Share

Chapter 2

Chapter 2

Ito ang pinakaunang beses na gumising ako na may matinding kabang nararamdaman ang puso ko. Today is the day that I will meet the man that I decided to marry. Bumangon ako at sinapo ang dibdib ko sa parte kung saan malapit ang puso ko at marahang minasahe iyon.

“Grabe, mas kabado pa ako ngayon kaisa nung practical exam namin nung second year,” pagkausap ko sa sarili ko.

Inabot ko ang unan na may mukha ni Javion at tinitigan iyon. “Sorry, hindi ko matutupad ‘yong promise ko na ikaw lang ang lalaking papasukin ko sa buhay ko, but you still own my heart kaya don’t worry.”

Niyakap ko iyon at natawa na lang bago ako bumangon para maligo at ayusin na ang sarili ko. Pagkatapos ko maligo, nagsuot lang ako ng simpleng kulay peach na sleeveless bodycon dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba at saka ko ipinatuyo ang buhok ko. Ikinulot ko ang bandang ibaba at iniwang nakalugay lang iyon tapos naglagay lang ako ng manipis na make-up. Kinuha ko ang cellphone, clutch bag, at susi ng kotse ko bago ko isinuot ang peach flat closed shoes ko at saka ako lumabas ng condominium.

Naging mabilis lang ang biyahe ko dahil walang trapik at nagawa ko pang bumili ng isang bilog na cake para kay Ojciec kahit na ipinilit niyang gawin ang isang bagay na ayaw ko. Ipinarada ko ang kotse ko at bumaba habang dala-dala ang isang kahon ng cake at ang clutch bag ko. Pagkabukas ng pintuan ay sinalubong ako ng mayordoma ng mansion bahagya itong yumukod bago ako tignan at nginitian.

“Magandang umaga, Manang Berta,” nakangiting bati ko.

“Mas maganda ka sa umaga, my lady. Para kay Master Serjio po ba ito?” she asked at kinuha mula sa kamay ko ang kahon ng cake.

Tumango ako. “Yes po, Manang pero panigurado naman po na hindi mauubos ni Ojciec ‘yan kaya kumain din po kayo nila Ate Ara. Paki-lagay na lang po sa refrigerator.”

“Maraming salamat, my lady,” nakangiting pagpapasalamat nito.

“Walang anuman po, Manang. Oo nga po pala, nasaan po si Ojciec?” I asked.

Iminuwestra ni Manang ang kamay sa may salas. “Nandoon po sila kasama ang mga bisita.”

Ngumiti ako at tumango. “Thank you, Manang.”

Huminga ako ng malalim bago ko inihakbang ang paa ko papasok sa loob ng salas. Agad akong dumeretso sa sofa kung saan nakaupo sa Father.

“Ojciec, hello po.” Ginawaran ko ito ng halik sa pisngi. Nginitian niya ako at tinapik ang space sa tabi niya.

“Sit down, Serene.”

Umupo ako tulad ng sabi ni Ojciec at ng komportable na ako at saka lang ako nag-angat ng tingin para makita ang mga bisita. I froze. My breathing stopped as I stare at the man in front of me. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko dahil sa nakikita ko ngayon. It must be my imagination.

Pasimple kong kinurot ang sarili kong braso para magising sa kahibangan ko.

“Gówno.”

“Serene, language,” bulong ni Ojciec kaya napatingin ako sa kaniya.

“Sorry, Ojciec,” bulong ko pabalik.

Tumango siya at tumikhim. “James, Reina, and Javion meet my one and only daughter, Serene, and sweetie; meet my good friends James and Reina Axfor; and, of course, meet your future husband, their son, Javion Axfor.”

Napalunok ako ng maraming beses bago ako nag-angat ng tingin at sinalubong ang mga titig ni Javion. ‘Shocks, this is fucking real.’ His gazes were cold, emotionless, and dark, hindi katulad sa mga interview videos na napapanood ko sa youtube na masaya, may spark, at malambing. He looked like a completely different person from the person I knew and saw on television and in pictures.

Binasa ko ang mga labi ko at saka lumunok ulit. “H-hello po, it’s n-nice to meet you po.”

Ngumiti ang mga magulang ni Javion. “It’s nice to meet you too, hija,” aniya ama ni Javion.

“Why don’t you tour Javion around the house while we talk about your upcoming engagement party, Serene?” tanong ni Ojciec.

Kagat-labing tumingin ako sa kaniya at dahan-dahang tumango. Tumayo ako at iminuwestra ang kamay ko sa daan papunta sa garden. “T-tara?”

Javion looked at his mother first at saka tinatamad na tumayo at naunang naglakad sa’kin paalis. I glanced back to his mother and forced a smile while she gave me a genuine one.

“Pagpasensiyahan mo na si Javion kapag sinungitan ka niya, Serene,” nahihiyang sambit ng ina ni Javion.

I awkwardly chuckled and nod my head. “Sure thing po, Mrs. Axfor.”

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ng ina ni Javion at sinundan na ang binata. Nasapo ko ang noo ko nang tumama ako sa isang matigas na bagay. Nagmulat ako ng mata at nanigas sa kinatatayuan ko. That light blue button down polo. ‘Shocks, nakakahiya!’

“Are you just going to keep your head down or what?”

Mabilis pa sa alas-kuwatro ako nag-angat ng tingin at parang hinigitan ako ng hininga ng magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung kinakabahan ako dahil nakikita ko na ang iniidolo ko o dahil sa dilim at talim ng mga mata ni Javion na nakatitig sa’kin.

He let out a deep sigh and looked away. “Why did I sign that fucking contract in the first place?”

“Where do you want to go first?”

Napahinto si Javion at pumihit paharap sa’kin. “Your room, May I see your room?”

Pinalobo ko ang pisngi ko at saka mahinang bumuga ng hangin. “Hindi po a—“

“Cut with the ‘po’ and ‘opo’. I don’t like it. Four years lang naman ang tanda ko sa’yo,” he cut me off by stating those. “So, may I or may I not?”

“Hindi ako nakatira rito kaya baka ‘yong kuwarto ko ngayon ay ginawang ng bodega,” I answered.

He clicked his tongue. “There’s the term ‘baka’ which means you’re uncertain. Why don’t we check it?” aniya at naunang naglakad paakyat sa ikalawang palapag.

Sinundan ko naman siya kaagad at tumayo sa tabi niya ng huminto ito.

“Where to?” tanong niya habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng ikalawang palapag.

Itinuro ko ang pangatlong pintuan sa kanan. “There.”

Nagsimula na siyang magalakad ulit at ako naman ay nakasunod lang sa kaniya. Binuksan niya ang pinto at pasimple kong sinilip ang luma kong kuwarto. I let out a relieved sigh when I saw my room clean and tidy. Mukhang araw-araw itong nililinisan at mukhang bagong palit din ang mga sapin ng higaan at punda ng mga unan.

Javion went in and lay down on the bed. “Close the door and lock it.”

Mabilis ko namang sinunod ang utos niya. I closed the door and locked it. Napatitig ako kay Javion na nakahiga at nakapikit ang mga mata nito.

“Let me take a nap and after that we’ll talk. You can sleep too, if you want,” aniya Javion na nakapikit pa rin ang mga mata.

Ngiting aso lang ang gumuhit sa mga labi ko at saka ako umupo sa single sofa na sa kuwarto ko at nilabas ang cellphone ko. Kung si Javion ang mapapangasawa ko, kailangan ko ng magpalit ng home screen at lock screen dahil malakas ang kutob ko na kapag nalaman niyang iniidolo ko siya ay isipin niyang pinilit ko si Ojciec na ipakasal ako sa kaniya.

I was happy but scared like shit at the same time. Masaya ako kasi si Javion ang lalaking iyon at wala akong nasirang pangako sa sarili ko pero kinakabahan ako dahil sa paraan nang pagtitig ni Javion sa’kin ay halatang hindi niya ako gusto at hinding-hindi niya ako magugustuhan. ‘Sana naman kahit kaibigan man lang niya, matanggap niya ako.’

Ipinilig ko ng mahina ang ulo ko at nagpatuloy na lang sa paglilinis ng cellphone ko dahil kailangan ko na talagang gawin ito kahit labag sa loob ko. Napaigtad ako ng biglang mag-ingay ang cellphone ng kung sino, akmang tatayo na ako para hanapin iyon ng biglang gumalaw si Javion at hinugot niya ang cellphone niya mula sa bulsa ng suot nitong itim na pantalon at saka pikit mata nitong sinagot ang tawag.

“Javion Axfor speaking… this better be good, Dawson. You just wake me up in the middle of my very short nap… fuck it off, Izaiah… yeah, what the hell ever.” Pinatay nito ang tawag at hinayaang malaglag ang cellphone sa tabi nito at saka tumagilid ng higa.

Isa na namang momentum ng paghigit ng hininga ko dahil sa’kin nakaharap si Javion pero nakapikit ito at nakaharang ang braso niya sa mga mata niya kaya naman ilong at bibig lang ang nakikita ko but I can’t change the fact that he’s facing the side where I’m sitting. Ipinikit ko ang mata ko at nag-breathing exercise bago ibinalik ang atensyon ko sa cellphone ko. ‘Lintek talaga.’

“Why did you sign it?”

Napatingin ako kay Javion dahil nagsalita ito. ‘Akala ko ba matutulog ka?! Matulog ka muna!’

“Why should I not?” tanong ko pabalik dahil baka kapag sinabi ko ang totoong rason ay isipin niyang materialistic akong tao. ‘Hindi naman ako ganon pero wala kasi akong trabaho, saan ako kukuha ng pera para buhayin ang sarili ko? Practical thinker lang ako.’

“Did you have any idea that I’m the guy that you were about to marry?” he asked again.

Umiling ako. “Wala, ni-pangalan mo nga hindi nakarating sa’kin eh. Ang alam ko lang lalaki ang ikakasal sa’kin, hindi babae.”

“Then why the hell did you sign it? Okay lang sa’yo na ikasal ka sa lalaking hindi mo pa nakikita?”

Kumunot ang noo ko. Naguumpisa ng uminit ang ulo ko. Why do I feel like he’s blaming me?

“Hindi ako pumayag nung una pero my father threatened me and because of my practicality, I chose to get married kaisa mahirapan ako sa buhay ko,” iritableng sagot ko. “Ikaw ba? Why did you sign it? Okay lang sa’yo na ikasal sa babaeng hindi mo kilala?”

“Honestly speaking, no, it’s not fine with me at wala talaga akong balak magpakasal, but since my parents were being a pain in the ass, pinirmahan ko ‘yon without thinking that the bride might actually sign it as well. As far as I remember, women took marriage very seriously, kaya nagulat ako na pumirma at pumayag ka na ikasal sa lalaking hindi mo naman alam ang pangalan.” He smirked. “Probably you’re one of those women who follows what their parents want you to do despite being twenty-four.”

Nagkibit-balikat ako. “It’s my choice, not yours.”

“Then I’ll do everything to make you leave and back out,” simpleng sagot nito na para bang napakadali niya lang na pasukuin ako.

‘Shit, ‘wag sana ako maapektuhan sa kung ano mang masasakit na salita ang sabihin niya.’

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status