Share

Chapter 1

Janine POV

   "Good Morning mahal" iyan ang mga katagang lagi kong naririnig sa kanya tuwing magigisnan ko siya sa umaga. Ang napakagwapo niyang mukha ang bumubuo ng araw ko. Ginigising niya ako sa pamamagitan ng pagpapaulan niya ng halik sa mukha ko. Mahal niya ako iyon ang pinaparamdam niya sa akin sa araw-araw. 

     "Gumising ka na mahuhuli ka na sa trabaho mo." malambing na tono ng boses nito habang dinadampian ng halik ang buong mukha ko. Nag-inat ako, at tila parang bata na umingit dahil sa pagkakagising nito, hindi ko pa maimulat nang maayos ang mga mata ko. Pakiramdam ko kasi ay mabigat pa ang talukap ng mga mata ko.

      "Ahhhh.." Napahiyaw ako dahil sa sunod niyang ginawa, kiniliti niya kasi ako sa aking tagiliran, dahilan para magising ang diwa ko.

      Hindi niya tinigilan ang pagkiliti sa akin at halos manghina ako sa ginagawa niya. 

     "Ayoko na please. Stop na mahal." aniya ko habang nauutas sa pagtawa. 

      Itinigil niya ang ginagawa at pumaibabaw sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay sa may pupulsuhan at itinaas sa aking ulunan, tinitigan niya ako sa aking mukha kasabay nang paghalik niya sa aking labi. 

      Nilusob niya nang mainit na halik ang aking mga labi. Mabilis kong tinugunan ang mga halik niya. Naramdaman ko ang pagbukol sa bandang ibaba nito. Ngunit hindi ko iyon pinigilan, mas lalong nag-init ang aming katawan. Ibinangon niya ako at mabilis na tinanggal ang aking pang -itaas. Itinulak niya ako pahiga, isinunod niya ang pang-ibaba kong suot. 

      He unbuttoned his pants. Itinalsik niya ang lahat ng kasuotan namin sa sahig. At mabilis na pumaibabaw muli sa akin. 

     "Huwag ka na kayang pumasok late ka na rin naman ng ten minutes." aniya ni Rigor habang nakayakap sa akin. 

      "Hindi pwede." I rolled my eyed. Kunwari ay galit. Kung hindi ba niya ko pinag-init ay di sana ay hindi ako mahuhuli sa trabaho.

   Humarap ako dito habang sinusuklay ang basa kong buhok. Nakabihis na ko ng uniporme ng mga oras na yun. Na-late na ako dahil sa pag-iinit namin dalawa kanina. Hindi ko kasi maiwasan na hindi siya pagbigyan. Kapag kasi nasa ganoon ka nang sitwasyon ay hindi mo na talaga mapigilan.

      "Dito ka na lang muna." Tila ito batang umuungot. 

       "Mahal alam mo naman di ba?. Wala ka pang trabaho sa ngayon kaya hindi dapat ako umabsent sayang rin ang isang araw. Saka hindi ako pwedeng mawala sa company alam mo naman ang posisyon ko doon." pagpapaliwanag ko dito.

      Nakita ko ang pagtungo nang ulo nito. Sa tuwing babanggitin ko iyon sa kanya ay hindi na siya nagsasalita. Alam ko kasi na nanliliit siya sa sarili niya. Wala pa kasi siyang mahanap na trabaho sa ngayon. Halos hirap lahat ngayon ang mga aplikante na makahanap ng trabaho, ginagawa naman niya ang lahat para may mapasukan sadya lang pahirapan sa ngayon ang makahanap, bukod kasi sa stay in sa trabaho ay college graduate naman ang hanap ng iba. Ayaw niya kasi akong maiiwan mag-isa sa bahay. Ngunit bagama't wala pa siyang mapasukan ay nagkakasya naman ang sinasahod ko para sa pangangailangan namin dalawa at sa gastusin sa bahay. Maayos rin kasi ang sinasahod ko sa kumpanyang pinapasukan ko dahil sa posisyon ko bilang isang supervisor. 

      Halos isang taon na kaming nagsasama sa iisang bubong. After six months nang pagiging mag-boyfriend namin ay napagpasyahan namin na magsama na sa iisang bahay. Bagay na hindi alam ng mga magulang ko. 

     Hindi ko ipinapaalam kahit kanino dahil alam ko na tututol sila sa ginawa namin. Iyon kasi ang pinaka-ayaw ni Nanay ang magsama ng hindi pa kasal. Pero para sa akin hindi mo naman kasi makikilala ang isang tao o lalaki kung hindi kayo magsasama sa iisang bubong at para sa akin nakilala ko lalo ng lubusan si Rigor mula ng magsama kami.

     Napakabait niya, maasikaso, masipag at maaasahan sa lahat ng gawaing bahay. 

     "Mahal aalis na ako." 

"Sige mahal mag-iingat ka." Then he kissed me.

      Nginitian ko siya. Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako doon at tiningala siya.

"Maghahanap ulit ako ngayon ng trabaho. Pasensya ka na hah?” Hinawakan ko ang pisngi niya at ngumiti, alam ko na ang naiisip niya.

     "Don't be pressure mahal. Okay lang sa akin kahit hindi ka pa makahanap ng trabaho ang mahalaga andyan ka at inaasikaso ako kapag napapagod ako."

     "Araayy.."

      Pinisil ko ang matangos niyang ilong kung kaya't napa-aray ito. Saka ako nagmamadaling umalis.

     Ugali ko nang pisilin ang ilong niya kapag nanggigil ako at kapag naririnig ko ang paghingi niya ng dispensya. Si Rigor naman ay ugaling paulanan ako ng halik sa pisngi. Minsan ay ginagawa niya akong bata palibhas ay apat na taon rin ang agwat ng edad niya sa akin, twenty eight years old na siya at ako naman ay twenty four.

      Nagkakilala kami noon sa isang grocery. Hindi ko sadya na nabangga ko siya noon, habang parehas kami na namimili. Hanggang sa sinundan niya ako at nagpakilala. Pinagsungitan ko siya, ngunit napakakulit niya at pilit na hiningi ang celphone number ko. Naiirita na kasi ako sa kakulitan niya at sa pagsunod kaya binigay ko na rin kahit labag sa kalooban ko. Ngunit hindi ko akalain na mauuwi iyon sa panliligaw niya. Halos kulang isang taon siyang nanligaw sa akin pagkatapos noon ay sinagot ko na siya. Sa pagiging magkasintahan namin ay nasaksihan ko ang mga babaeng nagpapansin sa kanya tuwing magkasama kami. Ngunit ni minsan ay hindi niya iyon binigyan pansin bagay na ikinatutuwa ko. Noong may trabaho pa siya ay never siyang umuwi ng late o makipag-inuman, bago niya iyon gawin ay tatawag muna siya sa akin, para magpaalam. Mula noong matapos ang kontrata niya ay naghanap na muli siya ng panibagong trabaho iyon nga lang sa panahon ngayon ay parang ang hirap, hindi ko naman siya maipasok sa kumpanyang pinapasukan ko dahil wala kaming bakante. 

      Sinasabi niya palagi na napakaswerte niya sa akin. Ngunit ang totoo ay ako ang maswerte sa kanya.

"Ma'am Janine araw-araw po yata kayong blomming." my cheeks heated. Nang sabihin iyon nang isa sa mga empleyado ng kumpanya. Nahahalata ba nila yun?

      I give her a half smile. Paano ba hindi magpahalata? I sighed. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Sinabi lang naman niya na blomming ako palagi.

     I sighed again at binalewala ang sinabi ni Liezel.

     Tumingin ako sa orasan lampas alas-kwatro na ng hapon. Pinatay ko na ang gamit kong computer, at niligpit ang mga document na nasa ibabaw nang aking table. Sahod ngayon, uuwi ako ng maaga para mag-withdarw. Tatawagan ko si Rigor para kumain kami sa labas iyon palagi ang ginagawa ko kapag araw ng sahod, kumakain kami sa labas. Noong may trabaho pa siya ay iyon din ang ginagawa niya sa akin, pagkatapos ay pumupunta kami sa grocery para mamili ng kailangan sa bahay. Masasabi kong para na kaming tunay na mag-asawa kulang na lang ay kasal at anak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status