"Bakit kasi ngayon mo lang sinabi iyan sa akin? Hindi sana matagal na kitang natulungan," sabi ni Lenny sa kanya nang magkita na sila sa isang sikat na restaurant. Puro mayayaman lang halos ang mga naroon, dahil hindi lahat kayang kumain ng halos pang-isang buwan na niyang budget sa isang order lang. "Matutulungan mo ba 'kong maka-loan?" tanong niya habang halos hindi niya malasaan ang pagkamahal-mahal na pagkain. "Loan?" gulat na tanong nito at tila natawa pa sa sinabi niya. "Ellise, ano ka ba? Bakit ka maglo-loan kung may puhunan ka naman?" "Puhunan? Anong puhunan, Ate Lenny?" nagtatakang tanong niya. "Ellise, nasa mundo ka ng pagmomodelo, showbiz. Hindi ka papasa rito kung wala kang puhunan," sagot nito sabay turo sa mukha niya. "You are young, fresh, beautiful, Ellise. Sigurado, marami ang mag-uunahan sa'yo." "What do you mean?" nagtatakang tanong niya. Marami na siyang naririnig na usap-usapan sa mga katrabaho niya na kung easy money ang kailangan, kay Ate Lenny lumapi
더 보기