Continuation.
"Kamusta ang kumpanya mo?" basag ni Amara sa katahimikan
Tinusok ko ang pagkain ko at agad na ngumuya. "Okay naman madami kaming project sa iba't-ibang bansa." Ngumiti ako sa kanya
"Oh, ganoon ba? Kayo rin pala ang gumagawa ng rest house ni daddy sa palawan." saad niya sa akin tumango naman ako bilang sagot.
"Yes, kaunting ayos na lamang 'yun at magagawa na rin namin. We hired some architect para hindi na kami mahirapan sa desenyo." saad ko sa kanya at uminom ng tea
"Naexcite nga ako sa rest house ni daddy hindi ko kasi alam para kanino 'yun. Sana sa 'kin nalang ang ganda kasi!" she smiled sweetly kaya napailing ako sa kanya.
"Baka naman sa ibang purpose niya ginawa 'yun? Bakasyunan ninyo." Kibit balikat na saad ko sa kanya dahilan para sumimangot siya.
"Basta ang sabi niya lang ay may titira raw roon kapag nasa mission." kunot noong saad niya sa akin
"Mission?" nagtatakang saad ko sa kanya at sumandal sa upuan
"Oo, si daddy kasi ay isang agent sa italy. Hindi pa naman ako nakakapunta doon kasi ayaw niya" saad niya napaawang naman ang labi ko "Tapos 'yun doon daw sila titira kapag may mission silang gagawin" she rolled her eyes
"Woah." natawa ako sa sinabi niya "Ibig sabihin agent ang dad mo as in spy agent?" manghang saad ko tumango siya at kumain
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami saglit ng matapos tumayo na ako hawak ang kamay niya. Lumakad kami sa labas maggagabi na rin kasi at ihahatid ko pa si amara sa bahay nila. Giniya ko siya sa kotse ko at agad umikot tinignan ko ang gilid ko ng may makitang tao sa banda madilim na parte.
Kumunot ang noo ko mabilis na sumakay sa kotse hindi maalis ang paningin ko sa labas. Hindi ko nalang pinansin at pinaadar ang kotse ko ganito talaga minsan may nakasunod sa'kin at kung minsan naman ay may mga taong gusto akong patayin. Hindi ko alam wala akong ideya.
"What's the matter?" pagpukaw ni Amara sa isip ko
I sighed. "Wala naman, love may iniisip lang." ngumiti ako para hindi na siya magaalala pa
"Okay." she smiled hinawakan ko naman ang kamay niya hinalikan ko 'yun "Clingy" nakangusong saad niya
I chuckled. "Mahal lang kita." saad ko nakita ko ang pagpula ng pisngi niya kaya natawa ako
Pinarada ko ang sasakyan ko sa mansyon nila huminga ako ng malalim at agad na bumaba sa kotse ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto agad siyang sumabit sa braso ko hinayaan ko nalang siya sabay kaming pumasok sa bahay nila.
"Mom, Dad I am home!" sigaw ni Amara at pinadala sa katulong ang bag niya
Naabutan namin sila sa sala ang daddy niya ay may kausap sa phone humalik si Amara sa kanya. Si Noemie as usual nasa upuan at nagddrawing na naman pansin ko kasi na hindi siya close sa mommy at kay amara. Hindi nalang ako nangielam sa kanila baka may misunderstanding lang sila.
"Alright, I'll brings some men there. Take care, Cathalina!” malambing na saad ng daddy ni Amara kaya kumunot ang noo ko "Alright, no I won't be mad basta mag-i-ingat ka riyan." saad niya
Nakita ko ang pagsimangot ni amara tumingin sa amin ang dad niya tumango ako at bahagyang yumukod. Umupo kami sa sofa at tahimik lang akong nakinig sa usapan nila.
"Dad," saad ni Noemie kaya napa tingin siya dito "Akyat lang ako sa kwarto." mahinhin na saad niya at hinalikan sa pisngi ang dad niya
"Dapat lang umakyat ka hindi ka naman belong dito." masungit na saad ni Amara kaya pinisil ko ang kamay niya "I'm just telling the truth here, she doesn't belong in this family." matigas na saad niya
"Amara." Tito warned her kaya na pasimangot si amara
Nakita ko ang paghinga ng malalim ni noemie nangilid ang luha sa mga mata niya. Agad siya tumalikod dala ang gamit niya at umakyat sa taas tinaliman ko ng tingin si amara kaya natahimik siya at napanguso.
"I already told you Amara, stop insulting your sister." malamig na saad ni tito nangilabot naman ako sa tono ng pananalita niya
"Dad, I am great in comes to modelling." pag-iiba ng usapan ni Amara kaya napabuntong hininga si tito sa kanya
"Alam mong kapag nalaman ni Cathalina ang ginagawa mo. Ikaw rin ang malalagot sa kanya," si tito matalim ang tingin kay Amara
"Dad, lagi nalang ba sila?" inis na saad ni Amara. "Wala naman silang kwenta sa pamilyang 'to!" she spat like a spoiled brat.
"Amara." nagtitimping saad ko sa kanya na natahimik at kinagat ang labi
Napailing nalang si tito sa kanya at umayos ng upo, nakikinig lang ako sa usapan nila. Masaya na ulit ang mukha ni Amara ng mag usap sila ng daddy niya ng matapos ang usapan ay agad na ako nagpaalam sa kanilang dalawa. Yumuko muna ako at agad na lumabas ng bahay hindi na ako hinatid ni amara mag uusap pa sila ng daddy niya.
That's weird, Sino naman si Cathalina?
Good afternoon, Sunshine's! Finally, im done with my first novel named Guarding The Mafia Heir (Mafia Series 1) and i am so glad that you read it seriously. Maraming salamat sa lahat ng mambabasa, nagbabasa at magbabasa pa lamang. Sana nagustuhan ninyo ang story ko, marami pa kayong dapat abangan! I have Mafia Series 2. Ip-post ko po after ng ilang days. Maraming salamat po! Mahal ko kayo! Sana palagi ninyo akong suportahan sa lahat ng nobelang gagawin ko! Maraming thank you!!! This is C, ending my Mafia Series 1. I'm really proud to my self! Thank you ulit Sunshine's! See you sa Mafia Series 2!
[Special Chapter]Cathalina's POV:Hay! Finally, it's all done and we can live peacefully. But i'll never forget that night, the night that we lost another family member again. Masakit para sa'kin maski kay Tristan ang nangyari, wala na naman akong nagawa that night. Paano ako makakagalaw at makakakilos kung hawak ako ng limang katao at kinukuryente pa ang katawan ko? Pero ginawa ko ang lahat, naming lahat para lang mailigtas silang dalawa, but then again we lost.As day, months, years goes by we finally accept what happened as my husband did. There are times that we're struggling to the point we can really understand each other. We didn't want to see nor to talk to each other because we deeply hurt, kasabay ng pagkawala ng papa ko ay siyang pagkawala ng mga magulang niya. I understand him, pero may mga pagkakataon na hindi ko na makilala si Tristan. But, not until he reached me, he slowly tightened his grip to my
[Epilogue]Dumaan ang maraming taon at maraming araw, sariwa pa rin sa akin ang nangyari noong gabing 'yun. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mukha ng mama at papa ko, kung paano sila mismo namatay sa harapan ko. Hindi ko makakalimutan ang gabing 'yun ang gabing sumira sa buong pag katao ko. Pagkatapos ng gabing 'yun marami pa ang nangyari sa amin, dumating sa puntong hindi ko na makilala ang sarili ko. Ang dating ako, dumating rin kami ni Cathalina sa puntong hindi na kami magkaintindihan na ultimo nag-aaway sa maliit na bagay.Ilang araw rin, nilibing ang mama at papa ko nung araw na 'yun. Masakit pa rin para sa'kin pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang bumuhay ng patay, at hindi ko na mababalik pa ang nakaraan. Natanggap ko na rin at hinding hindi ko makalimutan ang huling sinabi ng papa ko ang h'wag sisisihin ang sarili ko, sa kung ano ang nangyari sa'kin at sa pamilya ko. Ganun ang buhay, punong puno ng misteryo at sakit per
[130] [The Finale] Tristan's POV: Whoo! Madami na akong sugat na natatamo dito. Maski nga rin si Dad, madami kasi talaga ang mga tao naman ni dad ay tama at sakto lang. Kada mauubos may pumapalit, may nakikita pa nga akong nagpapalaso sa gilid. Hindi ko naman kilala 'yun, natutumba naman ang mga kalaban namin dito. Napatingin lang talaga ako sa asawa ko na napapikit doon at hawak ang tagiliran. Lalapitan ko sana ng may sumapak sa tiyan ko at mukha ko, kaya ito ako ngayon nakikipagbuno na naman ng hindi ko malapitan ang asawa ko na nandoon. "Dad, hindi ba masyadong marami?!" sigaw ko kay daddy na prente lang doon kahit bugbog na rin. "Argh! Ang dami at napapagod na ako!" reklamo ko pa. "Madaming tauhan si Zeus, ang iba ay sindikato kayo malalaki ang katawan! Kaya kailangan mo mag-ingat, Tristan." paalala niya at napaluhod na dahil hinampas ng kahoy sa binti.
[129] [The Bloody Battle] Cathalina's POV: Hindi ko napaghandaan ang bagay na 'to, wala akong ideya sa nangyayari ngayon. Basta ang alam ko ay tinawagan ko na ang mga tauhan ko, alam kong anong oras man ay nandito na sila. Ang dad ni tristan, hindi ko alam kung saang pinto ba sila nandun pero ang sabi sa'kin ng dad niya, maduming maglaro si Zeus. Iba kung mag-isip, kaya hindi ko na alam ang uunahin ko, nawawala ang buong angkan ng Valeria at si Noemie. Hindi ko alam kung nasaang pinto ba sila, mamaya at patibong lang pala. Isa pa ang mga anak ko, once na maputol ang tali deretso sila sa transparent box na nasa ilalim nilang tatlo. Nakakainis lang na hindi pa nga tapos ang plano ko at ng dad ni Tristan ay eto ngayon, nandito ako. Sana naman lumabas s'ya sa pintuan na 'yan diba? Kanina ko pa nga kinakausap ang sarili ko gamit ang earpiece. Wala pa rin talaga sagot, baka knockout ang
[128] [The Bloody Battle] Tristan's POV: After we talked everything about her plan, naisip ko na ang talino niya para makaisip ng plano at strategies. Wala lang, bumilib lang ako sa asawa ko! Actually, hindi naman talaga plano parang kapag nasa actual case na kami ay handa kami. May mga tao daw na tutulong sa'min so, wala na akong dapat ipagalala kasi i trust my wife. Alam ko naman kasi na magagalit si Zeus, sino ba naman hindi? Pinatay lahat ng mga tao mo at ang kaibigan mo, sinira at sinunog ang mga illegal na ginagawa mo. Wala ng iba pang ginawa ang asawa ko, 'yun lang daw pero hindi ako naniniwala i know mayroon pa. Hinayaan ko nalang rin, baka kasi may plano talaga s'ya. 8:30pm ng umalis kami sa opisina niya, madami kasi s'yang trabaho na inasikaso kanina. At may meeting pa s'ya kaya naman naghintay ako ng dalawang oras para lang makauwi na kami. Sila mom at dad nandoon sa ba