Share

REMEMBER THE NAME

MULA sa silid ni Crimson ay sambakol ang mukhang tumuloy si Adrielle sa kuwarto na ginagamit ni Kimhan. Halos magkatabi lang naman ang dalawang silid kaya kaagad din siyang nakalipat. Salubong ang mga kilay na itinulak niya ang pinto, ni hindi na siya nag-abalang kumatok.

Mula sa binabasang libro ay nag-angat naman ng paningin si Kimhan at kaagad na salitang umalsa ang mga kilay nang makita ang anyo ng bunsong kapatid. Mukhang anumang sandali ay maghahamon na ito ng away.

"What's up?" tanong ni Kimhan kay Adrielle pagkaraang maipatong sa katabing maliit na mesa ang hawak na libro. "Bakit para kang makikipagdigma? Nasaan ang giyera?" dugtong pa niya.

Umikot ang mga mata ni Adrielle paitaas bago sinulyapan ang bahagi ng katawan ni Kimhan na may tama ng baril. Oo, kahit may tama ito ng baril sa tagiliran dahil pinag-initan ito ng isang Russian na kasama ng dapat ay ka-deal nito pero nagawa pa rin nitong makipagbarilan sa mga kalaban nang dumating sila sa lumang gusali.

"Thank God, buh
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status