Share

S2: Chapter 15

Matapos makausap ni Jane si Rodrigo ay pinilit niyang mag-ipon ng lakas saka pumasok sa loob ng mansyon. Nakita niya ang anak na nakaupo na sa may dinning area at masayang nakikipag-usap na naman kay Rodrigo. Hindi niya maiwasang mainis dahil para bang sa sandaling panahon na nagkasama ang dalawa ay parang magkasundong-magkasundo na agad ang mga ito.

“Mommy! Come here!”

Agad na ngumiti si Jane noong tawagin siya ni Renz. Naglakad siya papalapit sa mga ito at naupo sa tabi ng anak. Si Rodrigo naman ay nakaupo sa pinaka gitna ng mahabang lamesa.

“How are you, baby? Did you sleep well here?” tanong ni Jane sa anak. Hinaplos niya ang buhok nito.

“Yes, mommy! Daddy reads me a story before I sleep.”

Sandaling tiningnan ni Jane si Rodrigo na nakangiti lang. “Daddy?”

Tumango si Renz. “He is my daddy, right?”

Tinitigan ni Jane ang anak. Sa tinagal-tagal na panahon kahit alam niya kung sino ang ama nito ay hindi niya pa rin matanggap. Hindi nararapat na maging tatay ang kagaya ni R
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status