Handcuffed
(Continuation of Chapter Thirty-three)
Hindi hinihiwalayan ng tingin ni Tan si Marco mula nang lumapit ito sa bar counter para um-order ng alak at kahit hanggang noong lumapit ito sa pandalawahang mesa na inookupa niya. Bumuntong-hininga siya nang mag-umpisa na ang pulis na magsalin ng alak sa dalawang basong isinilbi ng waiter slash bartender kanina.
Gusto niyang tanggihan ang alok ng lalaki na sumakay sa kotse nito pero bukod sa naiwan niya ang sasakyan sa mansiyon ng mga Crisostomo nang damputin siya ng mga pulis kanina, gusto rin niyang marinig direkta sa bibig ng pulis kung ano ang totoong intensiyon nito sa pakikipaglapit sa kanyang asawa.
Nasa The Hub sila, si Marco ang pumili ng lugar na pinagtakhan niya. Pandalawahan at nasa sulok ang mesang inokupa nilanang makapasok. It was Tuesday at halos walang tao sa loob ng bar.
“I’m treating you
Two HeartsNilinga ni Tan si Elaine na humihingal na itinukod ang kamay sa katawan ng nakatayong puno na nalampasan niya kanina. Ngumiti siya nang mapasulyap ito sa kanya. Kumaway ito at sinenyasan siyang mauna na. Pero sa halip na sundin ang utos ni Elaine, binalikan niya ito. Kinuha niya sa side pocket ng bag niya ang baon na insulated water bottle, binuksan iyon at iniabot dito. Kinuha niya ang backpack sa likod nito. Gustong magprotesta ni Elaine pero wala itong lakas na gawin iyon. Alam niyang hindi iyon mabigat dahil siniguro niyang first aid kit, one hundred ml mineral water at ilang crackers lang ang laman ng bag bago sila mag-umpisang umakyat kanina.Tan hired a guide and porter to carry their bags and tents for them. Maraming dala si Elaine. Mula sa ready-to-eat food hanggang sa mga gagamitin sa pagtulog. Habang siya, survival kit at first aid kit lang ang dala bukod sa damit na sakto lang sa dalaw
One and a half year laterKakaligo lang ni Tan, bagaman nakabihis na ng pantulog, nakapatong pa sa ulo niya ang tuwalyang ginamit na pantuyo sa kanyang buhok nang lumabas siya ng banyo. Tinapunan niya ng sulyap ang orasan. Alas-otso ng gabi. He went home on time as usual. Nadatnan niyang nakikipaglaro si Elaine sa kambal nina Sean and Thera kanina. They ate dinner together kasama ang mag-asawa.Matapos kumain, nag-umpisang mag tantrums si Jassy Mikaela pero agad nanahimik nang kargahin at aliwin ni Elaine. They decided to bring her to their room habang si Lucah Gabrielle ay sa guest room dinala nina Thera at Sean para patulugin. It was the second time Sean’s family visited them at magpapaumaga doon.May importanteng meeting si Sean at hindi nito gustong iwan ang mag-anak sa villa. Hanggang ngayon, binabawi pa rin ng dalawa ang mga panahong nasayang na hindi magkasama. Tan was genuinely happy for them.
JULY 2012BACLARAN, MANILAMalakas ang buhos ng ulan pero walang pagmamadali sa mga hakbang ni Elaine. Habang kumakaripas ng takbo at nagkukumahog ang iba para sumilong, siya, kalmadong naglalakad papunta sa Baclaran Church. Sukbit niya ang itim na backpack sa kanyang likuran.Huminto siya ilang kanto bago ang simbahan. She was already soaking wet. Tiningala niya ang langit, hinayaang mapatakan ng ulan ang kanyang mukha. Base sa madilim na kalangitan, she could tell that the rain would not stop anytime soon.Nakikiramay ba ang langit sa nararamdaman niya or was it trying to mock her kagaya ng mga nakapaligid sa kanya?It must be the latter.Nagpatuloy si Elaine sa paglalakad.She was an illegitimate child. Lumaki siyang walang ama. Ang tanging nagisnan lang niya ay si Bettina, ang kanyang ina. Bettina owned a small pub house in Parañaque. She would beat the hell out of her tuwing umuuwi
January 15, 2021Nagsalin si Elaine ng wine sa burgundy wineglass na nakapatong sa folding table bago naupo sa wooden bistro chair na nakapuwesto paharap sa malawak na dalampasigan ng Boracay beach.It was four in the morning. Kagaya ng dati, hindi siya makatulog hangga’t hindi pa natatapos ang gabi at sumisikat ang araw. Mag-iisang buwan na siyang palipat-lipat ng hotel sa Visayas. Sa Iloilo, Cebu, Panglao, El Nido. Sa susunod na araw ay babalik na siya sa Maynila at lilipat na sa condo unit na nabili niya.Her real work would start by then. At hindi niya maiwasang kabahan sa kabila ng ilang buwan na rin niya iyong pinaghahandaan.Elaine sipped her wine. Inunti-unti ang laman hanggang masaid iyon. She wanted to savor every drop na para bang matatagalan na naman bago siya makatikim ng ganoon kasarap na alak.After emptying her glass, tumingala siya sa langit. Hindi niya makita ang buwan. Wala ring gaanong bituin. Marahil nat
How have you been?Tiniklop ni Elaine ang tabloid na binabasa, inilapag iyon sa iba pang naka-pile na babasahin sa mesa. Dumampot siya ng isa pa para lang isama uli sa mga naka-pile pagkatapos pasadahan ng tingin ang headline.Bukod sa krimen, government, at economic issue, pare-pareho na ang nasa headline ng balita sa TV at diyaryo—ang napipintong pagsasara ng pinakamalaking cotton textile company sa bansa, ang DM Textile. Ang textile company ay pag-aari ng mga De Marco. Ang kompanya ang naiwang legacy ng namayapang lolo ni Tan na si Daniel De Marco.At first, Elaine thought na ang kakambal ni Tan na si Sean ang magmamana ng DM Textile. Pero dahil bukod sa busy si Sean sa The Palace Mall and Hotel bilang chairman at sa Sean and Tan’s Teacaf na kasalukuyan nitong mina-manage katulong ang matalik nitong kaibigan na si Miguel, naka-focus sa isang mas importanteng goal ang magtetreinta y sinco anyos na negosyan
Her Unexpected ProposalJuly 2012Baclaran, Manila“So, ang sinasabi mo, hindi nasampal ng boss mo si Elaine, tama ba, Mr… ahm, Gomez?” sabi ng officer-in-charge, binasa ang statement ng tauhan ni Jemuel. Sa presinto sila umabot matapos niyang pukpukin si Jemuel ng bote ng alak sa bumbunan.“Opo, Boss.”Ibinalik ng imbestigador ang tingin kay Elaine. Nagtatanong ang mga mata nito. Inalis niya ang mga braso sa pagkakahalukipkip. Nasa kabilang side ng desk ng imbestigador si Jose, ang kasama ni Jemuel at si Jemuel mismo na nakabenda ang ulo.Malikot ang mga mata nina Drew at Macon sa kanan niya. Sigurado siyang wala siyang maaasahan sa acting power at prowess ng dalawa. Habang ang lalaking nasa kaliwa niya—ang lalaking pakialamero na nalaman niya kanina lang na fresh graduate pala sa kursong Medisina, nakahalukipkip na nakikinig lang. Ito
The Ex-husbandIpinilig ni Elaine ang ulo. It was a very good start for her and Tan. Papasang eksena sa movie ang una nilang pagkikita. She ruined that very good start pero sisikapin niyang itama ang lahat ng mga maling desisyon.Kailangan niyang bumawi kay Tan. Patunayan dito na wala siyang ibang intensiyon kundi ang makasama uli ito at mahalin uli nito.Napapitlag si Elaine nang tumunog ang cell phone niya. “I’m almost there,” she said. Huminga nang malalim before reaching out for the door handle and went out.Niluwangan niya ang ngiti nang makarating sa Ainsdale Boutique. The upcoming days would be hectic for her. Susundan niya kahit saan magpunta si Tan. Wala itong choice. Kailangan nitong protektahan ang kompanya. At gagamitin niya ang problema sa Textile para mapalapit uli sa dating asawa.“Nauubusanna tayo ng oras, Tan,” sabi ni Atty. Ramas kay Tan. Kaharap niya ang abogado at a
Nag-angat ng tingin si Tan mula sa pagkakatitig sa monitor ng computer. Bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa roon si Dra. Janine Crisostomo. Isa itong immunologist at nag-iisang anak na babae ng kanilang hospital director.Dumeretso si Janine sa kinaroroonan niya. Ipinatong ang isang rectangular box sa desk, saka nakangiting sinalubong ang tingin niya. “I spent almost an hour contemplating if I’m going to buy this for you o hindi since wala naman yata ni isa sa mga ibinigay ko ang nakita kong isinuot mo kahit man lang isang beses. This time, make sure you’re going to wear this.”Matipid ang ngiti ni Tan. “Thank you.” Kahit hindi niya buksan ang box, nahuhulaan niyang necktie ang laman niyon.“Hindi mo man lang ba itatanong kung kumusta ang conference?”Ibinalik niyang muli ang tingin sa monitor. “I know it went well.”Sa New York ginanap ang medical confer