Share

Good Girl's 10 Naughty List
Good Girl's 10 Naughty List
Author: wretch_goddess

PROLOGUE (Good Girl's Introduction)

Maaliwalas ang panahon, mabituin ang kalangitan, at napakatahimik ng paligid.

Isang dalaga sa kaniyang silid ay tahimik na kaharap ang papel, habang nag-iisip kung paano ipakikilala ang sarili sa pamamagitan ng panulat.

Ilang sandali pa ay gumana na ang kaniyang kamay...

Hi. I am Yelena Montero. 23 years old. Slim, matangkad, matalino, tahimik, mahiyain, at mabait. Fine Arts fresh graduate. Cum laude.

Maraming nagsasabi na napaka-perfect ko. Ang ilan pa nga sa mga classmates ko tahasang sinasabi na sana sila na lang ako. Sa mga iyon ay ngumingiti lang ako.

Wala silang alam. Hindi nila alam na sa likod ng kinaiinggitan nilang talino at mukha, nagtatago ang isang malungkot na puso.

Nag-iisa akong anak. Ang mama ko ay single mom. Ayon sa kuwento niya, nakilala nya ang papa ko sa Maynila at nagpakilalang binata. Nagmahalan sila at ako ang naging bunga. Kaya lang, doon nalaman ni mama na may pamilya pala si papa. Tunay na pamilya at lima ang anak niya. So anak ako sa labas. Iniwan ni mama si papa. Mula noon hindi ko siya nakita. At mula rin noon naging katulong ni mama ang dalawa niyang kapatid, sina Tiya Ediza ko na ubod ng sungit at tiyo Jimmy ko na ubod ng higpit, sa pagpapalaki sa akin.

Nagtrabaho si mama para sa akin, habang naiwan ako sa pangangalaga ng tiyahin at tiyuhin ko. Kahit pinagmamalasakitan nila ako, ramdam ko ang animosity. I experienced bullying. Binabanggit nila madalas na pagdating ng araw, magiging katulad din ako ng nanay ko— isang kabit. Napakababa ng tingin nila sa akin.

Masakit iyon sa akin. Lalo at ang mama ko, nagka-boyfriend pa uli ng nagka-boyfriend. Iba-iba. Ako na walang ginagawa, nadadamay sa gawa niya. Ganoon pa man, mahal ko siya. Sobrang mahal ko siya. Kaya nag-aral akong mabuti. Sinisiguro ko na lagi akong nasa top. Sinunod ko ang mga utos at bilin nina tiya— hindi ako nagbibisyo, hindi ako gumagala, hindi ako nagpapaligaw, maayos ang pananamit ko na papunta na ng pangmanang. Nilimitahan ko ang sarili ko, as in ang routine ko ay bahay-school-simbahan lang para kahit sabihin ng iba na masamang babae ang mama ko, isa naman siyang magaling na ina dahil napalaki niya ako ng tama.

Masaya ako. Alam kong tama ang ginagawa ko. Kaya lang parang may hindi tama.

Marami akong kaibigan pero hindi ko sila nakakasama ng personal. Hindi ako uma-attend sa mga school events. Hindi pa ako nakatikim ng yosi, o alak. Hindi ko alam ang feeling ng maligawan o ang mahawakan ang kamay. Hindi ko pa naranasang gumala. Samantalang ang iba, maraming maikukwento. Ako, wala.

Tao ba ako?

Normal ba ako?

Parang hindi. Sa lahat na lang ng bagay, iniisip ko ang sasabihin ng tiyahin at tiyuhin ko. Sa paningin nila, ayokong magkamali.

Pero minsan, nakakapagod din palang maging mabait. Gusto ko ring maranasang gumawa ng mali.

Hindi naman ako seryoso, pero gusto kong gawin ang mga bagay na ito nang hindi iniisip ang sasabihin ng kamag-anak ko at ng ibang tao.

Listahan ng isang babaeng gustong magrebelde.

1. Try tattoo

2. Wear sexy dress

3. Pumunta sa malayong lugar

4. Pumasok sa isang bar

5. Experience "walwal"

6. Sayawan ang isang stranger

7. Kiss that stranger

8. Let the stranger kiss you back

9. Be wild

10. Make love

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Mendoza
haha enjoy habang bata at dalaga pa pag nagkaasawa kana Wala na yan Jaya enjoy be happy and take good care
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status