- 16 -
Nagliwanag ang gabi sa mga paputok na pinasindihan ng Emperador. Galing ito sa kaharian ng Ignus, ilan sa mga kalakal nilang hinahangaan ng buong imperyo. Pinailawan naman niya sa mga magus ng Heilig ang buong palasyo gamit ang mga plasma. Pinalutang nila ito sa mataas na simboryo ng silid kung saan kami nagdiriwang. Magkakasunod kaming pumasok habang patuloy na gumuguhit ang makukulay na bulaklak sa langit.
Nakabukas ang parteng iyon, kung saan naroon sa nakaangat na dais ang mahabang lamesa na aming kinauupuan.
Pumwesto na nga ang Emperador sa gitna nito, sa isang malaking upuan na yari sa inukit na ginto. Sa harap niya ako umupo, katabi ko sa kanan si Marius at ang bunso naming prinsesa, si princesa Camilla. Tahimik siya, hindi nagsasalita at nakatungo lang buong okasyon.
Sa aking kaliwa naman ay ang aking mga nakatatandang mga kapatid. Ang panganay naming si Heneral Manuel na siyang namumuno sa
(⊙.o) ano? (⊙.◎) hindi ka pa rin nag f-follow? Boto ka na rin at mag-iwan ng review sa main page :D
- 17 - Nagpatuloy ang mga kaganapan. Ilang aktor at mang-aawit pa ang nagtanghal sa aming harapan. Mayroon ding mga dalubhasang mga magus na pinakitaan kami ng kakaiba nilang kapangyarihan. Nang sa wakas, ay natapos din ang palabas at tinawag na kami ng Emperador. “Prinsipe Marius... aking anak, humarap na kayo sa ating mga mamamayan...” tawag niya sa amin. “Ang Gintong Anak ng Heilig, at ang Dilang Pilak mula sa linya ng mga enkantadong Ravante!” pagmamalaki niya. “Sa isang iglap lang ay dinala nila ang aking hugbo mula sa kabilang dako ng mundo pabalik dito sa kapitolyo!” Naghiyawan at nagpalak-pakan ang mga panauhin namin. Mukhang lalo namang ginanahan ang aking ama. “Ngayon ay may inihanda rin silang palabas para sa ating lahat!” sabi niya bago humarap sa amin. “Ipakita ninyo sa ating mga mamamayan ang kapangyarihan ng Ginto at Pilak!” Tumayo na nga kami ni Marius sa aming pagkaka-upo. Hin
- 18 - Niyakap ko si Marius pagkasara ko ng aking pinto. Ihinatid kami ni heneral Gregorio na matapat na nagbabantay sa amin, kasama ang kaniyang mga sundalo, upang siguraduhin na walang sinu-mang haharang sa amin sa pagpanik sa silid. Sa tingin ko naman ay wala nang mangangahas pang lumapit sa amin, matapos nila mapanood ang aming munting palabas. Marahan akong tinapik ni Marius sa likod. Huminga ako ng malalim. Kahit ako ay nabigla sa aking ginawa. “May buhay ang nilalang na iyon...” aking ibinulong, “at dama ko ang sakit at takot na kaniyang naramdaman nang bawiin ko ang buhay na iyon.” Napahigpit ang kapit sa akin ni Marius. Hinawakan niya ang aking mukha, hinarap ako, at umiling. Nangungusap ang kaniyang mga mata na malungkot ang tingin sa akin. “Alam kong palabas lang iyon... na iyon ay nilikha ko lang mula sa aking imahinasyon... ngunit...” Huminga ng malalim si Marius.
- 19 - Patago kaming lumabas ng palasyo ng Emperador. Marami akong alam na mga lagusan, mula pa sa pagkabata, noong madalas kaming tumakas ng aking mga nakatatandang mga kapatid upang maglaro sa hardin. Nagsuot si Marius ng tunikang itim na may mataas na kuwelyo upang itago ang mga h***k ko sa kaniyang leeg, ako naman ay itim din ang suot, isang simpleng tunika. Parehas kaming nagsuot ng balabal at nagpataw ng mahika sa aming sarili upang makahalubilo kami sa mga tao sa kapitolyo nang hindi nakikilala. “Nakikita mo ba ang lugar na iyon?” turo ko kay Marius na nakatakip ang balabal sa ulo upang maitago ang kaniyang maskara. “Napaka sarap ng tinda nilang kakanin sa lugar na iyon.” Isang simpleng maskarang kahoy lang ang suot niya, upang hindi makaagaw-pansin. Inakay ko siya papunta roon para bumili ng ilang pagkain. “Taga saan po kayo?” tanong sa akin ng binatang nagtitinda roon. “Kadadating lang ba
- 20 - Bigla akong natigilan, pati na rin si Marius na aabutin na rin sana ang kaniyang kamay. “`Wag kayong mag-alala, hindi ako sundalo, wala akong balak sakupin ang lugar na `to!” tumatawa niyang sinabi, “At tingin ko naman, hindi kayo tulad ng iba d’yan na makikitid ang utak at galit sa lahat ng mga taga-Ignus?” “H-hindi naman.” sagot ko, napangiti. Tinuloy na rin ni Marius ang pagkamay kay Nico, matapos tumingin sa akin. “Balita ko nga ay mainit ang tingin ng mga taga-Apolinus sa mga taga-Ignus?” tanong ko sa kaniya. “Sa Hermosa naman ay hindi ganoon kagalit ang mga tao sa kanila.” “Haay... dahil yan sa mga tsismis na naglipana sa paligid,” sagot niya. “Tsismis?” tanong kong muli. Mukha ngang mas marami kaming makukuhang balita sa lugar na ito. “May kumakalat kasi na balita na sinusugod daw ng mga kawal ng Ignus ang mga bayan malapit sa hangganan. Para namang may kakayahan ang Ignus na
- 21 - Matagumpay naming nai-panik sa aking silid si Nico. Tumawag ako ng hangin at diretso kaming nagdaan sa aking bintana nang walang sinu-man na nakakakita sa amin. Pagpasok namin, agad ko rin isinara ang mga bintana, pati na ang pinto, at naglatag ng dasal upang walang anumang tunog na makalalabas sa aking silid. “Ngayon, maaari na tayong mag-usap nang walang makakarinig sa atin,” paniniyak ko sa kaniya. “Sigurado ka ba talaga?” tanong ni Nico na tumitingin-tingin sa silid kong halos walang laman. “Wala ka bang tiwala sa amin?” “Hindi naman sa gano’n... pero...” muli siyang tumingin sa paligid. “Ang sasabihin ko sa inyo ay napaka importante, at maraming buhay ang maaring makitil kung may makakaalam nito...” bulong niya. “Huwag kang mag-alala, sinisiguro kong walang sinu-man ang makakarinig sa pag-uusapan natin ngayon.” Mukhang kinakabahan pa rin siya. “Tungkol saan ba ang iyong bal
- 22 - Pinatago namin si Nico sa loob ng palikuran. Iniwan ko sa aking silid ni Marius, samantalang inalis ko ang dasal sa pinto upang lumabas nang sandali at nang magpakuha ng pagkain. “Heneral Gregorio?” tawag ko. “Heneral Gregorio, nasaan ka?” Narinig ko na may mabilis na tumatakbo papanik sa aking silid. Maya-maya pa ay nakita ko ang hinihingal na heneral palapit sa akin. “P-Prinsipe Theodorin!” gulat niyang tawag sa akin, “A-ano po ang inyong ginagawa rito?!” “Anong klaseng tanong iyon?” nagkunwari akong nainis sa kaniyang sinabi. “Hindi ba at tama lang na nasa loob ako ng sarili kong silid?!” “S-siya nga po, prinsipe Theodorin... ngunit... kanina po ay hindi namin kayo mahanap ni prinsipe Marius...” Napasilip siya at nakita sa loob ng silid si Marius na kumaway pa sa kaniya. “...kaya po nagpautos ang inyong ama na palabasin ang mga sundalo at palihim kayong hanapin sa kapitolyo!”
- 23 - Muli kaming nagdaan sa bintana. Alam ko ang mga tunog na iyon. Labing isang taon akong nanirahan sa Hermosa, isang bansang nalilibutan ng karagatan. Lagi naming naririnig ang huni ng ibong tagak. ‘Kaa! kaa!’ At ang tunog ng mga kargado ng barko na hinahatak ng mga kadena na nakakabit sa mga kalabaw papuntang wawa ‘tak-tak-tak-tak-tak’ Iyan ang tunog na ginagawa ng bakal na nakatali sa mabibigat na kargado sa mga barko. At dahil nabanggit ni prinsipe Lucius na masangsang ang paligid, mukhang alam ko na ang mismong lugar kung saan sila itinago. Sa may dulo kasi ng puerto ng Apolinus ang lugar kung saan itinatapon ang lahat ng b****a ng bayan. Dito ito sinusunog upang maubos, ngunit sa dami ng mga tao sa kabisera at ng mga b****ang itinatapon nila, ay naging mistulang bundok na ang lugar na ito. Doon kami patungo ngayon.
- 24 - Kinalagan ko ang mga kasama ko sa loob ng silid. Kahit pa mahina, nakagawa ako ng plasma upang mailawan ang paligid, at ngayon, nakita ko na tatlo silang bihag na tulad ko. “Maayos ba ang inyong mga kalagayan?” tanong ko sa aking mga kasama. “M-maayos naman kami... Prinsipe Theodorin.” sagot ng isa sa mga bihag na nakasuot ng baro ng isang heneral. “Nasaan ang iba ninyong mga kasama?” tanong ko sa kanila. “Pagkaalala ko ay lima kayong mga heneral at ilang daang mga kawal...” “Wala na ang aking mga kawal.” galit na sambit ni prinsipe Lucius. “Pinatay nila silang lahat... nilunod na parang mga daga sa aming dalang mga barko! Kasama ang isa pang heneral na tapat sa akin...” “At ang dalawa pa?” tanong ko sa kaniya. “Hindi sila tapat!” sabi ng ikalawang heneral sa silid. “Pinagtaksilan nila kami!” kapit niya ang kaniyang braso, at napansin ko na may bali ito. “Ako nga pala si