Share

Chapter 1

Chapter 1

I’m Serene Zabawa, half-Filipino and half-Polish. Twenty-four years old na ako at isang fourth year nursing student sa Folklore University. Adik ako, pero hindi sa masamang gamot kundi sa isang gwapong modelo, hindi naman ako ‘yong adik na obsessed, ako ‘yong adik na katamtaman lang, tamang pagkolekta lang ng mga gamit na iminomodelo ng iniidolo ko at tamang paggamit lang ng litrato niya bilang home screen at lock screen ng cellphone ko.

Kasalukuyang naglalakad ako sa hallway ng Axfor Medical Center kasama ang best friend kong si Anna Tiamzon, isa rin siyang certified ‘Javivi’, ang tawag sa mga taong sumusuporta sa iniidolo namin. By the way, ang pangalan ng iniidolo namin ay Javion Axfor, isa siyang sikat na doctor slash modelo sa maraming bansa. Siya rin ang may-ari ng Axfor Medical Center, isa sa mga sikat at binabalik-balikang pribadong ospital sa bansa. Sa pagkakaalam ko ay mayroon din itong ibang branch sa iba’t ibang bansa dahil sa high-tech at updated na technology na mayroon ang ospital at saka dahil na rin sa mga empleyadong natatanggap sa ospital na iyon. Ang sabi ng mga sumubok pumasok dito ay hindi basta-basta nakakapasok ang mga lisensyadong doktor o nars doon sa ospital na iyon kaya naman kapag nakapasok ka ay may taglay ka talagang kakayahan na gumamot ng tao.

“Oh my gosh! Ang gwapo-gwapo niya talaga!” Tumatalon na sigaw ko habang pinagmamasdan ang mukha ni Javion Axfor, ang modelong hinahangaan ng marami.

Kinikilig na hinampas ni Anna ang braso ko. “Gosh, Serene! Bakit kasi nag-iisa lang siya sa mundo?”

Pumikit ako at mahigpit na niyakap ang unan na may iprinta ng mukha ni Javion. “How I wish na sana kilala na lang niya ako, kahit maging magkaibigan lang kami ay masaya na ako.”

Tumawa si Anna kaya napatingin ako sa kaniya. “Serene, mangangarap ka na nga lang bakit hindi mo pa lubusin? Why imagine being his friend if you can imagine yourself marrying him? Libre naman mangarap eh.”

“Iniiwasan ko lang naman na matawag na hibang, Anna. Kahibangan na nga ang pangarap kong maging kaibigan si Javion, edi sobrang kahibangan na kung pangarapin ko pa siyang maging asawa,” mahabang sambit ko.

Napatango-tango si Anna. “May punto ka naman. Halika na nga, magsisimula na ‘yong seminar.”

Lakad-takbo ang ginawa namin ni Anna dahil sampung minuto na lang ay magsisimula na ang seminar na kailangan naming puntahan. Pagkadating namin sa pagdadausan ng seminar, humanap agad kami ng mauupuan bago namin habulin ang hininga.

“Napapasama talaga ‘yong pagbibigay ko sa’yo ng mga unan na ‘yan. Lagi tayo muntikan mahuli sa mga seminar na kailangan natin puntahan,” hinihingal na sambit ni Anna.

Malambing na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. “Thank you so much, Bestie.”

Natawa na lang si Anna dahil sa tinuran ko. Pagkalipas pa ng ilang minuto ay nagsimula na ang seminar. Ang seminar na ito ay tungkol sa mga karanasan na maaari namin maranasan ngayong na sa huling taon na kami bilang isang nursing student kaya naman talagang ginawa namin ni Anna ang lahat para lang hindi mahuli at mapakinggan ng buo ang mga sasabihin ng guest speaker. Sigurado kasi akong matutulungan kami nitong seminar na’to sa huling taon namin sa kolehiyo.

“Is this seat taken?”

Napaangat ako ng tingin at napatigalgal. ‘Damn, ang gwapo­—kay Javion lang titiklop.’ Umiling ako bilang sagot habang hindi pa rin makapaniwalang nakatitig sa lalaki. He was wearing a doctor’s lab coat at dumagdag pa sa kagwapuhan niya ang clean brushed up niyang buhok, maputi at flawless niyang kutis, pabango niyang panlalaki, at ang wayfarer eyeglasses niyang transparent ang frame.

“May I?” The guy asked again.

Tumango ako. “Yeah, sure.”

Nginitian niya ako bago siya umupo. Itinuon ko na rin ang atensiyon sa guest speaker baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at tanungin ang pangalan nung lalaking katabi ko. Dumukwang si Anna sa tainga ko at bumulong.

“Bestie, baka naman.”

Nagtatakang binalingan ko siya ng tingin. “Baka ano?”

Makahulugang ngiti ang ibinigay niya sa akin. “Ask his name. For me, Bestie.”

Bumuntong hininga ako at akmang magsasalita para tanungin ang pangalan ng lalaki ng magsalita ito dahilan para mapahinto ako sa binabalak ko.

“I see that your friend is interested to know my name,” panimula nito at saka tumingin sa’kin at inilahad ang kamay niya at ngumiti. “Hi, I’m Zephyr Kozlowski, a psychologist and a psychiatrist. You can address me as Doc Zephyr if you prefer formality and then Zephyr if informality.”

Napakurap-kurap ako bago tinanggap ang kamay niyang nakalahad. “Serene Zabawa. I’m a nursing student. It’s nice to meet you po.”

“Anna Tiamzon po, nursing student din po. I’m super glad to meet you po,” mabilis na pagpapakilala ni Anna at ito naman ang kinamayan ni Doc Zephyr.

“It’s nice to meet you ladies. By the way, students ba kayo from Folklore University?” He asked.

Tumango kami ni Anna bilang sagot.

“I see, the owner of that university is a good friend of ours, kaya rito sa Axfor Medical Center ginawa ang unang seminar niyo,” he explained at saka hinawakan ang baba niya na para bang nag-iisip ito. “Let me guess, your next seminar will be held at Traverse Psychiatric Hospital, did I get that right?”

Nagkatinginan kami ni Anna bago tumitig muli kay Doc Zephyr at sabay kaming tumango.

“Yes, Doc. Paano niyo po nalaman?” Hindi makapaniwalang tanong ko.

He softly chuckled. “It’s because I’m the owner of that hospital, but I work here too. Demanding kasi masyado ‘yong kaibigan ko at ginamitan ako ng ‘what are friends for’ kaya I ended up working here as well.”

Magsasalita sana ako nang napatigalgal na naman ako dahil sa lalaking tumapik sa balikat ni Doc Zephyr. ‘These devilishly handsome type of men exist?!’. The guy this time is wearing a set of gray amerikana suit at hindi tulad ng buhok ni Doc Zephyr na naka brush up, ang sa kaniya ay bagsak lang at naka-comma style. May salamin din ito pero itim ang frame at aviator ang style ng eyeglasses niya.

“May bago ka na namang kaibigan, Kozlowski,” aniya lalaki.

Nag-angat ng tingin si Doc Zephyr at natatawang napailing. “Yeah, right.”

“We have to go,” aya ng lalaki rito.

Tumango si Doc Zephyr at tumayo at saka tumingin sa amin ni Anna. “Gusto ko pa sana makipagkuwentuhan sa inyo, but unfortunately, I have to go. See you two around.”

“See you around, Doc Zephyr,” pagpapaalam namin ni Anna. Nginitian lang kami nito at tuluyan ng umalis kasama ang lalaking tumawag sa kaniya.

“Ang gwapo nila, Serene,” kinikilig na bulong ni Anna.

Natawa ako at pabirong umirap sa hangin. “Loyal pa rin ako kay Javion.”

“Ikaw na talaga. Sobrang loyal mo kay Javion,” natatawang aniya Anna.

Hindi na ulit ako umimik at itinuon na ang atensiyon sa guest speaker. Makalipas ng dalawang oras, nagpasalamat na ang guest speaker at natapos na rin ang seminar. Tumayo ako at nag-inat ng braso, sakto namang pagkababa ko ng mga braso ko ay siya rin pagiingay ng cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng pantalon ko at saka agad na sinagot ang tawag.

“Hello, Ojciec,” bati ko sa kabilang linya. ‘Ojciec’ is the Polish term for ‘father’.

Ojciec’s deep and cold voice filled my ear. “Hello, Serene, where are you?”

“Seminar, but we’re already done. May ipapagawa po ba kayo?” I asked in a sweet tone.

He let out a deep sigh. “We have a meeting, remember?”

Nakagat ko ang pangibabang labi at napapikit ng mariin nang maalala ko ang pinagusapan namin ni Ojciec kagabi. “I’m sorry, Ojciec. Didn’t I already disagree? Ayoko nga po magpakasal at saka twenty four pa lang ako.”

“Serene Zabawa, we already talked about this. Your mother already agreed.”

Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko. “Ojciec, ayoko. End of discussion.”

“Is that your final decision, Serene? You know the possible consequences that you might face when you force that decision of yours.”

I can’t help it but to scoff. “What are you going to do, Ojciec? Freeze my credit cards? Steal back my condominium? Hide my Mercedes?”

Ayon ‘yong mga bagay na kinakatakutan kong mawala pero kampante akong hindi naman iyon ipagkakait ni—

“Yes, I’ll do those if those are the only ways to make you marry the man I want you to marry. The contract will be terminated when you find someone better than him or once we transferred the ownership to you, Serene. I promise you that, but if you still decided to disobey me, you left me no choice but to do the things that you didn’t expect me to do.”

My father is indeed a scary man. Hindi ko inaasahan na kaya niya pa lang gawin ang mga bagay na ‘yon and this is the moment na kailangan ko ng sumuko at sumangayon na lang sa gusto niya.

“Fine, where and when do I have to meet that man?” pagsuko ko.

Natahimik ng ilang segundo ang kabilang linya bago ko narinig ulit ang boses ni Ojciec. “Tomorrow at lunch time and it will be here, in the mansion.”

Bumuntong hininga ako. “I’ll take note of that, Ojciec.”

Ibinaba na ni Father ang tawag kaya naman agad akong tinanong ni Anna kung ano iyon. Isang malalim na buntong hininga lang ibinigay ko sa kaniya at saka siya inayang umalis. Mabillis kami nakarating sa parking lot at akmang sasakay na ako nang magsalita si Anna.

“Hoy, ano ba ‘yon? Mukha ka ng depressed, Serene,” pangungulit ni Anna.

Nauna akong sumakay at nagsuot ng seatbelt. Ganoon din ang ginawa ni Anna at saka hinawakan ang kamay ko para pigilan akong buksan ang makina ng sasakyan kaya tinignan ko siya.

“Sooner or later, ikakasal na ako, Anna.” Lumuwag ang pagkakahawak ni Anna sa kamay ko kaya naman malaya kong naisaksak ang susi at binuksan ang makina ng sasakyan.

Kasalukuyang na sa kalsada na kami nang doon lang muli nagsalita si Anna. ‘Grabe, ang tagal naman niyang pinroseso ‘yon.’

“Ikakasal ka na? Pumayag ka na kay Tito?” She asked.

Tumango ako. “Yes, kaya ko naman makisama pero hindi ko kakayanin ang walang pera, ang condo ko, pati na rin itong baby ko.”

She clicked her tongue. “Sana gwapo ang mapangasawa mo.”

I chuckled. “Sana nga, Bestie. Magdilang anghel ka.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status