INICIAR SESIÓNIsang maunawain, masipag, malambing at mabait na asawa si Janine, kaya naman nakatagpo rin siya nang isang responsableng lalaki si Rigor. Masaya ang buhay mag-asawa nila, kahit na tila hindi tanggap ng kanyang ina si Rigor, ganun rin naman ang mama ni Rigor sa kanya. Ngunit hindi iyon naging hadlang sa pagbuo nila ng masayang pamilya. Ngunit sa hindi inaasahan ay makakagawa ng matinding kasalanan si Rigor iyon ay ang nagawa niyang pagtaksilan ang kanyang asawa. Magawa kayang patawarin ni Janine si Rigor para sa buo at masayang pamilya nila o tuluyan niyang kalimutan ito at baguhin ang sarili. Paano sa pagbabago niya ay muling may dumating na bagong lalaki sa buhay niya. Sino ang pipiliin niya ang lalaking minahal niya noon at winasak ang puso niya o ang lalaking muling nagparamdam ng pagmamahal sa kanya?. "Gusto ko nang makakausap, pero wala akong makausap." "Gusto kong umiyak, pero wala akong maiyakan." "Gusto kong umalis, pero wala akong mapupuntahan." "I need a comfort but nobody's care. I want to run to leave the problem. But the world was so cruel. My grief seems endless." -Janine Mhae Santos-
Ver másJanine POV Para akong nasa korte na pilit pinaaamin sa nagawang kasalanan. Base na lamang sa paninitig sa akin ng asawa ni Jerome. "Ako si Herona. Asawa ako ni Jerome ikaw anong pangalan mo?" Masungit na tanong nito. "Janine." Sagot ko sa mababang tono. "Tulad ng sinabi ko gusto kong malaman ang lahat sayo." "Heron, dahan-dahan ka lang naman sa pagsasalita mo. Hindi pa handang magkwento si ate. Ako nga hindi ko siya pinilit na sagutin niya ang tanong ko noon. Tapos ikaw kung makaratrat ka dyan wagas." "Pwede ba Jerome manahimik ka na lang. Sa tingin mo ganoon na lang kadali magpatira ng tao na hindi mo naman lubos na kakilala?”Asik ni Herona sa asawa. Walang nagawa si Jerome kung hindi ang manahimik. "Okay lang Jerome. Tama si Herona. Mas mabuti na alam ninyo parehas kung ano o sino nga ba ako.”Saad ko. Kahit na mahirap ay sinikap kong simulan sabihin ang lahat sa kanila. Paminsan-minsan ay humihinto ako sa pagsasalita dahil pinipigilan kong
Janine POV Kinabukasan maagang kinuhanan muli si Grizelle ng dugo ganoon na rin nang iba pang kailangan para sa laboratory nito, upang malaman kung maayos na ba siya at maaari nang lumabas ng hospital. "Base in her test mommy, maayos na po ang anak niyo at maari na po kayong lumabas ngayong araw na ito. Paalala lang po, next time po titingnan ang mga pagkain na kinakain ng anak niyo, para po maiwasan ang pagkakasakit ng bata." "Opo doc maraming salamat po." "Sige po mommy, maari na po kayong pumunta sa billing para mabayaran ang bill niyo." Tumango ako sa doctor. Matapos lumabas nang resulta ni Grizelle ay kaagad akong pinuntahan ng doctor para ipaalam na maari na kaming ma-discharge. Laking pasasalamat ko at mabuti na ang lagay ng anak ko. Isa na lang ang iniisip ko- "Mama, aalis na po tayo dito?” Nilingon ko ang aking anak na kasalukuyang nakaupo sa kanyang higaan. Maayos na ang mukha ni Grizelle kumpara kahapon. Masigla-sigla na rin it
Janine POV "Mama!!. sakit." Saad ni Grizelle, habang hawak ang tiyan. Namimilipit ito sa sakit kaya ito iyak ng iyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung paano ako kikilos. Walang akong nakikitang tao. Halos patay ang mga ilaw sa mga bahay. Niyakap ko nang mahigpit ang anak kong nag-aapoy sa lagnat at pamimilipit nang sakit ng tiyan. Bakit ito nangyayari sa kanya?. Paano na? Anong gagawin ko?. Saan ako hihingi ng tulong?. "Anak, tahan na pssshhh.. nandito lang si mama. Kaya mo yan." Pilit kong inaalo ito sa pag-iyak, kahit ako ay naiiyak na rin. Naghihintay ako ng dadaan na sasakyan. Baka sakaling may dumaan pa sa ganitong oras, hindi ako mayuyumi na parahin iyon para lamang madala ko ang anak ko sa ospital. Nasa tabing kalsada ako naghihintay habang karga si Grizelle ng biglang may dumaan na naka-bisekleta, akma ko pa lang ito paparahin ngunit kusa itong huminto. "Ate ayos lang kayo anong nangyayari sa anak mo?.” Kaagad na tanong ng lalaki. "Tulungan
Janine POV Sobrang lakas ng ulan kung kaya't may ilang patak pa rin na tumatama sa amin dahil sa kakarampot na bubong na siyang nagsisilbing silungan namin. Balak ko sana na sa loob mismo ng cr pumasok kaso ayoko naman magtagal doon kaya minabuti ko na sa labas na lang kami. Binalutan ko na lamang si Grizelle ng tuwalyang malaki, upang hindi ma-ampiyasan ng ulan. Mabuti na lamang at nakapag-baon ako ng tuwalya, kung kaya't may nagagamit kami na pangkubong. "Mama, bear ko." Nakita kong hindi hawak ni Grizelle ang teddy bear niya. Marahil ay nalaglag iyon ng patakbo kaming nagtungo dito. Ibinaba ko siya. Kinausap ko itong mabuti na dito muna at hahanapin ko ang teddy bear niya. "Anak, makinig ka huwag na huwag kang aalis dito. Hahanapin ni mama ang bear mo. Hintayin mo lang ako." Sinugod ko ang malakas na ulan para hanapin iyon, hindi ko agad ito madaling nahanap dahil madilim ang lugar. Kalaunan ay may natapakan akong malambot at nakita ko na iyon na ang teddy be






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.