Share

Ika-labing-limang Bahagi

- 15 -

Inaantok pa si Marius nang pumasok kami sa silid ng aking ama. Pinatawag niya kami upang kausapin.

“Ano po ang inyong nais sabihin aking ama?” tanong ko sa kaniya.

“Bago ang lahat, kamusta na ang prinsipe Marius ng Hermosa?” nakatitig siya sa nakamaskarang mukha ng aking kabigkis. “Maayos na ba ang iyong kalagayan?”

Tumango naman si Marius. Bumalik siya sa maayos nang siya’y gumising, bagamat gutom at nagtataka kung bakit nanlalambot ang katawan niyang nananakit pa rin hanggang ngayon.

“Maayos na po ang kalagayan niya, ama, ngunit hindi pa rin bumabalik ang kaniyang tinig,” sabi ko sa Emperador.

“Mabuti, mabuti...” lumapit ang aking ama kay Marius at kinuha ang kamay nito. “Labis akong nabahala sa mga nangyari, lalo na at napahamak kang muli... dito pa mismo sa aking palasyo.” Hinimas nito ang kamay ni Marius at napansin ko ang pagkabalisa niya dahil dito.

“May sasabihin

psynoid_al

(👍≖‿‿≖)👍 nice? 👌(≖‿‿≖) 👌 vote, like, and follow na! Mag-iwan na rin kayo ng review sa main page :)

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status