Home / Romance / GAVIN / Chapter 2

Share

Chapter 2

Author: MrsDarcy
last update publish date: 2021-02-11 20:18:32

“Bakit kasi ngayon mo lang sinabi iyan sa akin? Hindi sana matagal na kitang natulungan,” sabi ni Lenny sa kanya nang magkita na sila sa isang sikat na restaurant. Puro mayayaman lang halos ang mga naroon, dahil hindi lahat kayang kumain ng halos pang-isang buwan na niyang budget sa isang order lang.

“Matutulungan mo ba 'kong maka-loan?” tanong niya habang halos hindi niya malasaan ang pagkamahal-mahal na pagkain.

“Loan?” gulat na tanong nito at tila natawa pa sa sinabi niya. “Ellise, ano ka ba? Bakit ka maglo-loan kung may puhunan ka naman?”

“Puhunan? Anong puhunan, Ate Lenny?” nagtatakang tanong niya.

“Ellise, nasa mundo ka ng pagmomodelo, showbiz. Hindi ka papasa rito kung wala kang puhunan,” sagot nito sabay turo sa mukha niya. “You are young, fresh, beautiful, Ellise. Sigurado, marami ang mag-uunahan sa iyo.”

“What do you mean?” nagtatakang tanong niya. Marami na siyang naririnig na usap-usapan sa mga katrabaho niya na kung easy money ang kailangan, kay Ate Lenny lumapit. Pero hindi niya alam kung paano makakakuha ng easy money na iyon, lalo na't malaki ang kailangan niya — limang milyon.

“Ellise, hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy pa,” sagot nito at binaba ang kubyertos sa gilid ng plato at inikot ang mga mata sa paligid. Kung saan halos nakapustura ang mga kumakain roon, at natitiyak niyang mga mayayaman lang ang nandoon sa restaurant na iyon. “I can offer you sa mga kilala kong businessman or mga nasa politics.”

“Offer me?” kunot-noong tanong niya, dahil tila nahuhulaan na niya ang ibig sabihin nito.

“Yes, Ellise. I know you are not naive, at alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. You can get the money you need, and they can get what they want from you. Your body, Ellise,” litanya nito.

Napanganga siya at tila hindi niya nauunawaan ang sinasabi nito. Inikot niya ang mga mata sa paligid at hindi iilan ang mga matang nakadako sa kinauupuan nila ni Lenny — mga matatandang businessman.

“You mean...” hindi niya magawang ituloy ang nais itanong at inabot ang baso ng tubig at uminom.

“Yeah, you are beautiful, Ellise. Marami ang mag-uunahan sa iyo, and we can demand a high price, sweetie,” nakangising sagot nito at uminom ng wine na inorder din nito kanina.

“I can’t do—”

“Yes, you can, Ellise,” putol nito sa sasabihin niya at nasa tono ang paninigurado. Ito ba ang sinasabing easy money ng mga kasamahan niya, ang pagbebenta ng katawan? Well, hindi naman siya pinanganak kahapon at alam niyang maraming nangyayaring ganoon sa mundong ginagalawan nila, pero ito ba ang solusyon sa problema niya? Ang ipagpalit ang dangal niya sa pera?

“Like what you’ve said, you only have one month to pay everything, so you decide.”

“Ate Lenny, are you... really... doing this?” nanginginig na tinig na tanong niya. Hindi niya alam kung paano itatanong na hindi mamasamain ng kaharap. “I mean, it seems you are... you are... selling me,” patuloy niya.

Narinig niyang tumawa ang kaharap at tila hindi man lang nainsulto sa sinabi niya. “Come on, Ellise. I’m not selling you. You are selling yourself, and I’m just helping you.”

“But I’m not selling myself, Ate Lenny!” inis na sagot niya.

“Well, fine. We’re done here,” kalmadong sagot nito at mabilis nang tumayo at hinila ang mamahaling bag. “Don’t worry about the bill, I already paid,” sabi nito bago siya iniwang nakatulala na hindi alam ang gagawin.

Pabagsak niyang isinandal ang katawan sa upuan. Nais niyang umiyak, umiyak nang umiyak, pero alam niyang wala namang magagawa ang pag-iyak niya sa sitwasyon niya ngayon. Hindi mababawasan ng mga luha niya ang mga utang nila.

“I can’t believe it,” bulong niya at hinila ang wine at mabilis na inubos iyon. Mahal iyon kaya kailangan ubusin niya, tutal bayad na rin naman.

Habang umiinom, namataan niya ang isang lalaking naka-polo long sleeve at maong pants na papunta sa bakanteng mesa na katabi ng mesang kinauupuan niya. Binaba niya ang wine glass at sinundan ang bawat galaw ng matipunong lalaki na alam niyang umaagaw ng pansin sa lahat ng mga naroroong kababaihan dahil sa lakas ng dating nito.

“Who is he?” bulong niya at pasimpleng sinulyapan ang kasama nitong babae na naka-long red dress habang nakakawit ang kamay sa braso ng lalaki.

Palihim niyang sinuri ang kasama nitong babae — short hair pero bumagay sa maliit nitong mukha. Isama pa ang provocative na suot nito na nagpapakita ng magandang cleavage at ang mataas na slit ng long dress nito.

“Perfect match,” bulong niya at tinuloy ang pagkain. Uubusin niya ang inorder nila, sayang naman. Isa pa, ayaw pa niyang umalis dahil nais pa niyang pagmasdan ang gwapong lalaki.

“Saan ko nga ba siya nakita?” tanong niya sa sarili at muling sinulyapan ang lalaki at hindi sinasadyang napatingin din ito sa kanya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

“Damn,” mura niya sa sarili at naalala na niya kung saan niya nakita ang gwapong lalaki. Ito iyong lalaking nakabunggo niya sa mall noong isang araw na may kasamang bodyguard.

Nilingon niya ang paligid, pero hindi niya nakita ang mga bodyguard na kasama nito noon sa mall. “Baka hindi sinama kasi may date,” parang sirang bulong niya sa sarili habang kumakain.

Muling bumalik sa problema ang isip niya. Kung saan at ano ang gagawin niya para makahanap ng pera. Alam niyang hindi siya papahiramin ng pera ni Lenny dahil ang gusto nito, ibenta niya ang sarili. Ito ang maghahanap ng bibili sa kanya at siguradong malaki ang porsyento nito pag may bumili sa kanya.

Nakakatuwang isipin kung bakit may mga taong nagagawa ang mga ganoong bagay, pero baka ganoon talaga, dahil sa matinding pangangailangan, tulad niya ngayon. Ano na ang gagawin niya kung sakaling wala siyang mahiramang pera? Tatanggapin ba niya ang alok ni Lenny? Magagawa ba niya ang bagay na iyon? Kaya ba niyang sikmurahin na ang makukuhang pera ay galing sa pagbebenta niya ng sarili?

Paano kung malaman ng mga magulang niya, lalo na ng Daddy niya? Baka iyon pa ang maging dahilan ng lalong pagkasakit ng Daddy niya.

Pero ano at paano ang bahay at lupa nila? Pwede bang pumikit na lang siya at pagmulat ng mga mata, wala na siyang problema? Sana ganoon na lang kadali ang lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang hirap nga nman ng kalagayan mo ellise pero laban lang kayang kaya mong harapin anumang hamon yan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • GAVIN   The End

    G. Saavedra Company Anniversary "You look amazing Ellise" puri ng asawa sa kanya habang papasok sa building ng mga Saavedra. Dito pala ang opisina ng asawa. Hindi pa kasi s'ya nasama ni Gavin aa kompanya at ngayon nakita na nya lalo syang namangha at lalong humanga kay Gavin. Dahil nabasa nya aa business magazine na si Gavin ang nasa likod ng matagumpay na G. Saavedra Company. Kung saan mga real estate ang main focus ng negosyo. "I know" confident na sagot nya asawa. Pinagawan pa sya ng evening dress ni Gavin, na lalo nyang ikinatuwa dahil napakaganda ng evening dress, bagay na bagay sa kanya amg kulay kremang spaghetti long dress na nagpapakita ng maganda nyang katawan. Habang hindi rin maitatanggi ang kagwapuhan no Gavin sa suot nitong gray tuxedo. "You more handsome now" puri nya sa asawa. "I have to, ayoko yatang mapag-iwanan ng Misis ko" sagot nito at hinalikan sya sa pisngi. "Gavin Pare' tawag ni Mike sa may lobby ng building. Agad syang napakapit kay Gavin. "What do you wa

  • GAVIN   Chapter 58

    "What's that?" tanong ni Gavin ng linggong puntahan sya ng asawa sa kusina. Nagluluto kasi sya ng masarapa beff steak, balak nyang ihatid sa bahay ng mga magulang ni Gavin. Ilang araw na rin kasi mula ng pumasyal sila sa bahay ng mga Saavedra, at ramdam parin nya ang malamig na pakikitungo ng ama ni Gavin sa kanya. At nais nyang mapalapit rito, kaya naman pinagluto nya ito. Nasabi kasi ng Mama ni Gavin na mahilig da beff steak ang ama ni Gavin. Kaya naman sinubukan nyang gawin ang recipe ng Mommy nya."Beff steak para sa Papa mo" nakangiting sabi nya sa asawa, habang sinasalin ang nalutong pagkain."Kay Papa?" tanong nito at lumapit sa kanya. Agad nyang naramdama ang kamay ng asawa na pumulupot sa bewang nya, at pinatong ang baba nito sa balikat nya. Tila itong batang naglalambing."I love you so much Ellise" bulong nito at hinalikan sya sa leeg."I love you too, Mr. Saavedra" sagot nya."Pero mamaya na ang lambing, tapusin ko na muna ito para maihatid

  • GAVIN   Chapter 57

    Ellise POV"Pwede ba tayong dumalaw kina Mommy't Daddy Gavin?" tanong nya sa asawa, habang nakahiga sa kama at nakaunan ang ulo nya sa braso ng asawa.Kakatapos lang ng love making nila, at hindi nya mabilang sa mga daliri kung ilang beses syang sinabihan ng I Love you ni Gavin. At alam nyang mapapadalas pa ang pagsasabi ng asawa sa kanya ng I love you."You want to visit them?""Yes, matagal-tagal na rin mula ng huli ko silang makita at namimiss ko na rin ang mga kapatid ko" sagot nya. At nais din nyang ibalita sa Mommy nya kung gaano kasaya ang marriage life nya."Ok, let's us visit them now" sagot ni Gavin."Really?" masiglang tanong nya at tiningala ang gwapong asawa."Yes" sagot nito at mabilis syang hinalikan sa mga labi. Napapikit sya at gumanti ng halik sa asawa. Nang naramdamang gumagapang ang kamay ng asawa, agad nyang binawi ang mga labi rito. Baka kase hindi na sila makaalis nito para pumunta ng San Miguel."We can do

  • GAVIN   Chapter 56

    Gavin's POV"What did you just say?" tanong nya kay Ellise ng maunawaan ang sinasabi nito. Tila nawala ang kalasingan nya sa sinabi ni Ellise. Tama ba ang narinig nya? tama ba ang intindi nya sa sinabi ni Ellise mahal na sya nito? mga tanong na gumugulo sa isipan nya. Habang nakatitig sa mga mata ng asawa na mababakasan ng lungkot at pangamba."I said I love you Gavin" sagot nito sa kanya. Ano bang isasagot nya?Kagabi iniwan nya si Ellise nagpunta sya sa Bar ng kapatid, nagpakalango sya sa alak. Nais kasi nyang magkaroon ng lakas ng loob para maamin kay Ellise ang lahat, ngayon eto sya't kaharap ang napakagandang asawa ay tila natatameme sya, bakit tila nawala ang kalasingan nya at lakas ng loob nya para aminin kay Ellise ang totoong damdamin nya? Paano nya sisimulan ang pagpapaliwanag ng lahat kay Ellise. Lalo na ngayong umamin na sa kanya ang asawa na mahal sya nito.Kagabi nakausap nya ang kapatid nyang si Gab. At ayon sa kapatid kahit hindi pa daw

  • GAVIN   Chapter 55

    Pagdating sa bahay, padabog syang bumaba ng sasakyan at nagtuloy pagpasok sa loob ng bahay."Ellise" tawag sa kanya ni Gavin. Pero nagtuloy sya sa pagpasok sa bahay at umakyat sa mataas na hagdan. Magmamatigas sya hangga't hindi umaamin sa damdamin nya si Gavin. Ipapakita nya rito kung gaano katigas ang ulo nya kung hindi ito aamin na may damdamin din ito sa kanya. Hindi sya tanga o manhid para hindi maramdaman na kahit papano may damdamin sa kanya si Gavin. Marahil ang mga kaibigan nito ang tingin kay Gavin ay walang puso dahil ang mahalaga rito ay ang negosyo nito, kung paano ito magiging katulad ng ama nito pagdating sa negosyo. Pero para sa kanya iba at kung mali man ang iniisip nya handa syang masaktan. Handa nyang tanggapin ang katotohanan."Ellise!" tawag ni Gavin sa kanya ng makapasok na ito sa silid nila."What?!" inis na hiyaw nya at masamang tingin ang pinukol nya rito."Will you stop acting like a child!""Acting like a child? sa tingi

  • GAVIN   Chapter 54

    Mahigpit ang hawak sa kanya ni Gavin habang naglalakad papunta sa silid nila."Gavin" tawag nya rito. Pero nagtuloy lang ito sa paghila sa kanya hanggang sa makarating sila sa kwarto."Gavin!" inis na sabi nya sabay bawi sa braso nyang hawak nito."What?!" galit na tanong nito at liningon sya."Anong ibig sabihin non ah? anong ibig sabihin ng mga sinabi mo kay Mike?" lakas loob na tanong nya. Nais nyang malaman ang totoo, may karapatan syang malaman ang totoo."Anong ginagawa mo sa labas Ellise? at bakit wala ka sa silid ni Mia?" galit na tanong nito."Sagutin mo muna ang tanong ko!" inis na tanong nya at tinulak ito sa dibdib. Hindi man ito natinag."Answer my damn questions first Ellise?!" sigaw nito. Napapitlag sya at wala sa loob na napa atras. Napalunok sya at nag-iba naman ang aura ni Gavin ng makita ang gulat at takot sa kanya."Lumabas ako sa dahil, dahil...Hindi ko gusto ang pang iinsulto sa akin ni Sabrina" sagot

  • GAVIN   Chapter 26

    Matapos nilang mamili ng mga kailangan nyang gamit, niyaya sya ni Gavin na kumain muna. Hindi naman na sya tumanggi pa, isa pa gusto nya ang nakukuha nyang atensyon sa mga taong napapatingin sa kanila ni Gavin. Alam nyang umaagaw ng atensyon si Gavin sa mga kababaihan at proud sya dahil

  • GAVIN   Chapter 25

    Pagbaba nya ng hagdan naningkit ang mga mata ni Gavin ng makita ang suot nya. Tanging T-shirt na puti ni Gavin, no bra just white shirt and undies."What are wearing?" kunot noong tanong nito, nasa tignig ang galit. Nagtaas sya ng kilay, at nagtuloy sa pagbaba ng hagdan."Your s

  • GAVIN   Chapter 24

    Nakataas ang kilay nya habang hinihintay si Gavin sa pintuan ng sala. Hinihatid kasi nito si Sabrina hanggang sa kotse. Nakita din nyang nagbulungan pa ang dalawa, bago tuluyang umalis si Sabrina, na lalo nyang kinainis. Pinagsalikop nya ang mga kamay sa dibdib at lalong tinaas ang mga

  • GAVIN   Chapter 23

    "Sir, Sir Gavin? andyan po ba kayo?"Tinig mula sa labas na nagpahinto sa ginagawa nila ni Gavin. Nilayo ng kaunti ni Gavin ang katawan sa kanya. Nakaramdam nanaman sya ng pagkadismaya. Alam nyang hindi nanaman matutuloy ang ginagawa nila. Nagbuntong hininga sya at nilay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status