Share

CAVITENYA 53

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-09-25 20:20:15

“Rendy,” mahinahon ngunit seryosong tawag ni Papa.

Tumingin ako sa kanya. “P-po, Pa?”

Tinitigan ako ni Papa nang diretso sa mga mata. “Pitong araw ka nang hindi nakakatulog nang maayos. Pumupunta ka sa bintana bawat sampung minuto. Payat na payat ka na diyan kakaisip.”

Napatigil sina Kuya Bert at Kuya Senon sa pag-uusap.

Napayuko ako, naramdaman ang pag-init ng mga mata ko. “Papa... hindi po...”

“Rendy,” putol ni Papa sa defensive kong pagsasalita. “Hindi natin malalaman ang katotohanan kung pu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 75

    “Salamat sa Diyos at maayos na ang kaniyang lagay,” napabuntong-hininga si Mama, saka muling pinalibutan ng kaniyang dalawang kamay ang aking kamay. “Magpagaling ka, Denis. Hinahanap ka na ng anak mo. Araw-araw iyong nagtatanong kung kailan makakauwi ang Daddy niya.”Naramdaman kong biglang sumikip ang aking lalamunan. Si Amiel... ang aking anak.“Miss na miss ko na rin po si Amiel, Ma...” bulong ko. “Paki-sabi po sa kaniya... mahal na mahal siya ng Daddy niya.”“Oo naman. Palagi naming sinasabi sa kaniya na nagpapalakas ka lang dito.”Napapikit ako sa matinding pagsisisi. Sana ay makabawi ako sa anak namin. Gusto kong maging isang ama na hindi lamang nagbibigay ng mga laruan at allowance, kundi isang amang maipagmamalaki niya—isang haligi ng tahanan na marunong magprotekta sa kaniyang ina at hindi nagdadala ng gulo sa tahanan.“Hindi muna namin siya isinama rito,” dagdag ni Mama. “Maraming bacteria sa ospital, bata pa naman iyon at mabilis kapitan ng sakit.”“Opo, Ma. Mas mabuti po n

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 74

    “Kung ganoon, magpalakas ka. Isang linggo na lang daw at puwede ka nang ma-discharge, sabi ng doktor. Pag-uwi natin sa bahay, saka natin unti-unting ayusin ang lahat ng nasira sa atin. Isang hakbang sa bawat araw.”Napapikit ako at marahang isiniksik ang aking mukha sa mga palad ni Rendy. Hindi ko na napigilan ang panibagong pagdaloy ng mainit na luha sa aking mga pisngi.“Thank you, Rendy…” nanginginig kong bulong. “Thank you for not giving up on me. Thank you for staying.”“Nandito ako dahil asawa kita, at dahil mahal kita,” mahina niyang sagot habang yumuyuko at marahang inilalapat ang kaniyang noo sa akin. “Kaya magpahinga ka na muna. Huwag mo nang ubusin ang natitira mong lakas sa pag-iyak.”Napangiti ako nang bahagya sa gitna ng aking pagluha. “Sorry.”“Wala ka nang ibang alam sabihin kundi sorry,” untag niya na may halong pait at lambing.Napatawa ako nang mahina, kahit kumikirot ang aking dibdib sa bawat paghinga. “Dahil iyon naman talaga ang nararapat kong sabihin sa iyo... a

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 73

    Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ni Rendy.Agad kong pinunasan ang aking mukha gamit ang aking braso, pilit na pinipigil ang anumang tunog ng pagluha. Ayokong magising siya na nakikitang umiiyak ako. Ayokong isipin niyang ginagamit ko ang sakit ko o ang emosyon ko para lang kaawaan niya ako at patawarin.Gusto kong patawarin niya ako hindi dahil sa awa, kundi dahil nakikita niyang bukal sa puso ko ang pagbabago. Pero alam kong malayo pa iyon. At handa akong maghintay kahit gaano katagal.Dahan-dahang idinilat ni Rendy ang kaniyang mga mata. Kurap-kurap siya habang iniaangat ang kaniyang ulo mula sa kama. Nang magtama ang aming mga paningin, agad na dumaloy ang walang katulad na pag-aalala sa kaniyang mukha.“Denis?” mahina niyang tawag, paos pa ang boses mula sa paggising.Dali-dali siyang umayos ng upo at hinawakan ang aking noo. “Gising ka na pala... May masakit ba sa 'yo? Nahihirapan ka bang huminga? Susuriin ko ba ang monitor?”Napatitig ako sa kaniya. Sa kabila ng lahat ng gi

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 72

    Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang maging isang halimaw sa sarili kong tahanan.Noon, napakasimple lang ng pangarap ko. Ang makasama si Rendy at si Amiel. Ang maging isang mabuting haligi ng tahanan. Pero paano ako humantong sa puntong ito?Nagsimula ang lahat nang hayaan kong kainin ako ng sarili kong insecurity, selos, at katangahan.Naramdaman ko noong unti-unti siyang nagiging abala. Mula sa trabaho, sa pag-aayos ng bahay, hanggang sa pag-aalaga sa anak naming si Amiel. Kapag umuuwi ako galing sa trabaho, madalas ay pagod na siya. Minsan, kapag gusto ko siyang yakapin o kausapin, hindi niya agad ako nabibigyan ng pansin dahil marami siyang ginagawa. Minsan naman, kapag naglalambing ako, sasabihin niyang pagod siya at kailangan niyang magpahinga.At sa halip na intindihin ang kaniyang pagod... naging makasarili ako.Tumingin ako sa sarili kong pangangailangan at hindi sa kaniya. Nagtampo ako. Naging childish ako. Inisip kong hindi na niya ako mahal. Inisip kong nababawasan n

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 71

    POV: DenisHindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog.Ang huling malinaw na larawan sa aking isip ay ang mukha ni Rendy habang nakaupo sa tabi ng kama ko. Hawak niya ang kamay ko, at sa kabila ng matinding pagod at pamumugto ng kaniyang mga mata, nanatili siyang nakabantay sa akin.Nang muli kong idilat ang aking mga mata, marahang pumasok ang mahinang liwanag ng umaga sa pamamagitan ng siwang ng kurtina. Malamig, mechanical sound ng heart monitor ang tanging nag-iingay sa silid, na tila nagpapaalala sa akin na buhay pa ako.Saglit akong nakatitig sa kisame habang pilit kong inaalala ang lahat ng nangyari. Bawat paghinga ko ay may kasamang tila tusok ng karayom sa aking dibdib—isang physical na paalala sa severe pneumonia na halos lumunod sa aking baga. Pero wala ang sakit na iyon sa matinding kirot na kumukurot sa puso ko tuwing naaalala ko ang dahilan kung bakit ako umabot sa ganitong kalagayan.Dahan-dahan kong ibinaling ang ulo ko sa gilid.At doon... nakita ko siya.Si Ren

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 70

    “Salamat po... Maraming salamat po sa pagligtas sa kaniya,” paulit-ulit kong bulong sa doktor.“Ginawa lang namin ang aming makakaya, at nagpasalamat tayo sa mabilis na pag-aksyon ng mga kasama niya,” sagot ng doktor. “Pero pagkahatid ninyo sa kaniya sa bahay pagkatapos ng isang linggo, kailangan ng matinding pag-iingat. Bawal ang puyat, bawal ang stress, at bawal ang mabibigat na gawain. Kapag nagkaroon ulit siya ng lagnat o hirap sa paghinga, ibalik niyo agad siya rito.”“Opo, Doctor. Gagawin ko po ang lahat. Ako na pong bahala sa kaniya,” mabilis kong pangako.Nagpaalam ang doktor at naiwan akong mag-isa sa consultation area.Nakatitig ako sa walang laman na pader habang pumapasok sa utak ko ang mga salitang sinabi niya.'Kritikal.''Nag-agaw-buhay.''Kulay asul ang labi.''Nalulunod ang baga.''Ang bawat salita ay parang latigo na humahagupit sa puso ko. Ang galit na naramdaman ko kay Denis noong mga nakaraang araw dahil sa mga maling nagawa niya ay biglang naging napakaliit kumpa

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 3: Linlang

    “TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 2: Unang Trabaho

    POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 1: Honey Moon

    PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 5: Pagtakas

    HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status