Share

Gisingin ang Puso
Gisingin ang Puso
Author: Clara Alonzo

Ang Kahapon

Author: Clara Alonzo
last update Last Updated: 2023-03-13 23:41:31

"TARANTADA!" Malakas na hagupit ng latigo ni Don Vincenzo Montoya ang nakapagpatigil sa lahat. Nasira ang damit ng anak na si Camilla at gumuhit ang mahabang linya sa likod nito. Hindi pa nasiyahan ang Don, ilang beses pang lumapat ang galit nito sa balat ng dalaga. "Hindi mo na kami binigyan ng Mama mo ng kahihiyan?"

"Pumatol ka sa isang inutil?"

Marahas na lumingon si Camilla sa ama. "Hindi siya inutil, Papa. At may pangalan siya ---"

Muli ay lumapat sa kanyang likod ang latigo ng ama. Napaigtad siya sa sakit. Ramdam niya ang sariwang dugo na dumadaloy sa kanyang likod. Ngunit pilit niya iyong ininda. Binalot niya ng dalawang braso ang sariling tiyan, pinoprotektahan ang buhay na naroroon.

Nang hapong iyon ay hindi na siya nakalabas pa ng Villa Montoya. Nalaman ng kanyang ama ang lihim na ugnayan niya kay Santiago. Lubos ang galit nito sa kanya at binigyan ng agarang leksyon.

Ang bawat latay ng latigo ay tunay na magmamarka sa kanyang balat. Dama ni Camilla ang poot ng ama sa kanyang ginawa.

Wala sa plano ni Camilla na umibig sa binata. Wala din sa plano na siya'y magtatagal sa lugar. Ilang araw pa't kailangan na niyang lumuwas ng Maynila. Naparito siya sa hacienda para magbakasyon. Iyon lang. Pero di niya inaasahang sa malawak na lupain ng mga Montoya sa Batangas niya makikita ang tanging nagpatibok ng kanyang puso.

Sa unang pagkakataon ay nagmahal ang kanyang batang puso. At ano'ng saya niya nang mahalin din siya pabalik ni Santiago.

"Tama na, Vincenzo," umawat sa pagitan nila ang inang si Donya Emilia. Niyakap siya nito nang mahigipit habang nagmamakaawa sa asawa. "Patawarin mo na si Camilla---"

"Patawarin!" Halos dumagundong ang boses ng ama sa apat na sulok ng kwarto. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Emilia?"

"'Yang napagaling mong anak ay pumatol sa isang trabahador!"

"Mahal ko si Santiago, Papa!" Palahaw niya. Napangiwi siya ng hawakan ng ama nang mahigpit ang kanyang pisngi.

"Isa kang hangal kung gayon!" Binitawan siya nito at agad kinabig ng ina pabalik dito. Iritableng naglakad palayo sa kanya si Don Vincenzo. "Gamutin mo ang sugat niya, Emilia, at bukas na bukas din ay luluwas ang batang iyan papuntang Maynila," deklara nito na ikinagulat niya.

"Hind pwede, Papa," sagot niya na ikinatigil nito sa paglalakad.

"Huwag ka nang magsalita pa, anak," ani Donya Emilia na umiiyak. Umiling siya at tumingin ng diretso sa ama.

"Buntis ako," tahasang imporma niya. Wala pang nakakaalam kahit sino. Inilihim niya din ito maging sa ama ng kanyang dinadala. "At si Santiago ang ama."

Napakabilis nang pangyayari. Hindi inaasahan ni Camilla na ganoon katindi ang gagawin ng ama kay Santiago.

Kinaladkad siya ni Don Vincenzo papunta sa lumang kuwadra kinagabihan. Sa loob ay natagpuan niya si Santiago kasama ng limang lalaking tauhan ng sariling ama. Nasa mga mata nito ang pagkalito pero nagliwanag ang mga iyon nang makita siya.

"Camilla---"

"Ito na si Santiago, Don Vincenzo," anang isang tauhan nito.

Gustuhin man niyang takbuhin ang distansiya nilang dalawa ni Santiago ngunit mahigpit ang kanyang ama. Pinahawakan siya nito sa isa sa mga tauhan habang inilabas ang sariling baril at itinutok sa binata.

Tila binuhusan siya ng malamig na tubig ng ikasa nito ang baril.

"Papa..." Lumandas sa pisngi ni Camilla ang masaganang luha. "Papa, please..."

"Gagawin mo lahat ng gusto ko, Camilla," isang utos lang ni Don Vincenzo ay hinawakan sa dalawang kamay si Santiago ng mga tauhan nito. "Kung hindi ay panooring mong ang sasapitin ng hangal na ito."

Walang awang binugbog ng apat na lalaki si Santiago. Naghihinagpis siya habang pinapanood na saktan ng mga ito ng walang pakundangan ang binata. Hindi magawang makalaban ng minamahal. Isang maling kilos at sinigurado ni Don Vincenzo na tatagos sa bungo nito ang bala ng baril.

Napaluhod si Camilla nang lumupaypay ang katawan ni Santiago. Hindi pa nasiyahan ang isa at sinikmuraan muli ang huli. Ngumiwi si Santiago sa sakit at pagkaraa'y dumura ng dugo. Noon din ay nagdesisyon si Camilla.

"Papa, tama na," pagsumamo niya sa ama habang umiiyak. "Gagawin ko lahat ng gusto niyo. Lahat..."

"Huwag niyo ng saktan pa si Santiago."

Tiningnan siyang maigi ni Don Vincenzo bago itinago ang baril. "Hindi pa tayo tapos, Camilla," at inutusan nito ang mga tauhang iwan ang pobreng binata bago siya kinaladkad pabalik sa villa.

Sa sariling kwarto at inilatag ng ama ang mga dapat niyang gawin. Tuloy ang pagluwas niya bukas pa-Maynila at ipagkakasundo siyang ipakasal sa anak ng kasosyo nito sa negosyo. Walang nagawa si Camilla kung hindi ang tumango habang nadudurog ang kanyang puso. Ni-isa sa mga iyon ay labag sa kanyang kalooban ngunit kailangan niyang gawin. Kung para sa kaligtasan ni Santiago, lahat ay kaya niyang gawin.

"Hindi ka na makikipagkita pang muli sa lalaking iyon, naiintidihan mo ba, Camilla?" Muli ay tumango siya at iniwan na ng ama para makapagpahinga.

Kinabukasan ay ginulat ang buong hacienda sa balitang namatay ang tatay ni Santiago na si Ka Pedro. Ayon sa mga katulong ay hindi nito kinaya ang sinapit ng anak sa kamay ng mga tauhan ni Don Vincenzo at inatake sa puso.

Mahigpit na ipinagbawal ng kanyang ama na makiramay siya sa pamilya ng binata. Walang nagawang nagpahinuhod si Camilla. Kasalanan niya ang lahat.

Kung hindi niya minahal ang lalaki ay walang ganitong mangyayari. Buhay pa sana ngayon si Ka Pedro.

Dumating ang oras ng kanyang pag-alis ng humarang sa kanyang dinaraanan si Santiago. Niyakap siya nito ng mahigpit at umiyak sa kanyang mga balikat. Bakas pa sa mukha at katawan nito ang nangyari kagabi. Nais niyang abutin ito at pawiin kahit papaano ang sakit ngunit nakatingin ang kanyan ama mula sa entrada ng villa.

"Narinig ko ang balita," si Santiago na ginagap ang kanyang mukha at pinakatitigang maigi. "Aalis ka?"

"Oo," aniya, pilit itinago ang totoong nadarama. "Alam mong hindi ako magtatagal, Santiago."

"Hindi ang hacienda ang mundo ko."

"Pero ikaw ang buhay ko, Camilla," anito at lumuhod sa kanyang harapan. Gagap nito ang dalawa niyang kamay ay nagsumamo ito sa kanya. "Wala na ang tatay. Hindi ko kakayanin kung maging ikaw ay mawawala din sa akin."

"Kakayanin mo," aniya at pinahid ang isang butil ng luhang kumawala sa kanyang isang mata. "Kakayanin mo, Santiago."

"Ituring mong hindi nangyari ang lahat sa atin," tinanggal niya ang kamay nito sa kanya at dumistansiya mula rito. Kita ni Camilla sa mga mata ng binata ang pagbalatay ng sakit sa ginawa niya. "Maigi pang kalimutan mo ako."

"Camilla, alam kong naguguluhan ka lang," anito at ayaw magpapigil. Muli siya nitong niyakap ng mahigpit. "Kung dahil ito sa Papa mo ay---"

"Hindi kita mahal, Santiago," aniya. Ramdam niya ang panlalamig ng binata. "Nagkakamali ka kung ang isang tulad ko ay magmamahal ng isang hamak na katulad mo."

"Isang laro lang ang lahat---"

"Huwag mo ng budburan pa ng asin ang mga sugat, Camilla!" Sigaw nito na nakapagpatigagal sa kanya. Pinilit siya nitong tumingin sa mga matang ngayo'y lumuluha ng labis. "Alam kong mahal mo ako."

"Saksi ang langit at ang buong hacienda sa pagmamahalan nating dalawa."

"Hindi kita mahal, Santiago," inulit niya ang mga katagang nagwasak sa puso nito maging sa kanya. "Hinding-hindi kita kayang mahalin."

Binitawan siya nito at hinayaang makaalis. Sinamantala ni Camilla ang pagkakataon at pumasok sa sasakyan. Noon di'y iniutos niya sa drayber na paandaring ang sasakyan para makaalis.

Iniwan niya ang hacienda na durog na durog ang puso. Kasabay ng kanyang pagalis ay ang pagtapos niya sa mga pangarap nila ni Santiago.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Gisingin ang Puso    Capitulo Dieciseis

    NAGISING muli si Camilla na mag-isa na lamang sa papag. Wala na si Santiago sa kanyang tabi. Medyo mataas na ang sikat ng araw na tumatagos sa mga siwang ng dingding maging sa bukas na bintana. Pinilit niyang umupo mula sa pagkakahiga, ang bigat ng katawan mula pa kagabi ay bahagyang naibsan.Noon di’y narinig niya ang tunog ng sasakyan mula sa labas na hinuha niya ay kay Santiago. Ilang saglit pa’y pumasok ito at lumapit sa kanya. Naka-suot na ito nang hinubad nitong damit kagabi.“Ano’ng oras na?” tanong niya sa lalaki. Her voice was still hoarse.Sinalat nito ang kanyang noo. Hindi napigilan ni Camilla na mapadaing.“Wala na ang lagnat mo but, the doctor has to see you,” isang makapal na jacket ang ipinasuot nito bago siya nito binuhat. This time, he did it properly. At pinamulahanan siya ng pisngi.She noticed Estrella was not around. Bakante na ang kinalalagyan nito kagabi. Nasa labas na sila ng kamalig at isinakay siya ng lalaki sa jeep. “Where is she?”“I made a short trip to y

  • Gisingin ang Puso    Capitulo Quince

    “YOU don’t do this to me every damn time, Santiago!” bulyaw ni Camilla habang pinagpapalo ang likod ng lalaki. “At pwede bang ibaba mo na ako.”Gumuhit ang kidlat sa kalangitan at nagliwanag panandalian ang buong paligid. Before she could hit hit again, mabilis siyang naibaba ni Santiago sa lumang papag. Tatayo sana siya para sundan ang lalaki nang magsalita ito.“Not now, Camilla,” anito at kinuha ang isang bote ng gas sa ilalim ng kung saan. Isinalin nito ang laman sa gasera bago dumukot sa bulsa. Isang lighter ang hawak nito at ilang saglit pa ay nagliwanag sa loob. She was only watching his every move. And she find everything flawless to a fault. “Please…” lumingon ito sa kanya pagkatapos. Seryoso itong nakatingin sa kanya.“Let us stay inside until the rain stops, then we can both leave our separate ways.”Natahimik siya sa mga sinabi nito. She was blinded by the thought of them together inside this old cabin that she never considered the consequences. Naupo siyang muli sa kama a

  • Gisingin ang Puso    Capitulo Catorce

    NAPAKABILIS ng araw. Lunes na naman at kailangan iwan ni Camilla ang mga bata kay Ross. Wala naman kaso iyon sa lalaki. He was more than willing to take the kids.Hinatid muna niya ang mga bata sa Day Care Center bago bumalik sa apartment at mag-empake. Ross came a few minutes later at may dala itong kwek-kwek. Nang makita niya ang hawak nito ay hindi niya naiwasang hindi mapangiti.“Alam mong hindi mo ako masusuhulan?” aniya pero kinuha pa rin ang dala nitong meryenda. Kwek-kwek had been her comfort food along with other streed foods. Iyon nga lang ay minsan na lamang siya nakakabili. “Pero salamat dito.”“Every week, ganito ang setup natin?” anito at tumabi sa kanya sa sofa. They are in good terms but she had set her boundaries. Humingi naman na nang tawad ang lalaki at walang saysay kung papalawakin pa ang simpleng away. “For how long?” usisa nito.“Until I got the hacienda, Ross,” tumayo siya at kinuha ang ang mga gamit. She got a only a few, isang back pack at travel bag na halos

  • Gisingin ang Puso    Capitulo Trece

    “BITIWAN mo ako, Santiago!” pilit ni Camilla na gustong kumawala sa mga kamay ni Santiago pero tila kamay na bakal iyon sa kanyang braso. “Pwede ba—”“Iuuwi kita sa inyo, Camilla,” matigas na pahayag nito. Nasa harap na sila nang dala nitong jeep nang bititwan siya ng lalaki. Malayo iyon sa karamihan at halos may isang metro ang layo mula sa mga tao. Lumingon ang lalaki sa kanya at kahit sa nanlalabong mga mata ay aninag niya ang pinipigilan nitong galit. “Hindi mo gugustuhing dito mag-eskadalo!”Salamat sa alak at lalong lumakas ang kanyang loob. Punung-puno na siya sa lalaking ito! Tila ba wala na siyang ginawang tama sa mga mata nito. Oh, I get it! He despised her so much na ang makita siya sa araw-araw ay isang parusa. But she could only tolerate so much. To treat her like this was way out of the line. At hindi niya kayang palampasin ang ganitong pamamahiya. Sinuntok niya ang dibdib nito na animo’y isang pader. Ang isa ay nadagdagan pa ng isa pa. “You are so full of yourself!”“

  • Gisingin ang Puso    Capitulo Doce

    SUMAPIT ang dapit-hapon at maririnig sa bahay nina Antonio ang kasiyahan. Si Antonio, o Toni sa karamihan, ay ikakasal sa anak ni Ka Perla na si Aileen. At lahat sa mga taga-hacienda ay imbitado sa kanyang kasal kinabukasan. Patunay na maagang nagpaalam ang lahat para manulungan sa mga ito.Mabilis lang na naligo si Camilla at isinuot ang siyang pinakamaayos niyang damit, isang floral dress na umabot hanggang sa tuhod at isang strap sandals. Hindi niya akalaing magagamit niya ang mga binili sa isang ukay-ukay na nadaanan niya pauwi noong nakaraan. At nasiyahan siyang tingnan ang sarili mula sa salamin.Narinig niya ang ilang katok sa pinto bago pumasok ang kanyang ina na si Donya Emilia. Nasa mga mata nito ang adorasyon nang mabistahan siya mula ulo hanggang paa. “Napakaganda mong tiyak, anak,” anito at lumapit sa kanya. Tila maiyak-iyak pa ito nang haplusin ang kanyang mukha. “Kung makikita ka ng Papa mo ngayon—”“Kung makikita ako ng Papa ay tiyak na hindi niya ako hahayaang mag-isa

  • Gisingin ang Puso    Capitulo Once

    “CAMILLA!” sigaw ni Donya Emilia sa kanyang anak. Napatigil si Camilla sa akmang pag-akyat sa kabayong si Estrella pero hindi lumingon sa entrada ng villa. May ilang dipa ang layo nito mula sa ina. “Don’t make me repeat the words I’ve said, young lady…”“Hindi ka na magtatrabaho pa sa hacienda.” “I’m no young lady, Mama,” Umakyat na siya sa kabayo at lumingon sa ina. “At gagawin ko ang gusto ko…”“I will work for the hacienda. At patutunayan ko na nararapat akong pumalit sa posisyong iniwan ng Papa.”Pinasibad ng takbo ni Camilla si Estrella at mabilis na nakalayo mula sa villa. Walang nagawang sinundan ng tingin ni Donya Emilia ang papalayong pigura ng anak. Wala pa halos dalawang araw ang ipinahinga nito ay totoong nangungulit na babalik nang magtrabaho sa hacienda. Tinutulan niya iyon at pinal na sinabing hindi na ang anak babalik pa sa hacienda. Na hahayaan na lang kay Santiago ang pamamalakad doon dahil sa nangyari dito. Nakalimutan niyang nakikipag-usap siya sa anak. At hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status