Share

Chapter 34

“Masaya ka na, ha?! Masaya ka na?!” galit na sabi ko. Hinampas ko ang dibdib ni Rodrigo. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Para akong unti-unting dinudurog dahil sa mga nangyari. Naikasal ako kay Rodrigo kahit ayaw ko. At ngayon ay patay na si Bruno. Namatay si Bruno dahil sa akin! Hinawakan ni Rodrigo ang palapulsuhan ko at pinatigil ako.

“Tumigil ka na!” sigaw ni Rodrigo. Nanginig agad ang buong katawan ko pero pilit ko pa ring pinatapang ang sarili ko.

“Hindi! Sawang-sawa na ako, Rodrigo! Nakuha mo na ang gusto mo! Ano pa ang kailangan mo sa akin?!” hagulhol ko. Hindi ko na kayang magtagal pa sa feeling niya. Sobrang sakit. Iyong kaisa-isang taong tumutulong sa akin sa bahay nito ay wala na. Kasalanan ko! “Patayin mo na lang ako!”

Bigla akong tinulak ni Rodrigo sa kama. Napasubsob agad ako roon at sinubukang maupo. Ngunit hindi pa man ako nakakagalaw ay pinatungan ako ni Rodrigo. Hinawakan niya ang baba ko at bahagyang pinisil ang mga pisngi gamit ang isang kamay. Napanganga ako
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meriam V. Castillo
huhuhu naiiyak na ako Anong parusa ba bagay sa gov na to Dami nya pinatay
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status