Share

Chapter 14 Sixth Loop

Benj Pov.

* BANG*

" Shit sino ka?" Sigaw ni Jessie hindi pala ako ang target niya.

May narinig akong kalabog sa isang pinto sa likuran ko

" Dito ka muna"

Naglakad siya papunta sa pinto hindi ko siya nakikita pero narinig ko ang pagbukas ng pinto. Sunod sunod na putok ng mga baril ang bumulabog sa akin. Habang wala siya kinuha ko ang pagkakataon para subukan na kumawala sa pagkakatatali sa akin.

" Arrggh"

Hindi ako makawala dahil sa higpit ng pagkakatali nasugatan narin ang mga kamay ko.

" Tulong may nakakarinig ba sa akin" sigaw ko

" Please tulungan niyo ako"

Mukhang wala talagang ibang tao dito, habang tumatagal mas lalong lumalayo ang mga putok ng baril na naririnig ko.

" Sino yan?" Sigaw ko ng makarinig ng mga yabag sa labas

Bumukas ang pinto ng kwarto hindi ko makita ang mukha ng taong naglalakad papalapit sa akin.

" Benj"

" Blue"

Nakahinga ako ng maluwag ng makita siya may kinuha siyang isang kutsilyo sa bulsa niya at ginawang pamutol sa tali na nakagapos sa akin.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status