Share

CHAPTER 2: REBELLION STARTS

Antok na antok man, pilit dinidilat ni Yelena ang mata habang ka-video call ang kanyang ina. Nagpaalam siya ritong pupunta sa pool party ng isang kaibigan. Pumayag ito. Mabait ang kanyang mama kaya hindi siya naglilihim rito. Inamin niya rin rito na nagsinungaling siya sa kaniyang tiyahin sa pag-asang payagan siya nitong umalis ngunit bigo siya. Naintindihan nito.

"Bukas na ang alis mo. Hindi mo kabisado ang Maynila. Mag-iingat ka doon ha?" panglimang beses na yatang bilin nito.

"Opo, 'Ma." Panglimang beses niya na ring sagot.

"Makibalita ka sa mga kaibigan mo. Mamaya hindi natuloy."

"Tuloy po." Inabot niya sa bedside table ang invitation card na pinabigay ni Tyler sa kanya ng nakaraang araw at pinakita sa ina. "Settled na po lahat. Sa Villa nina Theya po gaganapin ang party. More on reunion po naming magkakaibigan 'yon keysa birthday party."

Tumango ito. "Susunduin ka ba diyan?"

"Opo. Dalawa kami ni Eureka ang susunduin ni kuya Tyler." Si Eureka ay ang kaibigan nila na may pag-aaring restaurant sa kanilang bayan. Actually ay labing-apat silang lahat na magkakaibigan at successful na halos lahat. Ngunit iilan na lang silang naiwan sa bayan ng San Ignacio. Karamihan sa kanila ay sa Manila at ibang bansa na namamalagi.

"Sige pala."

"Opo. Thank you, 'Ma. Love you."

---

Kinabukasan ay maagang nagising at naghanda si Yelena. Hindi siya kinakausap ng kanyang tiyahin.

Noong una'y hinahayaan niya lamang ngunit nang marinig ang busina ng sasakyan ni Tyler ay nagdesisyon na siyang lumapit rito. "Aalis na po ako, Tiya," paalam niya rito.

Inabot niya ang kamay nito upang magmano ngunit pumiksi ito at nakairap na tinalikuran siya.

Mabigat ang loob na umalis siya ng bahay. Sa harap ng tarangkahan ay naroon nakatayo si Tyler kausap ang tiyo Jimmy niya na hindi niya alam na lumabas mula sa bahay ng mga ito. Madilim pareho ang mukha ng dalawa kaya nahinuha niyang hindi maganda ang takbo ng usapan ng dalawa.

Nanlalamig siyang nagmano sa tiyuhin. "Aalis na po ako, tiyo."

Naningkit ang mga mata nito. Clear anger blazed in his eyes as he gazed at her. "Huwag ka ng babalik rito kapag umuwi kang buntis tulad noon sa nanay mo!" he snapped.

She looked down, trembling, refusing to meet her uncle's eyes because of the savage anger on his face, until her uncle walked away muttering unprintable expletives.

Bumukas sara ang pintuan ng sasakyan sa kaniyang tabi sa pagbaba ni Eureka. Yumakap ito sa kanya. "Grabe ang pamilya mo, bes. Ang sakit magsalita. Okay ka lang ba?"

She looked up and blinked back her tears. "Yeah." Pilit siyang ngumiti at kinalama ang sarili. "Let's go."

Tinapik niya ang dalawang kaibigan sa braso bago tumalikod.

Minsan mas okay na ngumiti, magpanggap na ayos lang ang lahat keysa ang magkuwento, dahil habang isinasalaysay mo ang problema, doon mo mas lalo mapagtatanto kung gaano kalupit sa iyo ang mundo.

Napilitang sumunod sa kanya ang mga kaibigan.

Palihim niyang pinahid ang namamasang mata. Ayaw niyang mag-alala sa kaniya ang mga kaibigan niya. Alam niyang may pinagdadaanan ding problema ang mga ito. Ayaw niya ng dumagdag pa.

Nang masigurong kaya niya ng ngumiti ng totoo ay pabiro niyang hinaplos ang sasakyan ni Tyler. Isa 'yong audi allroad wagon na kulay itim. "Wow, kuya. Maliban sa amoy Australia ka pa, mukhang wala ka na namang magawa at nagdagdag ka na naman sa koleksyon mo. Nung huli kitang makita, ang dala mo Chevrolet Silverado. Iba talaga kapag mayaman, noh? Ang pagpapalit mo ng sasakyan, parang pagpapalit mo lang ng babae."

Natawa si Eureka. "Tama. Chickboy kasi 'yan si kuya."

"Excuse me. Lovable ang tamang term."

Natawa silang tatlo.

---

Samaniego Villa

Elizalde Village, Manila

Gustong mailang ni Yelena sa suot. Hindi siya sanay magsuot ng nakikita ang maputing balikat at dibdib sa itaas, at makinis na hita sa ibabang damit. Pero dahil mga kaibigan naman niya ang mga kasama, napilitan siyang lumabas sa kaniyang inookupang kuwarto.

Abalang-abala na ang lahat dahil sa paghahanda para sa kasiyahan mamaya. Ang dalawang kaibigan nilang lalaki ay parehong may hawak na pamaypay at may iniihaw habang ang mga kababaihan naman ay natanawan niyang abala sa pagsiset-up ng mga gagamitin habang tila nagtatagisan ng pagandahan ng katawan suot ang kani-kanilang swimming attires, bagaman may ilan na konserbatibo ang pagkakayari ng damit.

Lumapit siya sa mga ito. Agad siyang napansin ni Kiel. Nakakunot ang noo nito habang pinapasadahan siya ng tingin. "Ano 'yang suot mo, Lena?" anito.

Niyuko din niya ang sarili. Napapantastikuhan rito. "Uhm, short at sando?"

"Oo nga pero bakit ganiyan?"

Tuluyan na siyang nagtaka. "Ano'ng bakit ganiyan?"

Natatawang tinapik ni Kyira sa balikat si Ezekiel. "Hindi ka pa ba sanay? Hindi naman nagsusuot ng maiikli si Lena."

Umupo siya sa bakanteng upuan na naroon. "Hindi naman kasi puwede. Pagagalitan ako nina tiya at tiyo Jimmy."

"Puro ka na lang tiya, tiyo," palatak ni Aiessa, na siyang may suot ng pinakarevealing na damit. Hindi naman na siya nagulat, dahil ganoon talaga ito manamit maliban pa sa isa itong international model. Tumabi ito sa kanya bago nagpatuloy, "Sorry, bes ah? Pero for once, sundin mo rin kung ano ang gusto mo, hindi 'yong puro gusto na lang nila. In the first place, hindi ka naman nila naaappreciate. Gumawa ka rin ng mga bagay na alam mong magpapasaya sa 'yo."

Napayuko siya sa sinabi nito. Mayroon din siyang gusto kung alam lang nito.

Papadilim na nang magsimula ang kasiyahan.

Nagdesisyon siyang ilayo ang upuan sa mga kaibigan. Nag-iinuman kasi ang mga ito at hindi naman siya umiinom.

Lumapit sa kaniya si Tyler at umupo sa kaniyang tabi. "It is so unlike you," komento nito. "Dumidistansya ka sa amin." Tumungga ito sa noon niya lang napansin na hawak nitong bote ng alak. "Ikaw ang pinakamagaling makisama sa ating magkakaibigan. Naalala mo ba, nabuo ang grupo natin dahil sa'yo? Ikaw ang best friend ng lahat."

Bahagya siyang natawa. "Ikaw ang una kong male best friend."

"Naalala mo ba ang tawagan natin noon?"

"Mister."

"Misis."

Sabay silang natawa. Ginulo nito ang buhok niya na tila siya isang bata na kinatutuwaan nito.

Naputol ang kasiyahan nila nang mag-ring ang cellphone niya na nakasuksok sa bulsa ng short niya.

Bigla siyang kinabahan nang makita ang pangalan ng caller. Napatingin siya kay Tyler. "Si Tiya Ediza."

Tyler shrugged. "Sagutin mo."

"Bakit kaya siya tumatawag?" mahinang tanong niya sa sarili. Kagat-labi niyang pinindot ang answer button.

Ang akma sanang pagdikit niya ng cellphone sa tainga ay naudlot nang marinig ang malakas na sigaw ng tiyahin mula sa kabilang linya. "Manang-mana ka talaga sa nanay mong haliparot. Malandi ka! Sinungaling!"

Kinabahan siya. "T-Tiya..."

"Nakita ko ang imbitasyon mo dito sa kuwarto mo."

God. Napatakip siya ng palad sa mukha. Nakalimutan niya 'yon sa kanyang mesa sa tabi ng kama.

"Exhibit palang hitad ka. Kailan pa naging exhibit ang Pool Party?" Napapikit siya ng mariin. "Ano ang dinidisplay niyo dyan? Hubad na katawan? Sa bagay, pare-parehas naman kayong magkakaibigan na mga kaladkarin!"

Napahikbi siya. Bawat salita nito'y patalim na sumusugat sa kaniyang pagkatao. Gusto niyang sumagot at itanggi ang mga paratang nito pero tanging iyak ang naisagot niya rito. "Wala kang kwentang napalaki. Wala kang delikadesa. Ikinakahiya kita, naiintindihan mo? Nakakahiya k—" Bigla niyang pinatay ang cellphone. Hindi niya na kayang marinig ang mga sinasabi nito. Walang ingay siyang humagulgol sa mga palad.

"Bakit, Lena?" nag-aalalang tanong ni Tyler. Pero iling at hikbi lang ang isinagot niya rito.

Hinayaan siya nitong umiyak ng umiyak.

Maya-maya'y tahimik na lang siyang nakapikit at nakakuyom ang dalawang palad. Lihim na namumuo ang galit sa kaniyang dibdib. Bakit ganoon ang kaniyang pamilya?

Biglang bumalik sa alaala niya ang sinabi ng mga kaibigan noon sa kaniya...

"Walang tama sa paningin ng tiyahin mo kundi sarili niya."

"Matapobre 'yang tiyahin mo. Kahit na mapatunayan niyang mali siya, hindi siya aamin."

"Walang matinong pamilya ang ipagbabawal na maranasan mo ang maging masaya."

"Suwayin mo na ang utos nila."

"For once, sundin mo rin kung ano ang gusto mo, hindi 'yong puro gusto na lang nila. In the first place, hindi ka naman nila naaappreciate. Gumawa ka rin ng mga bagay na alam mong magpapasaya sa 'yo."

"Gawin mo ang mga bagay na alam mong sasaya ka."

Bagay na magpapasaya sa kaniya?

Bigla siyang napaangat ng tingin nang may maalala. Ang ginawa niyang list!

Wala sa sarili siyang nagdesisyon. "Kuya Tyler, puwede mo ba akong ihatid?"

"Oh. Saan ka pupunta?"

"Sa bar."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Mendoza
yan na simula na haha exited na ako
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status