Napakataas ng kalidad ng esmeraldang set na inihandog ni Eduardo para sa matanda. Kaya't Tuwang-tuwa ito at talagang nagustuhan niya ito ng sobra.Ngunit dahil kay Eduardo galing ang regalo, isang sulyap lamang ang ibinigay ng matanda, saka marahang isinara ang takip ng kahon, inilagay sa gilid, at malamig na nagsabi: "Maganda siyang tingnan. Pasalamatan mo na lang si Eduardo para kay lola." anito.Tungkol naman sa kung darating ba ito sa kaarawan ng matanda ngayon, hindi na rin siya tinanong, wala na rin naman siyang pakialam kung darating ba ito o hindi.Alam ni Luna na hindi gusto ng matanda si Eduardo. Kung dati'y siguradong ipagtatanggol pa niya ang lalaki at magsasalita ng maganda tungkol dito.Pero ngayon, wala na siyang sinabi pa. Sa halip, tahimik niyang kinuha ang regalong siya mismo ang pumili at inihanda para sa matanda, at iniabot ito ng buong galang.Tulad nga ng inaasahan ni Luna, sa dami ng mga regalong natanggap ng Matanda, ang pinaka-nagustuhan nito ay ang set ng apa
Matapos marinig, napangiwi si Aria at bahagyang umusli ang kanyang labi, "Pero Dad..."Hindi na nagsalita si Eduardo. Bagkus, tinitigan niya lamang ito nang matalim at may bahid ng lamig.Nang makita iyon ni Aria, napagtanto ng batang babae na wala nang puwang para tumanggi. Napilitan siyang sumagot, "Hmm... Okay!""Mabuting bata!" puri pa ni Eduardo.Muling napangiwi si Aria at hindi napigilang makiusap, "Maglalaro ako kasama si Tita Regina sa Linggo, tapos kailangang samahan mo ako kasama siya." anito.Ngumiti lamang si Eduardo saka sinabi, "Sige." Pagsapit ng Biyernes ng gabi, matapos makauwi mula sa trabaho, bumalik si Luna sa villa ni Eduardo.Pagpasok ni Luna sa bahay, napansin niya na naroon si Eduardo. Medyo nakapagtataka ito, dahil bihira itong umuwi nang ganoong oras.Abala ito sa pakikipag-usap sa telepono. Nang marinig niya ang mga yabag ni Luna, saglit siyang lumingon upang tingnan ito, saka muling ibinalik ang atensyon sa tawag.Alam din ng mayordoma na iuuwi ni Luna si
Pagkarinig nito, napangiti si Luna, isang mapait at mapanuyang ngiti.Siguro siya lang ang tao sa mundo na kailangang pagsabihang makisama at huwag awayin ang isang kabit! Dahil sa sobrang mahal ito ng sarili niyang asawa.Maging si Jeriko ay hindi rin nakatiis sa narinig. Kaya sabi niya, "Ang Annex ay hindi natatakot kay Eduardo."Dahil sa Technopath, matagal nang may proteksyon ang kumpanya nila mula sa gobyerno.Hindi nagalaw ni Eduardo ang Annex kamakailan, pero kung hindi siya nagkakamali sa proyektong tinatrabaho nila, susuportahan na rin iyon ng gobyerno sa lalong madaling panahon.Sa pagkakataong ito, malaki ang posibilidad na lalaki pa nang husto ang kumpanya nila sa loob ng isang taon. At sa pagdating ng panahong 'yon, mas lalo nang hindi kayang galawin ni Eduardo ang Annex.Kaya’t nang sabihin niyang hindi nila kinatatakutan si Eduardo, hindi iyon basta bugso lang ng damdamin o padalos-dalos na salita.Ito ay kumpiyansang pinaghirapan at pinanday mismo ni Luna para sa saril
Naalala niyang malungkot siyang pumunta sa banyo noong araw na iyon, at pagbalik niya, nakita niya ang Matandang Ginang na may hawak na dalawang sorbetes sa kamay, binili para sa kanya at kay Regina.Agad namang pinili ni Regina ang buo at walang sira.Hinaplos lang ni Matandang Ginang ang ulo niya at ngumiti. Hindi niya itinapon ang nadumihang sorbetes o pinalitan man lang ito para sa kanya.Pagbalik niya mula sa banyo, iniabot na lamang sa kanya ng tahimik ang sorbetes na may kagat, na para bang walang anumang dapat ipaliwanag.Sa yaman ng pamilyang Saison noong panahong iyon, hindi lamang isang sorbetes ang kaya nilang bilhin, kahit isang libo o sampung libo pa, kayang-kaya ng matandang ginang.Pero hindi niya man lang ito pinalitan nang ibigay ito sa kanya.Simula sa sandaling iyon, malinaw na malinaw na sa kanya: matagal nang nagbago ang puso ni Matandang Ginang para sa kanya.Hindi niya kailanman malilimutan ang mapanuyang tingin sa kanya ni maliit na Regina nang makita siyang h
"Oo, may ilang proyekto ang kumpanya ni Mr. Galang na interesado ako kamakailan, kaya dumaan ako para makipag-usap sa kanya." kalmadong sagot ni Mr. Mendez.Nang makita niyang nakatayo lang sina Jeriko at Luna sa di kalayuan at hindi lumalapit, bahagyang napahinto si Ernesto, ngunit hindi na niya ito masyadong inintindi.Si Mr. Mendez naman, na walang alam sa tensyon sa pagitan nila, ay nagtaka sa kilos ni Jeriko at inakalang may kakaiba sa kanyang asal.Pagkatapos bumati ni Mr. Mendez kina Regina at Ernesto, lumapit naman sina Matandang Ginang Saison at Korina kina Luna at Jeriko.Bilang isang negosyante, alam ni Mr. Mendez na kahit hindi pa kilala ni Jeriko ang pamilya Saison, makabubuti pa rin sanang lumapit ito at bumati bilang pagpapakita ng respeto at pakikipagkaibigan.Si Jeriko ay napatingin kay Luna.Tahimik lang ito habang nakatingin sa kanila, hindi gumalaw ni kaunti.Lumapit si Matandang Ginang Saison at ngumiti nang mahinahon, "Luna, ang tagal na nating hindi nagkita." ani
"Pasensya ka na, Luna," ani Eleanor sa kabilang linya. "Kailangan kong pumunta sa probinsya bukas, kaya hindi na kita masasamahan sa pagbili ng regalo para sa kaarawan ng lola mo.""Okay lang," sagot ni Luna nang mahinahon. "Nabili ko na rin naman." aniya.Hindi pa siya kailanman nakapunta sa antigong tindahang ito. Dumaan lang siya rito para subukang suwertihin, at kung wala siyang makita na angkop, balak sana niyang mamili na lang kinaumagahan kasama si Eleanor sa ibang lugar.Hindi niya inakalang makakakita siya ng bagay na talagang swak sa panlasa niya.Nagulat din si Eleanor at agad na nagsabi, "Talaga? Ayos 'yan!"Ngumiti si Luna. "Oo nga eh."Sa puntong iyon, biglang nagsalita si Eleanor, "Nga pala, Luna, nabanggit mo nung nakaraan na nakita mo ang pamilya Saison. Nangalap ako ng balita para sa’yo nitong mga nakaraang araw. Totoo nga, balak talaga ng pamilya Saison na manirahan na dito sa kabisera. Sinasabing tumitingin-tingin na raw sila ng bahay nitong mga araw na 'to." Nang