Share

Chapter 3

Angela's Pov

Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malakas na katok sa pintuan ng kuwarto ko. Pupungas-pungas na bumangon ako sa kama at pinagbuksan ang taong kumakatok sa labas.

"Bakit po, Mama?" tanong ko sa mama ni Eric na siyang napagbuksan ko ng pintuan.

"Anong bakit po? Umaga na ay hindi ka pa rin bumabangon diyan?" singhal niya sa akin. Nanlalaki ang mga mata niya at tila ba nais niya akong tirisin ngunit nagtitimpi lamang.

"Po?" naguguluhan kong tanong. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Uy, Angela, may asawa ka na kaya kailangan mong bumangon diyan para ipagluto kami ng almusal. Ayusin mo ang sarili mo't bumaba ka na. Ipagluto mo kami ng almusal," parang reyna na utos niya sa akin.

"Pero may mga katulong naman tayo, Mama. Tawagin n'yo na lang po sila para magluto. Hindi kasi ako marunong magluto," nahihiyang saad ko. Hindi naman kasi ako hinayaan ng daddy ko na gumawa ng mga gawaing-bahay lalong-lalo na sa kusina dahil marami naman kaming mga kasambahay na kasama.

"Wala na sila, Angela. Lahat ng mga katulong dito sa bahay ay pinaalis ko na. Dapat ay matutunan mo ang mga gawaing bahay dahil may asawa ka na," singhal pa rin niya sa akin.

"What? You fired them all? How about my Yaya Edna? Where is she? Did you fired her too?" biglang nanubig ang aking mga mata. Ayokong pati ang aking Yaya Edna ay mawala rin sa akin. Mula pagkabata ko ay si Yaya Edna na ang tumayong pangalawang ina sa akin kaya hindi ko gugustuhing malayo sa kanya.

"Ang matandang si Edna? Hindi ko siya pinaalis para kahit paano ay may katulong ka sa mga gawaing bahay," sagot niya. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwang nang malamang hindi niya pinaalis ang kaisa-isang taong nagmamalasakit sa akin. "Mag-ayos ka't lumabas ka na para magluto. At pagkatapos ay maglaba ka ng mga damit. Maraming labahan na si Eric sa kuwarto niya at idamay mo na rin ang mga damit namin ni Neri."

Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla na lamang niya akong tinalikuran. Napabuntong-hininga na lamang ako habang inaayos ang aking sarili. Naging katulong pa ako sa sarili kong pamamahay. But my mother-in-law was right. May asawa na ako kaya kailangan kong pagsilbihan ang aking asawa. And since our maids were all fired, I have to do the house chores from now on.

Neri's Pov

TUWANG-TUWA ako habang nakahiga kami ni Mama sa malambot na kama na dating hinihigaan ng ama ni Angela na si Don Manolo Dela Serna. Pakiramdam namin ay nanalo kami sa lotto at naging instant milyonarya kami.

"Ang suwerte ni Kuya Eric at namatay agad ang biyenan niyang lalaki kaya sa kanya napunta ang pamamahala sa Luxury Hotel And Resort. At mas lalong maswerte siya dahil isang tatanga-tangang babae ang napangasawa niya," nakangising sabi ko kay Mama. Kung makahilata ang mama ko sa kama ay parang siya ang may-ari sa malaking bahay at sa malaking kama na kinahihigaan namin.

"Sinabi mo pa," nakangising sang-ayon naman ni Mama Dolores. Mayamaya ay biglang napasimangot si Mama nang may maalala. "Ang kaso kapag nakatapos na sa kanyang pag-aaral ang lintek na Angela na 'yan ay ibabalik na ng kuya mo ang lahat ng kung anong meron tayo ngayon. Babalik na naman tayo sa pagiging pulubi nito."

"Don't worry, Mama. I'm sure, hindi hahayaan ni Kuya Eric na mawala sa kanyang mga kamay ang suwerteng ito. Gagawa't gagawa 'yan ng paraan para hindi mapunta kay Angela ang mga pinaghirapan niya," nakakasiguro ang tono ng boses na sabi ko kay mama.

Sana nga mangyari ang sinabi ko. Dahil ayokong mawala sa akin ang karangyaang ito. At gagawin ko ang lahat para hindi maibalik kay Angela ang lahat ng ito, sa loob-loob ko bago tumayo at nagtungo sa aparador para mamili ng isusuot na damit para sa party na dadaluhan ko mamayang gabi.

Angela's Pov

MAINGAY ang mga kaibigan ni Neri habang nasa swimming pool at sarap na sarap sa paliligo na tila ngayon lang naranasang maligo sa swimming pool. Puro maiingay at mukhang pare-parehong mga walang breeding. Panay naman ang utos sa akin ni Neri ng kung ano-ano. Magdala ka rito ng ganito, lutuan mo kami ng ganito at kung ano-ano pang utos niya at nang mga kaibigan niya.

"Angela, nasaan na ba ang pinapaluto naming pizza? Ang tagal naman!" inis na sigaw ni Neri mula sa swimming pool. Nagpaluto kasi siya ng pizza kanina sa akin para meryenda raw ng mga kaibigan niya. Ilang beses na nga akong nagdala ng meryenda sa kanila ngunit mga gutom pa rin na tila ba may mga alaga silang higanti sa loob ng kanilang mga tiyan.

"Nandiyan na!" sigaw ko para marinig nila ang boses ko. Medyo may kalayuan kasi ang distansiya ng swimming pool mula sa kusina kaya kailangan kong sumigaw para marinig nila ang boses ko at baka magalit pa si Neri at isipin na hindi ko sinasagot ang pagtawag niya.

"Hindi mo kailangang gawin ito, Angela. Hindi ka nila utusan dito. Asawa ka ni Eric at ikaw ang may-ari ng bahay na ito," galit ang boses na wika sa akin ni Yaya Edna. Naaawa na siya sa akin dahil ginagawa akong katulong ng pamilya ni Eric.

Sa loob ng halos isang Linggo ay natuto na akong ng mga gawain bahay na dati ay wala akong kamuwang-muwang. Natuto akong magluto ng pagkain, maglaba at maglinis ng buong bahay. Pero siyempre dahil ito sa matiyaga at sapilitang pagtuturo sa akin ng aking yaya. 'Sapilitan' dahil ayaw niya akong turuan 'pagkat hindi ko naman daw trabaho ang mga bagay na ito. Ngunit ayoko ng gulo at ingay ng mga bunganga ng mag-ina kapag sinesermunan ako kaya sinusunod ko na lamang ang gusto nila para walang ingay. Fast learner ako kaya sa ganoon kaikling panahon ay natutunan ko ang mga bagay na dati ay wala akong kaide-ideya.

"Okay lang po, Yaya Edna. Ayokong mapagalitan tayo ni Mama kapag hindi natin sinunod ang utos ni Neri," nakangiti kong sagot kay Yaya. Pilit kong ipinapakita sa kanya na ayos lamang ako. Ayoko kasi na mag-alala pa sa siya sa akin kapag nakita niyang napapagod na ako.

Kahit sumusobra na si Neri ay nagtitimpi pa rin ako. Ayokong makipag-away sa kanya dahil natatakot ako na baka paalisin din ng mama niya ang aking yaya. Ang nag-iisang taong kakampi ko sa mundo.

"Ngayon ko pinagsisisihan kung bakit pinalaki kitang mabait at hindi mahilig makipag-away. Kaya ka tuloy kinakayan-kayanan ng mag-iinang iyon," mabigat ang loob na wika niya yaya. Nakatingin lamang siya sa akin habang inaayos ang pizza na dadalhin ko sa mga naliligo sa swimming pool. "Ako na ang magdadala nito sa labas, Angela. Magpahinga ka na lang dahil kanina ka pa walang pahinga," mabilis niyang kinuha sa aking kamay ang tray na may laman na bagong bake na pizza.

"Naku, 'wag na po, Yaya. Magagalit lamang si Neri kapag nakita niyang ikaw ang may dala nito," tutol ko na agad inagaw ang tray sa kamay niya.

"Angela, ano ba?! Ang tagal mo naman!" muling sigaw sa akin ni Neri.

"Nandiyan na!" malakas kong sagot pagkatapos ay naglakad na ako palabas sa kusina bitbit ang ipinalutong pizza ni Neri. Lihim akong nagdarasal na sana ay bigyan pa niya ako ng mahaba-habang pisi ng pasensiya para sa mag-iinang nakatira sa pamamahay ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status