Share

XVII. He's Not Dead

Natapos ang party nang maayos. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba o mas kakabahan pa ako dahil hindi naman nagparamdam ang killer ngayon. I checked my phone if there are some missed calls or texts from the killer but there is none.

It is already 9PM. Nandito kami ngayon sa parking lot ng university. Halos lahat ng estudyante ay nandito rin.

"Demi!" tumingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Akira, isa sa mga kaklase namin.

"Bakit, Akira?" tanong ko sa kaniya.

"Congrats sa inyo ni Brix," ngumiti ako. "By the way, gusto niyo bang sumama? May after party pa kasi, eh."

Tinignan ko si Brix na nasa tabi ko. Nagkibit-balikat lamang siya. Bigla namang lumapit sina Macey, Jayson, at Sofia.

"We're going. Sama na rin kayo, Dems!" sabi ni Macey.

Tinignan ko si Sofia, "Sasama ka?"

Tumango naman siya at tinuro si Sander na nakasandal sa sasakyan niya, "Pero sasama si Kuya Sander."

Oh. Kasama pala si Sander. Papayag kaya 'tong si Brix?

"Brix, gusto mo ba?" tanong ko.

"Bro, sumama na kayo. Minsan lang naman, eh," sabi ni Jayson. "Gusto atang sumama ni Demi eh. Dems, pag hindi pumayag, hiwalayan mo." aniya at tumawa.

Binatukan naman siya ni Macey dahil dun.

"Okay. Sasama kami."

"Talaga?!" gulat na tanong ko kay Brix. Tumango naman siya.

"Saan ba?" tanong niya.

"Sa bahay namin. Wala naman yung parents ko, but don't worry dahil nagpaalam naman ako," sagot ni Akira. "So ano? Sunod nalang kayo ha."

"Sige," sagot ko.

***

"Shot pa, Demi!" sigaw ng isa naming kaklase at inabot sakin ang shot glass. Mag-iisang oras na kaming nandito sa bahay nila Akira at marami na ring nainom ang iba.

Well, hindi naman ito ang first time ko na uminom. I already tried once. Kaya naman hindi rin ako sanay.

Biglang inagaw ni Brix ang shot glass na para sakin, "Ako nalang iinom."

"No! No!" sigaw ni Jayson na medyo lasing na rin. "Bro, 'wag kang KJ."

"Kaya nga, Brix. Minsan lang naman eh. Hindi porke't girlfriend mo na si Demi ay ganyan ka na kahigpit sa kaniya," tumingin ako sa nagsabi nun. Si Sander.

"Kuya..." rinig kong saway ni Sofia sa kapatid niya.

"Girlfriend ko man siya o hindi, I'll still do the same thing. Hindi ako KJ, concerned lang ako kay Demi."

Natawa naman si Sander. Tinignan ko si Brix na seryosong nakatingin kay Sander.

Naku, huwag naman sanang mag simula ng away ang dalawang 'to.

Huminga ako nang malalim at tumayo, "CR lang ako."

Hindi talaga dapat pinagsasama si Brix at Sander eh. Bata pa lang kami ay lagi ng nagkakasagutan ang dalawang 'yon.

Nang makapasok ako sa CR ay gumaan ang pakiramdam ko dahil medyo tahimik na. Sa labas kasi ay maingay dahil sa music at ingay ng mga estudyante.

Naghilamos lang ako para kahit papaano ay mas mahimasmasan ako.

Biglang nag ring ang cellphone kaya naman kinabahan na naman ako. Tumatawag na yung killer.

Sinagot ko ang tawag at una kong narinig ay ang malakas na music at marami ring nagsasalita.

"Nasaan ka?" kinakabahang tanong ko.

Hindi siya nag sasalita.

"Sofia, where are you going?"

Oh my God! Boses ni Macey 'yon! Ibig sabihin ay nandito nga ang killer. Pero paano? Puro estudyante at mga katulong lang naman ang nandito sa bahay nila Akira.

Habang tumatagal ay humihina ang music na naririnig ko. Napatingin ako sa pinto ng CR.

Biglang namatay ang tawag. Sinubukan kong tawagan siya ulit pero hindi niya sinasagot. Susubukan ko sana ulit ngunit napatigil ako nang may biglang kumatok sa CR.

Sunod-sunod at ang lakas ng mga katok.

"Shit!" lumapit ako sa pinto at sumandal doon.

Pinipilit niyang buksan ang pinto kaya naman mas dinaganan ko 'yon. Napapikit nalang ako dahil sa kaba. Patuloy pa rin ang pagkatok niya.

Tatlong minuto...

Halos tatlong minuto na siyang kumakatok.

Napadilat lang ako nang wala na akong marinig na katok. Dahan-dahan akong lumayo sa pinto at tinignan 'yon. Umalis na kaya siya?

Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng CR at nang makakita ako nang maliit na paso ay dinampot ko na 'yon. Dahan-dahan ulit akong lumapit sa pinto ngunit bago ko pa mabuksan 'yon ay may nauna na sakin.

Naka-ready na ang ihahampas kong paso ngunit...

"Oh my God! Demi, bakit hawak-hawak mo 'yang paso?!" sigaw ni Akira.

Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Kahit siya ay nagulat din. Habol-habol ko ang hininga ko nang ibaba ko ang hawak kong paso.

"Sorry..."

Tumawa siya bigla, "Are you drunk?"

Napahawak na lang ako sa noo ko. Hindi pa ako lasing pero sumasakit na ang ulo ko.

"Ikaw pala ang tao dito. Hinahanap ka na nila Brix," aniya. Tumango nalang ako.

"Sige, lalabas na ako."

Nagmadali akong lumabas ng CR. Tumingin-tingin ako sa paligid. Katulad pa rin kanina, nagkakatuwaan pa rin ang mga estudyante habang may malakas na music.

Sino sa kanila? Sino sa kanila ang killer?

"Oh, Dems, ayos ka lang ba?"

***

December 6, 11:00 AM

Pagkababa ko sa sala ay narinig ko ang pag-uusap nila mom at dad na nanggagaling sa kusina. Ngayon ko na lang ulit naabutan si dad dito sa bahay.

Tutuloy na sana ako sa kusina ngunit tumigil ako nang marinig ang tanong ni mom.

"Totoo bang patay na rin ang pumatay kila Serenity?"

Kumunot ang noo ko.

"Tinitignan pa namin. Pero posible ngang siya talaga ang pumatay."

No! Hindi pa siya patay!

"Sana siya na nga talaga 'yon. Muntik niya ng mapatay si Demi noong isang araw!"

Iniisip nila na ang lalaking nagpakamatay doon sa sementeryo ay ang pumatay kila Tita Serenity. Pero mali sila. Buhay na buhay ang killer. Kagabi lang ay tumawag pa siya sakin.

"Demi, kanina ka pa d'yan? Kumain ka na dito. Ayan na rin pala ang kuya mo. Sabay na kayong kumain," sabi ni mommy.

Lumingon naman ako at nakita ko si Kuya Derrick na kakababa lang hagdan. Dire-diretso siya sa kusina at hindi manlang pinansin ang kahit isa samin.

"Demi, sinabi pala nitong kuya mo ang nangyari kagabi," nagulat ako sa sinabi ni mom. Oo nga pala! Hindi ko pa nasasabi. Naunahan pa talaga ako ni Kuya.

"Oh, sorry mom and dad. Hindi ko na nasabi kagabi. Tulog na rin kasi kayo," sabi ko sa kanila.

"It's okay, honey. I'm happy for you, and also for Brix," ngumiti ako nang sabihin 'yon ni mom.

"Basta, you know your limits and priorities. Kahit may boyfriend ka na, study should always be your priority," sabi naman ni dad.

"Yes, dad. Don't worry."

***

Pagkatapos namin mag lunch ay nakatulog ako. At ngayon ay alas-kwatro na ako nagising.

Nakaupo lang ako sa kama ko nang biglang may kumatok sa pinto ko. Bumukas 'yon at nakita ko si Kuya Derrick. May hawak-hawak siyang envelope.

"Nakita ko 'to sa labas. May pangalan mo, eh."

Tumayo ako at lumapit kay Kuya.

"Don't worry, hindi ko binuksan 'yan," aniya at inabot sakin ang envelope. Pagkatapos ay lumabas na rin agad siya ng kwarto ko. Ni-lock ko muna ang pinto bago bumalik sa kama ko.

Tinignan ko ang envelope. Galing 'to sa killer, sigurado ako. Pagkabukas ko ay may nakita ulit akong mga litrato.

Lahat ng mga 'to ay puro kuha kagabi. Sa isang litrato, nandoon kami ni Brix habang nasa stage. Next ay ang pinto ng CR nila Akira. So, tama ako. Nandoon nga siya kagabi. Kinabahan ako doon sa huling litrato. Si Sofia ang nandoon habang nakikipag-usap siya kay Jayson.

Tinignan ko na ang likod ng mga litrato. Walang nakasulat sa unang litrato. Pero doon sa dalawa ay may nakasulat.

R and E

Ano na naman kaya 'to?

Huminga ako nang malalim.

Isa lang ang alam ko. Kilalang-kilala namin ang killer. Malapit lang siya samin at buhay na buhay pa siya.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status