Janine POV
Halos na late na ako sa pagpasok sa office ngayong araw. Pakiramdam ko kasi ay napakabigat nang buo kong katawan. Hindi ko na naabutan si Rigor, marahil ay nakaalis na ito. Maaga kasi ang pasok niya five thirty pa lang nang umaga ay umaalis na siya nang bahay. Ayaw niya akong naiistorbo ang tulog kaya siya na lamang ang naghahanda nang kanyang agahan at baon. Nakita ko na lamang ang inihanda niyang pagkain sa mesa. Pakiramdam ko ay napakabigat ng talukap nang aking mata. Dahilan siguro iyon nang hindi ko maayos na tulog kagabi. Magdamag akong gising, hindi ako makatulog dahil sa sobrang pag-iisip. I still can't quite get over the fact that I'm pregnant.
Iyon palagi ang gumugulo sa isipan ko. Ano nang mangyayari ngayong nalaman ko na buntis na ako.
Bago pumasok ay hindi ko pa rin kinalimutan ang mag-ayos, ayoko na magmukha akong losyang. Ngunit hindi naitago ng make-up ko ang malaking itim sa gilid ng mata ko.
Late na ako ng ten minutes bago nakarating sa kumpanyang aking pinapasukan. May ilang nagtaka dahil sa na late ako, halos lagi kasi on time ang pasok ko.
Agad kong sinimulan ang aking trabaho, naisip kong kapag itinutok ko ang aking isip sa mga gawain ay mawawala ang mga bumabagabag sa aking isipan. Ngunit nagkamali ako halos hindi ako maka-concentrate sa trabaho ko. Lumipas ang oras, nagsilabasan na ang ilang empleyado para kumain nang lunch. Kapag sa oras na ganoon ay nakikisabay ako sa kanilang kumain sa labas, pero ngayon ay wala ako sa mood.
"Ma'am tara na po!." Sumilip si Ivy sa pinto para yayain akong kumain.
"Kayo na lang." Tipid kong sagot.
"Bakit po, hindi po ba kayo kakain ng lunch?” Alam kong nagtataka siya kaya umisip na lamang ako ng palusot.
"Busog pa kasi ako. Saka may baon rin ako, ito na lang ang kakainin ko." Nagkibit balikat na lamang ito at hindi na nagtanong pa. Alam niya kasi na kahit may baon ako ay sumasama pa rin ako sa kanila para bumili nang ibang makakain.
"Ivy!. Sandali." Kaagad syang napahinto sa pagsasarado ng pinto at tumingin sa akin.
"Bakit ma'am?.”
"Ahmm.. Maari mo ba akong ibili nang smoothie at saka kwek-kwek." Hindi na sana ako makikisuyo sa kanya. Kaso para akong naglalaway. Gustong -gusto kong kumain ng kwek-kwek at humigop nang smoothie. Alam kong nagtataka siya sa pinabibili ko.
"Sige ma'am wala pong problema." Nakangiti nitong sagot.
Iniabot ko sa kanya ang perang pambili.
"Siya nga pala, pakilagyan ng suka iyong sauce, yung tama lang yung dami ng sauce at suka." Napakunot noo ito sa ni-request ko. Alam ko kasing hindi magkatugmang kainin ang kwek-kwek at smoothie lalo na't may suka. Pero iyon kasi ang gusto ko. Kinuha nito ang perang pambili saka nagpaalam.
Napapalunok na kaagad ako kapag naiisip ko pa lang na makakakain ko ang dalawang yun.
Binuksan ko ang baon ko. Inihanda iyon ni Rigor. Napakaraming kanin ang inilagay niya ganun din ang ulam, adobong manok ang niluto niya. Mukha naman masarap pero mas gusto kong kumain ng kwek-kwek. Alam kong kaya niya dinamihan iyon ay dahil nang baby sa tiyan ko. Pero iba kasi ang gustong kainin ni baby at mommy. Lihim akong napangiti nang maisip yun. Nagawa ko pang hawakan ang maliit ko pang tiyan. Mukhang magiging problemado si Daddy dahil sa pagkain namin ni baby.
Sumandok ako nang isang kutsarang kanin at ulam, sinubo ko iyon, saka muling itinago ang aking baon sa bag. Baka kasi magtampo si Rigor kung hindi ko babawasan ang hinanda niyang baon sa akin. Kaya kahit isang kutsara lang ay binawasan ko iyon.
"Ma'am wala pong tindang kwek-kwek." Halos madismaya ako nang marinig ko iyon kay Ivy. Tanging smoothie lang ang nabili niya. Parang gusto ko tuloy sumigaw at sabihing iyon ang gustong kainin ng baby ko. Ngunit hindi ko na iyon nagawa dahil bigla na lamang umikot ang paningin ko pagkatapos noon ay hindi ko na alam ang nangyari.
Nagising ako at tanging tunog lamang ng aircon ang naririnig ko. Ang puting kisame ang bumulaga sa paningin ko, kung hindi ako nagkakamali ay nasa isang clinic ako. Bumangon ako, saktong may nagwahi ng kurtina, bumungad doon si Ma'am Vanessa at ang kasama nitong doctor. Napatingin ako sa mukha ni Ma'am, nakangiti ito sa akin. Ngunit alam kong may laman ang ngiting iyon.
May ilang ipinagbilin ang doctor kay Ma'am bago ito umalis.
"Alam mo na ba?” panimulang tanong ni ma'am. Niyuko ko ang ulo ko, saka tumango.
"Congrats sayo." Tumingin ako sa kanya. Si ma'am Vanessa ang HR at manager nang kumpanya kong pinapasukan at siya rin ang asawa nang presidente nang kumpanya. Mabait siya, ganoon din ang asawa niya. Hindi sila kagaya nang ibang boss na matapobre. Malapit sila sa lahat ng kanilang empleyado lalong lalo na sa akin. Sinasabi kasi nila na ako ang number one na empleyado nilang mapagkakatiwalaan at iyon ang hindi ko sinisira. Halos limang taon na ako sa kumpanya nila.
"Hindi ko alam na may boyfriend ka na pala." Nahiya ako nang banggitin niya iyon. Hindi ako nagsalita. Isa siya sa mga taong malapit sa akin, napakabait niya, noong baguhan pa lang ako at wala pa sa posisyon ko ngayon ay siya palagi ang gumagabay sa akin. Kinakausap niya ako kapag napapansin niya na may problema ako. Kahit nasa lampas trenta lang ang edad niya ay parang magulang na ang tingin ko sa kanya. Napakaganda niya maraming empleyadong lalaki ang nagpapantasya sa kanya na hindi nito alam.
"Anong status ninyo ng boyfriend mo?” Nagbukas sara ang bibig ko, ngunit walang lumabas doon.
"Matagal na akong may napapansin sayo. Gusto kitang kausapin pero masyadong maraming gawain ako kaya wala akong oras para kumustahin ka." Ngumiti ito na parang anghel.
"Hanggang sa napansin ko ilang linggo na ang nakalipas na parag may iba sayo. At hindi ako nagkamali. Kailan mo nalaman na preggy ka?” Ginamit niya ang salitang iyon para gumaan ang paligid. Parang ka-tropa ang pagbigkas niya nang tanong na iyon, gusto niyang gumaan ang pakiramdam ko kaya minabuti niyang pagaanin ang pagsasalita niya.
Doon nakakuha ako nang pagkakataon para sabihin ang lahat.
"Kung ganoon ay kagabi mo lang nalaman na buntis ka." malamyos na tono ng boses nito.
Tumango ako.
"Para sa akin, mas mabuting sabihin mo na sa mga magulang mo ang sitwasyon niyo ngayon. Tutal ay alam na naman pala nila na nagsasama na kayo. Mas gagaan ang pakiramdam mo kapag nasabi mo na sa kanila at wala ng babagabag sa isip mo." Tila talaga siyang isang anghel na bumaba galing sa langit dahil sa mga payong sinasabi nito.
"Natatatakot po ako. Kapag nalaman po nila na nabuntis ako, kaagad nila kaming ipakakasal. At iyon po ang inaalala ko hindi pa sapat ang perang inipon namin. At isa pa nagtiwala sila sa akin na trabaho ang pinunta ko dito. Pero ngayon heto ako at nabuntis." Tuluyan akong nanghina nang maisip iyon, noon pa man ay ayaw na nila akong magtrabaho sa malayo. Lagi kasi nilang sinasabi na mapapa-tulad lang ako sa mga ka-edad ko na magtatrabaho sa malayo at makailang buwan ay uuwing buntis at may asawa na. Ngunit para sa akin iba ako sa kanila ilang taon din ang ginugol ko sa trabaho. Sa loob nang limang taon ay trabaho bahay lamang ang naging gawain ko, at kapag day-off ay mag-gala nang solo at gawain ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa. Halos nagsawa ako sa ganoong bagay at naisip ko na panahon naman na siguro para magkaroon ako ng inspirasyon at nagkataong dumating si Rigor. Ngunit nanlulumo pa rin ako dahil alam kong iyon at iyon pa rin ang sasabihin ng magulang ko na katulad din ng iba ang nangyari sa akin ang makapangasawa ng maaga.
"Janine, nasa tamang edad ka na. Oo ipagpalagay natin na bata pa ang edad na twenty four at kailangan pa ng pirma nang magulang kapag kinasal kayo, pero nagawa mo na naman ang lahat nagtrabaho ka ng matagal. Sa tingin ko naman ay matagal na rin ang five years at saka hindi ka naman siguro titigil sa trabaho kapag nagkaanak ka na." Sandali akong natigilan maging si ma'am ay natigilan din nang mabanggit niya ang paghinto sa trabaho.
"Teka ano nga bang balak mo kapag nakapanganak ka na?.”Tanong nito.
"Sa ngayon ay wala pa po. Pero sinisigurado ko pong magpapatuloy ako sa pagtatrabaho." sagot ko nang may paninigurado. Oo, iyon ang gusto ko naman talaga na kahit magkaroon ako nang sariling pamilya ay hindi ako hihinto sa pagtatrabaho, gusto ko ay may sarili akong pera, at naibibigay ko ang mga pangangailangan nang anak ko gamit ang perang pinaghirapan ko.
Janine POV Para akong nasa korte na pilit pinaaamin sa nagawang kasalanan. Base na lamang sa paninitig sa akin ng asawa ni Jerome. "Ako si Herona. Asawa ako ni Jerome ikaw anong pangalan mo?" Masungit na tanong nito. "Janine." Sagot ko sa mababang tono. "Tulad ng sinabi ko gusto kong malaman ang lahat sayo." "Heron, dahan-dahan ka lang naman sa pagsasalita mo. Hindi pa handang magkwento si ate. Ako nga hindi ko siya pinilit na sagutin niya ang tanong ko noon. Tapos ikaw kung makaratrat ka dyan wagas." "Pwede ba Jerome manahimik ka na lang. Sa tingin mo ganoon na lang kadali magpatira ng tao na hindi mo naman lubos na kakilala?”Asik ni Herona sa asawa. Walang nagawa si Jerome kung hindi ang manahimik. "Okay lang Jerome. Tama si Herona. Mas mabuti na alam ninyo parehas kung ano o sino nga ba ako.”Saad ko. Kahit na mahirap ay sinikap kong simulan sabihin ang lahat sa kanila. Paminsan-minsan ay humihinto ako sa pagsasalita dahil pinipigilan kong
Janine POV Kinabukasan maagang kinuhanan muli si Grizelle ng dugo ganoon na rin nang iba pang kailangan para sa laboratory nito, upang malaman kung maayos na ba siya at maaari nang lumabas ng hospital. "Base in her test mommy, maayos na po ang anak niyo at maari na po kayong lumabas ngayong araw na ito. Paalala lang po, next time po titingnan ang mga pagkain na kinakain ng anak niyo, para po maiwasan ang pagkakasakit ng bata." "Opo doc maraming salamat po." "Sige po mommy, maari na po kayong pumunta sa billing para mabayaran ang bill niyo." Tumango ako sa doctor. Matapos lumabas nang resulta ni Grizelle ay kaagad akong pinuntahan ng doctor para ipaalam na maari na kaming ma-discharge. Laking pasasalamat ko at mabuti na ang lagay ng anak ko. Isa na lang ang iniisip ko- "Mama, aalis na po tayo dito?” Nilingon ko ang aking anak na kasalukuyang nakaupo sa kanyang higaan. Maayos na ang mukha ni Grizelle kumpara kahapon. Masigla-sigla na rin it
Janine POV "Mama!!. sakit." Saad ni Grizelle, habang hawak ang tiyan. Namimilipit ito sa sakit kaya ito iyak ng iyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung paano ako kikilos. Walang akong nakikitang tao. Halos patay ang mga ilaw sa mga bahay. Niyakap ko nang mahigpit ang anak kong nag-aapoy sa lagnat at pamimilipit nang sakit ng tiyan. Bakit ito nangyayari sa kanya?. Paano na? Anong gagawin ko?. Saan ako hihingi ng tulong?. "Anak, tahan na pssshhh.. nandito lang si mama. Kaya mo yan." Pilit kong inaalo ito sa pag-iyak, kahit ako ay naiiyak na rin. Naghihintay ako ng dadaan na sasakyan. Baka sakaling may dumaan pa sa ganitong oras, hindi ako mayuyumi na parahin iyon para lamang madala ko ang anak ko sa ospital. Nasa tabing kalsada ako naghihintay habang karga si Grizelle ng biglang may dumaan na naka-bisekleta, akma ko pa lang ito paparahin ngunit kusa itong huminto. "Ate ayos lang kayo anong nangyayari sa anak mo?.” Kaagad na tanong ng lalaki. "Tulungan
Janine POV Sobrang lakas ng ulan kung kaya't may ilang patak pa rin na tumatama sa amin dahil sa kakarampot na bubong na siyang nagsisilbing silungan namin. Balak ko sana na sa loob mismo ng cr pumasok kaso ayoko naman magtagal doon kaya minabuti ko na sa labas na lang kami. Binalutan ko na lamang si Grizelle ng tuwalyang malaki, upang hindi ma-ampiyasan ng ulan. Mabuti na lamang at nakapag-baon ako ng tuwalya, kung kaya't may nagagamit kami na pangkubong. "Mama, bear ko." Nakita kong hindi hawak ni Grizelle ang teddy bear niya. Marahil ay nalaglag iyon ng patakbo kaming nagtungo dito. Ibinaba ko siya. Kinausap ko itong mabuti na dito muna at hahanapin ko ang teddy bear niya. "Anak, makinig ka huwag na huwag kang aalis dito. Hahanapin ni mama ang bear mo. Hintayin mo lang ako." Sinugod ko ang malakas na ulan para hanapin iyon, hindi ko agad ito madaling nahanap dahil madilim ang lugar. Kalaunan ay may natapakan akong malambot at nakita ko na iyon na ang teddy be
Janine POV Nagising ako dahil sa ingay nang paligid. Hindi ko agad maimulat ang mga mata ko dahil sa nakakasilaw na liwanag. Umaga na pala hindi ko man lang namalayan. Katulad ng inaasahan ko naririto pa rin kami. Pinagdarasal ko na sana panaginip lang ang lahat ng ito na sana pag-gising ko ay hindi totoo ang lahat ng ito na nasa bahay kami at wala sa lugar na ito. Ngunit hindi, totoo itong nangyayari. Ang ikinagulat ko pa ay nang makita ko na wala sa kandungan ko ang anak ko. Naalarma ako. Kaagad akong kinabahan. Nasaan ang anak ko?!. Mabilis kong inilibot sa paligid ang paningin ko at nakita ko siya sa malapit sa playground ng mga bata. Nakaupo ito sa damuhan at nanonood sa mga batang naglalaro, nadurog na naman ang puso ko nang makita ang itsura ng anak ko. Kaagad ko siyang nilapitan. Tinawag ko ito, napalingon siya sa akin at tumayo sa pagkakaupo. Nagulat na lang ako nang mapansin ko na may bitbit na ito. "Saan galing ang mga yan anak?." Gulat kong tanon
Janine POV Bumalik kami ni Grizelle sa park para doon makapagpahinga. Nakakita ako ng matandang lalaki na nagtitinda ng tubig at biscuit. Nakalimutan ko, dapat pala ay nagdala ako ng lalagyan ng tubig bago umalis ng bahay. Ma-uhawin si Grizelle at kung bibili ako ng bibili ng bottled water ay muubos ang pera namin. Kaya naman lumapit ako sa matandang lalaki. Nagtanong ako rito kung mayroon ba itong empty bottle para sakaling magsilbing lagayan namin ng tubig ng anak ko. Manghihingi na lang ako sa kalenderya ng tubig o kung saan man. "Tay, magandang araw mayroon po ba kayo dyan na empty bottled?.” Bahagyang nagtaka ang matanda sa tanong ko. "Bakit mo itinatanong aanhin mo ba?.” "Paglalagyan ko lang po sana ng tubig para sa anak ko." "Bakit hindi ka na lang bumili nitong tinda kong tubig. Kapag naubos ang laman nito pwede mo na siyang paglagyan ulit." "Pasensya na po kayo pang-kain na lang po kasi namin ang perang naririto, kaya hindi po ako makabili."