Share

XXXVI. Mayor Javier Is Missing

Ginamot ni mommy ang sugat ni daddy. Pagkatapos no'n ay umakyat na sila, naiwan akong mag-isa rito sa sala. Matutulog pa sana ako kaso nawala bigla ang antok ko.

Mag a-alas-dos na ng madaling araw at malamang tulog na rin sila mommy. Si kuya nga ay hindi manlang nagising kanina.

Busy lang ako sa pag scroll sa Facebook ko nang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang message. Napatitig ako saglit doon at biglang nakaramdam ng kaba.

Pagkapindot ko sa message ay tama nga ang nasa isip ko, galing iyon sa killer. Nanindig ang balahibo ko nang makita ang picture ng pinto ng bahay namin. Sobrang lapit talaga.

Sinundan pa ito ng isang text.

I have something for you. Come outside.

Agad akong napatayo nang mabasa iyon. Mahigpit kong hawak ang cellphone ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa pinto. Sumilip din muna ako sa hagdan dahil baka may biglang bumaba.

Pinihit ko ang doorknob at unang tumambad sa akin pagbukas ko ng pinto ay ang pamilyar na envelope. Nakapatong doon ang isang relo na may dugo pa. Dinampot ko agad iyon at tumingin-tingin sa paligid.

Nanlaki ang mata ko at mabilis na napaatras nang mahagip ng mga mata ko ang isang lalaking naka-mask. Nakatayo siya malapit sa kotse ng kapit-bahay. Hindi ko man malinaw na nakikita ang mga mata niya pero ramdam ko na sa akin nakatingin ang mga 'yon.

Malalim ang paghinga ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako ng diretso sa kaniya, nag-aantay sa susunod niyang gagawin. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo hanggang sa hindi ko na siya makita.

Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang hindi ko na talaga siya makita. Bumalik na ako sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto ko.

Nang makaakyat ako sa kwarto ko ay agad akong sinuri 'yung relo. Na-realize ko na kay daddy pala 'to. Hindi kaya nahulog niya ito nang maka-engkwentro nila ang killer? May mga natuyong dugo pa kasi roon na panigurado ay galing sa sugat ni daddy sa braso.

Sunod kong binuksan 'yung envelope. Dalawang litrato ang nandoon. Ang una ay family picture ng Javier. Kumunot ang noo ko nang makita ang mga ekis na marka sa ulo ni Tita Serenity at Ate Sandy. Binilugan naman ang nasa gitnang si Mayor Javier. Sa pangalawang litrato naman ay si Mayor Javier lang ang nandoon. Nang tignan ko ang likod nang mga litrato ay may mga letra ulit na nakasulat doon.

Q at I

Nakakabaliw naman 'tong mga letrang 'to. Ang dami ko nang natanggap na envelope pero wala pa rin kaming nabubuong clue roon sa mga letrang nakasulat.

Bumuntong-hininga na lang ako at nilagay ang envelope sa bag ko. Ibibigay ko ulit 'yon kay Macey. Nilagay ko na lang muna 'yung relo ni daddy sa side table. Mamaya ko na lang iyon ibibigay sa kaniya.

Nahiga na ako sa kama ko at pumikit. Kailangan ko munang matulog. Ilang oras lang ay gigising na ulit ako dahil may pasok pa kami.

***

Wala akong maintindihan sa mga pinagsasasabi ng kaklase kong nag re-report ngayon sa harapan. Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay antok. Unang subject pa lang ay antok na antok na ako. Paano pa kaya mamaya?

"Ma'am, may I go out?" Tinignan ko si Brix na nakatayo ngayon at nakatingin sa adviser namin.

Pinayagan naman siya kaya agad siyang lumabas ng room.

Hindi naman nakatakas sa pandinig ko ang pangungulit ni Jayson kay Macey na nasa tabi ko.

"Macey, natanggap mo ba 'yung mga pagkaing pinadala ko kagabi?" tanong ni Jayson pero hindi siya pinansin ni Macey.

"Nakatulog ka ba nang maayos?" tanong na naman ni Jayson. Nakapangalumbaba lang si Macey habang nakatingin sa harapan.

Tumango na lang ako sa desk ko at pumikit. Susubukan ko lang umidlip. Siguro naman hindi ako mapapansin ng adviser namin dahil sa likod kami nakapwesto.

30 minutes din ata ako naka-idlip. Pagdilat ko ay patapos na mag report 'yung kaklase ko.

"Bumili lang ako kanina ng kape mo, pagbalik ko tulog ka na." Tinignan ko si Brix na may hawak na canned coffee. Nilagay niya iyon sa desk ko.

"Thank you," sabi ko.

"Anong oras ka ba natulog kagabi?" tanong niya.

"Maaga akong nakatulog. Kaso lang naalimpungatan ako. Nawala naman antok ka kaya bandang 3AM na ako nakatulog," sabi ko sa kaniya.

"Kaya naman pala antok na antok ka," aniya.

Ilang oras ang lumipas at huling subject na namin. Walang masyadong nangyari sa araw na 'to at gusto kong ipagpasalamat iyon. Walang nangyaring gulo o anumang aksidente.

"Get ready for your group presentation tomorrow. Class dismissed." Pagkalabas ng teacher namin ay kaniya-kaniyang ayos na ng gamit ang mga kaklase ko para makauwi na.

"Daan muna tayo sa Belle's Cafe," sabi ni Macey.

Bigla kong naalala 'yung bagong envelope na natanggap ko. Muntik nang mawala sa isip ko. "Sige. May ipapakita rin ako sa'yo, e," saad ko.

"Oh, okay!" sagot niya at nagligpit na ng gamit. Dumaan lang din muna ako sa locker ko at nilagay ang ilang gamit ko na hindi naman gagamitin.

"Tara na," aya ni Jayson.

Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Macey. Si Jayson naman ay nakatingin lang sa amin at inaantay kaming kumilos.

"Tara na," sabi ko at nauna na.

***

"So, ano 'yung ipapakita mo sa akin?" tanong ni Macey.

Uminom muna ako sa frappe ko bago sumagot. "Nakatanggap ulit ako ng envelope," sabi ko.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang envelope.

"This time, picture naman ng mga Javier." Nilabas ko ang mga litrato at pinakita sa kanila.

Kinuha ni Jayson 'yung isang litrato ni Mayor Javier. "Si Mayor Javier ang target niya ngayon."

"Gosh! Mas malaki ang epekto nito sa Greenville kapag si Mayor na ang napahamak," sabi naman ni Macey.

"Demi, mayor na ng Greenville ang susunod. Hindi ba mas mabuti kung sasabihin na talaga natin 'to sa mga pulis?" tanong ni Brix.

Napaisip ako sa sinabi ni Brix.

"Brix is right. We need their help. The Mayor's life is in danger," pag sang-ayon ni Macey.

Tinignan ko sila isa-isa at tila ba pare-parehas sila ng gusto.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at hinanap sa contacts ko ang number ni dad. Bigla naman nag ring ang cellphone ko dahil sa tawag ni Sofia.

"Hello, Sofia?" sagot ko sa tawag niya. Kumunot ang noo ko nang marinig ang paghikbi niya.

"Sofia, what's wrong? Bakit umiiyak ka?" nag-aalalang tanong ko.

"Demi, si dad..."

Nanginig ang mga tuhod ko nang marinig iyon.

"A-anong nangyari?"

"Nawawala si daddy. Kung saan-saan na siya hinanap pero hindi siya makita," sabi niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Demi, bakit?" tanong ni Macey na kanina pa pala nakatingin sa akin.

"Oh, shit!" Napatingin kami kay Jayson na nanlalaki ang mata habang nakatingin sa cellphone niya.

"Sofia, nasaan ka?" tanong ko.

"Nandito ako sa bahay. Si Kuya Sander tumutulong din sa paghahanap," sagot niya.

"Okay, okay! Wait for us. Pupunta kami d'yan. 'Wag kang aalis," sabi ko sa kaniya.

Nang binaba niya na ang tawag ay tumingin ulit ako kay Jayson.

"Anong problema, Jayson?" tanong ko.

Tumingin siya sa amin at inabot ang cellphone niya.

Nabasa namin ang isang post. Naalala ko 'yung isang post sa Facebook na nabasa ko last time. Iisang tao lang din ang nag post ngayon.

Felix Cipriano

Tinakasan na tayo ni Mayor Javier. Pinabayaan niya na ang Greenville.

"Basahin niyo rin 'yung comments," sabi ni Jayson.

Baka patay na.

Walang kwenta!

Legit daw! Nawawala ang mayor.

Shet! New movie. Hindi na 'Finding Nemo,' 'Finding Solomon' na.

Marami pa kaming nabasang comments at halos ay pare-parehas lang na patay na daw ang mayor.

"Kailangan natin puntahan si Sofia. Mag-isa lang siya sa bahay ngayon," sabi ko sa kanila.

Nagmadali na kaming umalis sa coffee shop. Paglabas namin ay nagkalat ang mga tao. Lahat sila ay pinag-uusapan din ang pagkawala ni Mayor Javier.

"Sumakay na kayo," utos ni Brix.

Pagkasakay namin ay pinaharurot niya na ang sasakyan niya.

Nanginginig ang kamay ko habang pinipindot ang number ni Sofia sa contacts ko.

Napapikit na lang ako dahil sa kaba lalo na ng hindi sagutin ni Sofia ang tawag ko. Ilang beses ko pa siyang tinawagan pero hindi niya talaga sinasagot.

"Brix, bilisan mo! Hindi ko na ma-contact si Sofia," utos ko sa kaniya.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Shit! Ano na kayang nangyari kay Sofia?

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status