MasukGOVERNOR IGNACIO “Red,” tinawag ko ang pangalan ng kanang kamay ko. Agad itong lumapit sa akin nang may malapad na ngisi. “Yo bossing, anong atin?” masiglang tanong niya. Tahimik ko siyang nilingon. Nasa opisina ako ngayon kung saan isinasagawa ang transaksyon ng mga ibang negosyo ko. “I want you to tail mayor Andrada,” Sumipol siya sa narinig niya sa akin kaya sinamaan ko siya nang tingin. “Anong atraso nito bossing?” naka ngising tanong nito sa akin. “Does it matter?” “Gusto ko lang naman malaman, ayos lang naman kung hindi mo sasabihin,” “He insulted and made Ysabelle angry,” sagot ko. Tumango tango siya sa akin. “Hanggang kailangan niyo balak ituloy ‘yang napag usapan niyo?” “Why are you asking?” naka taas ang kilay na tanong ko sa kanya. Lumayo siya sa akin at bahagyang tumawa. “Chill, I am just asking man,” kumunot ang noo ko. His smirk is pissing me off. “You’re pissing me off, Red,” banta ko sa kanya. Bumunghalit siya ng tawa kaya mas lalo akong nainis sa kanya.
“Madame, dito nalang po ba namin ilalagay?” tanong ng kasambahay sa akin. Saglitan kong sinilip ang mga halaman na nilalagay nila sa hardin. Bahagya akong ngumuso at tumango. Sinabihan ko si Ignacio na gusto kong ayusin ang garden niya dahil hindi inaalagaan ng maayos, naglilinis naman pero madalas ay napapabayaan talaga. “Yes manang please,” sagot ko. Abala ako sa pagtatanim dito sa may gilid, gusto ko na puno ng rosas ang hardin at mga ibang bulaklak pa na pwedeng itanim. “Mabuti ay naisipan mong ayusin ang hardin hija, ang tagal na rin kasing walang nangangalaga sa hardin na ito,” sambit ng mayordoma sa akin. Bahagya ko siyang nilingon. “Sayang po kasi kung hindi aalagaan, sobrang lawak ng hardin tapos halos patay na lahat ng mga halaman,” nanghihinayang akong umiling at tinuloy ko na ang pag aayos ng garden. Tumulong sa akin ang mayordoma sa pagtatanim, walang tao ngayon sa bahay kung hindi kami lang dahil nasa opisina si Ignacio, hindi na niya ako pinasama dahil may mahalaga
“Governor, magandang hapon” Hindi ko pinansin ang mayor na dumalaw dito sa opisina ni Ignacio, kanina lang ay pinag uusapan lang namin siyam pagkatapos ngayon ay nandito na siya. “Good afternoon mayor, please have a seat,” minuwestra ni Ignacio ang upuan sa harapan niya. Nanatili akong nag oobserba sa kilos ng mayor. May kasama itong isang babae na hula ko ay sekretarya niya. “Anong maipaglilingkod ko, mayor?” “You know why I am here, Ignacio,” walang galang na sagot ng mayor. Akmang mag sasalita ako nang ilingan ako ni Ignacio dahilan para itikom ko ulit ang bibig ko. Bumuntong hininga ako. “Who is she?” tanong ni mayor nang malingunan niya ako. “My wife,” walang pag aalinlangan sagot ni Ignacio. “Kasal ka na pala, Ignacio?” “Not yet, she is my fiance,” kumunot ang noo ko sa naging reaksyon ng mayor. Hindi ko nagugustuhan ang pag ngisi ngisi niya ngayon, baka ma sampal ko nalang siya nang biglaan. “Ganoon ba? Akala ko pa naman ay nagugustuhan mo na ang anak ko,” Agad na umu
“What do you think?” tanong sa akin ni Ignacio. He is reading some proposals. Sinama niya ako dahil wala naman akong magawa sa bahay. “About?” tanong ko sa kanya. Abala ako sa paglilibot sa buong opisina niya. Maraming libro sa bookshelf niya. “The proposal of the mayor,” sagot niya. I pursed my lips. Inalala ko ang proposal na binasa niya kanina. “About the plantation?” tanong ko sa kanya. Tinignan ko siya at nakita ko ang mariin niyang titig sa akin. “You probably know the answer on that, Ignacio,” seryosong sagot ko sa kanya. A plantation that they will make a what? A building? Gago ba ang mayor na ‘yon? “Hmm? I wanna hear your insights,” I don’t engage into the line of politics because I know how dirty it is, but on Ignacio’s part, hindi ko maiwasang halukayin ang utak ko. “It’s just a dead investment, plantation to a hotel? That’s sick, I just know the mayor will get a huge money kapag na aprubahan mo ang hotel na ‘yan,” “You’re right, I have my men investigated this one,
“Magandang hapon, gov,” naka ngiting bati ng mayor sa amin. Lalaki ito na mga ilang taon lang ang tanda sa amin ni Ignacio. This place is being run with young people, hindi tulad sa dati naming probinsya na halos matatanda ang mga namumuno. “Magandang hapon mayor,” bati ni Ignacio. Nginitian ko ito nang mapa tingin siya sa akin. “I see that you have company,” “This is my fiance, Ysabella,” pakilala ni Ignacio sa akin. Bahagyang nagulat ang mayor sa narinig pero agad din naman niyang naalis iyon. “Magandang hapon, Ysabella. I am mayor Erik,” naka ngiting sambit niya. Tumango ako at nakipag kamayan sakanya. “Maraming salamat gov dahil napili mo ang lugar namin,” “It’s nothing, we will be going to give more to the few baranggay more,” si Ignacio. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila dahil wala naman akong alam sa usapan nila. I hate politics, it’s dirty. Lahat kayang gawin ng mga gustong manungkulan ang manalo na kahit gumawa nang masama ay kayang kaya nilang gawin.“Kailan ang
Mabilis lumipas ang mga araw at hindi ko namalayang ilang buwan na kaming nakatira rito sa bahay ni Ignacio, maganda ang naging takbo ng buhay namin. Walang kahit anong problema na kinakaharap. Palagi ko ring sinasamahan si Ignacio sa trabaho niya, I am like a devoted wife or some sort. Hindi naman ako nag rereklamo dahil wala naman akong gagawin sa bahay kung hindi ako sasama sakanya. “Let’s go?” pag aaya nito sa akin. Tinanguan ko siya. Hindi ko alam kung saan kami ngayon pupunta dahil kahapon ay may binisita kaming maliit na probinsya. Pagkalabas namin sa may hardin ay agad kong nakita ang mga tauhan niya na inaayos ang mga school supplies. I guess mamimigay kami nang mga school supplies. “Where’s Celestine?” tanong ko kay Ignacio na tahimik sa tabi ko. Pinapanood niya ang mga tauhan niya na inaayos ang mga ipapamigay sa mga bata. “I think she’s just here, kasama si Nicky,” sagot nito sa akin. Tumango ako at iginala ko ang mata ko sa buong hardin. May miminsang nakikita ko ang







