Beranda / Romance / Go Deeper (SPG) / Chapter 2 Effects

Share

Chapter 2 Effects

Penulis: Skycosine
last update Tanggal publikasi: 2024-10-08 18:15:02

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa malaking salamin sa harap ko. Inayos ko muna ang buhok ko bago tuluyang lumabas ng cr. Sa bawat nakakasalubong ko co-workers ko man o guests ay binati ko na sila kaagad ng masigla at may matamis na ngiti sa labi ko.

"Good morning, ma'am! Good morning, sir!" masaya kong bati habang naglalakad.

Sa paglalakad ko ay nakita ko pumasok na muna ako sa break room para iiwan sa locker ko ang bag ko. Pagbukas ko palang ay bumungad na si Ashley at Diana na parang may problema. Nakaupo at umiinom ng malamig na tubig si Ashley habang si Diana naman ay pinapaypayan ito.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kanila. "Hoy! Bakit? Anong nangyari? Okay ka lang ba Ash?"

Umiling siya. "I'm not okay," nanghihina niyang sagot sa akin.

Tumabi ako sa kan'ya at hinawakan ang ulo, leeg at pisngi niya para malaman ko kung mainit siya baka kasi nilalagnat ito pero okay naman siya kanina ang lakas pa nga niya mang-asar e.

"Bakit? Anong nangyari? Anong masakit sa'yo?" Tumingin ako kay Diana. "Ano ba nangyari? Okay naman siya kanina ah."

"Ask her," sagot naman nito habang patuloy pa rin sa pagpaypay kay Ashley at ngumiti.

"Huh?" naguguluhan kong sambit nang ngumiti ito sa akin. Tumingin ako kay Ashley at nakangiti naman na kita at nakatingin sa kisame. "Hoy! Bakit nakangiti kayo? Anong nangyari? Ang creepy niyo."

"Sh*t! Sh*t!"

Napausog ako nang biglang nagsalita si Ashley at ang ngiti niya ay abot na abot na hanggang tenga.

Agad ko siyang binatukan. "Ano ba? Baliw ka ba?"

"Omg talaga! As in omg!" masigla niyang sambit. "Hindi ako makapaniwala!"

"Ano ba 'yon?" nagtataka kong tanong.

"Ang pogi niya! Makalaglag panty talaga e, parang feeling ko nga nasa tuhod ko na panty ko kung hindi lang ako naka-short sa loob," natatawang sabi ni Ashley.

"Sabi ko naman sa'yo eh! Ngayon ko lang din siya nakita ng gano'n kalapitan! Grabe talaga!" Tumili si Diana at sinundan naman iyon ni Ashley.

"Ang ingay niyo! Mamaya ay marining tayo ng mga guests sa labas at isipin nila na may baliw dito kahit totoo naman," inis kong wika sabay ikot ko ng mata sa kanila.

"Hindi mo lang siya nakita kaya gan'yan ka!" pang-aasar ni Diana sabay labas niya ng dila niya.

"Sino ba kasi tinutukoy niyo?" kunot noo kong tanong sa kanilang dalawa.

"Si Sir Kendrix!" sabay nilang sagot habang nakangiti sila ng matamis.

"Huh? Nagkakaganyan kayo dahil nakita niyo si Sir Kendrix? Hindi ba ang OA ninyo?" naguguluhan kong tanong sa kanila.

Pinalo ako ni Ashley. "Manahimik! Hindi mo kasi alam kung gaano siya kagwapo tapos ang bango niya pa! Hindi mo kami masisisi kung bakit ganito ang reaksyon namin."

"Tama! Ganito rin ang mga naging reaksyon ng mga ilang nakakita sa kan'ya at kaya mas ginanahan silang pumapasok dito dahil kay Sir Kendrix. Ngayon alam na namin ni Ashley ang feeling!"

Nagtinginan silang dalawa sabay tili at apir pa sa isa't isa. Na out of place ako bigla nang dahil hindi ko lang nakita si sir Kendrix. Napatulala tuloy ako at iniisip kung ano ba talaga ang hitsura niya at ganito ang nagiging epekto ng mga taong nakakakita sa kan'ya.

"Oh ano? Curious ka na ba?" pang-aasar ni Ashley.

"Actually yes, pero hindi naman ako magiging gan'yan ka OA katulad ninyo kapag nakita ko siya. Tao rin siya," saad ko.

"Hindi mo sure ate ko! Baka mas malala pa ang reaksyon mo sa amin kapag nakita mo ang isang Kendrix Harrison!" Sabay muli sila ni Ashley na tumili sa sobrang kilig nila kaya napaikot na lamang ako ng mata.

"Parang gusto ko ulit tuloy siyang makita," sabi ni Ashley.

"Ako nga rin e! Parang gusto ko na lang maging secretary niya para araw araw ko siyang makita at mapalapit sa kan'ya," sagot naman ni Diana habang nakatingin sa kawalan.

"Asa!" Agad akong tumayo. "Tumayo na rin kayo diyan at ilang minuto na lang ay mag-start na ang duty natin."

"Itayo mo kami," utos sa akin ni Ashley.

"Bahala nga kayo diyan," sagot ko.

Akmang aalis na sana ako nang nagsalita muli si Diana. "Ayaw mo? Ililibre ka pa naman namin ng blueberry cheesecake, right Ash?"

"Yeah! Kaya lang ayaw naman niya."

Muli ko silang nilingon at binigyan nila ako ng malawak na ngiti habang ginagalaw nila ang dalawa nilang kilay. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila.

"Ako naman kasi hindi mabiro, syempre joke lang 'yon," nakangiti kong wika.

Sabay nilang inilahad ang kamay nila sa akin para maitayo ko na nga sila at nang hawakan ko na ang tag-iisa nilang kamay lalo silang napangiti ng abot tenga.

Bigla kong pinagsalubong ang kamay nila dahilan para masaktan ang kamay nilang dalawa na nakataas kanina. Ngumiti ako ng matamis sa kanila.

"Ouch!" daing ni Ash habang masamang nakatingin sa akin.

"Aray! Ang sakit ah!" bulalas ni Diana.

"Uutuhin niyo pa ako ah! Tumayo kayo mag-isa ninyo mga OA! Nakita lang si Sir Kendrix eh nanghina na, akala niyo naman talaga napakagwapo," sambit ko.

"Sige ah! Kapag 'yan kinain mo sinasabi mo kurutin ka namin ni Diana!"

Umiling ako habang naglalakad na nakatalikod sa kanila. "Asa."

Tuluyan na nga akong lumabas ng break room at iniwan na ang dalawang OA doon. Ewan ko ba bakit ang OA nilang dalawa gigil ako! Sure naman ako na hindi gano'n ang magiging reaksyon ko kapag sakaling nakita ko si Sir Kendrix pero mas lalo akong na curious sa mukha niya ah. Ano ba kasing meron sa lalaking 'yon? Nagiging mas interesado akong makita siya.. pero inaamin ko rin naman na nakaramdam ako nang inggit nang malamab kung nakita nila si Sir Kendrix. Hays! Sa tingin ko lahat yata kami na empleyado rito ay gustong-gusto siyang makita pero ang hirap niyang makita.

Umiling na lamang ako at pinilit ko na ibahin ang nasa isip ko. Pumunta na ako sa front desk bago pa umalis si Hannah na kapalitan ko dito. Ngumiti ako ng matamis nang makapunta na ako doon.

"Good morning!" bati ko sa kanilang lima.

"Hello! Good morning!" masigla nilang bati sa akin.

"Ano ba 'yan! Fresh na fresh pa rin kahit ilang hours ang duty!"

"Syempre naman may inpirasyon," masayang sabi ni Hannah.

"Oo, kilala na namin kung sino! Si Sir Kendrix 'yan 'di ba?" pang-aasar ni Alex.

"Che!" sambit ni Hannah sabay yuko at napansin ko ang pagngiti nito.

"In love na naman kay Sir Kendrix kahit minsan lang niya nakita," natatawa kong saad.

"Ay, Stella! Kung alam mo lang kung gaano siya kagwapo baka malaglag panga mo!"

Tumawa naman ako. "Si Diana sabi niya makalaglag panty tapos ikaw naman makalaglag panga?"

"Totoo kasi 'yon! Maniwala ka sa amin!"

"Bakit kasi mas gusto mo si Sir Kendrix? Nandito naman ako, lagi mo pang nakikita at nakakatabi. Tumesting ka sa akin malay mo naman mag-work," nakangiting wika ni Alex kay Hannah.

Tinusok ni Hannah ang noo ni Alex gamit ang hintuturo niya at tinulak iyon. "Manahimik ka no? Kung ayaw mong lagyan ko ng shoe glue 'yang labi mo."

Sabay sabay naman kaming nagtawanan kahit silang dalawa. Wala naman pikunan eh at iyon ang maganda sa samahan namin kaya nakakagana rin na magtrabaho dito dahil sa mga kasamahan. Walang ilangan, selosan o inggitan kaya naman ginaganahan din ako pumasok araw araw.

Ilang sandali lang ay umalis na sila at kami na nila Ashley ang nandito ngayon. Ginawa na namin ang work namin ngayon na may mga matatamis na ngiti sa labi dahil iyon talaga ang isa sa kailangan namin gawin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Go Deeper (SPG)   Chapter 48 The birthday party

    Sumapit na nga ang gabi, at pwede humuhupa na rin ang galit at inis ko sa isang tao. Kasama ko si Ashley na naghihintay ng bus na masasakyan ko pauwi sa bahay. Hindi ko kasi nadala ang kotse ko. Di Ashley naman ay ayaw akong iwan hangga't hindi pa ako nakakasakay kata hinayaan ko na lang din siya. "Ayaw mo ba talagang sumabay sa akin? Ihahatid kita sa inyo. Mukhang matagal pa 'yong bus eh, halos magkakalahating oras na tayong naghihintay," naiinip niyang wika. "Hay naku, Ashley. Sinabihan na nga kasi kita na mauna ka na at kaya ko naman ang sarili ko," sagot ko. "Hindi naman kita pwedeng bastang iwan lang no?" "Okay lang talaga ako." "Bakit ba kasi ayaw mong sumabay sa akin?" tanong niya. "Ayoko nang abalahin ka pa." "Hindi abala ang paghahatid sa'yo ah? Mas gusto ko pa ngang ihatid ka kaysa hayaan kitang mag-isang umuwi. Gabing-gabi pa naman din," pag-aalala niyang wika. "Sige ganito na lang, kapag makalipas ang limang minuto at wala pang bus, sasabay na ako sa'yo."

  • Go Deeper (SPG)   Chapter 47 The girl that night

    "Dad, what are you talking about?" inis niyang sambit. Dahan-dahan ko siyang tinignan at nakita ko na halos magkasalubong na ang kilay niya sa galit. "You heard me right, Kendrix. Hindi mo siya pwedeng sisantihin," madiin niyang sagot. "What? Why?!" "Because Stella is one of our best employees here, we can't lose her. She has a big potential at alam kong magaling siya," seryoso niyang sabi. Huminga siya ng malalim. "Okay, let's say na magaling o may potential siya dad pero hindi lang iyon ang basehan. She doesn't have respect and manner! I don't want to tolerate that kind of personality! Imagine, she was talking with me like I'm not his boss," inis na inis niyang wika. Napatingin naman sa akin si Sir Harrison habang hindi niya ginagalaw ang ulo niya, tanging mata lang niya ang gumalaw. "Is that true, Miss Stella?" Sa puntong iyon, mas ramdam ko ang kaba ko lalo na si Sir Harrison na ang nasa harap ko at tinatanong na ako sa aksyon kong alam kong mali. "Ah, sorry sir pero

  • Go Deeper (SPG)   Chapter 46 Judgement

    "Bakit po sir?" bungad na tanong ni Sean na puno ng pagtataka nang maiayos niya ang tayo niya. "This isn't the place for your little flirting games. If you want to fool around with each other, take it somewhere else, not here," cold na wika nito sabay hakbang niya para layuan na kami. Napakunot ako ng noo at hindi na ako nakapagtimpi kaya sumagot ako habang tumatayo ng dahan-dahan. "With all due respect sir, he was only trying to help me after I tripped. Please don't make it into something it's not." Huminto siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon. "Go to my office, now," kalmado niyang sagot. Hindi ako umimik at saka naman na kaagad lumapit si Ashley sa akin na may pag-aalala sabay hawak niya sa braso ko. "Stella, you shouldn't say that. Dapat nag-sorry ka na lang at mas ginalangan mo ang sinabi mo." "What?" naguguluhan kong tanong. "Ano bang mali sa sinabi ko? Eh wala namang halong pambabastos diyan at saka sinabi ko lang ang totoo." "I said go to my office, now!" bu

  • Go Deeper (SPG)   Chapter 45 Tapik

    Makalipas ang ilang oras, nagkaroon kami ng coffee break pero hindi na umalis sina Sean at Zack sa front desk dahil sobrang daming guests na dumadating. Hindi na rin sana kami aalis pero pinilit nila kaming magpahinga kasi 15 minutes lang kaya sinunod na lang din namin sila. Pumunta kami ni Ashley sa break time room namin. "Stella, tapatin mo nga ako," bungad niyang wika pagkasara na pagkasara niya ng pinto. Pagod na pagod akong naupo sa lazy air chair. "Ano na naman ba 'yon?" "May something ba sa inyo ni Sir Kendrix?" "Hoy!" Napatingin ako kaagad sa paligid na may cctv. "Nababaliw ka na ba? May mga cctv dito!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa naman naaaprubahan nila Sir Harrison ang pagkakaroon ng cctv na may microphone kaya safe pa. Hindi pa nila maririnig ang usapan natin kaya sabihin mo na," sambit niya. Huminga ako ng malalim dahil na rin sa sobrang kaba ko na akala ko ay napalitan na ang cctv. "Walang something sa amin, okay?" "Hindi ko lang kasi magets kung bakit k

  • Go Deeper (SPG)   Chapter 44 Panyo

    Pagkalabas ni Sir Kendrix, agad na akong naghilamos. Bahala na kung matagal ang make up ko pero hindi kasi pwedeng wala akong ayos lalo na receptionist ako. Naghilamos ako at kumuha ng tissue at pinagmunas ko sa aking mukha. Pagkalabas na pagkalabas ko ng cr, agad na may tumawag sa pangalan ko. "Ms. Stella!" sigaw niya. Agad akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Ryan na halos patakbong lumalapit sa akin. "Hello po, Sir Ryan. Bakit po?" "Here po." May inabot itong navy blue na panyo na nakatupi na. Nagtataka akong napatingin sa kan'ya. "Po? Bakit po ito?" "Ah, pinapabigay po ni Sir Kendrix. Ang sabi kasi niya nalaglag mo raw kaya inutusan niya po akong ibalik ito sa inyo. Sabi niya nasa male's comfort room ka kaya inabangan kitang makalabas," tuloy-tuloy nitong sagot. Napakunot ako ng noo sa pagtataka. "Eh hindi naman sa akin 'to Sir Ryan," natatawa kong wika. "Baka nagkamali lang si sir." "Hindi ko po alam eh pero pinapabalik niya kasi sa'yo," sagot niya. "Sabi ni

  • Go Deeper (SPG)   Chapter 43 Epic

    12:55 na kaya bumalik na kami kaagad sa front desk. Hindi ko masyadong na-enjoy ang pagkain ko hindi dahil magmamadali, kundi dahil sa mga rebelasyon ngayon. Pinipilit ko naman na kalimutan pero mahirap pa sa ngayon. Nakakainis lang dahil kahit gusto ko nang kalimutan at huwag nang isipin, hindi ko pa magawa. Naiinis din ako sa sarili ko. "Stella, huwag mo na lang masyadong isipin. Alam kong fresh pa pero huwag kang magpapaapekto," pag-aalalang sambit ni Ashley sabay tapik niya sa balikat ko. "Oo naman. Kaya ko 'yan," natatawa kong sagot. "Oo, kaya ni Stella 'yan. Si Stella pa ba? At saka takot na lang talaga niya kapag nagpaapekto siya lalo na kapag nasa trabaho baka kasi mamaya nandiyan lang sa tabi-tabi si Sir Kendrix at mahuli kang nadadamay ang trabaho mo dahil sa personal issue mo," wika naman ni Zack. "Makakalimutan nga rin 'yong mga mokong na 'yon," sabi ni Sean na halata ang inis sa tono. "Huwag kayong mag-alala. Okay lang ako at saka gusto ko rin talaga mag-focus s

  • Go Deeper (SPG)   Chapter 42 Possible reason

    "Ang kapal talaga ng mukha mo no? Proud ka pa sa mga kalokohan niyo ni Zander!" bulalas ni Ashley. "Wala kang pakialam!" sigaw din ni Diana. "Tapang ng hiya! Kakalbuhin talaga kita!" Nagpatuloy ang sakitan nilang dalawa. Ako, heto, hindi ko alam kung ano na ang susunod kong gagawin matapos an

  • Go Deeper (SPG)   Chapter 41 Unexpected affair

    "A-anong ginagawa niya rito?" nauutal at gulat kong tanong habang pinapanood silang nasa labas. "Zander? Anong rason niya para pumunta pa dito? At bakit siya pinuntahan ni Sir Kendrix at pinalabas pa ng kotse?" nagtatakang tanong ni Sean. "Mukhang hindi ito simpleng sitwasyon." "I knew it! Sabi

  • Go Deeper (SPG)   Chapter 39 Decision

    "Grabe! In front of me?" inis kong sambit habang pinapanood pa rin ang pag-alog ng kotse. "So shameless," rinig kong wika ni Sir Kendrix sabay iling nito. Nauna nang naglakad si Sir Kendrix na parang walang emosyon. Sumunod na ako sa kan'ya. Nasa likod niya akong naghihintay na magbukas ang ele

  • Go Deeper (SPG)   Chapter 8 Chasing

    Swerte pa rin kahit papaano dahil naabutan ko siya. Maingat akong kumatok sa bintana ng passenger seat niya at hindi ko naman siya makita sa loob dahil black na black ang bintana niya. Dinikit ko na nga ang mukha ko sa bintana para masilip siya pero hindi ko talaga makita. Hindi kk alam kung anong h

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status