kaya't hindi maaaring isapubliko ang tunay na pagkakakilanlan ni Luna.Dahil kay Regina, naging padalos-dalos si Rafael at masyado niyang pinahalagahan ang kakayahan nito. Kahit ipakita pa ni Luna ang tunay niyang galing sa hinaharap, malamang ay hindi pa rin siya lubos na paniniwalaan nito. Sa halip, baka isipin pa nito na kung si Regina ang natanggap, mas nag

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 25: P.2

    Lahat ay napatingin kay Luna, tila nahipnotismo sa ganda at awra niya.Isang impleyado ang napatayo, hindi mapigilan at tuwa: "Bos Jeriko, totoo po ba? Ang magandang babae na iyong kasama ay ang bago nating kasamahan?" tanong nito."Ang bilis ng balita ninyo," ani Jeriko na may ngiti. "Ito si Luna, ang bago nating kasamahan mula sa punong tanggapan." dagdag niya.Bago pa man matapos magsalita si Jeriko, biglang sumingit si Rafael, "Pinatalsik ni Bos Jeriko ang nakababatang kasama ko dahil sa kanya?" isang mapanuyam na tanong nito.Sandaling natigilan si Jeriko at tumango, "Oo. Mamaya'y ipapaliwanag ko rin sa'yo ang tungkol didto." kalmado niyang tugon.Bago pa man tuluyang masabi ni Jeriko ang salitang "paliwanag" tumingin na si Rafael kay Luna at malamig na nagsalita."Ang aking kababatang kasamahan ay nagtapos ng doktorado sa isa sa sampung pinakahusay na pamantasan sa buong mundo ngayong taon, at dalawampu't lima pa lang ang edad niya. Kung napalitan siya ni Ginang Santos at nakap

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 25: P.1

    Hindi sumagot si Luna. Sa halip, hinaplos niya ang ulo ng batang babae at mahinahon niyang sinabi, "Isabella, huwag mong sasabihin kay Aria na si auntie ang naghatid sa'yo ha?" Tumango naman si Isabella nang masigla, "Opo." anito.Noong huling pagkakataong niyakap ni Isabella si Luna, biglang nagbago ang mukha ni Aria, sumimangot ito at naging masungit sa kanya. Kaya't simula noon, may kaba na sa dibdib ni Isabella tuwing makikita niya si Aria.Pakiramdam niya'y galit pa rin ito sa kanya hanggang ngayon. Sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata, tila palaging may nanlilisik na tingin itong si Aria, na para bang laging sinasabi na huwag siyang lalapitan.Sa harap, sina Eduardo, Regina, at Aria ay animo'y isang masayang pamilya, kompleto, magaan, at tila walang bahid ng lamat.Tinignan sila ni Luna mula sa loob ng sasakyan. Sa kabila ng bahagyang hapdi sa dibdib, napabuntong hininga na lamang siya, ibinaba ang tingin at marahang iniwas ang mga mata, habang tahimik na binawi ang sarili

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 24: P.2

    Nang makita niyang nakatingin ang kanyang ama sa may banyo, agad na sinabi ni Aria, "Naliligo si mommy sa loob."Tumango si Eduardo, "Hmm..." Pagkatapos ay nagtanong, "Ikaw ba ang nagsabi sa kanya na dito maligo?" anito."Hindi, si mommy mismo ang kusang nagdala ng kanyang mga damit dito." marahang sagot ni Aria.Hindi na muling nagtanong pa si Eduardo. Nagsabi lamang siya ng ilang salita, pinayuhan ang anak na magpahinga nang maaga, saka tahimik na tumalikod at lumabas ng silid.Narinig ni Luna ang mahinang ingay mula sa labas ng banyo, mga yabag at tinig na bahagyang pumapasok sa pinto. Alam niyang dumating si Eduardo, ngunit hindi niya narinig nang malinaw ang pag-uusap nito. Tahimik lamang siyang nagpatuloy sa pagliligo, waring ayaw makialam o umasa sa anumang dahilan ng kanyang presensya roon.Hindi pa lubusang magaling si Aria, at dahil sa epekto ng gamot, madali siyang antukin. Nang makita ni Luna na gabi na, matapos siyang maligo ay dumiretso na rin siya sa kama at nahiga sa t

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 24: P.1

    Lumingon si Luna at nakita na nasa tabi na pala niya si Eduardo, tahimik na nakatayo.Umiling lamang siya, saka tumingin sa matangkad nitong tindig at mahinang nagtanong, "Bakit? May problema ba?" aniya.Bago pa man makasagot si Eduardo, narinig na nila ang boses ng mayordoma mula sa hagdanan: "Madam, gising na po si Aria, hinahanap po kayo." anito.Ah, ganon pala. Napangiti si Luna nang mapait. Sa lamig ng pakikitungo ni Eduardo sa kanya, imposibleng siya pa ang kusang lalapit para makipag-usap kung walang dahilan.Tumayo si Luna at tumalikod na para umakyat sa itaas. Ngunit sa kanyang pagdaan, biglang iniunat ni Eduardo ang kamay at hinawakan ang kanyang pulso.Napahinto si Luna, nabigla sa pagkilos nito. Dahan-dahan at tiningnan niya ito nang may pagtataka sa mga mata.Kalmado ang boses ng lalaki ng sabihin niya, "Mag-usap tayo."Mag-uusap tungkol naman saan? Pagtataka ni Luna. Tungkol ba sa kanya at kay Jeriko na umano'y nambastos kay Regina nang gabing iyon?Sa pag-iisip nito, b

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 23: P.2

    Maliban na lang kung hindi siya agad umalis pagkatapos, o sadyang wala siyang balak umuwi ngayong gabi, mukhang ibang usapan na iyon.Sa mga sandaling iyon, narinig ni Luna ang mga yabag mula sa labas ng pintuan. Nakabalik na si Eduardo."Daddy!" masiglang sigaw ni Aria."Hmmm," maikling tugon ni Eduardo habang papalapit ito sa kama.Napansin ito ni Luna at tinangkang ibaba si Aria upang bigyang daan ang ama, ngunit ayaw ng bata. Lalo pa siyang kumapit sa ina habang inaabot ang mga kamay kay Eduardo.Lumapit si Eduardo at inakay si Aria mula sa mga bisig ni Luna. Sa paglapit niya, naamoy ni Luna ang pamilyar na halimuyak ng pabangong matagal na niyang kabisado, ang pabangong matagal ding dumidikit sa kanya noon.Ngunit bukod sa pamilyar na amoy ng pabango ni Eduardo, may isa pang halimuyak na sumingit sa kanyang pandama, banayad, elegante at pambabae.Amoy na ilang oras pa lang ang nakalilipas niyang naamoy kay Regina sa hapunang dinaluhan nila.Lumingon si Luna, tahimik na iniwas a

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 23: P.1

    Ang tinutukoy ng punong-abala ay walang iba kundi si Regina Saison. Ngumiti si Jeriko, bahagyang umaangat ang sulok ng kanyang labi, waring sinasadyang gawing magaan ang tanong. "Ah, siguro?" sagot niya, may halong biro ang tinig. "Bakit mo na itanong?"Ang kanyang anyo'y kalmado, ngunit sa likod ng tanong ay may bahid ng pag-iingat dahil sa mga ganitong pagtitipon, bihirang may tinatanong nang walang dahilan."Nagkausap kami sandali noong una, at doon ko siya bahagyang nakilala," wika ng punong-abala, habang inaayos ang kanyang suot na damit."Narinig kong hindi siya tubong kabisera, galing daw siya sa ibang Villa. Medyo maayos din ang takbo ng negosyo ng kanyang pamilya roon, at may pangalan din sila sa kanilang lugar." dagdag pa nitong paliwanag."Ngunit kung ikokompara sa mga pamilyang malalaki rito sa kabisera, gaya na lamang ng pamilyang Monteverde, pamilyang Silang, at Sol, tila wala pa ring bigat ang lahat ng iyon." Sumunod nitong paliwanag."At ano ngayon?" malamig ngunit ba

無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status