Share

Guarding The Mafia Heirs
Guarding The Mafia Heirs
Author: crisleeeng101604

Chapter 1.1

Chapter 1.1

Tristan's POV:

Pagkatapos nang photoshoot namin ni Amara, girlfriend ko ay agad kaming nagpalit ng aming mga damit. Pumunta ako sa na ka-assigned na dressing room para sa 'kin. Ganito naman palagi sa buhay ko pupunta sa shoot at babalik sa kumpanya. Minsan ko lang makasama ang mga kaibigan ko dahil palagi kong kasama si Amara. 

Matagal na kami ni Amara siguro umabot na kami sa limang buwan masasabi ko na masaya ako sa kanya. Ang kagandahan ni Amara ay simple pero matapang, nagkakilala kami noong highschool kami nabighani talaga ako sa ganda niya. Plus the fact na sobrang bait niya hindi ko nga alam bigla ko nalang siyang nagustuhan.

Mahirap makuha si Amara pero dahil masipag akong manliligaw ay kaagad ko rin naman siyang nakuha. Katulad ko ay isa rin siyang model under her mom's company ganoon rin ako malaki ang kinikita ko sa pagmomodel at isa pa may sarili na rin akong kumpanya. At the age of 21 may sarili na akong kumpanya at masasabi ko na successful na rin ako. 

Ngayon na matanda na ako hindi ko na kailangan pa ng bantay para sa kaligtasan ko. Minsan, may pinapadala si papa pero nag babackout ang lahat dahil lahat sila ay sinusungitan ko at tinatakasan. Ayoko naman talaga si papa lang talaga ang may gusto kahit si mama lagi nilang sinasabi na para rin naman sa akin 'yun kaya hinayaan ko nalang. 

Nag-iisang anak lang naman kasi ako at alam ko na gusto lang nila na protektahan ako. Hindi ko nga alam kung bakit? Pero hinayaan ko nalang sila basta hindi nila pinapakielaman ang trabaho ko magiging maayos kami. Close ako sa kanilang dalawa walang patid akong kung magbigay ng mga bagay na magugustuhan nilang dalawa. 

Syempre, sa kanila ako nakatira at isa pa ayaw nila na tumira ako malayo sa kanila. They treating me as their baby, minsan naiinis ako pero deep inside masaya ako na ganoon nga. Wala rin naman kasi akong magagawa kung hindi sundin silang lahat. Limitado ang mga ginagawa ko pero hindi sila hadlang sa ginagawa ko ngayon.

Sinuot ko ang denim jacket na nandito sa dressing room black 'yun at bagay sa puting t-shirt na suot ko panloob. Agad akong lumabas at naabutan si amara na tinatarayan na naman ang mga bagong salta. Maldita talaga si amara pero hindi ko kinukunsinti dahil baka mas lalo lang lumala.

Inayos ko ang buhok ko at lumapit sa kanya hinawakan ko ang siko niya. Agad siyang ngumiti sa'kin tinignan niya ang mga model na nagsshoot rin sa may unahan. Nameywang ako at tinignan silang lahat magaganda naman at may potensyal kaya hindi na rin masama.

"Love, date tayo?" malambing na saad ni amara at kumapit sa braso ko 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Saan mo ba gusto kumain, hmm?" Tanong ko sa kanya at inipit ang straight niyang buhok 

She pouted. "Kahit saan. Hindi ko naman iyon papansinin dahil ikaw naman ang aking kasama." she winked kaya natawa nalang ako sa kanya 

Nagpaalam na kami sa manager naming dalawa magkahiwalay kasi kami ng manager. Agad ko siyang inakbayan habang nasa elevator kami hinalikan ko ang noo niya she giggled. Sabay kami lumabas sa elevator inalalayan ko siya pasakay sa kotse ko at agad akong pumasok. 

"Korean Restaurant nalang tayo, love," saad niya at inayos ang upo niya 

Tumango ako at inikot ang kotse ko para makapunta sa restaurant na gustong gusto niya. Matagal na kami legal rin kami both side mabait naman kasi ang mommy ni amara pero kapag titingin ako sa daddy niya, gusto ko nalang lumubog sa kinatatayuan ko. Ang strict ng daddy niya at isa pa may lahi silang italy ang alam ko may isa pa silang kapatid. 

Kilala ko na si Noemie mabait rin naman siya pero masyado siyang ilap sa tao. Hindi ko alam kung sino ang kapatid niyang isa at wala naman akong balak na kilalanin siya. Seloso masyado ang girlfriend ko kaya ayoko na nagaaway kaming dalawa. Ang mga kaibigan ko lang ang may alam tungkol sa amin. 

Yes, alam rin nila mommy pero dahil nga sikat kami kailangan naming itago. Hindi kami pareho na makakatanggap ng malaking offer kapag sinabi namin na mag on kaming dalawa. Parehas naman naming gusto at wala rin naman akong reklamo. 

"We are here." saad ko sa kanya at bumaba sa sasakyan 

Agad ko siyang inalalayan pababa hinalikan ko pa siya sa labi na agad niyang tinugon kaya natawa kami parehas. Hinaplos ko ang bewang niya at sabay na kaming pumasok sa loob iginaya kami ng waiter. Pinaghila ko siya ng upuan she murmured her thank you. 

"What do you want to eat?" tanong ko sa kanya habang nagbabasa ng menu 

"Sushi, teriyaki na lang." mahinahon na saad niya. "At ice tea na rin." ngumiti siya kaya agad akong tumango 

Sinabi ko sa waiter ang order naming dalawa mas matanda ako kay Amara ng dalawang taon dahil 19 palang naman siya. At isa pa hindi naman siya ang first love ko, hindi ko makakalimutan ang batang babae na nakilala ko dati i consider her as my first. My girlfriend doesn't know about my first love basta ang mahalaga ay hindi niya alam. 

Mahal ko si Amara, sobra ang pag mamahal ko sa kanya. At isa pa hindi mahirap mahalin si Amara bukod sa matalino at mabait ay wala na akong mahihiling pa sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status