"Lenaaa!"
Kasabay ng sunod-sunod na katok sa pintuan ng kuwarto ni Yelena ay ang malakas na pagtawag sa kanya ng kaniyang tiyahin na si Ediza. Pupungas-pungas siyang tumayo at sinilip ang oras sa kanyang cellphone. 5:34am, ayon doon.She groaned. Napakaaga pa, susko!Ang tiyahin niya talaga oo. Magmula pa noong bata siya, ang gusto nito kapag gising na ito, gising na rin ang lahat. Hindi niya maaaring irason na puyat siya sa kapipinta dahil unang-una ay hindi naman ito sang-ayon sa propresyon niya. Ganoon rin ang uncle niya na katabi lang ang tinitirhan nila. Ani ng mga ito'y gutom ang inaabot ng mga pintor dahil mahirap magkapera sa pagpipinta. Bagay na hindi na niya sinalungat pa. Never naman siyang sumagot sa mga ito. Natapos niya lamang ang kurso niyang Fine Arts dahil sa pamimilit ng mama niya sa mga ito.Ang tiya niya na isang matandang dalaga at ang uncle niya na may dalawang anak ay parehong nakatatandang kapatid ng mama niya. Ang mga ito ang nagpalaki at nag-alaga sa kaniya habang nagtatrabaho sa ibang bansa ang mama niya. Kitchen manager ito sa isang restaurant sa Kuwait kaya pambihira niya itong makita at makasama."Lena!" muling tawag mula sa labas ng pinto.Nagmamadali at kabado siyang lumapit roon upang pagbuksan ang tiyahin. "Bakit po, Tiya?" tanong niya bago bahagyang yumuko bilang pagbati.Hindi ito gumanti ng pagbati bagkus ay walang kangiti-ngiti na nagpameywang. "May tawag ka sa telepono sa ibaba. Si Tyler na naman.""Sige po. Bababa na ako.""Pangalawang tawag niya na 'yon ngayong linggo. Hindi mo ba boyfriend ang anak na 'yan ni Marietta?""Hindi po.""Siguraduhin mo." Dinuro siya nito bago tumalikod at umalis.Doon lang siya nakahinga ng maluwag. Mula noon ay ganoon ang epekto nito sa kanya. May intimidating aura naman kasi talaga ang tiyahin niya na ultimo ang mga siga sa kanilang bayan, ang San Ignacio, ay takot rito. Idagdag pa na malaki itong babae, nakakasindak ang mukha, at hindi ngumingiti. Kilala ito sa buong Quezon Province dahil hindi ito nagpapatalo kahit kanino.Matapos ayusin ang sarili at hinigaan ay mabilis na siyang bumaba at dinampot ang telepono.Hindi nakatakas sa pansin niya ang matalim at mapanuring tingin ng tiya Ediza niya kaya walang kangiti-ngiti niyang kinausap ang nasa kabilang linya. "Hello, kuya Tyler?""Lena." Swabe itong tumawa. "Grabe, hindi nagbago ang auntie mo. Sobrang istrikto pa rin."Bahagya niya ulit sinilip ang tiyahin. Nakatayo pa rin ito at nakatingin sa direksyon niya. "Kaya nga eh," pabulong niyang sagot. "Bakit ka napatawag, kuya? At bakit dito ka pa tatawag? Pwede namang sa number ko.""Para lalong maasar auntie mo."Lena silently growled when Tyler laughed again. "Pasaway ka. Alam mo ba kung ano'ng oras lang dito, kuya?" Ang pagkakaalam niya ay nasa Canberra, Australia ito kaya iba ang kasalukuyang oras niya rito."Ewan."Gusto niyang tirisin ang kaibigan ng mga sandaling 'yon.Tiningala niya ang nakasabit na malaking bilog na orasan sa kanilang dingding. "5:39am."Nagpakawala ito ng naaaliw na tawa. "Alas otso na kasi ng umaga rito. Mi dispiace."Noon ay hindi niya naiintindihan ang iba't ibang lengguwaheng ginagamit nito. Ngunit dahil sa tagal na nilang magkaibigan, nakasanayan niya na ring intindihin.Ang huling binanggit nito ay nanghingi ito ng pasensya. She rolled her eyes. "Oo na.""Anyway, ang rason ng pagtawag ko, hindi ba noong isang araw na magka-chat tayo nabanggit kong gusto ni Anatheya magpa-pool party para sa birthday niya next week?" Napasapo siya sa noo. Nalimutan niya na 'yon. "Pinapatanong niya ngayon kung makakapunta ka. Uuwi ako. We'll stay overnight."Gusto niyang pumunta. Kaya lang... "Hindi pa ako nakapagpaalam kina tiya Ediza at tiyo Jimmy.""23 ka na, magpapaalam ka pa?""Alam nyo na ngang istrikto pamilya ko, di ba?""So you'll not come?"Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "Pupunta ako." Gusto niyang pumunta. Matagal na nang huli niyang makita ang mga kaibigan. At nitong huli, nakakaramdam siya ng rebelyon kontra sa mga tiyahin at uncle niya. Tila kahit tama ang lahat ng gawin niya, hindi pa rin sapat sa mga ito.Kahit napatunayan niya na sa mga ito na makakatapos siya ng pag-aaral at susunod sa bilin ng mga ito, tila mababa pa rin ang tingin ng mga ito sa kanya.Napapagod na siya."Pupunta ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Tyler, natatawa. "Ano gagawin mo? Tatakas ka—? Oh no, don't answer that. You are Yelena "the Good Girl" Montero. Hindi mo 'yon gagawin.""Basta. Gagawa ako ng paraan. Sige na.""You still have one week to think of an alibi."Alibi. Ganoon na nga. Tsk. "Yes, kuya.""I'll send you the invitation, days before Theya's birthday.""Okay, kuya.""Bye."Ibinabalik ni Lena ang awditibo nang magsalita sa likuran niya ang tiya Ediza niya. "Ano ang sabi?"Napahawak siya sa dibdib sa gulat. "Ano po..." Mabilis gumana ang utak niya. "Iniimbitahan ako ni kuya Tyler sa isang Art Exhibit at Workshop sa Manila next week, tiya." Patago niyang pinagkrus ang hintuturo at gitnang daliri kasabay ng piping paghingi ng tawad sa pagsisinungaling niya."Maynila? Masyadong malayo. Hindi pwede!"Naglakad papasok ng kusina ang kaniyang tiyahin pero sinundan niya ito. "N-Ngayon lang po ako aalis, Tiya. P-Pangako po, hindi ako lalabas ng bahay pagkatapos—""Hindi nga puwede!"Kumuyom ang magkabilang kamay niya dahil sa pagsigaw nito at sa pinipigil niyang emosyon.Hindi pwede! Hindi pwede! Mula noon ay ganoon ang linya nito. Lahat hindi pwede. Lahat bawal.Pumikit siya. Huminga ng malalim bago mahinahong sumagot. Nawala ang pagkautal bunsod ng nakatagong emosyon. "Dalawang araw at isang gabi lang po ako doon, Tiya.""Matigas ang ulo mo! Nanay mo na nga lang ang kausapin mo. Bahala ka kapag napahamak ka doon."Tumigil siyang sumunod rito.Ano ang isasagot niya? "Opo."Nakaingos itong tumalikod sa kaniya. At least naipaalam niya, 'di ba? Hindi nga lang siya pinayagan.Pabuntong-hininga siyang umupo sa malapit na sofa. Para siyang nanghina. Unang beses niyang magsinungaling sa tiyahin niya. Hindi niya alam pero imbes na makonsensya ay napangiti siya sa sarili niya.Nagawa niyang magsinungaling.Noon pa siya sinusulsulan ng mga kaibigan na suwayin ito dahil hindi na raw tama ang paghihigpit nito sa kanya pero hindi siya nakinig.Naaalala pa niya ang lahat. Project nila sa isang subject noon ang radio show at silang magkakaibigan ang magkakasama. At dahil kalahati sa kanila ay gustong unang makapasa sa guro at sadyang mga perfectionist, gabi na sila nakatapos. Bagay na hindi ikinatuwa ng tiya Ediza niya. Sa harap ng mga kaibigan niya ay tinawag siya nitong malandi at pinagtabuyan ang mga kaibigan niya. Linya nito'y "walang mga matitinong estudyante ang gumagawa ng project sa gabi."Nagalit noon ang mga kaibigan niya at mula noon ay lagi ng binubuwisit ang kaniyang tiyahin at sinusulsulan siyang suwayin ang mga bilin nito na sa tingin ng mga ito ay hindi na tama— halimbawa ay ang pag-attend ng Acquaintance Party, JS Ball, at kung anu-ano pa, pero hindi siya nakinig sa mga ito. Sumunod siya sa kaniyang tiyuhin at tiyahin. Naniniwala siyang magbabago ang tingin sa kaniya ng mga ito kapag nakatapos siya ng pag-aaral. Pero nagkamali siya. Kahit nagtapos siya ng may mataas na karangalan, hindi pa rin natuwa ang mga ito sa kanya. Para siyang nanlilimos ng atensyon at papuri na hinding-hindi kayang ibigay.Inis siyang tumayo at bumalik sa kaniyang kuwarto. Kumuha ng papel at ballpen at nagsimulang magsulat...Rebellion is normal for teenagers as part of early development. Even children who were raised in the church will go through rebellious stage. I thought I will not be included, but here I am. I'm not an exemption. Even good girls have shortcomings like everybody else.I have so many issues... no one cares.I think I'm missing something... no one understands.I want to try a lot of things... no one's there to help me out.Nilapag niya ang ballpen, sumandal sa pader, pumikit at tumingala. Hinayaan niyang tumulo ang isang butil ng luha.Kung hindi niya iisipin ang tiyahin at tiyuhin niya, ano ba ang gusto niyang gawin sa buhay niya? Ano ang gusto niyang maranasan?Well... Bigla siyang napadilat at umayos ng upo. There is one thing she really want to try.Mabilis gumana ang mga kamay niya upang magsulat.List number one. Pumasok sa isang bar.Bigla niyang binitiwan ang panulat at inilayo sa kanya ang papel.Bar? Seriously, Lena?God, nababaliw na siya.Pinilas niya ang papel na sinulatan, tinupi sa apat tsaka isikusok sa loob ng wallet niya.SA loob ng drawing room, itinuloy ng mag-anak ang aminan ng mga lihim."Mula pagkabata ay tatlo kaming magkakasama nina Orlando at Sebastian. Daig pa ang magkakapatid," salaysay ng nakatingin sa labas ng bintana na si Emileen. "Mas matanda sila sa akin at iba ang kalagayan sa lipunan, ngunit hindi iyon naging hadlang sa aming samahan, dahil ang mga ama namin ay matatalik din na magkakaibigan noong araw— ang aking tatay Julian, ang tatay ni Orlando na si tiyo Alberto, at ang biyudong tatay ni Sebastian na si tiyo Artemio. Noong namatay ang tiyo Alberto, ang nanay ni Orlando na si tiya Juana ay pinakasalan ni tiyo Artemio. Kahit pa magkaibigan ay hindi tinanggap ni Sebastian ang mag-inang Orlando at Juana. Sa huli namin nalaman na matagal na palang may inggit si Sebastian kay Orlando na lalong tumindi nang pamanahan ng mas malaki ang mag-ina noong pumanaw si tiyo Artemio at noong. . . noong sinagot ko ang pag-ibig ni Orlando. Hindi ko alam na gusto niya ako. Hanggang sa kidnap-in niya
Patingkayad na naglakad si Yelena papasok ng banyo. Lihim niyang minumura ang sarili."Harot! Maharot ka, self. Marupok ka!"Matapos maligo ay nagmamadali siyang umalis. Pumunta siya sa ibiniling lugar ni Aeissa.Sa daan ay t-in-ext niya ang ama na may pupuntahan siyang kaibigan.Pinagbuksan siya ni Aeissa ng pinto na gulo-gulo pa ang buhok habang kinukusot ang mata. Kagigising lang "Mamayang gabi pa ang usapan natin. Excited much?""Yes. Bar na bar na ako." She raised her hand and shake her body. Imitating the party goer's dance. Napangiwi sa kaniya ang kaibigan. "Are you okay?"Natigilan siya. Dahan-dahang ibinaba ang kamay. "Uhm, yes.""Pasok ka."---Dinukot ni Yelena sa bulsa ang cell phone nang maramdamang nag-vibrate iyon.Tumatawag si Angelo!Mabilis niya iyong c-in-ancel, ngunit tumunog uli kaya tinuluyan niya nang pinatay ang aparatu.Hindi niya napansin ang panay na sulyap sa kaniya ni Aeissa. Lumapit ito sa kaniya at umupo sa tabi niya matapos ilapag sa harapan niya ang i
Sa pagbabalik ni Yelena sa pamilya Borromeo ay masaya siyang sinalubong ng madrasta."Na-miss kita, hija." Emy kissed her cheek in a well-composed manner. "Araw-araw kong pinalilinis ang kuwarto mo dahil alam ko one of these days, babalik ka. Do you still remember our plan before?""Anong plan po?""Na pupunta tayo sa Palawan? Sasama raw ang Daddy mo. Ipapasyal ka namin."Naging tabingi ang ngiti niya. "S-sige po.""Pagpahingahin mo muna si Yelena, Emileen. Paniguradong pagod siya, darling," singit na tinig ng kaniyang ama."Sige. Mamaya na kita kukulitin. Angelo, buhatin mo ang mga gamit ng kapatid mo."What she heard from her stepmother went her rigid. Nagmamadali siyang nagpaalam sa mag-asawa at nauna ng umakyat upang pumasok sa kuwarto.Nang marinig ang pagsunod ni Angelo at pagbukas ng pinto ay walang lingon-likod siyang nagsalita. "Ilapag mo na lang diyan ang mga bagahe ko. Puwede ka ng umalis."Dumapa siya sa higaan. Ilang minuto siya sa ganoong puwesto, ngunit pag-angat niya
Mabituin ang langit. Malamig ang simoy ng hangin sa veranda na kinaroroonan ni Yelena. Ngunit hindi iyon nakatulong upang gumaan ang pakiramdam niya.Magkasunod niyang nakausap ang Mama Erlinda at Mama Ediza niya. Wala pa ring alam ang mga ito.Gustuhin man niyang ikuwento sa mga ito ang dinaranas niya pero mas pinili niyang sarilinin na lamang. Mag-isa siyang umiiyak sa ibabaw ng kama — for Angelo using her for physical needs, for her broken heart, for missing her mothers terribly, for incident that almost happened earlier, and. . . for losing the baby she hadn't taken care of.Sa nangyaring insidente ay nakunan siya. Nalaman ni Angelo ang lihim niya. Hindi mahirap hulaan na ito ang ama ngunit walang namagitan na usapan sa kanila pagkagaling ng ospital.Sising-sisi niya ang sarili niya. Ang inaasahan niyang anghel na makakasama, nawala sa isang iglap lamang. Naisip niya, pinaparusahan siya ng Maykapal. Kaya siguro siya laging nasasaktan dahil mali ang ginagawa niya. Kaya siguro kin
Gusto ng magpahinga ni Yelena. Epektibo ang maghapong pagpapagod at pang-aaliw niya sa sarili. Idagdag pang ramdam niya pa rin ang pananakit ng katawan. Kaya matapos maglinis ng katawan ay diretso na siyang natulog.Ngunit naalimpungatan siya nang maramdaman niya ang paglubog ng gilid ng kama niya. Ilang beses niyang pinikit-dinilat ang mga mata. Sa tulong ng tanglaw ng lampshade sa tabi ng kama niya ay nakita niya ang nakaupo sa tabi niyang si Angelo.Napabalikwas siya ng bangon. Itinukod niya ang magkabilang siko sa kama."Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya sa naiiritang tinig."Kaibigan ko pa ang napili mo para akitin?""Ano?" nalilitong balik-tanong niya.Tumingin siya sa labas ng bintana. Ano'ng oras na ba at narito ito sa silid niya? Bakit suot pa rin nito ang damit nito ng umalis ng umaga? At bakit magulo ang buhok nito? Nakainom ba ito?Umiling ang binata. "Don't mind what I said," anito. Pagkatapos ay tinitigan ang dalaga. Magulo ang mahabang buhok nito na ang ilang hibla
Yelena was so tired in her everyday experiences in the office. It wasn't bad as she expected, per se. All of their employees were kind to her, na lubos niyang pinagpapasalamat. Ang trabaho ay kayang-kaya niya. Ang problema lang talaga ay si Angelo mismo. Tinatambakan siya nito ng trabaho at pakiramdam niya ay sinasadya nito 'yon.Like now, she was eating her dinner while in her hands were the sales report last month. Angelo asked her to analyze it. It wasn't the worst report she'd seen, but she was really tired at that moment. At kailangan niya talagang isabay ang pagbabasa no'n sa pagkain dahil uwing-uwi na siya. Gusto niya ng ihilata ang pagal na katawan sa malambot na kama.Tumingala siya at minasahe ang magkabilang balikat.Tumunog ang cellphone niya. Ang mama Ediza niya ang nakalagay sa caller ID.Mabilis niyang sinagot 'yon. "Hello po?""Yelena, kumusta?" mahinahong tanong sa kabilang linya.Tired and sad, gusto niya sanang itugon ngunit ayaw niyang mag-alala ito sa kaniya. Sa