FAZER LOGINDEBORAH’S POV“I think I can give you the answer now.”Agad na natigilan si Byeongyun.Literal.Para bang biglang nag-freeze ang buong katawan niya habang nakatitig lang sa akin.Tahimik.Nakakabinging tahimik.Naririnig ko pa iyong mahinang tugtog ng piano sa restaurant habang pareho kaming hindi gumagalaw. Nasa private dining area kami ng restaurant ng ate niya. Glass walls surrounded the entire place kaya kitang-kita ang mga ilaw ng siyudad sa labas. Sa bandang kanan ay may maliit na indoor fountain na nagpapadaloy ng malamig na tubig habang nakasabit naman sa kisame ang warm golden chandeliers na mas lalong nagpapalambot sa ambiance ng buong lugar.At sa gitna ng lahat ng iyon… ito kaming dalawa. Parehong kinakabahan. Parehong hindi alam ang susunod na sasabihin.“A-anong…” Bahagyang natawa si Byeongyun pero halatang pilit at napapahiya. “Anong answer?”Napakurap ako sa kaniya.“Siraulo ka ba?” mahina kong sabi habang nakatitig sa gulat niyang mukha. “Ikaw itong nag-confess tapos
DEBORAH’S POV Maaga akong nagising kinabukasan. Buhay na buhay ang group chat namin nila Byeongyun, Einon, Watt, and Bavi nang mag-online ako. Yes, kasama si Bavi. A week old pa lang ang group chat namin. “Balita ko umalis na raw si Soobin?” entrada ni Einon. “Hindi man lang nagpaalam sa akin,” tugon ni Watt na may umiiyak na emoji. “Salamat daw sa tula, Watt. Pero sorry, hindi ka raw talaga niya type,” sabi ko. Ang harsh ng dating pero iyon talaga, e. Para maka-move on na rin talaga siya. “Paano mo nalamang binigyan ko siya ng tula?” “Hala, ang corny mo talaga, Watt. Oh ayan ha, hindi ka talaga type,” pang-aasar pa ni Einon. “Pero nice guy ka daw naman, Watt,” sabi ko. Pampalubag-loob sa kaniya. “Did you two talk?” biglang singit ni Byeongyun. “Oo, saglit. Bago siya umalis kahapon. She apologized to everyone,” sagot ko. “Ikaw, kinausap mo pa ba siya?” “Nah.” “If Soobin’s really leaving, mukhang magiging okay na ang mga susunod na araw para sa iyo, Mexico,” Bavi commented.
DEBORAH’S POVTumahimik ang buhay ko for the past few days. Walang nananakit sa akin o nangti-trip. Nakakahinga na ako nang maluwag na hindi iniisip kung may mangyayari na namang masama sa akin.“Pupunta ako sa canteen,” I announced, looking at the three boys. “Sasama ba kayo?”Mabilis pa sa alas kuwatrong tumayo si Byeongyun sa tabi ko. Tumayo na rin sina Einon at Watt habang tumatango.Sampung araw na rin ang nakakalipas matapos kaming ipatawag ng Board of Discipline. The penalty of expulsion of Choi Soobin with prior approval of the Secretary together with the supporting papers were forwarded to the Regional Office. Oo, mae-expel na si Soobin.Pagdating sa canteen ay bumili lang kami ng iced coffee saka naupo sa bakanteng table.“Threathening another with infliction of harm upon his person, destroying property belonging to any member inside the school, participating in brawls or inflicting physical injuries on others inside or outside the campus, physically assaulting any student,
DEBORAH’S POVI was sitting among these men, Einon, Watt, and Byeongyun. Isa-isa ko silang tinititigan habang nag-uusap sila sa harap ko sa isang glass table. In the North was our best choice for lunch after morning class. Treat ni Byeongyun.Napabuntonghininga na lamang ako nang maalala ko ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi ngayong may patunay na laban kay Choi Soobin. Maraming nangyaring hindi ko inaasahan at isa na doon ang ginawa ni Watt.“I won’t judge you for liking Choi Soobin, nagmamahal ka lang naman,” nakaismid na sabi ni Einon kay Watt na tahimik lang na nakasandal sa kaniyang upuan. “Mahal kita pero hindi ako support, bro.”Parang noong isang araw lang ay halos lumuwa ang mata ni Einon nang aminin sa amin ni Watt na gusto niya si Choi Soobin. Si Byeongyun? Hindi ko alam.“Isa pa, hindi ko pa rin matanggap na nagawa mong maglihim sa amin. Ang galing mo doon, hindi ko nahalatang marunong ka palang umibig,” nanunuksong dag
WATT’S POVSabi ko sa sarili ko, I should be in love with a nice person. Kasi kahit hindi ako mahal, mabait pa rin. Kahit hindi ako gusto, she would treat me nicely. Pero hindi ko akalain na magkakagusto ako sa kaniya, kay Choi Soobin. King ina! I had never tried to tell it either to Einon or Byeongyun kasi para saan pa? Itatago ko na lang siguro hanggang sa mawala. Almost everyone in the class despised her. She was once nice to me, not until I confessed to her.I had been trying to look okay everytime I would saw her talking with Byeongyun. Alam ko kung gaano niya kagusto ang kaibigan ko. Alam ko rin kung gaano nasusuya si Byeongyun sa ugali ni Soobin. Nasasaktan ako para kay Soobin, but I hid it anyway. Alam ko sa sarili kong hindi magiging maayos kung ipagpapatuloy ko ang pagkagusto ko sa kaniya, but I couldn’t help it. Gusto ko siya pero sa tingin ko rin ay sumusobra na siya. These past few days had been a chaotic days for us dahil kay Soobin.“Hindi ninyo pa rin ba makontak?” tan
BYEONGYUN’S POV It was just so tiring recently. Lalo pa ngayon na may hindi pa nagpapakilalang nagsasabi na si Soobin ang may kagagawan ng pagkawala ng drafts ni Deborah. “Paano ninyo nagagawang pagbintangan si Choi Soobin kung kasalanan naman talaga ni Deborah kung bakit hindi niya makita iyan? Hindi siya ninakawan. Malinaw na kay Deborah ang sisi kung hindi niya nakita ang draft dahil nasa mga gamit niya pa rin iyan. Puwede ba? Tigilan ninyo ang kasisisi sa kaibigan ko!” “See? It’s really her fault,” may pagmamalaking giit pa ni Soobin sabay punas sa basa niyang pisngi. “Are we done? Ugh! Such as waste of time!” “Hindi ko alam... bakit...” nauutal na sabi ni Deborah na halatang hindi rin makapaniwalang nasa mga gamit lang pala niya ang nawawalang drafts ng essay niya. Matapos ang pangyayaring iyon ay umalis ng classroom si Soobin kasama si Selena. Ang ipinagtaka ko nga lamang ay halos kaladkarin niya si Wyn palabas ng classroom. Agad akong kinutuban saka napailing. “This is a
DEBORAH’S POV“I was jealous, midget.”Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react pagkatapos kong marinig iyon.Seryoso ba ito o panaginip?“Nagseselos ka? Paano? Bakit?” nauutal kong tanong sa kaniya.Pero g
DEBORAH’S POVAbot-abot ang kabog ng aking dibdib dahil sa pagkaladkad ni Byeongyun sa akin.“Byeongyun, sandali! Kanina pa tayong nag-uusap! Saan mo ba ako dadalhin? Hoy!”Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko ngunit mas malakas siya kumpara
BYEONGYUN’S POVNaupo ako at pumangalumbaba sa mesa sa may kusina habang nakapanood kay Ate Jiyun na halos isang oras at kalahati ng tahimik habang nagluluto ng dumplings.Napagod na ako.Kahit ano’ng gawing suyo ko kasi sa kaniya kanina ay hindi talaga niya ako pinapansin o kin
BYEONGYUN’S POVPagkatapos kong maihatid pauwi si Soobin, na wala naman talaga dapat sa aking plano ay umuwi na ako sa bahay.Wala na rin naman akong ibang gagawin maliban sa mag-impake ng aking mga gamit para sa pagpunta sa bahay ni Ate Jiyun bukas.Pabagsak akong napahiga sa kama matapos kong isara a







