Janine POV
"Talagang lalo kayong blooming sa araw-araw ma'am, iba talaga kapag may boyfriend." Napatingin ako kay Liezel nang marinig ko ulit ang sinabi niya noon. Inirapan ko ito.
Minsan napapansin kong masyado na itong pakialamera, ang lahat na lang ay napupuna niya.
Tumayo ako at nagtungo sa restroom. Pinasadahan ko ang aking mukha sa malaking salamin nito. Ang totoo ay may pinag-iba nga ang awra ko. Nagtataka rin ako, dati ay hindi ako mahilig sa make-up. Pero nitong nagdaang araw ay malimit ang pagbili ko ng mga pampaganda. Hindi ako palaayos, sa face powder ay okay na ako, ngunit ngayon, araw - araw akong may make-up kapag pumapasok sa office. Gusto kong maganda palagi ako at presentable sa paningin ng ibang tao, lalo na kay Rigor. Nagre-touch muna ako bago lumabas ng restroom, inayos ko ang aking damit at umikot pa para makita ang aking likuran ko saka ako tuluyang lumabas. Sa ngayon ay kailangan ko munang tumutok sa marami kong gawain sa trabaho. Ayoko munang pansinin ang mga sinasabi ni Liezel, naiirita lamang ako.
***
Nadatnan ko na sa bahay si Rigor. Kasalukuyan itong nagluluto. Nang maamoy ko ang kanyang niluluto ay bigla na lamang akong napaduwal mabuti na lamang at mabilis akong nakatungo sa lababo. At doon inilabas ang lahat ng laman ng aking tiyan.
"Mahal?!. Ayos ka lang ba?.” Kaagad na lumapit sa akin si Rigor. May pag-aalala ang tono ng boses nito.
"O-oo," hindi ako makapagsalita ng ayos dahil sa nangangasim kong sikmura, pakiramdam ko ay babaliktad ulit ito. Lahat na ng laman ng tyan ko ay nailabas ko na pero panay pa rin ang pag-udwa ko.
Hinimas ni Rigor ang aking likod. Inabutan niya ako ng isang basong tubig.
Kitang kita sa mga mata nito ang pag-aalala. Ininom ko ang tubig sa baso pero hindi ito nangalahati. Pinunasan ko ang aking labi gamit ang likod ng palad ko.
"Alisin mo ang amoy na yon.” Nahihirapan kong pakiusap kay Rigor. Naguluhan ito kaya, itinuro ko ang kawali na nasa kalan. Iniwan ako nito at lumapit doon. Pinatay niya ang apoy, pagkatapos ay isinalin ang nilutong kalamares sa plato. Muling umasngaw ang amoy nito, kaya nakaramdam na naman ako ng pagbaliktad ng sikmura. Sinenyasan ko siya na ilayo ang niluto nito, hindi niya alam kung saan niya ito ilalagay kung itatapon ba o ilalabas ng bahay. Tinakpan niya na lamang ito ng takip ng kawali, saka muli akong nilapitan.
Nakatitig lamang sa akin si Rigor habang nakaupo kami sa magkabilang upuan sa sala. Inalalayan niya akong maupo dito matapos kong magsuka. Tila naguguluhan ito sa nangyayari. Samantalang ako ay parang lantang gulay na nakahilig sa sofa at hindi rin mawari kung anong nangyayari.
Nang makabawi na ako ng lakas ay nag-umpisa akong magsalita.
"Mahal." malamyos kong tawag sa kanya.
"Bakit mahal?” tila nangangalapang tanong ni Rigor.
"Maaari mo ba akong ibili nang pregnancy test." Ang buong akala ko ay mabibigla siya sa sinabi ko pero naging normal lamang ang reaksyon nito. Para bang alam na niya ang mga susunod na mangyayari.
"Sigurado ka ba na kailangan mo iyon?.”Kuryosong tanong nito.
Tumingin ako sa aking tiyan.
"Hindi ko alam, pero makakasigurado lang ako kung gagawin ko iyon." sagot ko sa mababang tono.
"Sige, hintayin mo ako dito bibili lamang ako. Teka may gusto ka pa bang ipabili na iba?.” Napangiti ako na parang bata nang tanungin niya iyon. Tila gumanda ang mood ko nang marinig ang sinabi niya.
"Donut at saka dalandan." nagtaka ang mga mukha nito, ngunit napangiti na rin. Tumayo ito at nagtungo sa kwarto para magpalit ng damit, lumapit si Rigor sa akin at hinalikan ako sa labi bago umalis.
"Ito na mahal ang pinabibili mo." Iniabot nito ang tatlong plastic. Gaya nang sinabi ko bumili nga ito ng donut at dalandan. Nagtagal ang tingin ko sa isang plastic na naglalaman ng pregnancy test.
Kaagad kong kinuha ang plastic ng donut Binuklat ko agad iyon, naupo ako sa sofa, at binuksan ko ang tv. Nilalantakan ko nang kain ang donut na binili ni Rigor habang nanonood ng television.
"Mmmm.. Ang sarap." Pakiramdam ko ay ngayon lang ako nakakain ng donut dahil sarap na sarap ako dito.
Nakatitig lamang sa akin si Rigor at pinapanood ang pagkain ko. Naubos ko ang limang piraso ng donut na binili niya ang totoo ay nabitin pa ako. Sobrang sarap kasi ang paborito ko kasing brand ng donut ang binili niya kaya halos naubos ko lahat.
Ibinaling ko naman ang tingin sa plastic ng dalandan na nakapatong sa mesa. Tumayo ako para kunin iyon. Dadamputin ko na ang isang piraso ng dalandan ng hawakan ni Rigor ang aking kamay. Tiningala ko ito.
"Huwag mong sabihin na sunod mo yan kakainin?” kunot noong sabi nito.
Tumango ako habang nakalabi na parang bata.
"Mahal baka naman sumama ang timpla ng tiyan mo kapag kinain mo rin agad yan." Protesta nito. Pinigilan niya akong kainin iyon.
Tiningnan ko ito nang masama.
"Huwag matigas ang ulo." Saway nito.
Wala akong nagawa kundi magmartsa pabalik sa upuan.
Napatingala ako nang iniabot nito ang nakabukas ng pregnacy test. Tiningnan ko ang mukha nito. Makikita ang kaseryosohan doon. Bahagya akong natigilan at nakaramdam ng kaba. Natatakot ako kung anong magiging resulta noon. Humugot ako ng malalim na hininga bago inabot iyon sa mga kamay ni Rigor.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang makita ang naging resulta. Kung lungkot ba o saya. Kung manghihinayang ba ako o matutuwa. Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak-hawak ang resulta. Nakapanglulumo parang babagsak ang aking mga paa. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o tatawa ng makita ko ang dalawang guhit. Halos ang tagal kong nakatitig doon. Nagulat pa ako nang kumatok sa pintuan si Rigor at tawagin ako.
"Mahal tapos ka na ba?”
Napahawak pa ako sandali sa aking tiyan. Hindi pa rin ako makapaniwala na may mayroong buhay sa loob nang aking sinapupunan. Gaano na kaya siya katagal doon?.
Tuluyan na akong lumabas ng pintuan nang nakadalawang tawag si Rigor. Hawak ang resulta sa aking kamay ay nabungaran ko ang nag-aalalang mukha ni Rigor at tila halo-halong emosyon ang makikita sa mukha nito.
Kahit mahirap sa akin ay nakangiti kong iniabot kay Rigor ang resulta. Nanlaki ang mga mata nito nang makita iyon. Napangiti ito at tila hindi makapaniwala sa nakikita. Kaagad nito akong niyakap ng mahigpit at pinaulanan ng halik sa noo.
"Pangako ko sayo magiging mabuting ama at asawa ako sa inyo nang magiging anak natin." Masayang -masayang wika nito. Habang patuloy ang dampi ng labi sa aking buhok.
Gusto kong suklian nang ngiti ang sinabi nito, ngunit hindi ko iyon magawa. Hindi ko magawang maging masaya, may takot akong nararamdaman.
***
"Hindi ka ba masaya?." Nag-angat ako ng tingin kay Rigor ng magsalita ito, hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala ito sa loob ng aming kwarto, masyado kasing lipad ang aking isip sa mga nangyayari.
Ibinaba ko ang tingin sa sahig para hindi niya makita ang mukha ko.
Naramdaman ko ang pagtabi nito sa aking kinauupuan.
"Magsabi ka nga mahal." Tila may hinanakit ang tono ng boses niya. Alam ko ang ibig nitong sabihin.
I sighed.
"Masaya ako. Masayang-masaya pero hindi ko magawang maging masaya dahil--” napatigil ako. Hindi ko maituloy ang aking sinasabi.
"Dahil ayaw mo pa?. Dahil hindi ka pa handa.” tila may halong tampo ang pagkakabigkas na iyon ni Rigor.
Binalingan ko ito at kaagad itinama ang mga sinabi nito.
"Hindi totoo yan. Ang totoo masaya ako dahil magkaka-anak na tayo. Ang inaalala ko lang ay si nanay at tatay." Humina ang boses ko nang sambitin ko sina nanay at tatay.
"Hindi ko alam kung paano ko ipaaalam sa kanila na buntis ako. Lalo na't nabuntis mo ako ng hindi pa tayo kasal."
Hinawakang mahigpit ni Rigor ang aking kamay. Pinag-tagop niya ang mga daliri namin at pinagmasdan ito.
"Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sayo, sa anak natin. Gagawin ko ang lahat basta magtiwala ka sa akin."
Janine POV Para akong nasa korte na pilit pinaaamin sa nagawang kasalanan. Base na lamang sa paninitig sa akin ng asawa ni Jerome. "Ako si Herona. Asawa ako ni Jerome ikaw anong pangalan mo?" Masungit na tanong nito. "Janine." Sagot ko sa mababang tono. "Tulad ng sinabi ko gusto kong malaman ang lahat sayo." "Heron, dahan-dahan ka lang naman sa pagsasalita mo. Hindi pa handang magkwento si ate. Ako nga hindi ko siya pinilit na sagutin niya ang tanong ko noon. Tapos ikaw kung makaratrat ka dyan wagas." "Pwede ba Jerome manahimik ka na lang. Sa tingin mo ganoon na lang kadali magpatira ng tao na hindi mo naman lubos na kakilala?”Asik ni Herona sa asawa. Walang nagawa si Jerome kung hindi ang manahimik. "Okay lang Jerome. Tama si Herona. Mas mabuti na alam ninyo parehas kung ano o sino nga ba ako.”Saad ko. Kahit na mahirap ay sinikap kong simulan sabihin ang lahat sa kanila. Paminsan-minsan ay humihinto ako sa pagsasalita dahil pinipigilan kong
Janine POV Kinabukasan maagang kinuhanan muli si Grizelle ng dugo ganoon na rin nang iba pang kailangan para sa laboratory nito, upang malaman kung maayos na ba siya at maaari nang lumabas ng hospital. "Base in her test mommy, maayos na po ang anak niyo at maari na po kayong lumabas ngayong araw na ito. Paalala lang po, next time po titingnan ang mga pagkain na kinakain ng anak niyo, para po maiwasan ang pagkakasakit ng bata." "Opo doc maraming salamat po." "Sige po mommy, maari na po kayong pumunta sa billing para mabayaran ang bill niyo." Tumango ako sa doctor. Matapos lumabas nang resulta ni Grizelle ay kaagad akong pinuntahan ng doctor para ipaalam na maari na kaming ma-discharge. Laking pasasalamat ko at mabuti na ang lagay ng anak ko. Isa na lang ang iniisip ko- "Mama, aalis na po tayo dito?” Nilingon ko ang aking anak na kasalukuyang nakaupo sa kanyang higaan. Maayos na ang mukha ni Grizelle kumpara kahapon. Masigla-sigla na rin it
Janine POV "Mama!!. sakit." Saad ni Grizelle, habang hawak ang tiyan. Namimilipit ito sa sakit kaya ito iyak ng iyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung paano ako kikilos. Walang akong nakikitang tao. Halos patay ang mga ilaw sa mga bahay. Niyakap ko nang mahigpit ang anak kong nag-aapoy sa lagnat at pamimilipit nang sakit ng tiyan. Bakit ito nangyayari sa kanya?. Paano na? Anong gagawin ko?. Saan ako hihingi ng tulong?. "Anak, tahan na pssshhh.. nandito lang si mama. Kaya mo yan." Pilit kong inaalo ito sa pag-iyak, kahit ako ay naiiyak na rin. Naghihintay ako ng dadaan na sasakyan. Baka sakaling may dumaan pa sa ganitong oras, hindi ako mayuyumi na parahin iyon para lamang madala ko ang anak ko sa ospital. Nasa tabing kalsada ako naghihintay habang karga si Grizelle ng biglang may dumaan na naka-bisekleta, akma ko pa lang ito paparahin ngunit kusa itong huminto. "Ate ayos lang kayo anong nangyayari sa anak mo?.” Kaagad na tanong ng lalaki. "Tulungan
Janine POV Sobrang lakas ng ulan kung kaya't may ilang patak pa rin na tumatama sa amin dahil sa kakarampot na bubong na siyang nagsisilbing silungan namin. Balak ko sana na sa loob mismo ng cr pumasok kaso ayoko naman magtagal doon kaya minabuti ko na sa labas na lang kami. Binalutan ko na lamang si Grizelle ng tuwalyang malaki, upang hindi ma-ampiyasan ng ulan. Mabuti na lamang at nakapag-baon ako ng tuwalya, kung kaya't may nagagamit kami na pangkubong. "Mama, bear ko." Nakita kong hindi hawak ni Grizelle ang teddy bear niya. Marahil ay nalaglag iyon ng patakbo kaming nagtungo dito. Ibinaba ko siya. Kinausap ko itong mabuti na dito muna at hahanapin ko ang teddy bear niya. "Anak, makinig ka huwag na huwag kang aalis dito. Hahanapin ni mama ang bear mo. Hintayin mo lang ako." Sinugod ko ang malakas na ulan para hanapin iyon, hindi ko agad ito madaling nahanap dahil madilim ang lugar. Kalaunan ay may natapakan akong malambot at nakita ko na iyon na ang teddy be
Janine POV Nagising ako dahil sa ingay nang paligid. Hindi ko agad maimulat ang mga mata ko dahil sa nakakasilaw na liwanag. Umaga na pala hindi ko man lang namalayan. Katulad ng inaasahan ko naririto pa rin kami. Pinagdarasal ko na sana panaginip lang ang lahat ng ito na sana pag-gising ko ay hindi totoo ang lahat ng ito na nasa bahay kami at wala sa lugar na ito. Ngunit hindi, totoo itong nangyayari. Ang ikinagulat ko pa ay nang makita ko na wala sa kandungan ko ang anak ko. Naalarma ako. Kaagad akong kinabahan. Nasaan ang anak ko?!. Mabilis kong inilibot sa paligid ang paningin ko at nakita ko siya sa malapit sa playground ng mga bata. Nakaupo ito sa damuhan at nanonood sa mga batang naglalaro, nadurog na naman ang puso ko nang makita ang itsura ng anak ko. Kaagad ko siyang nilapitan. Tinawag ko ito, napalingon siya sa akin at tumayo sa pagkakaupo. Nagulat na lang ako nang mapansin ko na may bitbit na ito. "Saan galing ang mga yan anak?." Gulat kong tanon
Janine POV Bumalik kami ni Grizelle sa park para doon makapagpahinga. Nakakita ako ng matandang lalaki na nagtitinda ng tubig at biscuit. Nakalimutan ko, dapat pala ay nagdala ako ng lalagyan ng tubig bago umalis ng bahay. Ma-uhawin si Grizelle at kung bibili ako ng bibili ng bottled water ay muubos ang pera namin. Kaya naman lumapit ako sa matandang lalaki. Nagtanong ako rito kung mayroon ba itong empty bottle para sakaling magsilbing lagayan namin ng tubig ng anak ko. Manghihingi na lang ako sa kalenderya ng tubig o kung saan man. "Tay, magandang araw mayroon po ba kayo dyan na empty bottled?.” Bahagyang nagtaka ang matanda sa tanong ko. "Bakit mo itinatanong aanhin mo ba?.” "Paglalagyan ko lang po sana ng tubig para sa anak ko." "Bakit hindi ka na lang bumili nitong tinda kong tubig. Kapag naubos ang laman nito pwede mo na siyang paglagyan ulit." "Pasensya na po kayo pang-kain na lang po kasi namin ang perang naririto, kaya hindi po ako makabili."