"Ano na naman ba 'yan? Ang aga aga ang sungit sungit mo na naman tingnan! Parang nanunusok 'yong mga mata mo ah!"
Tiningnan ko si Ashley at inayos ang pagtingin ko. "At ang aga aga ang ingay mo."
"Sus! Alam ko na kung bakit," wika nito.
"Ano na naman ba?" tanong ko sa kan'ya habang naglalakad papunta sa restroom at sinusundan naman ako nito.
"Nakita ka na naman ng mag-couple na ang sweet sweet, tama ba?" pang-aasar nitong tanong sa akin.
Tiningnan ko naman siya. "Huh? Pinagsasabi mo diyan? Hindi no!"
"Hoy! Kilala na kita ano! Sa tuwing nakakakita ka ng couple lalo na kapag sweet sila sa isa't isa, iyang mga mata mo ay nanliliit at halos dumidikit na ang kilay sa isa't isa," sagot nito.
"Iniiwasan ko naman pero naiinis ako e," sagot ko.
"Bitter!" bulalas niya.
"Aba!" Masama ko siyang tiningnan. "Hindi ako bitter no!"
"Anong hindi?! Hindi ba bitter ang tawag diyan? Bakit kasi hindi na lang kayo magkaayos ni Xander para naman bumalik iyong dating sigla mo lalo na kapag nakakakita ng sweet couples!"
"Alam mo kasi.." Hinawakan ko ang magkabilaang balikat niya at ngumiti ng kaonti "Bumibitaw na nga siya, ako lang naman ang may ayaw na makipaghiwalay. Paano ko aayusin? Hindi ba dapat tulungan kami? Hmm?" Nagkunwaring may pinagpag ako sa balikat niya at muling naglakad.
"Bakit kasi ayaw mo na lang makipag-break sa lalaking iyon? Eh mukhang wala naman nang pag-asa na magkaayos kayo e, nagiging t*nga ka na naman sa pag-ibig!" Huminga siya ng malalim. "Ang daming nagkakagusto sa'yo pero nananatili ka pa rin sa lalaking hindi ka naman kayang panindigan. Dati ka bang b*liw?"
Nakapasok na kami ngayon sa restroom ng mga staff sa hotel. "Ewan ko sa'yo. Basta ako, mag-stay pa rin ako at aasa na magkakaayos pa."
"Bahala ka diyan! Basta ako sinabihan na kita ah? Ilang beses na kitang sinabihan pero hindi ka naman nakikinig."
Tumingin ako sa kan'ya sa may salamin at ngumiti ng nakakaasar. Hindi ko nga alam at bakit ganito ako pagdating kay Xander. Sadyang mahal ko lang siguro siya.
Kinalkal ko sa bag ko ang powder ko at lip gloss at sabay apply ng mga ito habang nakatingin sa napakalaking salamin. Gano'n din naman ang ginawa ni Ashley. Si Ashley nga pala ay kaibigan ko simula highschool. Hindi pa naman duty kaya dumiretso muna kami dito pero ilang minuto na lang ay oras na rin ng trabaho namin.
"Hello! Good morning!"
Sabay kaming napatingin ni Ashley sa may pinto at bumungad sa amin si Diana. Nakangiti ito ng malawak at ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa magkabilang pader.
"Ang aga mo ngayon ah!" nakangiti kong wika habang nakatingin sa kan'ya at nakangiti.
"Himala! Hindi late ang ate niya!" natatawang sambit ni Ashley.
Pumasok naman ito na parang iniipit pa ang sarili habang naglalakad. Iyong feeling na naiihi pero hindi. "Kasi naman, maganda ang umaga ko ngayon! Magda-date raw kami ng aking boyfriend mamaya pagkatapos ng work ko!" masigla niyang sagot sa amin.
Tumango-tango naman ako. "Hmmm.. kaya naman pala. Sa una lang naman 'yan dahil sa susunod sasabihin niya busy na siya kaya sulitin mo na, Diana." Ngumiti ako ng matamis habang tumatango.
"Bitter pa rin ba?" hindi niya makapaniwalang tanong sa akin.
"Ako? Bitter? Pinagsasabi mo diyan! Eh hindi ko nga alam ibigsabihin no'n e. Parehas lang kayo ni Ashley na sinasabihan ako ng bitter kahit hindi naman!" wika ko habang nag-aapply ng powder sa leeg ko.
"Sus! Bitter ka naman kasi talaga," saad naman ni Ashley. "Hayaan mo siya, tayo na lang ang mag-usap tungkol diyan. Hindi ka pa ba nasanay kay Stella? Gan'yan talaga 'yan bitter.. bitter ang kaibigan natin." Tumawa ito ng malakas.
Masama ko siyang tiningnan at agad na binatukan. "Umalis nga kayo dito!" inis kong sigaw sa kanila.
Tumawa na rin ng malakas si Diana. "Bitter! Kung ako sa'yo makipaghiwalay ka na kay Xander at i-date mo na lang si Sir Kendrix."
"Ano? Sir Kendrix? Eh hindi ko pa nga nakikita iyon e simula no'ng nag-work ako rito," sambit ko.
"Ako rin hindi ko pa siya nakikita."
"Eh sabay lang naman tayo nag-work dito," sagot ko kay Diana habang tinitingnan siya na hindi makapaniwala.
"Ako kasi... since 3 years na akong nagwo-work dito, nakita ko na si Sir Kendrix pero bihira lang parang bilang lang sa kamay ko kung ilang beses ko na siyang nakita at take note ah? Hindi pa malapitan at hindi pa matagal parang nahagip lang gano'n lang," saad ni Diana.
"Ano ba kasi ang meron sa kan'ya at parang ang hirap namab niyang hagilapin?" nagtatakang tanong ni Ashley.
"Gano'n daw talaga si Sir Kendrix at bihira lang din daw siya makisalamuha kahit sa mga empleyado niya. Parang meron siyang sariling mundo gano'n pero magaling siya at kilalang tao kaya lang hindi lang mahagilap!" natatawang sagot naman ni Diana.
"Wala ka bang pictures diyan?" tanong muna ni Ashley at nagkunwaring sinisilip ang bag ni Diana.
Inikot naman ni Diana ang bag niya sa kabila palayo kay Ashley. "Baliw ka ba? Paano naman magkakaroon ng picture si Sir Kendrix sa bag ko? Loka! At saka hindi naman kasi siya pala picture. Nakita niyo na bang may picture siya sa labas kahit sikat siya?"
Sabay kaming napailing ni Ashley habang nakatingin kay Diana. Kahit papaano ay interesado ako kay Sir Kendrix ang misteryoso niya kasing tao tapos bali-balita pa na masungit daw siya at mabilis mainis.
"See? Kasi ayaw nga niya."
"Ah! Kaya pala kapag pino-promote itong hotel at minsan ang mga members, walang picture na nakalagay sa taas ng name ni Sir Kendrix," sabi naman ni Ashley.
"Exactly!"
"Oo nga ano? Pangalan lang niya ang nakalagay," sambit ko.
Tumango-tango naman si Diana. "Pero, sinasabi ng mga nakakita kay Sir Kendrix na sobrang gwapo niya, attractive, matangkad, kahit sino ay mapapalingon sa kan'ya, at mabango pa siya! Totoo iyon! Agree ako sa mga iyon dahil kahit silip lang pagkakita ko sa kan'ya talagang masasabi kong makalaglag panty ang senior manager ng hotel na ito!" kinikilig niyang sambit habang nakangiti ng malawak.
"Hoy! May boyfriend ka!" sambit ko para matigilan siya sa kilig niya.
"Ito talaga basag trip." Sinungitan naman niya ako ng tingin.
"Sabi ko naman sa'yo, umalis na tayo dahil may bitter nga dito," sambit ni Ashley sabay akbay kay Diana at dahan-dahan siyang naglalakad palabas ng restroom.
"Ayan tama 'yan! Umalis kayo dito," sambit ko.
Tuluyan na nga silang umalis at naiwan ako dito sa cr. Inayos ko na muna ang sarili ko. Lalo tuloy akong na-curious kay Sir Kendrix. Sa mga kwento ng mga nakakita na sa kan'ya ay kilig na kilig sila kaya naman gusto ko rin malaman kung totoo ba ang kilig na iyon o overacting lang sila. Mamaya ay hindi naman siya gano'n kagwapo at baka mas gwapo pa si Xander.
"Speaking of Xander.." bulong ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. "Kamusta na pala 'yon?"
Mabilis kong tinago ang powder at lip gloss ko sa bag ko at kinuha ko naman doon ang cellphone ko. Mabilis kong dinial ang number ni Xander at tinawagan ito.
Sa unang tawag ko ay hindi niya sinasagot kaya naman tinawagan ko siya muli at mayamaya lang ay biglang namatay kaya tiningnan ko kaagad ang cellphone ko at nakita kong pinatay niya ang tawag kaya tinawagan ko siya ulit. Pinapatunog ko ang kuko ko sa may lababo habang hinihintay ang kan'yang sagot sa tawag ko. Ilang sandali lang ay sumagot na siya kaya napangiti akl ng malawak.
"Hi! Nasa work ka na ba?" nakangiti kong tanong sa kan'ya. Kilig na kilig pa ako.
"Hindi pa. Alam mo ba kung anong oras palang?" masungit nitong tanong sa akin.
Inilayo ko naman ang cellphone ko sa tenga ko para makita ko kung anong oras na. "7:32 na ng umaga, bakit?"
"F*ck! Hindi mo ba alam? Ang oras ng pasok ko ay gabi pa! Bakit ba tumatawag ka ng ganitong oras ah? Halos kauuwi ko lang, Stella. Katutulog ko lang tapos ngayon tatawag ka? T*nga ka ba?!" galit na galit nitong sambit.
Napalayo ako sa cellphone ko nang sumigaw siya at binalik ko muli sa tenga ko. Napawi ang ngiti sa labi ko. "Shocks! Oo pala, sorry! Nakalimutan ko na gabi pala ang pasok mo ngayon. Sorry Xander, sorry," paumanhin ko.
"Next time, don't call kapag hindi kita tinatawagan, okay?! Istorbo ka." Agad niyang pinatay ang tawag kaya hindi na ako nakasagot pa.
"Assh*le, tss!"
"Hmm?" Agad akong napatingin sa paligid nang marinig ang boses na iyon.
Hindi familiar ang boses sa akin at boses ng lalaki iyon na napakalamig pakinggan. Sinubukan kong buksan lahat ng cubicles dito pero wala akong nakitang tao sa loob.
"Imposible naman na magkakaroon ng lalaki dito eh pambabaeng cr ito," bulong ko sa sarili.
Napahawak ako sa beywang ko at tumingin sa salamin sabay kagat sa lower lip ko at iniisip kung saan galing ang boses na iyon. Dali dali naman akong umilip sa labas pero hindi ko alam kung sino iyon dahil madami rin ang naglalakad dito. Naka-louder speaker kasi ang call namin ni Xander kanina napindot ko at hindi ko na naisip na pindutin iyon kaya possible talaga na may nakarinig ng usapan namin. Bigla tuloy ito naging palaisipan sa akin.
"Ang kapal talaga ng mukha mo no? Proud ka pa sa mga kalokohan niyo ni Zander!" bulalas ni Ashley. "Wala kang pakialam!" sigaw din ni Diana. "Tapang ng hiya! Kakalbuhin talaga kita!" Nagpatuloy ang sakitan nilang dalawa. Ako, heto, hindi ko alam kung ano na ang susunod kong gagawin matapos ang rebelasyon na ito. Nakakatindig balahibo na nakakadiri. Ngayon alam ko na ang lahat, nasagot na ang laging tumatakbo sa isip ko. Niloko nila ako ng 7 months na wala man lang akong kaalam-alam. Habang pinapatunguhan ako ni Diana ng maganda noon, inaahas na niya pala ang boyfriend ko. Mabuti na rin na malaman ko na at least pinutol ko na ang lahat ng ugnayan ko sa kanila kahit masakit. "Manloloko! Akala mo kinagwapo mo 'yan?" inis na sambit ni Sean. "Huwag kang mag-alala, ito naman ang gusto mo 'di ba? Oh heto, wala na talaga kami kaya malaya ka nang makakalapit kay Stella!" "Stella doesn't deserve you! Sa tingin ko nga ikaw ang pinakamaling nakilala ni Stella!" sigaw nito sabay suntok
"A-anong ginagawa niya rito?" nauutal at gulat kong tanong habang pinapanood silang nasa labas. "Zander? Anong rason niya para pumunta pa dito? At bakit siya pinuntahan ni Sir Kendrix at pinalabas pa ng kotse?" nagtatakang tanong ni Sean. "Mukhang hindi ito simpleng sitwasyon." "I knew it! Sabi ko na eh, si Zander talaga ang nakita ko kahapon. Bakit nandito na naman siya?" nagdududang tanong din ni Ashley. Punong-puno kami ng tanong sa aming isip. Hindi namin alam kung anong nangyayari. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang may ma-realize ako. Si Diana ay sakay daw ng puting kotse at si Zander naman ay nakasakay sa puting kotse. Hindi ko rin kilala ang kotse na ito, pero pamilyar ito sa akin dahil ito rin yata ang nakita ko kahapon na umaalog sa underground parking lot. Ano ba talaga ang meron? "OMG! Sir Kendrix! Zander!" histerical na sabi ni Diana habang nanginiginig. Pinahawak ni Sir Kendrix si Zander sa dalawang guard na nasa labas at agad naman silang umaksyon. Agad
Lumabas na rin ako ng conference room at dumiretso sa break room. Naabutan ko si Ashley at Diana na nagbabangayan na naman. "Sabi ko na eh, ikaw talaga ang may gawa!" bulalas ni Ashley. "Eh ano naman?" mataray na tanong ni Diana. "Tingnan mo napala mo ngayon," natatawang sabi ni Ashley. "Akala mo kasi magtatagumpay ka sa mga plinaplano mong masasam, well, sorry hindi ka nagtagumpay." "Okay lang, at least napagalitan si Stella sa harap ng VIP guest kaya for sure mawawalan na siya ng tiwala kay Stella." "Hindi ka ba nahihiya? Sinisira mo image mo?" singit na sambit ko. "Oh, hi Stella! Nandito ka na pala," malambing na sambit ni Diana na may halong pang-aasar. "Sa sagot sa tanong mo, bakit ako mahihiya? Walang dapat ikahiya. Satisfying nga eh kahit na tinanggal na ako." "Deserve mo 'yan. Masyado ka kasing inggiterang palaka." Napatingin si Diana kay Ashley at humakbang ng kaonti. "Excuse me? Ako inggitera? Ano naman ang ikaiinggit ko sa inyo at lalo na kay Stella? Eh wala
"Grabe! In front of me?" inis kong sambit habang pinapanood pa rin ang pag-alog ng kotse. "So shameless," rinig kong wika ni Sir Kendrix sabay iling nito. Nauna nang naglakad si Sir Kendrix na parang walang emosyon. Sumunod na ako sa kan'ya. Nasa likod niya akong naghihintay na magbukas ang elevator dito sa baba ng parking lot. Wala pang dalawang minuto, nakarinig ako ng mga hakbang na halatang naka-heels. Paglingon ko, nakita ko si Diana na nakayuko habang inaayos ang butones ng navy blue niyang coat. Napansin ko rin na dahan-dahan na napatingin si Sir Kendrix sa direksyon niya. Ngumisi ito habang tinitingnan niya si Diana ng taas baba. "Done doing your thing?" Napatingin si Diana sa direksyon namin halata ang pagkagulat niya. Hindi niya alam ang gagawin niya na parang gusto niya pang umatras o lumiko pero wala na siyang takas. At halata sa kan'ya na siya ang nasa kotse kanina. Ngumiti siy ng pilit. "Hello po sir, what do you mean po?" "I think you already reduced your st
It's already 4 in the afternoon. 2 hours na lang uuwi tapos na ang duty namin. Nakapag-report na kami sa HR after confrontation with Diana. Ine-expect ko na pupuntahan ako ni Sir Kendrix para tanungin ako kung naayos ko na ang gulo pero hindi niya ako pinuntahan at hindi rin ako nag-abala na puntahan siya sa office niya. Hinayaan ko lang. Ang mahalaga nakapag-report na kami ni Ashley. Hindi ko alam kung anong gagawin nilang actions pero binigyan nila kami ng assurance na magfo-focus sila sa nangyari dahil iyon din daw ang sinabi ni Sir Kendrix sa kanila kahapon. Ilang sandali lang ay napansin kong naglalagay ang secretary ni Sir Kendrix papalapit sa front desk. "Ms. Stella and Ms. Diana, after your shift which is exactly 6 pm, kindly go straight to the conference room 1. The two of you will going to have a meeting with the CEO and with the senior manager," direktang wika nito. "Ah sige po," sagot ko. "That is noted po," sagot naman ni Diana. Hindi ko pa rin mapigilan na hindi
Ilang sandali pa ay bumalik na si Ashley na walang kaalam-alam sa nangyari. Nang mapansin niyang iba ang awra ko, mabilis niya akong nilapitan. "Stella, what's wrong? Umalis lang ako sandali iba na ang awra mo," nag-aalala niyang tanong sa akin. "Samahan mo akong kausapin ang IT mamaya aftwr duty. Kailangan ko talagang malaman kung paano nagkaroon ng double booking na under pa ng pangalan ko," walang gana kong sagot. "What?! Paano naman nangyari 'yon?" gulat niyang tanong. "Hindi ko rin alam at kailangan ko talagang alamin. Sa VIP guest pa talaga at narinig pa ni Sir Kendrix kaya he's giving me time until tomorrow morning para maayos ito, kaya mukhang mag-sstay pa ako dito ng ilang oras." "Sige, sasamahan kita. Kailangan talaga malaman 'yan kasi sobrang laki niyan. Mamaari kang mawalan ng trabaho. Kahit ang CEO na gustong-gusto ka, wala siyang magagawa kundi paalisin ka," inis nitong sambit. "Kaya nga eh." Bago matapos ang duty namin, chineck ko muna ulit ang system haba