GAVIN

GAVIN

last update최신 업데이트 : 2021-05-13
작가:  MrsDarcy참여
언어: Filipino
goodnovel18goodnovel
9.7
65 평가 순위. 65 리뷰
60챕터
118.6K조회수
읽기
보관함에 추가

공유:  

보고서
개요
장르
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.

“Sa Saavedra Island, doon natin gagawin lahat ng gusto ko. Doon ko susulitin ang bawat sentimo na binayad ko sa iyo, diyan sa katawan mo. Isang buwan tayo roon, at sa loob ng isang buwan, wala tayong ibang gagawin. You have to satisfy my needs, Elise. You have to obey everything I want. When I say strip, strip,” mahabang litanya nito na tila may kuryenteng kilabot na hatid ang bawat salita. “Isang buwan mo 'kong magiging parausan?” nakuha niyang itanong. “Binili kita, Elise. Wala kang karapatang magreklamo. All you have to do is obey me and satisfy me,” sabi nito at hinawakan siya sa baba. “We will play with each other on my island.”

더 보기

1화

Chapter 1

"Ellise! Ano ba, ikaw na!" sigaw ng event organizer sa kanya nang halos hindi pa siya nakakalabas ng stage.

"Sorry, sorry," paumanhin niya.

Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago naglakad palabas ng stage sa isang kilalang mall sa Maynila. Isa siyang freelance model. Kung anu-ano ang minimodel niya, pero madalas siyang kinukuha ng ilang sikat na clothing brand sa Pilipinas. She's 21 years old. Graduate siya ng Tourism, pero dahil wala pa siyang permanenteng trabaho, sumabak muna siya sa pagmomodelo. Malaki-laki rin naman ang kita.

Taga-San Miguel siya at sa San Miguel University siya grumaduate, pero napadpad siya ng Maynila para maghanap ng trabaho. Six months na rin siya sa pagmomodelo at tila nasasanay na siya. At aaminin niyang nag-e-enjoy naman siya. Marami siyang nakikilala at nagiging kaibigan na mga artista at modelo ring tulad niya.

Hindi naman niya pinangarap maging modelo, pero na-inspire siya sa kwento ni Aya Tragora na dating sikat na modelo bago ito ikinasal kay Joshua Tragora sa San Miguel. Kaya nang may mag-alok sa kanya ng pagmomodelo, agad niyang tinanggap. At eto na siya — halos ito na yata ang magiging career niya.

"Ellise, may problema ka ba?" tanong ni Lenny, ang tumatayong manager niya.

"Wala naman po," sagot niya habang inaayos ang mga gamit sa bag. Katatapos lang ng event at nag-aayos na sila para makauwi na.

"Iba ang lakad at aura mo kanina, Ellise. Alam kong may problema ka. Halatang may gumugulo sa isip mo," sabi nito at hinawakan ang kamay niya. "Bakit hindi mo sabihin sa akin? Baka makatulong ako."

Sinulyapan niya ito. Alam niyang matutulungan siya nito kung sasabihin niya ang problema niya. Pero baka mapasama ang lahat, lalo na siya.

"Pagod lang po ako, Ate Lenny," tanging sagot niya.

"Okay, sige. Basta pag may problema ka, sabihin mo agad sa akin, ha? Lalo na pagdating sa pera. Alam mo namang marami tayong solusyon diyan," paalala nito bago tuluyang lumabas ng dressing room.

Napaupo siya at tinitigan ang sarili sa salamin. She's beautiful, and she has the perfect body — at alam niya iyon. Pagdating pa lang niya ng Maynila, kung sinu-sino na ang lumapit sa kanya at nagtangkang ligawan siya, pero hindi niya pinansin ang mga iyon. Pumunta siya ng Maynila para magtrabaho at kumita, para matapos na ang problema nila sa San Miguel.

Nagkibit-balikat siya habang nakatitig pa rin sa salamin.

"Huwag mong gawin, Ellise. May isang buwan ka pa. Kapit lang," bulong niya sa sarili.

Isang buwan na lang kasi ang natitirang palugit ni Mr. Crisostomo sa kanila sa bahay at lupa nila sa San Miguel. At kung hindi pa sila makabayad nang buo sa loob ng isang buwan, palalayasin na raw sila. Bagay na hindi pwedeng mangyari. Iyon lang ang naipundar ng ama — ang bahay at lupa na bunga ng pagtatrabaho nito sa ibang bansa bago ito magkasakit.

At dahil nagkasakit ang ama, nagdesisyon sila ng Mommy at mga kapatid na isanla ang bahay at lupa nang hindi nalalaman ng Daddy nila para lang maipagamot ito. Pero dahil sadyang mahal ang gamutan sa cancer, halos malugmok sila sa utang. Muntik pa nga siyang hindi makagraduate pero buti na lang tinulungan siya ni Donya Feliza, ang may-ari ng unibersidad.

Ngayon, malapit na ang isang buwang palugit ni Mr. Crisostomo. Baka tuluyan nang mawala sa kanila ang bahay. Isama pa na baka humina ulit ang ama kapag nalaman ang tungkol sa bahay nila. Nakakabawi na rin naman ang ama. Hindi na tulad ng dati, pero kahit papano, sumigla-sigla na ang katawan nito.

Ang kinikita niya sa pagmomodelo ang ginagamit ng dalawa pa niyang nakababatang kapatid sa pag-aaral, kaya hindi nila magawang makabawas man lang ng utang kay Mr. Crisostomo.

Naglalakad siya palabas ng mall na malalim pa rin ang iniisip. Kaya nang may mabunggo siya, muntik na siyang bumagsak sa semento.

"Ouch!" tili niya at naramdaman ang braso sa bewang niya. Dahil na rin sa takot na bumagsak, napakapit siya sa braso ng kaharap.

"Are you okay?" tanong ng kaharap.

Nag-angat siya ng ulo. Tila napatulala siya nang makita kung gaano kagwapo ang kaharap. Makapal ang kilay na nakasalubong, magagandang mata na nakatitig sa kanya, matangos na ilong, mga labing mamula-mula, balbas na patubo, at ang amoy nito na napakalakas ng dating. Nakasuot ito ng business suit na halatang mamahalin.

"Are you okay?" tanong ulit nito nang halos hindi pa rin siya gumagalaw at nakatitig lang.

Wala naman itong kahit ngiti sa mga labi o anumang ekspresyon sa mukha.

"Ah... Yeah..." tila natauhan na sagot niya at mabilis na inalis ang kamay sa matipunong braso ng kaharap. Naramdaman din niya ang dahan-dahang pag-alis ng kamay nito sa bewang niya. Ewan niya kung bakit tila may kuryenteng dumaloy doon sa simpleng paghawak lang nito.

"Sorry," nahihiyang paumanhin niya at inayos ang bag sa balikat.

"Yeah. Just take care of yourself," sabi lang nito at nagtuloy na sa paglalakad.

Sinundan niya ng tingin ang gwapong lalaki. Napansin niyang may nakasunod na dalawang lalaki na naka-puting polo na tila mga bodyguard nito.

"Bodyguard? Sino kaya siya?" tanong niya sa sarili.

"Baka anak ng pulitiko. Gwapo pero mukhang masungit," bulong niya at nagtuloy na sa paglalakad papunta sa parking area.

May condo at kotse siya. Noong una, ayaw niyang kumuha dahil kailangan niya ng pera, pero mahihirapan naman siya kung wala siyang sasakyan papunta sa mga event. Ang condo naman, sinubukan niyang makisama sa ibang katrabaho pero dahil hindi siya sanay sa buhay Maynila, hindi niya natiis. Kaya kumuha siya ng sariling condo sa hindi masyadong sikat na building, pero maganda naman at may seguridad siya.

Pagdating niya sa condo, kaagad niyang tinawagan ang Mommy niya para kumustahin ang mga ito.

"Anak, si Mr. Crisostomo masyado na tayong minamadali. Hindi ko na nga mapakiusapan, eh. Nahihirapan na ko. Baka marinig ng Daddy mo," sabi ng Mommy niya sa kabilang linya.

"Don't worry, Ma. Titignan ko po kung makakapag-loan ako para kahit 1/4 muna maibigay natin kay Mr. Crisostomo."

"Ellise, hindi kita minamadali. Sadyang naiipit na tayo. Ang Daddy mo, baka humina ang katawan pag nalaman niya ang tungkol sa bahay," may hagulgol na sabi ng Mommy niya.

"Sige po. Kakausapin ko na po ang handler ko para matulungan ako mag-loan," sagot niya at agad nang nagpaalam dahil naiiyak na rin siya sa naririnig na pag-iyak ng ina.

Kailangan na niyang gumawa ng paraan bago pa makahalata ang Daddy niya. Hindi na maaaring humina pa ang katawan ng ama. Baka hindi na ito maka-recover pa.

Nang biglang tumunog ang telepono niya.

_Luke_

Bumuntong-hininga siya nang mabasang si Luke ang tumatawag. Sikat na artista si Luke sa isang TV station. Nakasama na niya ito ng ilang beses sa event at lagi siyang pinapansin hanggang sa makuha nito ang number niya kay Ate Lenny. Minsan na siyang sumamang kumain sa labas kay Luke. Utos na rin ni Ate Lenny niya, para daw sa trabaho. Alam niyang may girlfriend ito na non-showbiz kaya ayaw niyang pansinin. Isa pa, wala pa siyang balak pumasok sa anumang relasyon. Marami pa siyang problemang dapat ayusin bago ang sariling kaligayahan.

Hinayaan na lang niyang mag-ring ang cellphone. Alam niyang magsasawa rin ito sa pangungulit sa kanya.

Matapos niyang magbihis, kaagad niyang tinawagan si Lenny. Alam niyang ito ang makakatulong sa kanya ngayon.

"Sige. Magkita tayo mamayang 7pm sa restaurant. Doon ko sasabihin ang gagawin mo para matapos na ang problema mo," sagot nito nang sabihin niyang kailangan niya ng pera at kung makakautang siya rito.

Wala na kasi siyang malalapitan pa.

펼치기
다음 화 보기
다운로드

최신 챕터

더보기

독자들에게

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


평점

10
95%(62)
9
0%(0)
8
2%(1)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
3%(2)
1
0%(0)
9.7 / 10.0
65 평가 순위 · 65 리뷰
리뷰 작성하기

리뷰더 하기

Yancy Villanueva
Yancy Villanueva
mganda ung story kht po madaming typo o sadyang ganun lng ylga c author.NAIIBANG n dapat NAHIHIBANG..minsan mali ang pg gamit sa H at I.hehehe piru mganda ung story kya tyagaan nlng sa pg intindi
2023-04-11 06:08:52
1
0
Pie
Pie
5/10. May kulang. Scan scan nlang din pagbasa ko. Yong ibang chapter pauliulit din.
2022-08-02 22:01:46
0
0
Glaiza Cariño Parado
Glaiza Cariño Parado
mgnda sna doble2 lng chapter kaumay
2022-07-06 07:08:03
0
0
Ychin Remaxia
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-04-13 08:58:05
1
0
Amy Palabay
Amy Palabay
maganda Sana
2022-01-23 22:10:35
1
0
60 챕터
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status