LOGINNaguguluhan ako habang nakasakay sa elevator dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit parang ang random naman kung bigla na lang niya ako pinatawag dahil nakita lang niya ako sa cctv. Wala rin talaga akong idea..
"May nagawa ba akong mali?" Napaisip ako bigla.
Pagka-stop sa floor kung saan ako galing kanina ay huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng elevator. Nasa pinakadulo ang office ng senior manager. Ni kahit minsan ay hindi pa ako nakakapasok dito at first time ko lang ngayon. Nakikita ko lang ito kapag umaakyat ako dito kapag pupunta ako sa kabilang kuwarto ng offixe niya or hindi naman kaya kapag napapsilip ako kaya rin talaga akong ideya kung anong meron sa loob maliban sa napakasungit at striktong senior manager.
Kumatok ako sa sliding door niya na itim na itim at kahit sumilip ay hindi makikita ang loob. "Grabe naman ang pagka-introvert niya."
Ilang beses akong kumakatok pero hindi pa rin ako makapasok hangga't walang permission sa akin kaya nananatili lang ako sa labas at naghihintay na mabuksan ang pinto o marinig ang permission niya na pwede ako pumasok sa loob.
"Sir? Excuse me po, pinapatawag niyo raw po ako?" tanong ko habang kumakatok.
Napatingin ako sa hawak na blueberry cheesecake at parang gusto ko na ulit kainin pero hindi ko magawa dahil mamaya ay maabutan ako ni Sir Kendrix na kumakain nakakahiya naman pero nakakahiya rin kasi kung ipapasok ko ito sa loob. Tumingin tingin ako sa paligid para ilagay ko na muna ito doon at saka ko na lang ulit kukunin kapag nakausap ko na si Sir Kendrix.
Naisip ko na ilapag na lamang ito kung saan ko ito nakuha kaya namna dali dali akong naglakad habang hindi pa ako nakakapasok sa loob ng opisina ni Sir Kendrix.
"Ay!" Agad akong napaatras sa bilis kong maglakad.
Bigla na lang kasing may humarang sa akin na lalaking nakatalikod na nakasuot ng navy blue long sleeve polo na at pantalon na itim. Hindi ko ito napansin pero mukhang galing siya sa CEO's office nang tingnan ko ang paligid.
"Are you Stella?" mahinahon niyang tanong sa akin. Ang lamig ng boses niya na feeling ko ay giginawin ng wala sa oras.
Tumango ako kahit hindi niya ito nakikita. "Yes sir."
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Unti-unti itong humarap sa akin at hindi ko inaasahan na unti-unti rin manlalaki ang mata ko nang makita ang hitsura niya. Isang gwapong lalaki na ang hirap iwasan na hindi mapatingin sa kan'ya parang gusto ko na lang siyang titigan magdamag sa taglay niyang gwapo. Napaka-attractive niya, hot, makalaglag panga at panty! I'm sure na ito ang senior manager na si Sir Kendrix! Tama nga sila! Totoo ang epektong dala kapag nakita siya in person. Ang gwapo! Gusto kong sumigaw. Nakabukas pa ang dalawa niyang butones sa polo niya kaya medyo kita ang maputi niyang dibdib.
Walang emosyon siyang nakatingin sa akin at nang mapansin niyang napatulala ako sa kan'ya ay tinaas naman niya ang dalawa niyang kilay at binigyan niya ako ng nagtatakang tingin. Pinagdikit niya ang dalawa niyang palad dahilan para magbigay ito ng malakas na tunog para bumalik ang diwa ko.
"S-sorry po," paumanhin ko at yumuko sabay pasimpleng ngumiti.
"Give me that," sambit nito.
Inangat ko ang ulo ko habang pinipigilan kong kiligin. Grabe kasi ang tingin niya nakakalusaw tapos nakatingin pa siya mismo sa mga mata ko. Sino ba ang hindi malulusaw diyan tapos ang gwapo pa.
"A-ang alin po?" nauutal kong tanong.
Hindi siya sumagot pero humakbang siya papalapit sa akin kaya naman sa paghakbang niya ay siya naman ang pag-atras ko. Inaamin ko sa ginagawa niya ay kinikilig ako dahil parang first time ko lang maranasana ito. Nakatingin lang siya sa akin samantala ako ay hindi makatingin sa kan'ya.
Hanggang sa makaabot kami sa dulo kung saan ang office niya. Napasandal ako sa glass wall kaya napatingin ako sa kan'ya at tiningnan naman niya ako hanggang sa labi ko. Nilagay niya ang isang kamay niya sa glass wall kaya ang ending parang mas malapit na ang mukha namin sa isa't isa.
"Give me that," muli niyang sambit habang nakatingin sa labi ko.
"Hmm?" naguguluhan kong tanong sa kan'ya. "Ano po 'yon?"
"What a great pretender!" Nag-smirk ito at tumingin sa right side niya.
Pogi!
"Kiss sir? You want me to give you a kiss?" nahihiya kong tanong pero nilakasan ko ang boses ko.
Bigla itong tumingin sa akin at napawi ang ngisi sa labi niya. Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin sabay taas ng dalawang kilay niya.
"Hmm? W-what? Kiss?!" hindi niya makapaniwalang tanong sa akin.
"Hindi po ba?" nahihiya kong tanong napakamot na ako sa ulo ko.
Tumawa siya ng mahina. "F*ck that! In your dreams. Why would I ask for a kiss from someone that I don't even know?" Tiningnan niya pa ako ng taas baba. Medyo nakakainis ah.
"Ay wow! Sorry naman po, sir! Hindi niyo naman po kasi nililinaw 'yong sinasabi ninyo puro na lang give me that, give me that," inis kong sambit. Napaikot na ako ng mata ko.
Ilang segundo lang ay parang natauhan ako bigla. Wala na akong narinig na salita mula sa kan'ya kaya dahan-dahan din akong tumingin s kan'ya at nakita kong nakatingin lang siya sa akin ng diretso at walang emosyon at naka-cross arm. Kahit binibigyan niya ako ng walang emosyon na tingin ay feeling ko gusto na niya akong balatan ng buhay.
Napahawak ako bigla sa bibig ko nang ma-realize ko ang sinabi ko. "S-sorry po sir.." paumanhin ko.
"Do you know who I am?" kalmado niyang tanong sa akin na may halong pananakot.
Tumango ako. "Y-yes sir." Feeling ko ay nanginginig na ang buong katawan ko.
"Do you want me to give you a punishment, huh?"
Bakit gano'n? Ang kalmado niyang magsalita pero nakakatakot siya na parang gusto ko na lang tumakbo ng mabilis papalayo sa kan'ya.
Umiling ako at tiningnan siya kahit na hindi ko siya matingnan ng matagalan ay pinilit ko ang sarili ko para lang hindi niya alo bigyan ng parusa.
"No sir."
Ngumisi ito. "Okay, next time you did that again, I'm really giving you a punishment. Luckily, I'm in a good mood right now, so I'll just skip this."
"T-thank you so much, sir!" Unti-unti akong ngumiti.
"Now give me my blueberry cheesecake," sambit niya.
Gulat ko siyang tiningnan. "Y-your blueberry cheesecake? Sa inyo po ba ito?"
"Kukunin ko ba 'yan if hindi sa akin?" masungit niyang tanong.
"As far as I know, this is mine sir."
Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"
"One of my colleagues gave me this and it's really the same."
"That's mine."
Umiling ako. "No sir."
Huminga siya ng malalim at nakita ko sa pisngi niya ang paggalaw ng dila niya sa loob. "Give it to me now. That's why I want to see you because I want you to give my blueberry cheesecake back! I even go to the security office just to see who took that. That's why you are here! Don't be an id*ot."
Sa inis ko na naman ay kinuha ko na lamang ang cellp ko na nasa may bulsa ko at dahil pinicturan ko ang blueberry cheesecake kanina ay iyon ang ipapakita ko kay Sir Kendrix.
"Tingnan niyo po ito, sir parehas na parehas po and tingnan niyo rin po ang date and time. This blueberry cheesecake is mine po," nakangiti kong paliwanag.
Bigla itong tumawa ng malakas. "Malabo na ba mata mo? Hindi mo ba nakikita na magkaiba? Magkaiba ang cut nila."
"Hmm?"
Mabilis kong pinagkumpara ang picture at ang hawak ko pero bago ko pa makumpirma ay nakatanggap ako ng tawag muna kay Diana.
"Hello?"
"Where are you? Mas dumadami na ang guests, we need you here now," bungad niyang sabi.
"Diana, can you go to the break room? Check mo lang kung nandoon ang blueberry cheesecake," utos ko.
"Why?" Halata sa boses niya ang pagtataka. "Hindi naman mawawala 'yon doon."
"Just check it."
"Okay fine."
Ilang minuto lang ay nagsalita muli ito. "Nandito, safe na safe. Bakit ba?"
"Sure ka?"
"Oo nga! Nasa'an ka ba? Halika na dito! Kapag nalaman ni Sir Kendrix na wala ka sa front desk lagot ka!"
"Sige sige papunta na." Agad kong pinatay ang tawag.
Dahan-dahan kong ibinulsa iyon habang nakatingin kay Sir Kendrix at nakangiti na may halong hiya.
"H-heto po," nauutal kong sabi sabay abot sa kan'ya. Halos mapayuko na ako sa hiya.
"Tss!" Umiling siya sabay ikot ng mata niya sa akin.
Mabilis siyang pumasok sa office niya at iniwan ako sa labas na hiyang hiya sa nangyari. Napahinga ako ng malalim sa kahihiyan.
"Sh*t! Nakakahiya ka talaga Stella!" bulong ko sa sarili ko habang nanggigigil.
Sumapit na nga ang gabi, at pwede humuhupa na rin ang galit at inis ko sa isang tao. Kasama ko si Ashley na naghihintay ng bus na masasakyan ko pauwi sa bahay. Hindi ko kasi nadala ang kotse ko. Di Ashley naman ay ayaw akong iwan hangga't hindi pa ako nakakasakay kata hinayaan ko na lang din siya. "Ayaw mo ba talagang sumabay sa akin? Ihahatid kita sa inyo. Mukhang matagal pa 'yong bus eh, halos magkakalahating oras na tayong naghihintay," naiinip niyang wika. "Hay naku, Ashley. Sinabihan na nga kasi kita na mauna ka na at kaya ko naman ang sarili ko," sagot ko. "Hindi naman kita pwedeng bastang iwan lang no?" "Okay lang talaga ako." "Bakit ba kasi ayaw mong sumabay sa akin?" tanong niya. "Ayoko nang abalahin ka pa." "Hindi abala ang paghahatid sa'yo ah? Mas gusto ko pa ngang ihatid ka kaysa hayaan kitang mag-isang umuwi. Gabing-gabi pa naman din," pag-aalala niyang wika. "Sige ganito na lang, kapag makalipas ang limang minuto at wala pang bus, sasabay na ako sa'yo."
"Dad, what are you talking about?" inis niyang sambit. Dahan-dahan ko siyang tinignan at nakita ko na halos magkasalubong na ang kilay niya sa galit. "You heard me right, Kendrix. Hindi mo siya pwedeng sisantihin," madiin niyang sagot. "What? Why?!" "Because Stella is one of our best employees here, we can't lose her. She has a big potential at alam kong magaling siya," seryoso niyang sabi. Huminga siya ng malalim. "Okay, let's say na magaling o may potential siya dad pero hindi lang iyon ang basehan. She doesn't have respect and manner! I don't want to tolerate that kind of personality! Imagine, she was talking with me like I'm not his boss," inis na inis niyang wika. Napatingin naman sa akin si Sir Harrison habang hindi niya ginagalaw ang ulo niya, tanging mata lang niya ang gumalaw. "Is that true, Miss Stella?" Sa puntong iyon, mas ramdam ko ang kaba ko lalo na si Sir Harrison na ang nasa harap ko at tinatanong na ako sa aksyon kong alam kong mali. "Ah, sorry sir pero
"Bakit po sir?" bungad na tanong ni Sean na puno ng pagtataka nang maiayos niya ang tayo niya. "This isn't the place for your little flirting games. If you want to fool around with each other, take it somewhere else, not here," cold na wika nito sabay hakbang niya para layuan na kami. Napakunot ako ng noo at hindi na ako nakapagtimpi kaya sumagot ako habang tumatayo ng dahan-dahan. "With all due respect sir, he was only trying to help me after I tripped. Please don't make it into something it's not." Huminto siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon. "Go to my office, now," kalmado niyang sagot. Hindi ako umimik at saka naman na kaagad lumapit si Ashley sa akin na may pag-aalala sabay hawak niya sa braso ko. "Stella, you shouldn't say that. Dapat nag-sorry ka na lang at mas ginalangan mo ang sinabi mo." "What?" naguguluhan kong tanong. "Ano bang mali sa sinabi ko? Eh wala namang halong pambabastos diyan at saka sinabi ko lang ang totoo." "I said go to my office, now!" bu
Makalipas ang ilang oras, nagkaroon kami ng coffee break pero hindi na umalis sina Sean at Zack sa front desk dahil sobrang daming guests na dumadating. Hindi na rin sana kami aalis pero pinilit nila kaming magpahinga kasi 15 minutes lang kaya sinunod na lang din namin sila. Pumunta kami ni Ashley sa break time room namin. "Stella, tapatin mo nga ako," bungad niyang wika pagkasara na pagkasara niya ng pinto. Pagod na pagod akong naupo sa lazy air chair. "Ano na naman ba 'yon?" "May something ba sa inyo ni Sir Kendrix?" "Hoy!" Napatingin ako kaagad sa paligid na may cctv. "Nababaliw ka na ba? May mga cctv dito!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa naman naaaprubahan nila Sir Harrison ang pagkakaroon ng cctv na may microphone kaya safe pa. Hindi pa nila maririnig ang usapan natin kaya sabihin mo na," sambit niya. Huminga ako ng malalim dahil na rin sa sobrang kaba ko na akala ko ay napalitan na ang cctv. "Walang something sa amin, okay?" "Hindi ko lang kasi magets kung bakit k
Pagkalabas ni Sir Kendrix, agad na akong naghilamos. Bahala na kung matagal ang make up ko pero hindi kasi pwedeng wala akong ayos lalo na receptionist ako. Naghilamos ako at kumuha ng tissue at pinagmunas ko sa aking mukha. Pagkalabas na pagkalabas ko ng cr, agad na may tumawag sa pangalan ko. "Ms. Stella!" sigaw niya. Agad akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Ryan na halos patakbong lumalapit sa akin. "Hello po, Sir Ryan. Bakit po?" "Here po." May inabot itong navy blue na panyo na nakatupi na. Nagtataka akong napatingin sa kan'ya. "Po? Bakit po ito?" "Ah, pinapabigay po ni Sir Kendrix. Ang sabi kasi niya nalaglag mo raw kaya inutusan niya po akong ibalik ito sa inyo. Sabi niya nasa male's comfort room ka kaya inabangan kitang makalabas," tuloy-tuloy nitong sagot. Napakunot ako ng noo sa pagtataka. "Eh hindi naman sa akin 'to Sir Ryan," natatawa kong wika. "Baka nagkamali lang si sir." "Hindi ko po alam eh pero pinapabalik niya kasi sa'yo," sagot niya. "Sabi ni
12:55 na kaya bumalik na kami kaagad sa front desk. Hindi ko masyadong na-enjoy ang pagkain ko hindi dahil magmamadali, kundi dahil sa mga rebelasyon ngayon. Pinipilit ko naman na kalimutan pero mahirap pa sa ngayon. Nakakainis lang dahil kahit gusto ko nang kalimutan at huwag nang isipin, hindi ko pa magawa. Naiinis din ako sa sarili ko. "Stella, huwag mo na lang masyadong isipin. Alam kong fresh pa pero huwag kang magpapaapekto," pag-aalalang sambit ni Ashley sabay tapik niya sa balikat ko. "Oo naman. Kaya ko 'yan," natatawa kong sagot. "Oo, kaya ni Stella 'yan. Si Stella pa ba? At saka takot na lang talaga niya kapag nagpaapekto siya lalo na kapag nasa trabaho baka kasi mamaya nandiyan lang sa tabi-tabi si Sir Kendrix at mahuli kang nadadamay ang trabaho mo dahil sa personal issue mo," wika naman ni Zack. "Makakalimutan nga rin 'yong mga mokong na 'yon," sabi ni Sean na halata ang inis sa tono. "Huwag kayong mag-alala. Okay lang ako at saka gusto ko rin talaga mag-focus s
"Ayan! Mas gumanda ka pa lalo ngayon!" nakangiting wika ni Ashley."Sa tingin mo ba kaya ko pa rin magsaya ngayong gabi kung ganito naman nangyari sa akin ngayon?" tanong ko sa kan'ya habang diretso lang ang tingin ko sa kan'ya."Of course you can! Huwag mo muna isipin si Zander at magsaya ka ngayo
"Oh bakit? Hindi mo siya na abutan?" nagtatakang tanong sa akin ni Ashley."Hindi, kaya tatawagan ko siya ngayon," sagot ko habang kinukuha ang cellphone ko sa pouch ko."Ano ba? He's not Zander, bakit ba kasi pinipilit mo na siya 'yon?" mataray na tanong ni Dianna."Puwede ba dianna, manahimik ka
"What do you mean?" taas kilay kong tanong sa kan'ya na may halong pagtataka."I also get a glass of water and I told Ashley to get it for me cause I can't hold it since I'm also holding these two plates," paliwanag niya sabay taas niya ng dalawang kamay niya na pinapakita na may hawak siyang mga p
Nagkibitbalikat na lamang ako at napansin ko ang anim na tao na sabay sabay na lumabas ng restaurant. Parang pamilyar sa akin ang isang lalaki kaya sinundan ko siya ng tingin. Nakaakbay siya sa babaeng kasama niya at ingat na ingat siya dito.. hindi ko masabi kung sino siya pero feeling ko kilala k







