Share

XXXVII. Greenville's Nightmare

Jayson's POV

I opened the car door for Macey pero sa kabila pa rin siya lumabas. Damn it! Kailan kaya ako nito papansinin?

Sumunod ako sa kanila papasok sa bahay nila Sofia. Ilang beses akong napalunok nang maisip na magkakaharap-harap na naman kaming tatlo nila Macey at Sofia.

Ang gago ko naman kasi talaga. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Inaamin ko, na-attract ako kay Sofia but I still love Macey. Siya lang ang babaeng sobrang minahal ko. Gagawin ko talaga ang lahat para lang maibalik siya sa akin.

"Manang, nasaan po si Sofia?" tanong ni Demi sa katulong ni Sofia.

"Nasa taas siya, kanina pa umiiyak," sagot nito.

Nagkatinginan kaming magkakaibigan at mabilis na umakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto ni Sofia.

"Sofia! Sofia!" Kumatok si Demi sa pinto ng kwarto ni Sofia. Ilang saglit lang ay bumukas 'yon at tumambad sa amin si Sofia na namumugto ang mata.

Umiwas ako ng tingin nang magtagpo ang mga mata namin. Ibinaling ko na lang ang tingin ko kay Macey at nahuli ko pang nakatingin siya sa akin.

I bit my lower lip to prevent myself from smiling. Damn! Nakakabakla. Pero ayos lang, alam kong sa tingin na gano'n ni Macey ay may pake pa rin siya sa akin.

***

Demi's POV

"Kakatawag ko lang kay mommy. Hanggang ngayon ay naghahanap pa rin sila dad," sabi ko sa kanila.

"Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama pati kay daddy," sabi ni Sofia na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin.

"Lalabas lang ako saglit," paalam ko sa kanila.

Tumingin naman sa akin si Brix. "Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Iinom lang ako ng tubig," sabi ko. Lumabas na ako ng kwarto ni Macey. Imbis na pumunta ako sa kusina, dumiretso ako sa pool area nila. Medyo madilim na rin dahil ala-sais na.

Pagkarating ko sa pool area ay agad kong hinanap ang number ng killer. Tinawagan ko iyon. Ilang beses munang nag ring bago niya iyon sinagot.

"Nasaan si Mayor Javier? Saan mo siya dinala?" mariin kong tanong sa kaniya.

"Oh, the Mayor? Don't worry, ayos lang naman siya. Hindi ko naman siya papatayin agad," anito.

Napayukom ako ng palad at huminga nang malalim. "Isa ka talagang demonyo!"

Tumawa siya nang malakas. "Oo, demonyo ako. Pero hindi lang ako. Baka magulat ka kapag nalaman mo kung sino pa ang mga demonyong nakapaligid sa 'yo."

Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa cellphone ko. Hawak niya nga si Mayor Javier at anumang oras ay pwedeng may mangyaring masama sa kaniya.

Mabilis na lumipas ang oras. Mahinahon na si Sofia ngayon ngunit kitang-kita pa rin sa mukha niya ang matinding pag-aalala.

"So, what are we going to do?" tanong ni Macey.

"Let's just stay here for a while. Wala rin naman tayong magagawa kung aalis tayo rito," sabi ni Brix.

At gano'n nga ang ginawa namin. Sinamahan lang namin si Sofia magdamag dito sa kwarto hanggang sa isa-isa na kaming nakatulog.

***

Third Person's POV

Habang lumalalim ang gabi sa buong Greenville, sa kabilang banda naman ay malawak na nakangiti ang isang lalaki habang pinagmamasdan ang tulog na si Mayor Javier. Naka posas ang dalawang kamay nito at may busal sa bibig.

"Iiwan muna kita saglit dito. 'Wag kang mag-alala, hindi ko naman uubusin ang mga tao mo," sabi nito at tumayo.

He wore his black jacket and his white mask. He placed his knife inside his pocket while holding a gun in his right hand.

Sinigurado niya munang maayos ang lahat, naka-lock ang mga pinto, at hindi makakatakas ang mayor bago niya nilisan ang kaniyang pinagtataguan.

"This would be a night to remember," bulong niya sa sarili habang naglalakad palayo.

Then, he found his first target. Nakangisi niyang ikinasa ang baril at itinutok iyon sa lalaking nakatalikod malapit sa kaniya. Walang pag-aalinlangan niya itong binaril. Tatlong malalakas na putok ng baril ang nangingibabaw bago tuluyang nawalan ng buhay ang lalaki.

Happiness and satisfaction.

Ayan ang nararamdaman ngayon ng killer. Tila mapupunit na ang kaniyang labi sa lawak ng kaniyang ngiti.

Malalakas na iyak, sigaw, at putok ng baril ang sunod-sunod na bumalot sa buong Greenville. Dumadanak ang dugo sa bawat lugar na pinupuntahan niya.

"Tulong! Tulong!" sigaw ng isang babae. Nanginginig ito at sinusubukang tumakbo ngunit hindi na siya nakalayo pa.

Ilang taga ng kutsilyo ang natanggap niya. Walang pag-aalinlangang dinukot ng killer ang mga mata ng babae at iniwan iyon sa kamay nito.

Maraming katawan ang nagkalat sa kalsada, duguan at wala ng buhay. Isang malakas na tawa ang pinakawalan ng killer habang iniisip ang ginawa niya.

Ang gabing ito ay lubos na nagbibigay saya sa kaniya, ngunit isang bangungot naman para sa buong bayan ng Greenville.

***

Demi's POV

Nagising ako sa guest room, katabi ko si Macey habang ang dalawang lalaki naman ay nakahiga sa kabilang kama. Marahan kong kinusot ang mata ko at tumayo. Madilim pa kaya sigurado akong gabi pa lang o kaya naman ay madaling-araw.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Naglakad ako patungo sa kusina ngunit mabilis din akong napaatras nang maaninag ang isang katawan na nakahandusay sa lapag.

"Manang? Manang Linda!" Agad akong lumapit sa katulong nila Sofia. Napatakip ako ng bibig nang makita ang duguan niyang katawan.

"Oh my God!" Dahan-dahan akong tumayo, nanlalaki pa rin ang mata ko habang nakatingin sa bangkay ni Manang Linda.

"Tulong! Tul---" Isang malamig na bagay ang dumapo sa sentido ko. Nanigas ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw. Tanging kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon.

Gumalaw 'yung taong nasa gilid ko hanggang sa makarating siya sa harapan ko. Nanindig ang balahibo ko nang makita ang killer. Nasa harapan ko siya ngayon! Sobrang lapit at nakatutok sa akin ang baril niya.

"Go, scream! Scream!" Napapikit na lamang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Diniin niya muli sa sentido ko ang baril niya hanggang sa....

Sunod-sunod na putok na ng baril ang narinig ko.

Nanghina ang mga tuhod ko at napaupo na lamang. Ilang saglit pa bago ko idinilat ang mga mata ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, wala naman akong naramdaman na anumang kirot na dulot ng baril.

Inangat ko ang ulo ko ngunit wala na siya.

"Demi! Fuck! What happened to you?" Agad akong niyakap ni Brix. Wala akong nagawa kundi umiyak na lang.

Akala ko mamamatay na ako.

***

"Shit! A-anong nangyari?" tanong ni Jayson habang nakatingin sa bintana.

Inihinto ni Brix ang sasakyan at sabay-sabay kaming lumabas. Napatakip na lamang ako ng bibig nang makita ang mga nagkalat na bangkay sa kalsada.

"Shit! Shit! Hindi ko kaya." Tinakpan ni Macey ang mga mata niya.

Ilang sasakyan din ang tumigil para tignan ang mga nagkalat na katawan. Gulat at takot ang mababakas sa mukha ng mga tao.

Kahit ako ay hindi kinakaya ang nasa paligid namin ngayon. Napahawak na lang ako sa ulo ko nang makaramdam ng sakit. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa isang hospital bed.

"Demi." Pagkadilat ko ng mga mata ko ay Brix agad ang nakita ko.

"Okay ka na ba? Hindi ba masama ang pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong niya.

Kumunot ang noo ko at dahan-dahan na naupo. "Anong nangyari?" tanong ko.

"Natumba ka na lang bigla kanina. Ang sabi ay over fatigue raw," aniya. Naalala ko naman bigla ang mga bangkay kanina.

Napapikit na lang ako at huminga nang malalim.

Naramdaman ko na lang ang mga braso ni Brix na bumalot sa akin.

"Brix, ayoko na. Hindi ko na kaya..."

"Matatapos din ang lahat ng 'to, Demi. Kakayanin natin 'to," saad niya.

Hindi ko alam...hindi ko alam kung kakayanin pa namin. Mag-isa lang ang killer na 'yon pero nagagawa niyang pumatay ng maraming tao. Samantalang kami, marami kaming naghahanap sa kaniya pero hindi namin siya mahanap-hanap. Hindi namin siya mahuli. Napakahirap niyang hulihin.

Humiwalay si Brix sa akin nang mag ring ang cellphone ko. Inabot niya sa akin iyon at nakita ko ang number ng killer.

Si Brix na ang sumagot ng tawag.

"Are you giving up now, Demi? 'Wag muna. Marami ka pang kailangang malaman, magpapakilala pa ako sayo," sabi nito.

"Tigilan mo na ang girlfriend ko!" galit na sigaw ni Brix.

"Brix Mariano. Mas okay siguro kung sabay kayong dalawa ni Demi na makikipagkita sa akin. What do you think?" Tumawa na naman siya nang malakas. Nakakarindi.

"I want to invite you and Demi at my place. Let's have some drinks. I'll send you the address. Ito na siguro ang tamang oras para malaman ninyo ang mga dapat ninyong malaman." Pagkasabi niya no'n ay binaba niya na ang tawag.

Nagkatinginan kami ni Brix.

"Let's have some drinks...with him."

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status