Mag-log inTheir marriage ended in betrayal and their love ended in heartbreak. Or so she believed. Years after their divorce, Elena Rose finds herself trapped in a new arrangement with her ruthless billionaire ex-husband as the only person standing between her and ruin. Damian is determined to claim her again while she’s determined to make him pay. Will Elena choose revenge over the man she once loved? Or will she realize that behind the ruthless billionaire is the man who never stopped choosing her?
view moreMay mga lugar na kahit matagal mo nang iniwan, hindi mo pa rin kayang kalimutan. Hindi dahil gusto mong balikan. Kundi dahil minsan, ang lugar ang nagiging saksi sa mga bagay na hindi mo na kayang sabihin.At ganoon ang Vale Mansion para kay Elena Rose.Tatlong taon niyang hindi nakita ang bahay na minsang naging tahanan niya. At ngayon, muli siyang nakatayo sa harap ng malaking gate ng mansyon sa Tagaytay.Tahimik siyang nakatingin sa napakalawak na property habang unti-unting binubuksan ng security ang gate. Pareho pa rin naman, halos wala ngang nagbago.Ang mahabang driveway na napapalibutan ng mga puno. Ang hardin kung saan siya minsang naglakad tuwing umaga. Ang malaking fountain sa gitna ng property.Ganon pa rin ang lahat mula nang umalis siya. Walang nagbago sa mga property nito sa bahay.Pero siya? Hindi na siya ang parehong Elena na umalis dito.Mahigpit niyang hinawakan ang hawakan ng kanyang bag."Ma'am Elena?"Napalingon siya sa driver. "Okay lang po ba kayo?"Napatingin
Hindi na dapat siya magulat.Alam ni Elena Rose na kapag pumasok siya sa mundo ni Damian Vale, hindi magiging madali ang lahat. Tatlong taon niyang iniiwasan ang lalaking iyon. Tatlong taon niyang sinubukang burahin ang lahat ng alaala nila.Pero isang pagkikita lang, isang tingin lang at parang bumalik lahat ng bagay na pilit niyang itinago.Ang sakit, ang galit at iyong pagmamahal na ayaw niyang aminin na hindi pa talaga tuluyang nawala. Akala niya nakausad na siya. Fake news lang pala.Kaya nang bumalik siya sa opisina kinabukasan at makita ang sunod-sunod na problema ng Rose Atelier, hindi na siya nagulat. Parang sinusubukan siyang subukin ng tadhana."Ma'am Elena."Napatingin siya kay Mia na hawak ang ilang folder. "Another problem?"Mabilis na lumapit ang assistant niya."I tried contacting the other investors po, pero most of them backed out."Dahan-dahang napapikit si Elena. Hindi niya kailangan ng paliwanag. Alam na niya, kapag ang isang malaking kumpanya ang umatake sa isang
Hindi lahat ng laban nakikita sa mata ng ibang tao. Minsan, ang pinakamahirap na laban ay iyong tahimik mong nilalabanan habang nakangiti ka sa harap ng lahat.At iyon ang matagal nang ginagawa ni Elena Rose.Tatlong taon niyang pinatunayan sa sarili niya na kaya niya. Kaya niyang mabuhay nang wala si Damian Vale. Kaya niyang tumayo kahit wala ang apelyido nito.Kaya niyang magtagumpay nang hindi umaasa sa isang lalaking minsang naging buong mundo niya. At ginawa niya iyon.Ang Rose Atelier, na dati ay isang simpleng pangarap lang na sinusulat niya sa isang notebook, ay isa nang kilalang luxury design company sa Quezon City.Hindi man kasing laki ng mga kumpanya ng mga bilyonaryo, pero pinaghirapan niya iyon. Bawat design at bawat client. Lahat iyon kanya at lahat ng iyon ay kinaya niya.Kaya naman nang makita niya ang report sa harapan niya nang umagang iyon, hindi niya agad matanggap ang nakasulat doon."Ma'am Elena..."Dahan-dahang napatingin si Elena sa assistant niyang si Mia at
Three years.Tatlong taon na mula nang tuluyang lumabas si Elena Rose sa buhay ni Damian Vale. Tatlong taon na mula nang iwan niya ang mansion na minsang tinawag niyang tahanan. At sa loob ng tatlong taon na iyon, natutunan niyang may mga bagay na hindi mo kailangan kalimutan para lang magpatuloy.May mga sugat na mananatili. May mga alaala na kahit pilitin mong ibaon, babalik at babalik pa rin. Pero hindi ibig sabihin noon na kailangan mong manatiling mahina.Dahil si Elena Rose ay hindi na ang dating Elena na umiiyak sa isang tahimik na kwarto habang naghihintay sa lalaking palaging wala. Hindi na siya iyong babaeng umaasa na isang araw ay mapapansin siya ni Damian.Ngayon, siya ang babaeng pinapansin ng lahat."Ms. Rose, ready na po ang presentation para sa meeting natin mamaya."Napatingin si Elena mula sa laptop niya nang marinig ang boses ng assistant niya. Ngumiti siya nang bahagya bago sumagot."Thank you, Mia. Pakicheck na rin ulit yung designs bago natin ipakita sa clients."


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.