เข้าสู่ระบบNatalie POV
Kakasimula palang ng araw ko rito sa McVeigh pero parang sukong suko na ako sa inis. Naisipan ko munang pumunta sa food court nitong company para mapakalma ang sarili kahit sa pagkain lang. Habang chinicheck ang mga pagkain ay napansin ko Ang pinapaborito ko. Carbonara. "Ate magkano po?" tanong ko sa tindera. "120 Isang plato" sagot nito na ikinangiwi ng bibig ko. "Pero kung d mo afford wag ka na bumili" dagdag pa nito. Nakakaoffend ha. "Ay Hindi po bibili ako. Nagdalawang isip lang kung masarap ba yan o Hindi" pang aasar ko agad iniabot ang bayad. Binigay nya rin yung inorder ko. "Sa susunod wag kana rito bumili" pambabanta nito pero Hindi ko na pinansin. "grabe kahit trabahador sa food court apakaattitude" bulong ko sa sarili ko agad naman naghanap ng pwesto. Tinikman ko agad ang pagkain. Buti nalang masarap. Gusto ko na sanang I enjoy pa ang pagkain ko nang biglang mag vibrate phone ko. 'Hindi mo pa break time pero kumakain kana?' —Unknown Number— At sino na naman 'to?!! Tinignan ko ang paligid agad napansin ko ang anino ng demonyo. Napairap ako agad binaling ang atensyon sa pagkaon. Susubo na sana ako ng biglang mag vibrate ulit phone ko -Come to my office. Now!"- —Unknown Number— Napahinga ako ng malalim sa sobrang inis kaya isinubo ko lahat. Uminom agad Ako ng tubig upang maitulak Ang pagkain agad pumunta sa office . Pagkapasok ko ay nakaupo ito habang nakapatong Ang dalawang paa sa kanyang table. "Masarap ba kinakain mo?" nang aasar na tuno nito ngunit hindi ko pinansin. "Orderan mo ako. Hindi pedeng Ikaw lang Ang kakain" Tinaasan ko ito ng kilay agad nagreklamo sa nais nito. "Kelan pa naging taga order Yung secretary?" "Ngayon" matipid na sagot nito. Wala akong ibang choice kundi sundin na lamang baka mapatalsik pa ako. Inilahad ko mga palad ko sa kanya at naghihintay na iabot nya Pera nya. "Akala ko ba magpapaorder ka?" naiinip na tanong ko rito. "Wala akong cash kaya ikaw na muna magbayad." Nanlaki bigla mata ko dahil sa sinabi nya. "Ay wag na mag order. Wala ka naman palang cash" Pansin Kong napatawa ito agad nagpipindot sa cellphone nya. Biglang nagring phone ko agad chineck Yung message. -5 buckets of KFC chicken drumsticks . Tatlong large pizza sa Shakey's Hawaiian pizza but remove the pineapple - —Unknown Number— Napatingin nalang ako sa kaharap ko. Pansin kong nakangisi ito. "Ang dami naman nito. 5 buckets? eh Ang mahal ng isang bucket palang. Tapos Hawaiian pizza pero walang pinya? Pinanganak ka ba kahapon?". Asar na asar na ako kulang nalang sapakin ko ito kung Hindi ko boss. "Then leave. Quit your job. So simple" Wala akong nagawa kundi sundin na lang yung gusto nya. Dali dali akong bumyahe papuntang KFC. Sobrang init at ma traffic kaya natagalan ako. Nung una Hindi pumapayag ang KFC na all drumsticks pero nung sinabi kong para sa CEO ng McVeigh ay pumayag din. Grabeng privilege naman to sa kanila. Bitbit ko ang 5 buckets ng chicken kaya Dali Dali na rin Akong bumili ng pizza. Umabot ako ng dalawang oras sa labas kaya dumating ako malapit na mag lunch time. Habang bitbit ko lahat ay nagtitinginan lahat sa akin na parang naawa na nanghuhusga. Pansin ko rin ang titig ni Leila na tuwang tuwa sa sitwasyon ko. Pagkapasok ko sa office ay agad kong nilapag sa harap nya. "Ayan na pinapaorder mo" hinihingal na saad ko ngunit tinignan nya lng ako. "Nagbago na isip ko. Ayoko na kumain" Saad nito agad lumabas ng office. Napatayo na lamang ako sa pwesto ko. Bigla akong nanghina dahil sa pagod, init ng panahon at lalo na sa nasayang na pera ko. Nakabudget na dapat lahat hanggang Saturday. Hindi ko na lamang namalayan na nandilim na pala paningin ko. Unti unti akong nanghina hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay. Bigla akong napahawak sa ulo ko agad kong napansin Ang nag aalalang pagmumukha ni Nicka. Napabangon ako bigla. "Saan tayo?" tanong ko agad Akong binatukan ni Nicka. "Nagpapakamatay ka ba? Alam mo namang bawal ka sa sobrang init dba? Nagpapagod kapa talaga" halos mangiyak ngiyak na sermon sa akin. "Okay lang ako. Tignan mo humihinga pa. Teka saan ba 'to?" pagtataka ko. Kanina nasa office palang naman ako ni Sir Tim. "Andito sa clinic ng company. Buti nalang nakita ka ni Manager Nung pumasok sya sa office ni Sir para magpasignature." "Si Sir Tim? Nasaan?" "Yun pa talaga hinanap mo? Nandun sa meeting room." naiinis na sagot ni Nicka. Akmang tatayo na ako pero pinigilan ako ni Nicka. "Hindi kapa okay.Need mo pa magpahinga" agad nya akong hinawakan para pahigain ulit. "Kailangan kong kausapin si sir Tim. Yung ginastos ko sa pagkain kukunin ko.." Hindi ko na naipatapos aking sasabihin ng biglang pumasok si sir Tim. "Mukhang okay ka naman. Kunin mo yung mga pagkain sa office dalhin mo sa meeting room" malamig na utos nito agad umalis. Ni kamusta wala man lang? masama talaga ugali. "Kailangan kong sundin baka matanggal pa Ako" mahinang pagsambit ko ay agad akong tumayo upang kunin Ang mga pagkain. Sinamahan na lamang ako ni Nicka agad dinala ito sa meeting room. Kami nalang din nagserve ng pagkain sa lahat. Pansin kung ngumisi sa gilid si Sir Tim na akala mo nama'y nagtagumpay sa masamang balak nito. Pagkatapos ng kanilang meeting ay lumapit Ako rito. "Sir Tim. Yung ginastos po sa pagkain..." Hindi na ako pinatapos ay agad nitong nilapag ang sobreng may Pera. "Sobra na yan. Tutal yan naman habol mo rito" Agad itong lumabas sa silid. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nito. Ganito ba talaga sya kasama? Wala na akong ibang pagpipilian kundi gawin na lamang ang kanyang mga utos upang magipagpatuloy ko pa ang pagtatrabaho rito. Pagkabalik ko sa kanyang opisina ay bigla akong nilapagan ng napakaraming dokumento. "Tapusin mo lahat. Dapat bago ka umuwi, lahat ay napirmahan mo na." utos nito agad umalis. Agad ko nalang din ginawa lahat ng inutos nya. Inisa isa ko Ang nilalaman ng dokumento para masiguro kung importante ba ito o hindi. Patuloy na tumatakbo ang oras hanggang sa inabot na ako ng gabi. Ramdam ko na yung sakit sa likod ko pero kinakailangan kong matapos ito. Biglang tumunog ang phone ko kaya sinagot ko agad ito. "Nat, Hindi kapa ba uuwi?" tanong sa kabilang linya. "Hindi pa eh. Hindi pa ako tapos" sagot ko. Ramdam ko na ang pagod at antok pero nilalabanan ko na lamang ito. "8 pm na Nat. Delikado na kung mag isa ka umuwi" Napatingin na lamang ako sa mga papeles na nasa lamesa. "Tatapusin ko lang 'to. Sorry Nicka. Don't worry pagkatapos ko rito, uuwi agad Ako" sagot ko sa kanya agad naman itong naging kampante. Nilapag ko na ang phone ko agad tinapos ang ginagawa ko. Ilang oras na ang lumipas kaya agad na Akong nagligpit ng mga gamit ko. Sinigurado Kong sarado na ang opisina ni sir Tim agad akong bumaba. "Magandang gabi ma'am Natalie. Overtime tayo ah" pagbati ni Manong Manny "Dami po kasing Gawain" napatawa na lamang Ako agad nagpaalam na mauuna na akong umuwi. Agad akong nagchat kay Nicka na papauwi na ako. Habang naglalakad ako papuntang daan ay biglang may bumisina sa akin. Napahinto ako agad tinignan kung sino. "Pauwi kana?" tanong nito. Sa tingin mo? "Oo." matipid na sagot ko agad nagpatuloy sa paglalakad. "Hatid na kita." Napahinto ako agad tumingin sa kanya. "Huwag na po sir Tim. Baka kasi may kapalit pa yan" naiilang na sagot ko pero hinila nya ako papasok sa kotse nya. Hindi na ako nakapanlaban. Nakaupo Ako sa front seat at tahimik lang syang nagdadrive. Kinausap nya lang ako kung saan ako umuuwi. Sinagot ko lang kung saan banda at Hindi na ako umimik Hanggang sa nakarating na Ako sa condo ko. "Thankyou sir" Saad ko agad itong nagmaneho papalayo. Hinayaan ko na lamang ang importante ligtas akong nakauwi. Umakyat na ako sa kwarto ko. Tinext si Nicka na nakauwi na ako.. Naglinis na rin Ako ng katawan Hanggang sa tuluyang nagpahinga na dahil alam kong maghihirap na naman ako bukas.Natalie's POVIsang buwan na rin ang lumipas simula nang magkita ulit kami ni Timothy. I didn't expect myself to burst into their company just to confront Natasha. I also didn't expect how Timothy would act when he saw me. I know he's out of his mind wanting me back.Napahinga na lamang ako nang malalim habang nakahiga sa bathtub. I was here for half an hour and I could feel the numbness in my toes but I still choose to stay for another minute. Hindi ko alam bakit mas ginugusto kong ginaganito katawan ko. Maybe I'm making myself to become a cold-hearted person in order to not get affected on how will Timothy acts in front of me?Ano ba yan Nat! Timothy na naman?!!!I lightly slapped myself thinking I was just daydreaming about that guy. "He's not worth it okay? Pagpahirap lang ginawa nya sa'yo dati" trying to convince myself I reached for my glass of wine and notice a notification that pops up on my screen."Leandro?" my face is full of confusion as I read the name of the person who
Cindy POV I heard that there's a commotion in Timothy's company kaya agad akong pumunta. I didn't expect to see Natalie with Timothy wherein he's begging her. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko sa mga oras na iyon. "Tim?" nanghihina na wika ko. I can't handle the situation right now. I needed to escape this scene. I decided to run away while my tears began to fall. "Cindy wait!" sigaw ni Timothy sa akin. Hindi ko sya pinansin hanggang sa nagpatuloy ako sa pagtakbo. He even caught up with me and hugged me tightly. "L-let go." nanginginig na wika ko. Mas lalo nyang hinigpitan ang yakap sa akin while whispering how sorry he was. Napuno na ako. "S-sorry? Yun lang? Hell Tim. If Hindi ko kayo pa nakita ni Natalie hindi ko malalaman lahat. How dumb and naive I was not knowing she was the girl you've been searching for a year. Ang bobo ko para hindi ko malaman iyon" patuloy parin ako sa paghagulgol habang sinusuntok suntok Ang dibdib nito. I didn't mind if we were on the
Natalie's POV Pagkatapos nung nangyari sa magkapatid ko ay agad ding sunod sunod na yung death threats na natatanggap ko. Ni minsan ay may mailman na nagpadala, ni minsan naman ay sa pinto pinto nang flower shop nakalagay.Hindi ko na pinalampas ang lahat ay agad kong pinaimbestigahan si Natasha. Patuloy paring lumalago ang negosyo nila at mas lalong kapartner parin ng McVeigh Company ang Browns'. Bigla akong binuhusan ng yelo nang malamang bati na sila nang pamilya McVeigh kahit anong kabakastugan ang ginawa sa akin ni Natasha noon."Pakitang tao lang ba dati sina Ma'am Klara at Sir Simon sa akin?" tila sa Oras na iyon ay kinokokwestyon ko na pagkatao ko.Parang hindi sila nag alala sa mga pinanggagawa ni Natasha sa akin noon.Ilang buwan ang lumipas at tila mas lumala ang pananakot nito. Umabot sa puntong nag order ito nang napakaraming bouquet at sa oras mismo nang delivery ay icacancel nito.Sobrang nainis na ako kaya inalam ko kung nasaan sya ngayon upang harap harapang kausapin
Natalie POV Today was December 24 and I was supposed to celebrate my Christmas together with my family but Denver insisted on bringing them into their house. Pumayag nalang din mga magulang ko para makilala na rin nila ang pamilya nina Denver. Upon arriving sa mansion nila ay agad nya akong inasikaso. Naghanda ito nang tatlong kwarto, iba Ang silid ng mga magulang ko at lalo na sa Kapatid ko. Inihanda nya ang isang malaki na kwarto kung saan dito muna Ako matutulog. His family welcomed us all at talagang napakagaan ng pakiramdam ko. They all started talking about the marriage proposal and if papayag ba ang parents ko about dito without any violent reaction "Nakikita naman namin na maganda yung trato ni Denver sa anak namin. Siguro Hindi naman sya kagaya nung una nyang naging asawa" aniya ni mama na ikinagulat ni Ma'am Rhian."Asawa? What do you mean?" her face was full of confusion . I was about to explain everything when Denver instantly talked."She and Mr. McVeigh was married
Natalie POV Abala ako sa pag aayos ng mga bulaklak ng biglang bumukas ang pinto kasabay ng pagtunog ng wind chime. "Welcome to Vou- Denver? anong ginagawa mo rito?" wika ko nang binungad ako nang bisita ko. Nakangiti ito habang may hawak na pagkain at bulaklak "Binibisita ka. It's already 10 a.m. baka kasi Wala ka pang kain" malambing na wika nito agad lumapit sa counter. Nilapag nito ang kanyang dala agad akong inalalayang umupo sa tabi nya. "Kain ka muna" dagdag pa nya habang pinagmamasdan ako. Binuksan ko itong dala nya agad ding tinikman ko. "Sarap ah. Gawa mo?" tanong ko sa kanya agad din syang tumango. Nakangiti lamang ito kaya agad ko na ring sinubuan baka hindi pa kumakain. Nagkwentuhan at nagtawanan kaming dalawa hanggang sa maabutan kami nang assistant ko. Pilit nitong tinatago ang ngiti nya habang dumadaan sa amin ni Denver. Pansin kong parang nang iinis ito dahil kapag titingin ako sa kanya ay sisenyas ito sabay turo kay Denver. "Kamusta naman ang Chris
Timothy's POV(warning!! read at your own risk⚠️) Everything was already set at talagang nag enjoy ang lahat sa inihandang Christmas party ko. The theme was cotillion para bumagay sa design ng venue. I was wearing a light pink polo paired with white slacks para maging simple lang ang suot ko at bumagay sa lahat. Nakatayo ako sa gilid habang iniinom ang wine na dinala nang bagong business partner ko."Sir Tim ayaw mo sumali sa exchange gift?" tanong ni Bernadette sa akin."I'm fine. Just enjoy." malamig na sagot ko agad din syang umalis.I could see everyone was enjoying themselves until one of my personal assistant came towards me. He was holding an envelope and I could sense that something went wrong."Is there any problem?" my face was full of confusion."Sir nag back out po ang Mercedes bilang business partner."WHAT??!!Hinablot ko agad ang envelope kung saan laman nito ang kontrata. It was clearly said that if their son doesn't marry yet then they'll cooperate with my company.







