Share

HER OTHER SIDE

Tatlong mahina at sunod-sunod na katok ang pinakawalan ni Adrielle bago niya dahan-dahang itinulak ang pinto ng silid na kinaroroonan ni Crimson. May sariling maliit na hospital ang Octagon na naroon lang din sa ekta-ektaryang lupa ng ama nilang si Lion Guerrero. Magkahiwalay ang silid na ginagamit nina Crimson at Kimhan na parehong naka-confine sa hospital maging si Bob.

Sumilip muna sa loob si Adrielle bago tuluyang pumasok nang makitang gising si Crimson. Nakasandal ito sa pinagpatong-patong na unan habang nakapatong sa bandang tiyan ang laptop nito. Kaagad na nalukot ang mukha niya dahil sa kanyang nakita.

"Hey," malambot ang tinig na bati ni Adrielle kay Crimson na kaagad na nag-angat ng paningin nang marinig ang kanyang boses. Mula sa monitor ng kaharap na laptop ay tumutok ang mga mata nito sa kanya. Isang malawak na ngiti ang kaagad na gumuhit mula sa mga labi nito bago hinubad ang suot na salamin.

"El," nakangiting usal ni Crimson kay Adrielle. "Come," aniya rito na bahagya pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status