LOGINKinuha ko ang aking telepono at mabilis na dinial ang numero ni Mommy. Siya ang chairman ng kumpanya, at sa mga oras na ito, siya lamang ang inaasahan kong makakausap ko kahit paano tungkol sa memo.Isang ring.Dalawa.Tatlo."Hello."Malamig, tuwid, at walang buhay ang boses niya sa kabilang linya. Walang bakas ng anumang emosyon o pagbati ng ina."Mom," panimula ko, bahagyang nanginginig ang boses sa halo-halong galit at kaba. "Natanggap ko ang memorandum mula sa opisina mo.""Good," sagot niya agad nang walang pag-aalinlangan. "Ibig sabihin, nakarating na sa iyo nang maayos ang dokumento."Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya. "Mom, seryoso ka ba? Inilagay ninyo ako sa ilalim ng pormal na pagsusuri? Pinasasabihan ninyo akong maaari akong ibaba sa posisyon ko nang hindi man lang ninyo ako tinatawag o kinakausap nang personal?!""Amiel," malamig at may awtoridad na putol niya sa sinasabi ko. "Hindi ako tumatanggap ng personal na apelyido o emosyon sa oras ng trabaho. Kung ipinadal
"May memo po mula sa chairman," magalang na wika ng supervisor.Inisang-abot niya sa akin ang puting opisyal na sobre. Kinuha ko iyon nang may mabigat na pakiramdam."Para sa akin ba talaga ito?" tanong ko."Opo, sir. Mahigpit na ipinagbilin ng opisina na personal itong maihatid sa inyo ngayong umaga."Napakunot ang noo ko. "May iba pa bang sinabi ang chairman?""Ang bilin lamang po ay basahin ninyo nang maayos ang nilalaman ng memo at sundin ang mga nakasaad doon."Napatitig ako sa ibabaw ng sobre. Naroon ang pamilyar at pormal na pirma ni Mommy—ang chairman ng kumpanya. Naramdaman kong lalong sumikip ang dibdib ko."Okay. You may go.""Yes, sir."Pagkalabas niya, mabilis kong binuksan ang sobre. Dinukot ko ang nakatuping dokumento at nagsimulang magbasa.Sa unang talata pa lamang, nagsimula nang kumunot nang husto ang noo ko. Nakasaad doon ang sunod-sunod at detalyadong problemang naitala sa aking departamento sa nakalipas na linggo. Ang mga opisyal na dokumentong hindi mahanap sa t
"Sir, ayon po sa kanilang mga isinumiteng pahayag, ilang beses na po nilang sinubukang pormal na idulog at ipaliwanag ang kanilang mga problema noon pa man."Nanigas ang buong katawan ko sa narinig."Anong ibig mong sabihin?""May mga nagsabi pong natatakot na silang magtrabaho sa ilalim ng inyong pamamahala dahil sa mga naganap. May mga nagbanggit din po ng mga banta sa kanilang seguridad sa trabaho, at may mga nagsabing wala na silang nakikitang ibang paraan kundi ang umalis na lamang."Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mukha ko at tila naubusan ako ng hangin."Sinabi talaga nila iyon sa HR?""Opo, sir.""At... pinaniwalaan sila basta-basta ng chairman?""Sir, hindi po ako ang nasa hustong posisyon para magsabi kung ano ang naging batayan ng desisyon ng ating chairman. Pero matapos silang pakinggan nang pormal, inutasan niya kami na iproseso at i-grant agad ang lahat ng kanilang mga kahilingan."Mahigpit kong hinawakan ang gilid ng aking mesa hanggang sa pumuti ang mga knuckles
Sa loob ng ilang minuto, sinubukan kong ituon ang pansin sa mga nakapila sa aking email. Ngunit tuwing maririnig ko ang nakakabingihang katahimikan sa labas, hindi ko mapigilang mapatingin sa salaming dingding.Wala pa rin.Makalipas ang labinlimang minuto, wala pa rin maski isa.Dalawampung minuto.Dalawampu't lima.At nang umabot sa tatlumpung minuto, dahan-dahang bumukas ang pinto ng aking opisina.Bumalik si Audrey, may dalang isang tasa ng kape. Inilapag niya iyon sa ibabaw ng aking mesa."Here you go, honey.""Thank you."Ngunit hindi siya agad tumalikod para umalis. Nakatayo lamang siya sa harap ng mesa, tila may malalim na alinlangan sa kaniyang mga mata."Ano iyon, Audrey?" tanong ko habang pinagmamasdan siya.Muli siyang sumulyap sa salaming dingding bago bumaling sa akin. "Amiel...""Ano 'yun?""Wala pa ring pumapasok sa labas."Napatigil ako sa pag-abot sa tasa. "Ha?""Sinubukan kong silipin sa pantry kung may dumating na. Wala rin po. Wala ring tao sa receiving area sa ib
Alas-sais y medya pa lamang ng umaga nang makarating ako sa gusali at pumasok sa opisina.Hindi ko lubusang maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang kaaga ang pagpasok ko ngayon. Marahil ay dahil sa mga mabibigat na pangyayari noong nakaraang linggo. Marahil ay dahil sa matinding hangarin kong masiguro na hindi na mauulit ang mga aberyang muntik nang sumira sa ilang mahahalagang transaksiyon ng kumpanya. O marahil, gusto ko lamang patunayan sa sarili ko na kaya ko pa ring hawakan at kontrolin ang buong departamento.Kaya naman, nang iparada ko ang aking sasakyan sa basement at lumabas, dala ko ang matibay na paniniwala na magiging mas maayos, payapa, at produktibo ang araw na ito.Bitbit ang aking briefcase, tahimik akong naglakad patungo sa pribadong elevator. Binati ko nang may ngiti ang guwardiyang nakatalaga sa lobby bago pinindot ang button para sa executive floor.Pagbukas ng pinto ng elevator, diretso akong naglakad patungo sa aking opisina.Ngunit nang marating ko ang bukana n
Hinawakan ko ang kaniyang braso at maingat siyang inakay papasok ng pinto.Hindi ko naman siya sinaktan, ngunit mariin ang naging pagkakahawak ko rito. Ang tanging nasa isip ko lamang ay ang mailayo siya sa mga matang mapanghusga sa labas, mapatigil ang mga akusasyon, at maibalik ang kaunting katahimikan sa loob ng sarili kong opisina.Nang maisara ko nang mahigpit ang pinto, agad ko siyang binitawan."Umupo ka muna rito," utos ko.Umupo siya sa sofa habang nakatakip ang magkabilang kamay sa kaniyang mukha, patuloy na sumisinghot. "Amiel, bakit ba nila ako ginaganito? Sila ang nagsisinungaling..."Hindi na ako nakatagal pa. Agad akong lumuhod sa harap niya at dahan-dahang hinila palayo ang kaniyang mga kamay mula sa mukha niya."Audrey, tingnan mo ako," malambing at nag-aalala kong sabi.Umiling siya habang patuloy na pumapatak ang mga luha. "Hindi mo naman ako pinaniniwalaan, eh.""Ssssh. Tumingin ka sa akin, please."Dahan-dahan niyang inalis ang mga kamay at sinalubong ang mga mata
“TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a
POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m
PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul
HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots







