Share

XVI. It's A Yes

December 5, 6:30 PM

"You look so pretty, anak," sabi ni mommy habang inaayusan ako ng buhok. "By the way, where did you get this dress?" bahagya akong nagulat sa tanong niya pero hindi ko nalang pinahalata.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a red dress - the red dress that I received from the killer. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin kay mommy na sa isang killer galing ang damit na 'to.

"Binili ko po sa mall," sagot ko nalang.

"Oh, okay. Susunduin ka ba ni Brix dito?" tanong niya ulit.

"Yes, mom. Nasan pala si Kuya Derrick?" inayos ko na yung mga dadalhin ko at nilagay sa pouch.

"Kakaalis lang. Pupuntahan daw niya si Bianca. Sila na ba ulit?" tanong ni mommy na para bang kinikilig pa.

Nagkibit-balikat nalang ako. I looked at my wristwatch and it says it's already 6:30 PM. 7 PM ang start ng Christmas Party namin sa school.

Nakarinig kami ng busina at mukhang si Brix na iyon.

"Let's go. Nandiyan na ata ang sundo mo," nakangiting saad ni mommy at pinagbuksan ako ng pinto.

Nang makababa sa sala ay agad akong nagtungo sa pinto para pagbuksan si Brix.

"Wow! You look so gorgeous tonight," napangiti nalang ako sa sinabi niya.

"Bolero! Tara na. Kanina pag nagte-text si Macey sakin," sabi ko sa kaniya.

Nagpaalam na kami kay mommy na aalis na kami. Habang nasa sasakyan naman ay hindi ko mapigilang kabahan. Hanggang ngayon ay bumabalik pa rin sa isipan ko kung paano nagpakamatay yung lalaki kahapon. At isa pa, ang daming outsiders ngayon sa school at malamang isa doon ang killer.

"Demi, just enjoy the night, okay? Stop overthinking," sabi ni Brix. Pilit nalang ako ngumiti.

Huminga ako nang malalim para naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Mahirap ang hindi mag-alala ngayon lalo na’t nasa paligid lang ang killer, pero gaya ng sabi ni Brix, susubukan ko munang i-enjoy ang gabing ito. I need to stay calm.

***

Sa isang table may limang upuan kaya naman kaming limang magkakaibigan ang magkakasama. Sa kabilang table naman ay naka pwesto sina Kuya Derrick, Ate Bianca, at si Sander. Dahil nandito si Sander, todo bantay na naman sakin si Brix.

"Guys, it's my turn na!" excited na sabi ni Macey. Kakatapos lang mag perform ng iban section. Ngayon naman ay kakanta si Macey.

"Kaya mo 'yan, babe," saad ni Jayson at hinalikan si Macey.

Pinanood namin si Macey habang paakyat ng stage.

"Good evening everyone! First, I wanna greet you all a Merry Merry Christmas. I prepared a song for all of you. Sana magustuhan niyo," panimula niya.

Hindi pa nagsisimula ay todo palakpak na agad si Jayson kaya naman napagaya na rin ang ibang estudyante.

Santa tell me if you're really there

Don't make me fall in love again

If he won't be here next year

Santa tell me if he really cares

'Cause I can give it all away if he won't be here next year

Sinimulan kong ilibot ang paningin ko sa paligid. There's nothing suspicious. Lahat ng tao ay nakatutok kay Macey.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Macey. Mahaba pa ang oras. Hindi ko alam kung anong binabalak ng killer sa mga oras na 'to.

So next Christmas

I'm not all alone, babe

Kumunot ang noo ko nang makitang tumayo si Ate Bianca at naglakad palayo. Sinundan naman ito ni Kuya Derrick.

May nasabi na naman siguro si kuya na hindi nagustuhan ni Ate Bianca.

Santa, tell me if he really cares

'Cause I can't give it all away if he won't be here

Next year

Natapos ang kanta at napuno ang buong hall ng palakpakan at hiyawan na pinangunahan ni Jayson – the very supportive boyfriend.

Pagkabalik ni Macey sa table namin ay inabutan agad siya ni Jayson ng tubig.

"Thanks, babe."

"Nice. Ang galing talaga ng baby ko," sabi ni Jayson. Napatingin naman ako kay Sofia nang marinig ang pag ubo niya. Mukhang nasamid ata.

"Macey!" sabay-sabay kaming napatingin sa tumawag kay Macey. Si Gabbi pala 'yon. One of our classmates na bakla. Minsan ng nakaaway ni Macey dahil sa panlalandi nito kay Jayson.

"Ang galing mo talaga kumanta," puri niya kay Macey.

Anong nakain nito? Bakit biglang bumait kay Macey.

"Thanks," sabi nalang ni Macey at hindi na siya pinansin.

Ngunit nag salita ulit ito, "And you look so beautiful tonight."

Ngumisi si Macey, "I know right. Sana ikaw din."

Napakagat ako ng labi para pigilan ang tawa ko pero ang katabi ko si Brix at si Jayson ay hindi napigilan. Kitang-kita namin kung paano nawala ang ngiti ni Gabbi.

Hindi na siya nakapag salita pa at umalis nalang.

"Geez. May pabati-bati pa sakin, plastic naman," saad ni Macey. Tumingin naman siya samin ni Brix, "Five minutes nalang tapos kayo na ang mag pe-perform. Alam niyo, hindi pa nagsisimula pero kinikilig na agad ako sa inyo."

Ngumiti nalang ako.

"Mas kikiligin ka mamaya 'pag nag start na kami kumanta," sabi naman ni Brix. Tumingin siya sakin at kinindatan pa ako.

Gaya ng sabi ni Macey, after five minutes, tinawag na kami para umakyat sa stage at mag perform.

Brix is sitting beside me with his guitar. Naghiyawan ulit ang mga tao. I can also hear others chanting "DemRix." Napangiti nalang ako. Sino naman kaya ang gumawa ng pangalan na 'yon?

Sinimulan ko ang kanta. In-enjoy ko lang ang bawat minuto para mabawasan ang kaba. Minsan ay nagkakatinginan pa kami ni Brix. And everytime na nangyayari 'yon ay naghihiyawan sa kilig ang mga tao.

I'm just enjoying the song that I almost forgot that someone is lurking inside this hall. The killer is just in the corner. At sa isang iglap, biglang namatay ang mga ilaw.

Tumigil ako sa pagkanta. Halos wala akonv makita dahil sa sobrang dilim. Ang nangiginig kong kamay ay napahawak nalang nang mahigpit sa mic.

"Brix, where are you?!" sigaw ko. At this moment, alam kong dapat nasa tabi ko lang siya at hahawakan niya na ang kamay ko para pakalmahin ako pero wala siya. Lalong tumindi ang kaba ko nang hindi ko maramdaman si Brix sa tabi ko.

"Brix..."

Shit! Nasa table namin yung cellphone ko. Pwede ko sana gamitin 'yon para magkaroon ng konting ilaw.

Tinignan ko ang paligid. Ang dilim talaga. Sinubukan kong umalis sa kinatatayuan ko pero bigla rin akong napatigil nang may nag salita.

"Just stay there, Demi."

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Makalipas ang ilang segundo ay biglang nag bukas ang spotlight. Nakatutok iyon sakin kaya halos mapapikit ako. May isang spotlight ulit na sumindi. Sinundan ko 'yon ng tingin. Unti-unti ay nawala ang takot ko.

Pinunasan ko ang luha ko. Kahit nagtataka ay napangiti nalang din ako nang makita si Brix sa baba ng stage. Nasa gitna siya kung saan nakatutok ang spotlight.

Narinig ko na naman ang sigawan ng crowd. Nakatingin lang ako kay Brix na nakangiti sakin. Nagulat ako nang bigla siyang maglabas ng bouquet. Nakatago pala 'yon sa likod niya.

"Demi, I'm sorry if I made you cry. Alam ko naman kung bakit ganiyan ang naging reaksiyon mo..." sabi niya at napahimas pa siya sa batok niya. "pero ito kasi yung naisip ko na paraan. Siguro naman may idea ka na sa gagawin ko."

Natawa ako sa kaniya. Kita sa mukha niya na nahihiya siya.

"Demi, we've been friends for so many years. Sabay na nga tayong lumaki. And it's been two years since I started to court you. For two years, mas nakilala pa kita, not just only as a friend, but as a woman. At mas minahal pa kita dahil dun."

Sinundan ko ng tingin si Brix habang paakyat siya dito sa stage. Nahagip pa ng mata ko ang mga kaibigan ko na todo ngiti.

"Demi, I think this is now the right time to ask you this question," nasa harap ko na ngayon si Brix. Ngumiti siya at tinignan ako nang mabuti.

"Demi San Diego, will you be my girlfriend?"

Brix is really a good guy. Sabi nga ng iba ay nasa kaniya na ang lahat. But as her friend, I can say that he is not that 'perfect guy'. I already saw his flaws. I already witnessed his breakdowns. I was there during his hard times. He is not perfect. Pero dahil sa mga iyon ay minahal ko rin siya. Sino ba naman ako para tanggihan pa siya?

Pinunasan ko muli ang luha ko at ngumiti. Kinuha ko ang bouquet na nakalahad sa harap ko.

"Yes, Brix. Yes!" sagot ko. Nanlaki ang mata niya at mas lalong lumapad ang ngiti.

Niyakap niya ako nang mahigpit kaya napayakap na rin ako pabalik.

"This is the best early Christmas gift ever. Thank you, Demi," bulong ni niya sakin.

"I love you, Demi."

Napangiti ako lalo nang marinig 'yon.

"I love you, too, Brix."

Napangiwi naman ako nang makita si Kuya Derrick seryosong nakatingin samin.

"Kuya Derrick's watching us," bulong ko.

"Don't worry. Nag paalam na ako sa kaniya bago gawin 'to," natawa naman ako.

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status