Share

Chapter Six: The Other Woman

Author: La Tigresa
last update Last Updated: 2021-05-22 06:47:08

Life hasn’t given Elaine a lot of happiness and moments to cherish. Sa edad niyang beinte-sais, tukoy niya kung alin lang sa mga naging pangyayari sa buhay niya ang totoong nagpasaya sa kanya nang todo. One was the day Tan proposed to her.

It was February 14, 2017. Sa harap ng pinapasukan niyang fast-food chain.

She could hardly remember how she reacted o kung paano siya sumagot ng “Oo, pakakasal ako sa ‘yo.” But she could remember how nervous Tan was in vivid detail. Kung gaano ka-sincere ang emosyon sa mga mata nito habang nakaluhod sa harap niya, hawak ang isang kahita ng mamahaling engagement ring.

After almost four years, Tan was proposing again. Hindi ito nakaluhod, walang hawak na singsing, hindi ninenerbiyos kagaya ng dati, at higit sa lahat, he was not there to promise her heaven and earth. Wala na ang sinseridad, pagmamahal, at respeto sa mga mata nito. His cold gaze held thousands of warning signs. Na para bang kailangan niyang ihanda nang husto ang sarili. That he was certain she would only end up in tears. And that she deserved every single drop of it.

Pinilit ni Elaine ang sarili na ngitian si Tan. Tears. For the past three years, wala siyang ibang ginawa kundi umiyak. Alam niya kung alin ang mas masakit at kung saan siya mas iiyak—iyong hahayaan na lang niyang mawala nang tuluyan si Tan sa kanya.

“Nakahanda ako, huwag kang mag-alala.”

He didn’t reply, but the corner of his mouth twitched na parang sinasagot siya ng, “We’ll see.”

At ano ba ang kayang gawin ni Tan sa kanya? He could be many things but he was not an abusive husband. Noong mga panahong gulong-gulo siya, he remained supportive and understanding. He was always calm and gentle. Kung mayroon man sa kanilang dalawa na qualified bilang abusive, siya iyon at hindi ang lalaki.

Nang tumalikod si Tan para iwan siya, walang nagawa si Elaine kundi sundan ito ng tingin. At nang tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin, saka pa lang niya nagawang kumilos.

Napatingin siya sa repleksiyon sa salamin na nasa harap ng kinatatayuan. She did not realize she had a sad look in her eyes. Na alam niyang hindi napansin ni Tan dahil mas lamang nang doble ang galit sa dibdib nito kaysa sa concern.

Ipinilig ni Elaine ang ulo. Binitbit niya ang bag, nagpaalam na uli kay Anne.

“I believe I deserve an explanation, Tan.”

Malumanay ang pagsasalita ni Janine pero ramdam ni Tan ang pinaghalong galit at pagdaramdam ng babae. Hawak nito ang isa sa mga invitation card na ipinamudmod ni Drew sa halos lahat ng staff ng surgery department kaninang umaga. Wala siyang masabi. Kahit si Janine, nakatanggap ng invitation galing sa kanyang ex-wife.

Halo-halo ang nararamdaman niya. Elaine didn’t change one bit. Ginagawa pa rin nito ang lahat ng naiisip na gawin.

Pagkagaling sa Ainsdale, bumalik si Tan sa ospital. Gusto niyang tawagan si Sean but he hesitated a few times. He wanted to buy him a drink pero alam niyang busy ang kapatid.

He was furious with Elaine. Paanong pagkatapos ng ginawa nito noon ay parang hindi man lang ito nakakaramdam ng guilt at kahit kaunting remorse? Habang dumadalas ang pagkikita nila, lalo lang nadaragdagan ang galit niya rito.

“Do you really have to do this, Tan? Hindi mo ba kayang i-give up ang Textile para sa atin? My family owns businesses as well, hindi natin kailangan ang Textile.”

“You know how much the company means to my family, Janine. Ang daming pamilyang umaasa sa Textile, hindi ko sila puwedeng pabayaan,” kalmado niyang sabi.

Hindi niya gustong ibalik si Elaine sa buhay niya. That would be the last thing he had in mind. Hindi niya gusto ng pangalawang disaster sa buhay, he was better off without her.

Kaya kahit alam niyang si Elaine lang ang makakatulong sa kanya, mas pinipili pa rin niya na huwag itong papasukin sa kanyang buhay. Nakahanda sana siyang i-give up ang Textile, i-compensate ang mga taong maaapektuhan kesehodang malubog siya sa utang, i-disappoint ang mga magulang at humingi ng paulit-ulit na tawad sa puntod ni Daniel De Marco dahil hindi niya nagawang protektahan ang kompanyang pinalago nito.

But Elaine kept getting on his nerves. Just seeing her pissed the hell out of him. And he needed her for DM Textile, for his people. Walang mawawala sa kanya kung gagamitin niya ito para sa ikakaayos ng lahat.

Alam ni Tan na umaasa si Elaine na kaya nitong dugtungan ang kahapon, sa dahilang obvious sa kanya.

Nagsisisi ito na in-initiate noon ang annulment. She wanted more than the five million pesos she asked from him. Nakukulangan pa ito sa pananakit noon sa kanya.

His jaws clenched.

Janine let out a sigh of resignation. “Six months, right?”

Nag-angat si Tan ng mukha at sinalubong ang tingin ni Janine. It was not long ago when they started dating. Four? Six months? But no, marrying her never crossed his mind.

Kabaligtaran ni Elaine si Janine. Everyone thought Janine would be an ideal wife. She was perfect. She would really make a good wife and mother. But he could not picture himself marrying again. He might just fail the second time around.

“Hihintayin kita. Pagkatapos ng anim na buwan, balikan mo ‘ko, okay?” Nagtutubig ang mga mata ni Janine, bahagyang nanginginig ang baba sa pagpipigil ng emosyon.

Nang walang matanggap na sagot mula sa kanya, tumalima ang doktora at nag-umpisang maglakad papunta sa pinto.

“Janine…”

She stopped in her tracks. Tan walked towards her. Nang makalapit, binigyan niya ito ng yakap.

Ibinaba ni Elaine ang hawak na baso sa counter. Mag-isa siyang umiinom sa modern contemporary bar na iyon sa Makati Ave. It was not her first time there. It was her third. Hindi niya alam kung bakit, pero kusa siyang dinala doon ng mga paa habang pauwi galing sa pakikipagkita kay Atty. Ramas kanina.

Sinabi niya sa abogado na ihanda ang mga kailangan para sa kasal nila ni Tan. Alam niyang seryoso ang huli nang sabihing payag na itong pakasal sa kanya.

Sinenyasan niya ang bartender. Humingi ng isa pang order ng whiskey. Hanggang tatlong shots lang ang kaya niya. Kung sosobra ay baka hindi na niya kayaning umuwi nang mag-isa.

Ikakasal uli siya kay Tan. Masaya siya at gusto niya iyong i-celebrate. Gustuhin mang yayain si Drew, hindi puwede. Busy ang bistro tuwing weekend.

Naniniwala si Elaine na sa kasulok-sulukang bahagi ng puso ni Tan, mayroon pang nakatagong pagmamahal para sa kanya. She could make his heart waver. All she needed to do was to stir it a little.

Paano ang girlfriend nito? Si Janine? Kung pamilyang pinagmulan ang sukatan at taas ng pinag-aralan, they indeed suited each other well. But the woman was out of the picture now. Elaine would chase her happiness, wala na siyang pakialam kung sino ang masasagasaan.

“Hey, I told you a few times to change your songs! The songs you keep on playing are all fucking lame. I just want to die than listen to it!”

Nag-angat ng tingin si Elaine. Nilingon niya ang foreigner na paulit-ulit na sinisinghalan ang manager ng bar na paulit-ulit ding nagpapaliwanag.

Nag-park si Tan sa parking space sa harap ng The Hub, isang modern contemporary bar sa Makati Ave. Ang lugar ang nagsilbing hideout nila ni Sean tuwing umuuwi ang lalaki galing sa Amerika. Luxurious ang design ng bar at soothing ang music na puro classical at mellow lang ang pinapatugtog hanggang lampas hatinggabi.

Matapos masigurong naka-lock ang sasakyan, humakbang siya papasok sa loob. Pagpasok, narinig agad niya ang tungayaw ng isang foreigner kay Lander, ang may-ari at manager ng bar. Dahil frequent visitor siya sa The Hub, naging kaibigan na rin niya ito.

Bahagyang itinulak ng foreigner si Lander na alam niyang nagtitimpi lang nang husto sa galit. Akmang lalapit siya sa dalawa nang mapansin ang halos nakayupyop na bulto ng isang babae sa harap ng counter. Unti-unti, mabuway na tumayo ang babae.

Déjà vu. Napanood na niya ito noon.

Tan sighed.

Pero sa halip na kunin ang bote ng alak na nakahilera sa counter para gamitin kagaya ng dati, natatarantang kinuha ng babae ang bag. Nag-iwan ng pera sa counter na hirap pa nitong hugutin sa wallet at halos matumba pa nang tumalilis paalis.

Elaine walked pass through him, her every step unstable. Sinundan niya ito ng tingin pero parang hindi siya napansin. Nagsasalubong ang mga kilay na sinundan niya ito ng tingin.

Bago pa magawang buksan ang pinto ng kotse para pumasok at magkulong kagaya ng madalas na ginagawa ni Elaine, umikot na ang paningin niya. She started to feel sick and nauseous. Nabitawan niya ang bag, halos mapaupo sa aspalto na sinapo ang tiyan.

She vomited a couple of times bago niya nagawang kumapit sa door handle ng kotse at itayo ang sarili. Pinunasan niya ang luha gamit ang sleeves ng suot niyang damit. Nanlalambot pa rin, sinikap niyang buksan ang pinto ng kotse para pumasok. Pero bago pa iyon magawa, lumitaw si Tan sa harap niya.

Mula sa suka niya sa semento, tumaas ang tingin ni Tan sa namumutlang mukha niya. He had that disgusted look on his face. She flinched.

“Drunk again and you’re driving. Old habits are really hard to die, eh?” sabi nito pero wala namang concern sa tono, sa halip sarcasm ang nahimigan niya.

Lumunok si Elaine, holding back her tears. She was in her most vulnerable state right now. At hindi alam ng lalaking ito kung gaano niya pinipigil ang sariling takbuhin ito, yakapin nang mahigpit, at iiyak at sabihin dito ang lahat ng nararamdaman niyang sakit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Epilogue

    One and a half year laterKakaligo lang ni Tan, bagaman nakabihis na ng pantulog, nakapatong pa sa ulo niya ang tuwalyang ginamit na pantuyo sa kanyang buhok nang lumabas siya ng banyo. Tinapunan niya ng sulyap ang orasan. Alas-otso ng gabi. He went home on time as usual. Nadatnan niyang nakikipaglaro si Elaine sa kambal nina Sean and Thera kanina. They ate dinner together kasama ang mag-asawa.Matapos kumain, nag-umpisang mag tantrums si Jassy Mikaela pero agad nanahimik nang kargahin at aliwin ni Elaine. They decided to bring her to their room habang si Lucah Gabrielle ay sa guest room dinala nina Thera at Sean para patulugin. It was the second time Sean’s family visited them at magpapaumaga doon.May importanteng meeting si Sean at hindi nito gustong iwan ang mag-anak sa villa. Hanggang ngayon, binabawi pa rin ng dalawa ang mga panahong nasayang na hindi magkasama. Tan was genuinely happy for them.

  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Special Chapter Two

    Two HeartsNilinga ni Tan si Elaine na humihingal na itinukod ang kamay sa katawan ng nakatayong puno na nalampasan niya kanina. Ngumiti siya nang mapasulyap ito sa kanya. Kumaway ito at sinenyasan siyang mauna na. Pero sa halip na sundin ang utos ni Elaine, binalikan niya ito. Kinuha niya sa side pocket ng bag niya ang baon na insulated water bottle, binuksan iyon at iniabot dito. Kinuha niya ang backpack sa likod nito. Gustong magprotesta ni Elaine pero wala itong lakas na gawin iyon. Alam niyang hindi iyon mabigat dahil siniguro niyang first aid kit, one hundred ml mineral water at ilang crackers lang ang laman ng bag bago sila mag-umpisang umakyat kanina.Tan hired a guide and porter to carry their bags and tents for them. Maraming dala si Elaine. Mula sa ready-to-eat food hanggang sa mga gagamitin sa pagtulog. Habang siya, survival kit at first aid kit lang ang dala bukod sa damit na sakto lang sa dalaw

  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Special Chapter One

    Handcuffed(Continuation of Chapter Thirty-three)Hindi hinihiwalayan ng tingin ni Tan si Marco mula nang lumapit ito sa bar counter para um-order ng alak at kahit hanggang noong lumapit ito sa pandalawahang mesa na inookupa niya. Bumuntong-hininga siya nang mag-umpisa na ang pulis na magsalin ng alak sa dalawang basong isinilbi ng waiter slash bartender kanina.Gusto niyang tanggihan ang alok ng lalaki na sumakay sa kotse nito pero bukod sa naiwan niya ang sasakyan sa mansiyon ng mga Crisostomo nang damputin siya ng mga pulis kanina, gusto rin niyang marinig direkta sa bibig ng pulis kung ano ang totoong intensiyon nito sa pakikipaglapit sa kanyang asawa.Nasa The Hub sila, si Marco ang pumili ng lugar na pinagtakhan niya. Pandalawahan at nasa sulok ang mesang inokupa nilanang makapasok. It was Tuesday at halos walang tao sa loob ng bar.“I’m treating you

  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Chapter Thirty Seven: Letting Go

    Ramdam ni Elaine ang bahagyang paninikip ng dibdib habang magkahinang pa rin ang mga mata nila ni Marco. She didn’t want to lose a friend pero ayaw niyang paulit-ulit itong masaktan dahil sa kanya. Ang pag-aalala at takot na nahimigan niya sa boses nito kanina, alam niyang hindi pag-aalala ng isang lalaki sa isang kaibigan lang. Hindi siya tanga para hindi iyon maramdaman. At hindi siya selfish para patuloy itong paasahin at saktan. Marco was a good person. He deserved someone who would love him wholeheartedly.Elaine swallowed the imaginary lump in her throat nang bahagyang ngumiti at tuluyang magbuka ng bibig si Marco.“Kapag nakikita kitang malungkot, kapag alam kong mabigat ang dala-dala mo, kapag umiiyak at nasasaktan ka pero pilit mong itinatago… Kapag tumatawa ka at alam kong hindi iyon totoo kundi pakitang tao lang… iyon ‘yong mga pagkakataong gustong-gusto kong agawin ka sa asawa mo. Pero sa bawat mga pagkakataong iyon, para ako

  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Chapter Thirty Six: Broken Souls

    But the broken smile started to change into a mischievous grin. Kasabay ng sinadyang pagtigas ng ekspresyon sa mukha, dumukwang nang bahagya si Elaine para pagpantayin ang mukha nila ni Mrs. Crisostomo.“Bakit ho hindi? Kung sasamahan at bibisitahin ninyo ako araw-araw uli?” anas niya, sa mahinang boses pero alam niyang sapat para marinig nito.Suminghap si Mrs. Crisostomo. She went literally still na pakiramdam niya, iingit ang leeg nito kung babaling sa kanya.Tumuwid si Elaine sa pagkakatayo. Guilt crept into her heart nang makita ang bahagya nitong panginginig. But Mrs. Crisostomo needed to taste a doze of her own medicine.Mental health problem was not a character failure kagaya ng gusto nitong ipahiwatig. Sandra kept telling her that at ilang beses din niya iyong sinubukang ipasok sa isip. She was glad she was able to voice it out now, hindi kagaya dati na takot siyang aminin ang sakit kahit sa sarili.Perhaps she was a little dif

  • Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)   Chapter Thirty Five: All He Ever Needed

    Nagising si Elaine dahil sa tumatagos na sinag ng araw sa kuwarto ni Tan. Namilog ang mga mata niya nang ma-realize kung anong oras na. It was past nine in the morning, said the clock that was hanging on Tan’s bedroom wall.Ang orihinal na plano ay maaga siyang gigising para ipaghanda si Tan ng almusal. Pero ang akmang pagbangon, nahinto nang maramdaman ang malaking kamay ni Tan na nakayapos hanggang sa kanyang balikat.Tiningala niya si Tan na natutulog pa rin. She took few deep breaths to calm the beating of her heart. This was her favorite sleeping position. Nakaunan siya sa dibdib ni Tan at malinaw na naririnig ang tibok ng puso nito.Sa loob ng mahabang panahon, kagabi lang uli siya totoong nakaramdam ng kapayapaan, ng seguridad, ng pagmamahal. She fell asleep fast and slept easy on his arms. Pagkatapos ng mga bangungot na dumaan at sumubok nang husto sa buhay nila ni Tan, pakiramdam niya ay kagabi lang siya nagising nang tuluyan.Maingat, kuma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status