Tumingin muna ako sa office niya. Wala akong makita talaga as in! Huminga ako ng malalim at parang gusto ko na lang din magpalamon sa hotel ngayon dahil sa kahihiyan. Unang pagkikita pero ganito pa nangyari! Sana na lang pala ay chineck ko na muna yong blueberry cheesecake ko sa break room bago ko kinuha ang pagmamay-ari niya. Hays, lesson learned talaga!
Hiyang-hiya akong naglalakad papalayo sa office niya. Habang naglalakad ako kay marinig akong nagsalita na boses lalaki.
"Hey!" sigaw nito.
Napalingon ako kaagad sa likod ko. Nakita ko si Sir Kendrix na nakatayo sa may tapat ng office niya. Nakapamulsa ito habang nakatayo ng tuwid at nakatingin sa aking direksyon.
"Po?" sagot ko at humakbang ako.
"Stop right there!"
Napahinto ako kaagad at umayos ng tayo. Mukhang mapapagalitan yata ako nito. Akala ko ba papalagpasin niya ito? Parang kailangan ko na yatang lumuhod sa harap niya.
"Next time, don't just take what isn't yours. You ruined my mood today!"
Napalaki ako ng mata. "Iyon lang ba ang sasabihin niya kaya niya ako tinawag ulit?" bulong ko sa sarili.
"Just because of that, sir?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kan'ya. Medyo inis din kasi nag-sorry na nga ako tapos hindi pa siya tapos magsalita.
"What do you mean just because of that?" Ramdam ko na ang inis sa tono ng boses niya. "I don't like that kind of person. Taking who isn't theirs."
Huminga ako ng malalim. "Sir, it was just accidentally. It's not on purpose and I'm really sorry for my action about that."
Napansin ko ang paggalaw ng ulo niya sa kabilang side. "My mood was good earlier before I saw you but now, you ruined it!"
"Sorry po," paumanhin ko sabay yuko.
Ilang segundo siguro nakayuko at wala na akong narinig na nagsasalita kaya naman dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at nakita kong wala nang Kendrix Harrison sa harapan ko. Mga 15 na hakbang siguro ang pagitan namin kaya I'm not sure kung naririnig ng CEO at iba pang officers ang usapan namin dito sa hallway pero I'm sure naman hindi dahil hindi naman magsasalita ng gano'n si Sir Kendrix kung maririnig nila kami.
Huminga ako muli ng malalim at tumalikod na at nagsimula na muling maglakad. Hindi ko akalain na maiinis ako sa senior manager na iyon! Totoo nga rin ang sinasabi nila na masungit, cold at istrikto siyang tao. Veru untouchable man din siguro ito pero who knows? Baka naman womanizer din pala siya?
Mabilis na akong bumalik sa break room. Nandoon nga talaga ang blueberry cheesecake. Pagkasilip ko ay bumalik na ako kaagad sa front desk.
"Hays! Finally, nandito na siya!" bungad na wika ni Ashley nang mapansin akong nitong naglalakad papalapit sa kanila.
"Where have you been, Stella?" tanong sa akin ni Sean.
Lahat sila ay nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko. "Pinatawag ako ng CEO at nakausap ko na rin in person si Sir Kendrix."
Biglang nagbago ang reaksyon nila lalo na ang dalawa, si Diana at Ashley. Nagkatinginan pa nga sila ta halata sa kanilang mga mukha kung gaano sila ka-excited. Si Zack at Sean naman ay nagulat at na-excite rin pero hindi sila kasing OA ng dalawa kong kaibigan na abot tenga ang ngiti.
"You already talked to him?!" gulat na tanong ni Zack.
Tumango ako. "Yes."
"H-how?" tanong ni Sean na nakakunot ang noo.
"Anong pinag-usapan ninyo?" tanong ni Ashley habang nakangiti.
"Swerte! Tagal ko nang nagwo-work dito pero hindi ko pa nakakausap ang senior manager dahil bihira lang 'yon makiusap lalo na sa mga empleyado niya." Nag-pout naman si Diana.
"Accidentally din kasi," sagot ko. "Let's just talk about it later after ng duty natin."
Sabay sabay silang tumango at nag-ayos na nga ako para makapag-work na rin ako. Hindi rin kasi pwede ang nag-uusap habang nasa trabaho pero ewan ko ba bat ang kukulit namin at nag-uusap pa rin ang lakas pa namin dahil nasa front desk kami. Mabuti na lang at hindi nahuhuli.
Baka kung ang mismong senior manager ang nakahuli sa amin baka siguro wala pang segundo ay tanggal na kami sa trabaho. Gano'n talaga siya kasungit at strikto. May mga takot silang makita o makausap si Sir Kendrix pero sa kabila no'n ay gustong-gusto rin nilang makita sa taglay niyang kagwapuhan at kasikatan. He's really handsome and so attractive! Laglag panga at panty talaga pero nakakainis ang ugali. Hmmp!
MAKALIPAS ang ilang oras tapos na ang duty namin. 8pm na ng gabi kaya naman nandito na rin ang ibang receptionist na kapalitan namin.
"Anong balita? Nakita niyo ba ngayong araw si Sir Kendrix?" nakangiting tanong ni Julia.
Umiling ang dalawang lalaki. "Hindi e."
Sabay na nagtaas ng kamay si Diana at Ash.
"Kami na kita namin pero saglit lang nakasalubong lang namin siya ang bango nga e parang gusto kong amoy-amuyin," nakangiting sabi ni Ashley at nagkukunwari pang sumisinghot.
"Hala! Ang swerte! Sana this time ako naman ang makakita kay Sir Kendrix pero sana 'yong good term ah hindi iyong magkikita kami e galit agad ang ibubungad niya sa akin," naka-pout na sabi ni Angel.
"Aray!" sagot ko.
Lahat sila ay napatingin sa akin.
"Bakit?" nag-aalalang tanong ni Sean sa akin. "Okay ka lang? Anong masakit?"
"Natamaan ako doon ah! Gan'yan kasi ang pagkikita namin ni Sir Kendrix kanina," natatawa kong sagot.
Nakarinig ako ng tunog mula sa likof ko kaya napalingon ako kung nasa'an si Sean at Zack. Nakita kong nasa may bandang mukha ni Sean ang hawak na folder ni Zack at mukhang pinalo ito ng Zack sa kan'ya sa ulo dahil sa ulo nakahawak si Sean.
"OA ka! Basta talaga kapag kay Stella natatanggal angas mo no?" pang-aasar nito.
"Syempre si Stella 'yan e." Ngumiti siya sabay tingin sa akin.
Napasabay ako sa ngiti nito. "Baliw!"
"Kinilig!" Binanggad ako ng balakang ni Diana na may halong pang-aasar.
"Huwag nga kayong ano!" suway ko sa kanila.
Pogi rin kasi si Sean. Killer smile siya na kapag ngumiti siya ay mapapanganga ka na lang kaya nga halos lahat ng guests namin na babae 'yong mga kasing edad lang namin or mas matanda o mas matanda ng konti ay sa kan'ya lumalapit kapag wala siyang ibang inaasikaso na guest. Gan'yan kalakas ang dating ni Sean! Siguro ilang ligo pa baka tumapat siya kay Sir Kendrix pero iba rin kasi si Sir Kendrix eh, kakaiba siya.
"By the way, hindi mo pa nakukuwento sa amin iyong unang pagkikita niyo ni Sir Kendrix," sabi ni Zack.
"Ikwento ko kapag nasa break room na tayo," sagot ko.
"Sige tara na!" yaya agad ni Diana.
Kakasabi ko palang ay nagmamadali na sila kaya naman wala na akong magawa nang si Ashley at Diana na ang mismong naghila sa akin papasok sa breaktime room. May magagawa pa ba ako? Eh hawak na nila dalawa kong kamay tapos ang bilis pa nilang maglakad.
"Ingat kayo," rinig kong sabi ni Sean mula sa likod namin.
"Ingat kayo o si Stella lang?" pang-aasar na tanong ni Ashley sa kan'ya.
"Tatlo kayo," sagot niya sa kalmadong boses.
"Aysus!" sabay nilang sabi ni Diana.
"Alam niyo, tigilan niyo na si Sean sa pang-aasar ninyo! Nakuha pang mang-asar ng dalawang ito kahit hila hila na ako.. lakas niyo ah!"
"Kami pa ba? Bilib ka na naman e," sabi naman ni Ashley.
Hindi ko na lamang sila sinagot dahil baka mas lumalim pa ang usapan at saan pa mapunta. Itong dalawa kasing ito ay mapang-asar at detective rin.
"Ang kapal talaga ng mukha mo no? Proud ka pa sa mga kalokohan niyo ni Zander!" bulalas ni Ashley. "Wala kang pakialam!" sigaw din ni Diana. "Tapang ng hiya! Kakalbuhin talaga kita!" Nagpatuloy ang sakitan nilang dalawa. Ako, heto, hindi ko alam kung ano na ang susunod kong gagawin matapos ang rebelasyon na ito. Nakakatindig balahibo na nakakadiri. Ngayon alam ko na ang lahat, nasagot na ang laging tumatakbo sa isip ko. Niloko nila ako ng 7 months na wala man lang akong kaalam-alam. Habang pinapatunguhan ako ni Diana ng maganda noon, inaahas na niya pala ang boyfriend ko. Mabuti na rin na malaman ko na at least pinutol ko na ang lahat ng ugnayan ko sa kanila kahit masakit. "Manloloko! Akala mo kinagwapo mo 'yan?" inis na sambit ni Sean. "Huwag kang mag-alala, ito naman ang gusto mo 'di ba? Oh heto, wala na talaga kami kaya malaya ka nang makakalapit kay Stella!" "Stella doesn't deserve you! Sa tingin ko nga ikaw ang pinakamaling nakilala ni Stella!" sigaw nito sabay suntok
"A-anong ginagawa niya rito?" nauutal at gulat kong tanong habang pinapanood silang nasa labas. "Zander? Anong rason niya para pumunta pa dito? At bakit siya pinuntahan ni Sir Kendrix at pinalabas pa ng kotse?" nagtatakang tanong ni Sean. "Mukhang hindi ito simpleng sitwasyon." "I knew it! Sabi ko na eh, si Zander talaga ang nakita ko kahapon. Bakit nandito na naman siya?" nagdududang tanong din ni Ashley. Punong-puno kami ng tanong sa aming isip. Hindi namin alam kung anong nangyayari. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang may ma-realize ako. Si Diana ay sakay daw ng puting kotse at si Zander naman ay nakasakay sa puting kotse. Hindi ko rin kilala ang kotse na ito, pero pamilyar ito sa akin dahil ito rin yata ang nakita ko kahapon na umaalog sa underground parking lot. Ano ba talaga ang meron? "OMG! Sir Kendrix! Zander!" histerical na sabi ni Diana habang nanginiginig. Pinahawak ni Sir Kendrix si Zander sa dalawang guard na nasa labas at agad naman silang umaksyon. Agad
Lumabas na rin ako ng conference room at dumiretso sa break room. Naabutan ko si Ashley at Diana na nagbabangayan na naman. "Sabi ko na eh, ikaw talaga ang may gawa!" bulalas ni Ashley. "Eh ano naman?" mataray na tanong ni Diana. "Tingnan mo napala mo ngayon," natatawang sabi ni Ashley. "Akala mo kasi magtatagumpay ka sa mga plinaplano mong masasam, well, sorry hindi ka nagtagumpay." "Okay lang, at least napagalitan si Stella sa harap ng VIP guest kaya for sure mawawalan na siya ng tiwala kay Stella." "Hindi ka ba nahihiya? Sinisira mo image mo?" singit na sambit ko. "Oh, hi Stella! Nandito ka na pala," malambing na sambit ni Diana na may halong pang-aasar. "Sa sagot sa tanong mo, bakit ako mahihiya? Walang dapat ikahiya. Satisfying nga eh kahit na tinanggal na ako." "Deserve mo 'yan. Masyado ka kasing inggiterang palaka." Napatingin si Diana kay Ashley at humakbang ng kaonti. "Excuse me? Ako inggitera? Ano naman ang ikaiinggit ko sa inyo at lalo na kay Stella? Eh wala
"Grabe! In front of me?" inis kong sambit habang pinapanood pa rin ang pag-alog ng kotse. "So shameless," rinig kong wika ni Sir Kendrix sabay iling nito. Nauna nang naglakad si Sir Kendrix na parang walang emosyon. Sumunod na ako sa kan'ya. Nasa likod niya akong naghihintay na magbukas ang elevator dito sa baba ng parking lot. Wala pang dalawang minuto, nakarinig ako ng mga hakbang na halatang naka-heels. Paglingon ko, nakita ko si Diana na nakayuko habang inaayos ang butones ng navy blue niyang coat. Napansin ko rin na dahan-dahan na napatingin si Sir Kendrix sa direksyon niya. Ngumisi ito habang tinitingnan niya si Diana ng taas baba. "Done doing your thing?" Napatingin si Diana sa direksyon namin halata ang pagkagulat niya. Hindi niya alam ang gagawin niya na parang gusto niya pang umatras o lumiko pero wala na siyang takas. At halata sa kan'ya na siya ang nasa kotse kanina. Ngumiti siy ng pilit. "Hello po sir, what do you mean po?" "I think you already reduced your st
It's already 4 in the afternoon. 2 hours na lang uuwi tapos na ang duty namin. Nakapag-report na kami sa HR after confrontation with Diana. Ine-expect ko na pupuntahan ako ni Sir Kendrix para tanungin ako kung naayos ko na ang gulo pero hindi niya ako pinuntahan at hindi rin ako nag-abala na puntahan siya sa office niya. Hinayaan ko lang. Ang mahalaga nakapag-report na kami ni Ashley. Hindi ko alam kung anong gagawin nilang actions pero binigyan nila kami ng assurance na magfo-focus sila sa nangyari dahil iyon din daw ang sinabi ni Sir Kendrix sa kanila kahapon. Ilang sandali lang ay napansin kong naglalagay ang secretary ni Sir Kendrix papalapit sa front desk. "Ms. Stella and Ms. Diana, after your shift which is exactly 6 pm, kindly go straight to the conference room 1. The two of you will going to have a meeting with the CEO and with the senior manager," direktang wika nito. "Ah sige po," sagot ko. "That is noted po," sagot naman ni Diana. Hindi ko pa rin mapigilan na hindi
Ilang sandali pa ay bumalik na si Ashley na walang kaalam-alam sa nangyari. Nang mapansin niyang iba ang awra ko, mabilis niya akong nilapitan. "Stella, what's wrong? Umalis lang ako sandali iba na ang awra mo," nag-aalala niyang tanong sa akin. "Samahan mo akong kausapin ang IT mamaya aftwr duty. Kailangan ko talagang malaman kung paano nagkaroon ng double booking na under pa ng pangalan ko," walang gana kong sagot. "What?! Paano naman nangyari 'yon?" gulat niyang tanong. "Hindi ko rin alam at kailangan ko talagang alamin. Sa VIP guest pa talaga at narinig pa ni Sir Kendrix kaya he's giving me time until tomorrow morning para maayos ito, kaya mukhang mag-sstay pa ako dito ng ilang oras." "Sige, sasamahan kita. Kailangan talaga malaman 'yan kasi sobrang laki niyan. Mamaari kang mawalan ng trabaho. Kahit ang CEO na gustong-gusto ka, wala siyang magagawa kundi paalisin ka," inis nitong sambit. "Kaya nga eh." Bago matapos ang duty namin, chineck ko muna ulit ang system haba