Share

Amiel Robles 116

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-10-26 18:03:41

Nagpaalam ang executive at tahimik na lumabas ng silid.

Naiwan kaming dalawa ni Audrey sa loob ng malawak na opisina. Agad siyang lumapit sa akin at masayang hinawakan ang aking braso.

"Amiel, finally! Magkasama na ulit tayo rito," masiglang sambit niya.

Napangiti ako nang tipid at hinawakan ang kaniyang kamay. "Yes. Finally, Audrey."

"At hinding-hindi na rin ako pahihirapan sa chairman's office," dagdag niya. May bahagyang panginginig at pait sa kaniyang boses habang sinasabi iyon. "Alam mo ba
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 131

    Sa loob ng ilang minuto, sinubukan kong ituon ang pansin sa mga nakapila sa aking email. Ngunit tuwing maririnig ko ang nakakabingihang katahimikan sa labas, hindi ko mapigilang mapatingin sa salaming dingding.Wala pa rin.Makalipas ang labinlimang minuto, wala pa rin maski isa.Dalawampung minuto.Dalawampu't lima.At nang umabot sa tatlumpung minuto, dahan-dahang bumukas ang pinto ng aking opisina.Bumalik si Audrey, may dalang isang tasa ng kape. Inilapag niya iyon sa ibabaw ng aking mesa."Here you go, honey.""Thank you."Ngunit hindi siya agad tumalikod para umalis. Nakatayo lamang siya sa harap ng mesa, tila may malalim na alinlangan sa kaniyang mga mata."Ano iyon, Audrey?" tanong ko habang pinagmamasdan siya.Muli siyang sumulyap sa salaming dingding bago bumaling sa akin. "Amiel...""Ano 'yun?""Wala pa ring pumapasok sa labas."Napatigil ako sa pag-abot sa tasa. "Ha?""Sinubukan kong silipin sa pantry kung may dumating na. Wala rin po. Wala ring tao sa receiving area sa ib

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 130

    Alas-sais y medya pa lamang ng umaga nang makarating ako sa gusali at pumasok sa opisina.Hindi ko lubusang maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang kaaga ang pagpasok ko ngayon. Marahil ay dahil sa mga mabibigat na pangyayari noong nakaraang linggo. Marahil ay dahil sa matinding hangarin kong masiguro na hindi na mauulit ang mga aberyang muntik nang sumira sa ilang mahahalagang transaksiyon ng kumpanya. O marahil, gusto ko lamang patunayan sa sarili ko na kaya ko pa ring hawakan at kontrolin ang buong departamento.Kaya naman, nang iparada ko ang aking sasakyan sa basement at lumabas, dala ko ang matibay na paniniwala na magiging mas maayos, payapa, at produktibo ang araw na ito.Bitbit ang aking briefcase, tahimik akong naglakad patungo sa pribadong elevator. Binati ko nang may ngiti ang guwardiyang nakatalaga sa lobby bago pinindot ang button para sa executive floor.Pagbukas ng pinto ng elevator, diretso akong naglakad patungo sa aking opisina.Ngunit nang marating ko ang bukana n

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 129

    Hinawakan ko ang kaniyang braso at maingat siyang inakay papasok ng pinto.Hindi ko naman siya sinaktan, ngunit mariin ang naging pagkakahawak ko rito. Ang tanging nasa isip ko lamang ay ang mailayo siya sa mga matang mapanghusga sa labas, mapatigil ang mga akusasyon, at maibalik ang kaunting katahimikan sa loob ng sarili kong opisina.Nang maisara ko nang mahigpit ang pinto, agad ko siyang binitawan."Umupo ka muna rito," utos ko.Umupo siya sa sofa habang nakatakip ang magkabilang kamay sa kaniyang mukha, patuloy na sumisinghot. "Amiel, bakit ba nila ako ginaganito? Sila ang nagsisinungaling..."Hindi na ako nakatagal pa. Agad akong lumuhod sa harap niya at dahan-dahang hinila palayo ang kaniyang mga kamay mula sa mukha niya."Audrey, tingnan mo ako," malambing at nag-aalala kong sabi.Umiling siya habang patuloy na pumapatak ang mga luha. "Hindi mo naman ako pinaniniwalaan, eh.""Ssssh. Tumingin ka sa akin, please."Dahan-dahan niyang inalis ang mga kamay at sinalubong ang mga mata

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 128

    "May dalawang report po akong ginawa para sa kaniya noong nakaraang linggo. Hindi ko po iyon trabaho, pero ginawa ko dahil natakot akong baka maapektuhan ang employment ko.""At ako po," dagdag ng isa pang empleyado, "sinabihan niya akong huwag nang umasa sa promotion kung hindi ko siya tutulungan."Hindi ko alam kung saan ako lilingon o kung kanino ako titingin.Isa-isang nagsalita ang mga empleyado ko. Hindi sila sumisigaw; wala ni isa sa kanila ang nag-aaway o nagtataas ng boses. Ikinukuwento lamang nila nang mahinahon ang mga tunay na nangyari.At sa bawat salitang lumalabas sa kanilang mga labi, pakiramdam ko ay lalo akong nawawalan ng kakayahang mag-isip nang tuwid.Dahil ang mga taong ito na nakatayo sa harapan ko ay hindi mga estranghero. Sila ang mga taong matagal nang nagtatrabaho nang tapat sa kumpanya. Sila ang mga taong araw-araw kong pinagkakatiwalaan sa operasyon.At sa loob ng isang linggo, hindi ko man lamang naisip na tanungin sila kung maayos ba ang lahat o kung ano

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 127

    Agad kong binitiwan ang hawak kong folder."Teka dito muna," malamig kong utos kay Audrey."Amiel—" Hindi ko na siya pinakinggan pa. Mabilis akong tumalikod at naglakad palabas ng opisina.Sa labas ng pinto, naroon ang humigit-kumulang sampung empleyado. Ang ilan ay nakaupo sa kani-kanilang mesa; ang iba naman ay nakatayo malapit sa mga filing cabinet habang may dalang mga dokumento. Nang makita nila akong lumabas at seryosong naglalakad, unti-unting nabalot ng mabigat na katahimikan ang buong palapag."Nasaan si Lorie?" tanong ko.Isang babae mula sa gitna ang nag-aalinlangang nagtaas ng kamay. "Nandito po, sir."Lumingon ako sa direksyon niya. Nakatayo si Lorie sa tabi ng kaniyang mesa, hawak ang ilang pirasong papel, habang ang mukha niya ay punong-puno ng pagkalito at matinding pagkabahala."Lorie, sumama ka sa akin," utos ko."Sir? Ako po?""Ngayon na."Nagkatinginan ang mga empleyado sa paligid, ngunit bago pa sila makapagsalita ay hinararap ko na si Lorie."May gusto akong itan

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 126

    Dumating ang Biyernes na halos hindi ko na namalayang lumipas ang apat na araw ng magulong linggong ito.Mayroon akong napakahalagang presentation sa harap ng ilang malalaking potensyal na investors. Mahalaga ang meeting na iyon dahil nakasalalay doon ang pormal na pag-apruba sa bago at malaking proyekto ng kumpanya.Maaga akong dumating sa opisina upang makapaghanda nang walang aberya. Nakasalansan sa aking mesa ang laptop, ilang printed reports, at ang mga notes na ako mismo ang gumawa kagabi nang mag-isa.Hindi ko na ipinagkatiwala kay Audrey ang paghahanda ng mga materyales na ito.Hindi dahil sa gusto ko siyang saktan o maliitin, kundi dahil sadyang wala na akong oras para sa isa pa mang aberya o pagkakamali.Nang dumating siya at mapansing ako mismo ang nag-aayos ng mga dokumento, agad siyang lumapit. "Amiel, ako na ang bahala diyan.""Hindi na kailangan," malamig kong sagot. "Malapit na rin naman akong matapos.""Pero trabaho ko iyan, eh.""Alam ko.""Kung hindi mo ako bibigyan

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 3: Linlang

    “TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 2: Unang Trabaho

    POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 1: Honey Moon

    PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 5: Pagtakas

    HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status